Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

That same week, gumawa ako ng bagong twitter account. Hindi ito naka-private unlike my other account. Bagong selfie rin ang ginawa kong icon doon kaya pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil nakababa na raw ako sa bundok.

Hindi ko kasi sila finofollow sa private account ko kaya akala nila ay first time ko sa twitter.

Achi @elorachin_
18 | Sikolohista | Healing isn't linear.

70 Following - 110 Followers

Achi @elorachin_
Pagod na agad ako para sa clean-up drive bukas. I hope everything turns out well. See you!

Nakahiga lang ako sa kama ko nang i-tweet ko iyon. Pwede kaming hindi mag-uniform bukas dahil nga maglilinis lang naman kami. Dinidemonyo pa ako ni Vina na mag-inom na lang daw kami at wag nang pumasok.

I would like to agree but I'm their class president.

Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko kaya bumangon ako at binuksan yon.

"Kakain na." Ate Heather said.

Sumunod na ako sa kanya. Iniwan ko ang cellphone sa kama at bumaba na rin papunta sa kusina. Naroon na si Mama at Papa, nagdadasal para sa pagkain.

I sat there in silence, waiting for them to finish their prayer.

Nagsimula kaming kumain habang nag-uusap sila. It's like a formal dinner, walang tawanan at kaswal na kwentuhan.

"Heather, tuloy ka na ba sa Japan?" tanong ni Mama kay Ate.

She nodded. "Aalis na ako isang buwan mula ngayon, Ma. Nakausap ko na ang boss ko at ihi-hire nya ako bilang financial manager doon."

Matagumpay na ngumiti si Mama sa kanya. "Ikaw, Chin? Kumusta ang pag-aaral? Dalawang sem ka nang consistent dean's lister, ha? Baka naman mawala pa 'yon."

Papa sighed. "Wag mong i-pressure ang bata, Lucille."

Lihim akong napangiti sa sinabi ni Papa. Kung hindi pa obvious, talagang paborito ni Mama si Ate samantalang si Papa ay laging nasa gitna lang kaya kung may gusto akong tao sa bahay na 'to, it would be him.

"Maayos naman ang resulta ng quizzes ko, Pa. At nag-eenjoy din naman ako sa pinag-aaralan ko kaya hindi gaanong mahirap."

Papa gave me a smile. "Mabuti pa rin talaga ang Diyos sa'yo, Chin."

I nodded before dropping my eyes on my plate. Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang nakikinig pa rin sa usapan nila. Ate Heather finished BS Accountancy at a prestigious university but she didn't take the board exam. Naging kampante na rin kasi ito sa trabaho nya dahil bukod sa malaki ang kita, masaya naman sya.

Full time pastor si Papa habang si Mama naman ay kapitana ng barangay namin. Hindi kami sobrang hirap sa buhay at kung tutuusin ay kaya rin nila akong ipasok sa eskwelahan ni Ate pero ipinilit ni Mama na sa state university na lang daw ako pumasok.

It's a good decision, actually. Akala nya ay maiinis ako pero mas lalo lang akong natuto sa paaralan ko.

The dinner ended quickly. Hindi na ako muling tinanong at ipinagpasalamat ko iyon. I don't know if something is wrong with me... but I don't really feel at home in this two-story house. Bata pa lang naman ako ay hindi na malapit ang loob ko sa kanila kahit pa may mga ilang memorya ako na masaya naman kami.

I can't even remember if we have a family picture. Siguro silang tatlo, mayroon, pero 'yung kasama ako, parang wala. Ibang-iba ako kapag nasa university. I'm the confident and smart Chin. People somehow look up to me because they can see my potential... unlike my own flesh and blood. Pag nasa bahay, para akong laging naglalakad sa banig ng bubog dahil kaunting kibot ko lang, marami na agad silang nasasabi.

At the end of the day, iniisip ko na lang na baka masyado akong mababaw.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko at nag-scroll na lang sa twitter. Nakita ko ang tweets ng ilang mga kaklase kaya kahit papaano ay naeentertain ako.

I bit my lower lip when Troy's tweet appeared on my news feed. Paano ay inilike ito ng mga kaklase kong babae.

troy @tjdelapaz
nakakatakot naman tweet ng crush ko, ang formal tapos complete punctuation 😳

I clicked it to see the replies and my forehead creased when I saw Mira and Vina responding to it.

Mira @almiramoreno
Replying to @tjdelapaz
mention mo na kung matapang ka scam ka sa 50 likes

Vina #JunkTerrorLaw @rawvina_
Replying to @tjdelapaz
waiting lang ako sa confession mo sa akin

Marami pang replies doon pero silang dalawa talaga ang napansin ko. Walangya, hindi naman nila kaclose ang lalaki! Talagang hindi nahihiya?!

I pouted before clicking Troy's account. I just wanna take a peek. Baka may makuhang update sa crush nito... dahil wala naman akong ginagawa! Atsaka, yung picture nya three days ago! Gusto kong intindihin!

Oh, God, I sounded so defensive.

troy @tjdelapaz
ang busy ko these days, di na ako nakakasilay bruh baka miss na ako ng crush ko

Patay na patay talaga ito sa crush nya simula last sem, ah? Marami pa akong nadaanang tweet nya na kung hindi tungkol sa crush nya ay rants naman sa subjects. Napakaactive nya sa twitter!

troy @tjdelapaz
bakit naman ako matatakot magkacrush sa hindi ako gusto? di naman masakit yon ah parang kagat lang ng dinosaur

Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ngiti sa nabasa. Siguro ay sabog ang notification nito dahil napakaraming nag-retweet noon. Marami pa syang nakakatawang tweets pero mas nagfocus ako sa picture na ipinost nya nung nasa hall kami.

It's just a normal selfie! Wala akong makitang ibang mensahe roon!

Miski sa mga replies ay wala namang kakaiba bukod sa compliments nila sa lalaki. I stared at it for a long time. Ang kakaiba lang naman sa picture ay ang nakaturong arrow sa chin part nya.

Sa chin?

Chin?!

Para akong tangang umiling kahit wala namang nakakakita sa akin. I have to erase my thoughts! Masasabihan na naman ako nina Vina at Mira neto na asumera!

I closed my phone and blushed. Ugh!

"Pa-move nung table, ilipat mo sa kabilang room, Daniel..." ani ko sa kaklase habang nagwawalis ako.

He obliged. Katulong ang ibang kaklase namin, binuhat nila ang malaking mesa papunta sa kabilang room. I saw some of my classmates cleaning the windows kaya napangiti ako.

"Hoy, Vina, wag kang puro tiktok dyan! Maglinis ka rito!" sigaw ng isa kong kaklase kaya napabaling ako sa pwesto ng kaibigan.

Vina rolled her eyes. "Oo na!"

Ngumiti ako bago ipinagpatuloy ang paglilinis. There are beads of sweats on my forehead because the weather isn't really friendly. Mira helped me in sweeping the floor before we decided to take a rest.

Dahil magkakalapit ang rooms, maraming tao sa labas at wala kaming pwedeng pagpahingahan dahil nailipat na ang chairs and tables sa vacant rooms.

"Si Vina?" tanong ko dahil isang oras ko nang hindi nakikita ang babae.

"Nasa storage room sa hall. Kumukuha yata ng pamalit na arm chairs." Mira answered.

Tumango ako. "Puntahan natin?"

I put my hair in a messy bun. Dahil sa init at pawis ay dumidikit na ito sa batok ko. I pursed my lips as I saw some of students glancing my way. Isang t-shirt na puti at maong na pantalon lang ang suot ko para madaling gumalaw. Wala rin akong in-apply na kahit ano sa mukha ko dahil alam kong pagpapawisan ako.

"Tara."

Wala pa kami sa mismong storage room ay nakita na namin si Vina na nakaupo sa bleacher kasama ang iba naming kaklase. As usual, she's laughing with them na parang hindi pawisan.

"Wala na bang kukunin don?" tanong ko sa mga kaklase nang makalapit kami sa pwesto nila.

"Meron pa. Pahinga lang nang konti." Michelle uttered.

Medyo mahangin sa inuupuan nila kumpara sa building namin kaya medyo natuyo ang pawis sa batok ko.

"Bagay sayo ipit mo, Chin." Muling saad ni Mich.

Tumingin tuloy sa akin ang iba kong kaklase dahil narinig nila ang sinabi ng babae.

I smiled shyly. "Ang init, eh."

Halos lunch time na pero dahil wala namang klase, hindi muna kami kumain. Tumambay muna kami sa bleachers kahit maraming estudyante ang dumadaan patungo sa storage room. Hindi rin kami nagdala ng packed lunch dahil usapan naming sa KFC na lang kami kakain.

"Gusto kong mag-volunteer sa red cross kasi naghahanap sila ng members. Magandang training ground lalo at balak kong mag-doctor."

Napabaling ako kay Vina nang sabihin nya iyon. She's always vocal about her plans of becoming a psychiatrist. May katamaran ito sa pagpasok at paggawa ng requirements pero isa sya sa matatalino sa klase namin.

"Sali ka. Hindi pa naman tayo sobrang busy ngayong sem at saka, every weekend lang naman yata ang training?" ani Mira.

"Oo." Vina nodded. "Ayaw nyo bang sumali?"

Bahagya akong nag-isip. I'm not really interested with joining but I think it's a good excuse to not stay at home. At least, valid at factual ang rason ko kapag aalis ako sa bahay.

"Saan ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Sa Poblacion. Hindi naman maghapon 'yon... mga tig-dalawang oras siguro sa Sabado at Linggo."

"Training ba agad? Saka ilang buwan?" tanong naman ni Mira.

"Oo. Six months yata. Ano? Sali ba tayo?"

Tumingin ako kay Mira dahil ang alam ko ay sya lang naman talaga sa amin ang may mabigat na responsibilidad sa bahay.

"Pass muna ako. Tingnan ko pa," she answered.

Panganay sya sa limang magkakapatid at pinalaki sila ng tatay nya nang mag-isa. Her father is a carpenter and that's their only source of income.

Tumango si Vina. "Ikaw, Chin?"

I shrugged. "Go ako. Nakakaurat na rin sa bahay."

She grinned. "Sumimba ka kasi."

Ilang sandali pa kaming tumambay doon hanggang sa nagyaya na sila na lumabas kami ng campus para pumunta sa KFC.

May parada namang jeep kaya mag-aantay na lang kami hanggang mapuno 'yon. Maraming schoolmate namin ang balak atang sa labas maglunch dahil lahat naman kami ay walang klase. Nasa kaliwa ako ni Mira habang si Vina naman ay nasa kanan nya para sya raw ang maunang bumaba.

Pumasok sa jeep si Sol bitbit ang wallet nya. Kasunod na agad nito si Duke na dala naman ang bag ng babae. Umupo sila sa likod ng driver at iniiwas ko ang tingin dahil nasa bandang dulo ako.

"Duke, Sol, wala na atang upuan dyan! Sa susunod na jeep na lang tayo!" malalim ang boses na sigaw ni Troy sa dalawang kaibigan.

Siniko ako ni Mira at alam ko na agad na nang-aasar sya.

Nang tuluyang tumapat si Troy sa pintuan ng jeep, nakita kong naka-muscle tee lang sya at maong shorts. May kaputian ang exposed na braso nito at bahagyang magulo ang buhok.

"Bahala ka, Troy! Nakaupo na kami. Arte mo!" mataray na saad ni Sol.

Pinasadahan ni Troy ng tingin ang nasa loob ng jeep kaya sumiksik ako sa likod ni Mira para magtago. I don't know why I'm doing this pero naiilang talaga ako sa kanya!

Pinaglaruan ko ang dalawa kong kamay dahil medyo natataranta ako. Sana ay sa susunod na jeep na nga sya sumakay!

"Chin, may barya ka ba sa 500?!" malakas na tanong ni Vina.

I tsked. "Mamaya na..." mahinang suway ko sa kanya.

She giggled. "Bakit ka ba nandyan sa likod ni Mira?"

Nilawit ko ang ulo ko para samaan sya ng tingin ngunit tumagos ang paningin ko sa lalaking nasa entrance ng jeep. Nakatingin ito sa akin at mukhang natigilan.

I quickly looked away. Ibinalik ko ang sarili sa likod ni Mira pero ang gaga ay sumandal na kaya wala akong napagsiksikan! Narinig ko ang mahinang pagtawa nito kaya napagtanto kong nang-aasar sya.

What a great set of friends!

Gumalaw ang jeep tanda na may pumasok sa loob at pumikit na lang ako dahil alam kong sumakay na si Troy. Sikip na! Sana ay inantay nya na lang ang susunod!

"Oh? Akala ko ba ayaw mo?" tanong ni Duke. Sila lang halos ang nag-iingay sa jeep kaya rinig na rinig ko ang usapan nila... at alam kong ang mga estudyante ay nakikinig din.

"Ang ganda, eh," sagot ni Troy bago mahinang tumawa.

"Nino?"

Nakapikit pa rin ako at nakasandal sa balikat ni Mira kaya hindi ko alam ang reaksyon ng mga tao. Tahimik lang ang dalawa kong kaibigan at alam kong nakamasid din sila sa tatlo.

"Itong... jeep. Maganda 'tong jeep. Colorful sa labas tapos mukhang mabilis tumakbo."

Sol snorted. "Ikaw lang naman ang panget."

"Okay lang, basta may score ako kanina sa quiz."

Nakarinig ako ng mahinang tawanan at isang malakas na hampas kaya nagmulat ako ng mata. Umayos ako ng upo dahil umandar na ang jeep. Sa bintana ako humarap at hinayaan ang hangin na dumampi sa mukha ko. Ni isang beses ay hindi ako sumulyap sa pwesto ng magkakaibigan kahit na kanina pa ako sinisiko ni Mira.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa KFC.

"Chin, tama ka na sa pag-iwas ng tingin, pwede na tayong bumaba."

Namula ako sa sinabi ni Mira. Mahina lang naman iyon at ipinagdasal ko na sana ay walang nakarinig non.

"Huy, Troy! Sa Mcdo tayo! Bat ka bababa?!" sigaw ni Sol.

Nakababa na kami pero malakas ang boses ng babae kaya narinig pa rin namin iyon. Bumaling ako sa nakahinto pa ring jeep at nakita ko ngang bumaba si Troy. Sumunod din naman ang dalawa nyang kaibigan sa kanya.

"Mas trip ko KFC ngayon," natatawang sagot nito.

Nauna na kaming maglakad papasok sa KFC at mahigpit ang kapit sa akin nina Vina at Mira. Alam kong nakasunod lang sa amin sina Troy pero pinanatili kong kalmado ang itsura ko.

"Confirmed, Vina... pansin mo?" nanunudyong tanong ni Mira.

"Oo, tangina, tunaw si Chin, eh!"

Muli akong namula sa sinabi ni Vina. "Ano na naman yon?!"

Sumulyap ang babae sa likod namin bago bumulong sa akin.

"Crush na crush ka ni Troy..."

I slightly punched her left arm but I wasn't able to formulate any word to say. Naghanap muna kami ng upuan at pinigilan ko ang sarili na mapasinghap nang pumwesto sina Troy sa tabing mesa namin.

My friends softly screamed. Kaunti na lang ay itutulak na nila ako sa lalaki lalo at upuan namin ang magkalapit.

"Ikaw na ang maiwan dito, Chin. Kami na ang oorder... ano sayo?" nanunudyo pa rin ang tinig na tanong ni Mira.

"Chicken na lang..." mahinang sagot ko.

Nakahinga ako nang malalim nang umalis ang dalawa pero ang nasa kabilang mesa, hindi pa.

"Sunod ako, bro." Narinig kong saad ni Troy kay Duke.

Tumango lang ang lalaki at niyaya na si Sol na umorder. Pinanood ko ang paglapit nila sa pila bago kunin ang cellphone ko para i-distract ang sarili. Hindi pa nakatulong na naalala ko ang pang-aasar nina Vina at Mira kanina tungkol sa paninitig daw sa akin nito sa jeep.

"You're Chin, right?"

I subtly gasped. He's talking to me!

I breathe heavily before looking at him. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin kaya muling umahon ang pagkailang sa puso ko.

Tumango ako. "Why?"

He pursed his lips before smiling a bit.

"May kakilala kasi ako na... may gusto sayo... ipinapatanong nya kung pwede ka bang i-follow sa twitter at i-add sa facebook?"

Hindi ko naitago ang gulat sa mukha ko sa mahaba at dahan-dahan nyang litanya. My mind completely went blank. Mayroon syang kilala na may gusto sa akin? Mayroong may gusto sa akin?!

I swallowed to clear my throat.

"S-sige... uhh... pero baka... hindi ako interesado."

Lumaki ang ngiti nya. He also shifted his weight while looking at me with amusement in his eyes.

"Ayos lang, Chin. I-aadd ka na nya ngayon, ha?" he smiled. "Sige, oorder muna ako."

Nang tumayo sya ay nangangatal na kinuha ko ang cellphone... only to mutter a cuss.

"Tangina."

troy followed you

Troy Jefferson Dela Paz sent you a friend request.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro