Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39


Trigger Warning: Suicide

I feel light the next days. With a concrete plan going inside my head, I stopped hoping for a better life. Ngayon ay pupunta ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Vina.

I wore a pastel green crop top partnered with black high-waisted pants and white sandals. I let my long black hair down and I put some light make-up on my face.

"Red liptint ang gusto ni Vina, okay..." I uttered while applying some.

Nang matapos ay lumabas na ako ng unit. The blazing sun hit my skin but instead of squinting my eyes on it, I basked on its warmth. I breathe and smiled widely. I'll leave this place, soon. It will stop hurting, at last.

"Dr. Rovina Desamero!" bati ko agad pagpasok sa office.

She squealed like a pig and jumped on her seat to run towards me. Mabilis niya akong niyakap habang tumitili. Tumawa lang ako at tiningnan ang magandang office ng mga resident psychiatrist. It's all white and spotless.

"Bakit ka nandito?! Myghad!" ekseheradang tanong niya. "Buti at wala akong naka-schedule na out-patient ngayon!"

Tinanong ko sa isang nurse kung nasaan siya at mabuti na lang talaga ay walang ginagawa ang babae. Hindi naman kasi ako nagsabing pupunta ako.

"Busy ka?" I asked. "Let's eat! Punta muna tayo sa The Slice tapos kain tayo sa favorite mong resto! My treat!"

She narrowed her eyes on me while I give her an innocent smile. Matapos 'yon ay tinanggal niya ang lab coat at kinuha ang bag.

"May duty pa ako, demonyo ka talaga. Magni-night shift na lang ako. Text ko si doc, malakas naman ako ro'n," natatawang saad niya. "Anong sumapi sa'yo, ha?"

Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo sa balikat niya habang naglalakad kami. My gesture reminded me of our college days. Ako na laging nahuhuli sa paglalakad nila ni Mira kasi mas mahahaba ang biyas nila sa akin pero laging haharap sa akin si Vina para sabihing bilisan ko. Titigil pa sila sa paglalakad para hintayin ako.

I sighed. I will miss this woman.

"Ganito, ako na ang magbabayad sa The Slice tapos ikaw ang magbabayad sa Blue Plate. Matagal na rin akong di kumakain do'n kasi nga, ang mahal!" she giggled.

I grinned. "Call!"

Sumakay kami sa sasakyan niya at agad kong binuhay ang stereo. Mabilis na sinakop ng isang pamilyar na kanta ang buong sasakyan. It's Run Through Walls by The Script... perfect for Vina, my one call away friend.

"I've got friends that will run through walls, I've got friends that will fly once called. When I've nowhere left to go and I need my heroes, I've got friends that will run through walls!" sabay na kanta namin habang nagtatawanan.

"Relate much, bait ko talagang friend," saad niya.

"Yuck!" I replied with disgust, but deep in my heart, I agree with her. She's the best friend everyone wishes to have.

"Dapat sa Blue Plate muna tayo para ang dessert ay sa The Slice! Baligtad ba utak mo?" nang-aasar niyang pahayag.

I glared at her.

"Wala ka bang work ngayon? Monday, ah? Akala ko hanggang 5:00 ka?" tanong niya.

Sumandal muna ako sa upuan bago sumagot. "Nag-leave ako," I lied. "Alam mo naman, kailangan ng rest at napaka-toxic do'n."

"Tama! Very good ka d'yan!" saad niya habang tumatango-tango na parang hindi niya ako sinabihang mag-resign na.

I crossed my arms. "May kasalanan ka sa'kin, traydor ka! Bakit mo ako iniwan sa KFC, ha?! Iniwan mo ako kay Troy samantalang sabi mo, wag na ako sa kan'ya!"

"Girl, he's persistent!" she reasoned out. "Nakakaawa pati! Alam mo namang crush ko 'yon dati tapos kakausapin ako nang ganoon kalapit. Ano na lang ang mararamdaman ko?"

Kahit nagmamaneho ay malakas ko siyang binatukan. Tawa lang siya nang tawa. Walangya! Nung kausap niya si Troy ay parang seryosong seryoso siya! Marami pa kaming pinagkwentuhan hanggang sa makarating kami sa Blue Plate. It's a high-end restaurant. Tanaw ang magandang beach sa gilid dahil ang nakapalibot na dingding sa buong lugar ay salamin.

"Handa mo bulsa mo. Ginusto mo 'to, ha?" natatawang bulong niya.

Ngumisi ako. Dala ko lahat ng ipon ko kaya sigurado akong kaya kong magbayad.

Umupo kami sa two-seater table sa gilid ng salamin kaya mula rito ay kitang-kita namin ang dagat. And yes, once again, it reminded me of someone who loves the sea.

Lumapit sa amin ang naka-uniform na waiter at inilapag ang menu. Hindi ko ipinahalata ang gulat ko nang makitang ang isang meal ay tatlong libo. Ampota. Bakit paborito ni Vina rito?!

"We'll have two orders of Greek pastitsio and two souvlaki. For our drinks, we'll go with..." she paused. "Ah! This! Jean-Louis."

Natulala ako sa mga pinagsasabi ni Vina. Tiningnan ko ang presyo ng mga tinuturo niya at napangiwi ako nang makitang kulang ang sampung libo para sa in-order niya. Damn, the wine is too pricey!

Sigurado akong nakita niya ang itsura ko dahil ngumisi siya nang malaki.

"Thank you, Ma'am," the waiter uttered before slightly bowing his head.

Nang makaalis siya ay masama akong tumingin sa babae na malaki ang ngiti sa akin.

"What?" she mouthed. "Minsan ka lang manlibre. Sulitin ko na."

"Sana tubig na lang ang sa'kin, bwisit ka!"

Malakas siyang tumawa. "Dapat KFC na lang kasi. Ikaw ang nagyaya rito."

Inirapan ko lang siya pero kalaunan ay napangiti na rin. Sabay naming tiningnan ang dagat at sabay ding napabuntong-hininga kaya nagkatinginan kami. We laughed when we realized how similar our habits were.

"May problema ka?" she asked. "Sabagay, kailan ba nawalan? Dumagdag pa 'tong mamahaling restaurant ngayon sa problema mo," she added before chuckling.

Umiling ako. "Hayaan mo na, mage-enjoy tayo ngayon!"

Fifteen minutes bago dumating ang pagkain. Natakam ako sa amoy ng pasta at lalo doon sa mukhang shawarma! Pagkaalis pa lang ng waiter ay nilantakan na namin ni Vina ang pagkain at sabay pa kaming napapikit sa lasa no'n.

"Girl, kaunting finesse dapat. Nakakahiya, mukhang first time natin," mahinang saad niya nang makabawi sa lasa.

"First time ko naman talaga."

So far, that's the happiest meal I had since I went here in Manila. Vina is a good conversationalist. Noong nagbayad pa ay hinatian niya ako dahil dukha raw ako at kaawa-awa. It warmed my heart. Nang-aasar siya ngunit alam kong paraan niya 'yon para mapasaya ako, para tulungan ako.

Nang nasa The Slice na kami ay napangiti ako nang makita si Sol, ang kaibigan ni Troy at ang may-ari ng bakeshop. She recognized me and immediately gave me a genuine smile.

"Hi!" she greeted us. "I hope you remember me."

Napangiti ako sa malaking pagbabago sa kan'ya. Her yellow dress gave justice to her fair skin. After the big scandal, she left Isabela for good. It saddened Troy so much, kaya alam ko.

"Yeah, we're schoolmates," I replied. Tahimik lang si Vina sa gilid ko habang iniikot ang paningin sa buong lugar.

Mukhang may gusto pang sabihin si Sol pero ngumiti na lang siya at pinaupo kami. Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagpunta ni Vina sa counter kaya naiwan ako sa mesa. I looked around and felt a slight pain in my chest. Even after everything, she became successful. Ako na lang talaga ang napag-iwanan.

Inilapag ni Vina ang order na two slices ng blueberry cheesecake sa mesa at dalawang milkshake bago umupo.

"May singsing!" anas niya bigla.

"Ha?"

She smiled. "May singsing si Sol! Engagement ring, girl, sobrang ganda ng bato!"

Tinawanan ko lang siya at hinayaang mainggit sa babae. Sa sobrang busy niya sa pag-aaral at pagtatrabaho, hindi na siya nakapag-boyfriend. Mabilis din kaming natapos. Inihatid niya ako sa unit at bago pa siya umalis ay niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"Mamimiss kita pag-alis ko! Uuwian kita ng napakaraming pasalubong!" iyak niya. "Aantayin mo 'ko, ha? Magpapatayo pa tayo ng clinic!"

The next day, wala na akong inaksayang oras at tumulak na ako pa-Laguna. Hindi alam ni Ate Myrna na narinig ang usapan nila ni Kuya Marwin kaya nang makarating ako roon ay labis ang tuwa niya.

"Ang ganda ganda naman!" bati niya pagpasok ko pa lang sa bahay. "Hindi ka manlang nagsabi na pupunta ka. Sana ay nakapagpaluto ako kay Flora!"

Buong araw kaming magkasama ni Ate Myrna. Sinabi ko sa kanyang uuwi rin ako mamayang gabi kaya hindi niya ako nilubayan buong araw. Naglakad-lakad pa kami sa pilapil suot ang bota dahil medyo maputik.

"Season ng mangga ngayon. Ipagtatalop kita at do'n tayo manginain sa duyan! Jusko! Namiss ko ang hangin dito sa bukid!" aniya habang tumatawid kami.

"Wala ka bang trabaho, Ate?"

She chuckled. "Meron. Pero bukas na. Nandito ang panauhing pandangal, kailangang asikasuhin."

Tumawa ako at pabirong pinalo ang balikat niya. Naupo kami sa duyan sa ilalim ng malaking puno. Humampas sa akin ang malamyos na hangin at wala akong ibang nagawa kung hindi damhin 'yon. It felt nice.

Habang nagbabalat siya ng mangga ay kinukumusta niya lang ako tungkol sa trabaho at buhay ko sa Maynila. Of course, I lied. I told her that my job there pays good and my colleagues were friendly.

"Basta, your medicine, ha? Bibisita ako sayo ro'n kapag may oras na ako. Hindi lang talaga ngayon dahil sobrang busy."

Tumango lang ako sa kan'ya. Bago pa ako tuluyang umuwi ay kinantahan ko siya ng Leader of the Band dahil 'yon ang paborito niya. Narinig ko pa ang pag-iyak niya dahil tuwang-tuwa raw siya sa akin. She's proud of me, I know.

Nang makahiga na sa kama sa unit ay napangiti ako sa kisame. Isang tao na lang ang kikitain ko bago tuluyang umalis. Sana bigyan ako ng pagkakataon na mayakap siya gaya nina Ate Myrna at Vina. Kung hindi, ayos lang naman. Sanay naman akong hindi pinapaburan ng mundo.

I opened my private twitter account that's been inactive for years. Isa-isa kong binasa ang tweets na napakatagal na.

Bruised @tiredofeverything
Tanginang pamilya 'to. Kulong na kulong ako. Kailan ba ako makakaalis dito?

Hindi ko na maalala kung anong nangyari nung araw na 'to pero tanda ko pa ang pakiramdam na parang kinakadena ako sa bahay namin.

Bruised @tiredofeverything
Life update: My mother stole my fucking clothes again. My sister mocked people with mental disorders. And yup, I still hate and love my father.

Kinagat ko ang labi ko. This is the young me, having an online confession... and I love her. I love myself so much.

Bruised @tiredofeverything
I'm fed up with this family. I'm fed up with my friends talking about this mahangin guy. Ugh. Dela Paz isn't that special.

May replies sina Vina at Mira roon kaya napangiti ako. Damn, good old days. It was the best of time. I didn't even realize it because I was busy hating on my family.

Bruised @tiredofeverything
Okay, I take it back. He's kinda cute. Yuck, self.

Bruised @tiredofeverything
Guuuurl, he really comforted me! Ni wala siyang idea! This is fucking bad.

Bruised @tiredofeverything
Fine fine fine. I like him. Pota talaga.

Binasa ko ang pang-ibabang labi at inalala ang mga napagdaanan namin ni Troy. Ngunit nanubig lang ang mata ko sa huling tweet ko sa account na 'yon.

Bruised @tiredofeverything
Just in case I die, I want you all to know that I love Troy Jefferson Dela Paz so much. He's my covenant, my safe, and my strongest motivation to keep going. I lost everything this year but with him, I feel like I gained my peace of mind. He calmed my waves in a way no one else did. I love you, my Troy and I will love you until my last breath.

Muli kong binisita ang twitter account ni Troy at nag-init ang sulok ng mga mata ko nang makitang ang twitter icon niya ay kami pa ring dalawa.

troy
@tjdelapaz

For God, for my family, for Elora Chin. Taken by a circle. Civil Engineer.

114 Following - 20.4K Followers

His last tweet was dated before our break up.

troy @tjdelapaz
I don't know if my baby will read this but today, I will ask her to marry me. No, I will command her to marry me. I can't imagine life without her. Wish me luck! And... I love you, my chinchin! Nakailang ihi na ako ngayon sa sobrang kaba hmp

A lot of his followers asked what happened next. May mga nag-reply na ang swerte ko raw dahil mahal na mahal ako ni Troy. May mga nagsabi rin naman na sa facebook na lang daw i-follow ang lalaki dahil mas active siya roon.

I fell asleep thinking of what ifs and could have beens.

Nag-ayos ulit ako. Today is the day. Pagkauwi ko mamaya rito, I will prepare my beautiful plan. Nakabili na ako ng tali at nakaayos na ito. May sabitan sa kisame kaya roon ko isinabit ang tali. Magaan lang naman ako. Hindi naman siguro magf-fail ang plano ko.

Ngayon din ako bibili ng red dress. Kagabi ko pa iniisip kung anong magandang brand pero baka pumunta na lang ako sa isang department store at doon maghanap. Basta pula para maganda sa kutis ko.

I did my research last night and I found out that Troy was working under the huge construction company na supposedly ay pag-aapplyan ko kaya baka roon muna ako pumunta. Sana ay naroon siya dahil kung wala, hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Hindi naman ako para bumalik sa school at tanungin si Irina dahil baka ito pa ang una kong mapatay kaysa sa sarili ko.

Nagbihis ako ng baby blue dress kagaya ng suot ko noong sagutin ko si Troy. Itinirintas ko pa ang buhok ko bago titigan ang white gold na kwintas.

After an hour, nasa labas na ako ng company nila. Tantya ko ay nasa labing-anim na palapag ito. I went near the guard to ask him.

"Kuya, kilala niyo po ba si Troy Jefferson Dela Paz? Engineer po siya d'yan. Nasa loob po kaya siya?" magalang na tanong ko.

Umayos ng tayo ang guard. "Sino po kayo, Ma'am? Kilala po naming lahat si Chief pero hindi po ako sigurado kung nasaan siya. Itatanong ko na lang po sa loob."

"Uh... si Chin po... Elora Chin." I answered honestly.

Tumango ang guard at tinawag ang isang lalaki. Pinanood ko lang sila na sandaling nag-usap bago bumalik ang atensyon sa akin ng guard.

"Ah, Ma'am, balik na lang po kayo sa ibang araw. Naka-leave po kasi si Chief ngayon."

Agad akong nanlumo sa narinig. Wala na akong ibang araw. Gusto ko lang naman makita si Troy pero mukhang ayaw talaga ng mundo, 'no?

Nagpasalamat ako sa kan'ya bago malungkot na sumakay ng jeep papunta sa DB Store para bumili ng dress.

I sighed. Sabi ko kahit tanaw lang pero hindi pa rin ako pinagbigyan. Hayaan na nga. Ang importante naman, alam kong iiwan ko siya na maayos ang lagay niya.

Pumasok ako sa store at agad na namangha sa ganda ng mga naroon. It's a wide-space classy building. Mula sa labas, aakalain mo na isang floor lang ito ngunit sa loob ay may paikot na hagdan patungo sa second floor. Doon ko natanaw ang mga dress.

Umakyat ako roon at muling namangha. God, this is heaven! Sigurado akong matutuwa rito si Vina! Bakit ba ngayon ko lang naisipan tumingin ng mga ganito? Sa gitna nakalagay ang jewelries habang nasa gilid naman ang mga damit.

A woman tried assisting me but I kindly declined her. I want to enjoy the surrounding on my own. Lumapit ako sa hilera ng magagandang designer dress at in-appreciate ang mga naroon. Kung may pera lang ako, binili ko na lahat 'to!

Habang tumitingin-tingin ay napukaw ang atensyon ko ng isang pulang dress na tingin ko ay babagay sa akin.

"Miss, can you get that one for me?"

Mabilis na kumilos ang babae at ipinakita ito sa akin. I was mesmerized with its beauty. It's a long-sleeve slit A-line long dress. Sakto lang ang baba ng neckline pero sigurado akong aabot ang dress hanggang sa paa ko.

Iniabot ko 'yon at napagdesisyonang bibilhin na. Isinukat ko muna 'yon at tuwang-tuwa ako dahil parang ginawa talaga ang dress para sa akin! It hugged my small waist perfectly!

Paglabas ko ng fitting room ay bitbit ko na ang dress at handa nang bayaran nang matanaw ko ang nakatalikod na lalaki na sobrang pamilyar sa akin. His broad shoulders dominated the couch where he's sitting. Nakasuot siya ng itim na polo at ang buhok ay medyo humaba na kumpara noong huli ko siyang makita.

I silently thanked the heavens.

Hindi ko alam kung bakit siya narito o kung sinong kasama niya pero dahan-dahan akong naglakad at pasimpleng sinulyapan ang mukha niya.

I heaved a deep sigh when I confirmed that it was him. He looked serious while staring intently at his phone. Nakita kong binasa niya ang pang-ibabang labi bago nag-angat ng tingin.

"Ma'am, I'll lead you to the counter," sabi sa akin nung babae ngunit napako lang ang tingin ko kay Troy.

He turned his head at my direction and his lips parted when our eyes met. I felt the familiar fast beating of my heart. After being dead for weeks, it came back alive. His eyes were deceitful. It looked like he's longing for me.

I gave him a smile.

The last smile.

When I die, I want him to remember me as someone who smiled at him... not the one who shuts the door when he's offering a band-aid. Sana maalala niya ako. Kahit hindi araw-araw. Basta maalala niya lang ako bilang taong labis siyang minahal.

I tore my gaze away from him and followed the woman to the counter. That's good enough for me. At least, I saw him. Iniabot ko ang bayad sa babaeng naroon at umuwi na sa unit ko para simulan ang plano.

I took a hot shower. I combed and dried my hair before curling its ends. I applied some make-up on my face. I sprayed perfume all over my body before wearing the crimson red dress.

Satisfaction filled my heart. For the first time in years, I feel beautiful.

Nagtungo ako sa kwarto kung saan naghihintay ang tali at magandang upuan. Tumapak ako roon at naging kalebel ko na ang nakapaikot na tali.

I hope they have the heart to forgive me for giving up. I hope they understand. No more heartbreaks, panic attacks, cries and outbursts. Nasa kama na rin ang tatlong letter na isinulat ko. I hope they read it and remember me as someone who died happily.

The fresh cuts on my wrist were numbing me. My breathing was steady. I don't feel tensed at all. This is it, right? After this, everything will be okay.

I closed my eyes.

I'm sorry, Lord, I cannot wait for my own time.

Slowly, I hold on to the rope and carefully put my head on it. Ramdam ko sa leeg ko ang tali at sa huling pagkakataon, ngumiti ako hindi para sa iba, kung hindi para sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro