Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38


Trigger Warning: Suicidal Ideation

My eyes were all puffy and my colds were making it hard for me to breathe. There's a hollow auditorium in my chest, telling me, I will never get better, I will never be okay.

Vina:

Girl, sa America ko itutuloy ang residency ko! Can you believe it?! May hospital na kukuha sa akin! I'm so excited!

That message made the side of my lips rose a little but it immediately faded as I realized how much everything is draining me. Wala ulit akong trabaho. Wala na akong gamot. Nagiging rason ako ng pag-aaway ng mga taong tumulong sa akin. Bugbog na bugbog na ako ng tadhana pero kahit isang suntok, hindi ako nakaganti.

Gusto kong magpahinga pero ang pahinga ay para sa may mga pribelehiyo lang. Paano ako makakakain? Paano ako makakapagbayad ng renta? Paano ako makakapag-aral?

‍Wala akong ganang tumayo at inayos ang resume ko. Kailangan kong maghanap ng pwede kong pag-applyan. Pwede ako sa companies at universities. Siguro ngayon, susubukan ko sa maliliit na kompanya. Parang hindi ko pa kayang magturo ulit.

Nagsuot lang ako ng slacks at polo para kahit papaano ay formal akong tingnan. I also put my hair in a ponytail. Maga pa rin ang mata ko pero siguro naman, mamaya ay aayos din 'to.

I typed a reply to Vina.

Me:

Congrats! Balitaan mo na lang ako kung may makukuha kang kano!

Napangiti ako nang mapait nang maalala ang nangyari. Mabilis na isinend ng CAU ang credentials ko. Excited na excited akong paalisin sa school. Sa ngayon, hindi ko rin muna tatawagan si Ate Myrna. Nahihiya ako sa kanila.

I applied to three different companies pero iisa ang sinasabi nila. Tatawagan na lang daw nila ako, at alam kong malabo 'yon. It's just a subtle way of telling me that I'm not qualified. Kahit maganda ang natapos ko, sino bang may gusto ng 27 years old na tambay sa loob ng apat na taon?

Masakit na ang paa ko dahil sa suot na sapatos. Kanina pa ako palakad-lakad at nakikipagsiksikan sa jeep. Hindi pa nakatulong ang init. Ang banas pa naman ng suot ko! Ang hirap naman kasi ng online application dahil mas priority ang mga walk ins. Mabuti nang tyagain ko 'to kaysa mag-antay ako ng reply sa unit buong araw.

"Alas dos na pala," bulong ko sa sarili.

My stomach is also aching. Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch o breakfast. Nanghihinayang ako sa pera. Pwede naman akong magluto na lang ng instant noodles sa unit mamaya.

Hindi rin ako nakabili ng gamot dahil nang tanungin ko ang phamacist kung magkano, nagulantang ako na umabot ng libo ang dalawang tableta!

Nakakita ako ng carenderia at dahil hindi na matiis ang gutom, pumasok ako roon. Gusto ko bang batukan ang sarili ko dahil paniguradong gagastos ako rito. Kahit ba maliit na halaga lang, marami akong expenses.

Pagpasok ko sa tent, napansin kong ang kalimitan sa customers ay lalaki at maiingay sila. Tapos na halos ang lunch time pero ang dami pa ring kumakain.

"Ate, isang kanin po at ginataang langka," ani ko sa nagtitinda.

"Kwarenta lahat," saad niya nang iniabot sa akin ang pinggan at mangkok. Ibinigay ko sa kanya nag bayad bago nagtungo sa pinakadulong mesa.

Tahimik akong kumain. Ang ingay ng mga customers ay niririndi ako kaya hindi ako makapag-isip kung saan ako pwedeng mag-apply ulit. Inilista ko na lahat ng malalapit na kompanya sa unit at dadalawa na lang ang natira ngayon. Ang isa pa ay napakalaki at kilalang kilalang construction company kaya malabong matanggap ako. Ito ngang maliliit ay tinanggihan ako, 'yon pa kaya?

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makita ko sina Hugo at ang ilan niyang kasamahan na pumasok ng carenderia. Dumiretso sila sa estante at doon namili ng ulam. My eyes automatically searched for someone and I heaved a sigh when I noticed that he's not around.

"Ang yabang nung bagong saltang engineer, 'no? Akala mo naman talaga may binatbat kina Sanders at Dela Paz," tawa ni Hugo.

Sinabayan siya ng isang kasama. Mukhang galing sila sa site dahil halata 'yon sa pananamit nila.

"Kung hindi naman tinanggihan ni Chief ang project na 'yon, hindi naman sa kanya ibibigay. Badtrip, ang angas."

Umupo sila malapit sa pwesto ko kaya mas lalo kong narinig ang usapan nila. Hindi nila ako napapansin dahil nasa pagkain at kwentuhan ang pokus nila.

"Bakit ba hindi tinanggap? Ang laking building no'n, ah? Tiba-tiba ang kita tapos tinanggihan?" salita ulit ni Hugo.

"Magle-leave ata 'yon. May aasikasuhin daw."

"Bali-balitang magpo-propose na kay Ms. Irina. Dalawang taon na rin sila halos. Mukha namang mabait," saad ng isa.

Kumunot ang noo ko at tuluyang napatigil sa pagkain. Akala ko ba ay hindi sila? Bakit kilala si Irina ng mga kasamahan niya sa trabaho? At two years? Wow, ang bilis niya pala talaga akong nakalimutan.

Hugo chuckled. "Maganda ba 'yon?"

"Basta mabait."

Nagtawanan sila. Gusto kong sumali sa usapan para sabihing hindi rin mabait si Irina pero lumipad ang isip ko sa balitang magpo-propose na si Troy sa kanya.

"May chix si Chief sa Laguna, ah? 'Yung pipi?"

"Ah! Si Chin! Oo, tangina, 'yun ang maganda talaga. Kaya lang, ang boring no'n sa kama. Napakatahimik."

"Ganda pa ng katawan, 'no? Di naman ako magtataka kung tinikman lang ni Chief 'yon. Aba, miski ako! Kaya nga niyayaya ko mag-inom, baka makascore!"

Lalo silang nagtawanan.

"Tanga ka! Patay tayo kay Chief pag ginalaw natin 'yon. Basta natikman niya, ekis na agad!"

Nanliit ang mata ko at gumuhit sa puso ko ang pandidiri. Normal ba sa kanila ang pag-uusap nang ganito?! Ni hindi manlang nila naisip na may nakaririnig sa kanila! Nakakarumi!

Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng tent, ni wala nang pakealam kung napansin ba nila ako o hindi. I was gritting my teeth because of too much irritation. Some men are so driven by lust! They're disgusting!

And why are they even there? Malapit lang ba ang company nila rito? Iiwasan ko ang mag-apply doon kung ganoon karami ang manyak! Sa dami nila, wala manlang nag-correct sa mga lalaking 'yon! Talagang sinang-ayunan ang isa't isa!

Ganoon din ba si Troy? Ilang beses na niya akong isinama noon sa gimmick nila ng mga kabarkada niya pero wala naman silang napag-uusapang ganoon. Hindi ko alam kung mababait lang talaga sila o dahil kasama niya ako.

Madiin ang paglalakad ko paakyat sa isang maliit na real estate company. Pumasok ako roon dahil na-contact ko naman na sila online at alas tres ang usapan namin sa interview ko. Pagpasok ko pa lang ay napangiwi na ako. Nagkalat ang mga papel at madumi ang paligid na parang matagal nang hindi nalilinisan. Kakaunti rin ang employee, siguro ay nasa sampu.

I don't think... I can work here.

"Are you Ms. Valencia?" tanong ng lalaki sa reception. His smile is kinda creepy that it suddenly sent shiver down my spine.

"A-ah! Y-yeah!" kabadong sagot ko. "Where...?" I trailed off.

He pointed a crimson red door at the end of the hallway. Tumango ako sa kanya at nagpasalamat bago dahan-dahang naglakad patungo sa itinurong pinto. The walls of the path were painted in white and red but you will notice the dirt in all of the edges.

When I reached the door, I knocked three times.

"Go in!" narinig kong sigaw ng isang lalaki mula sa loob kaya walang habas akong pumasok.

Hindi gaya sa labas, ang opisinang pinasukan ko ay malinis. May brown na long couch at maayos na naka-arrange ang ilang libro. Rinig ang takong ko sa bawat pagtama nito sa wooden floor.

Nang tingnan ko ang lalaki ay ngumiti ako. He's a middle aged man with thick stubbles and mustache. He scanned my body from head to toe before going near me.

"Maupo ka, hija," he said.

I pursed my lips and bring myself to the couch. Inilagay ko ang envelope at bag ko sa ibabaw ng tuhod ko. Sumunod na umupo ang lalaki at hawak na niya ngayon ang resume ko.

"Magna Cum Laude, wow," he uttered, impressed.

I smiled shyly at him.

He narrowed his eyes. "Anong position ang pinag-aaplyan mo? HR? Hmm..."

"Yes, Sir. It's align with my course." Bahagya kong kinurot ang sarili dahil sa nararamdamang kaba.

"Unfortunately, we don't need a human resource personnel," he replied sadly.

Pinigilan ko ang pagtaas ng kilay. Hindi naman pala kailangan ng HR, bakit inilagay niyo sa page niyo na in need kayo?!

"But, we can offer you another job."

Nawala ang agam-agam sa puso ko at agad na naging alerto sa sasabihin niya. He leaned his body towards the table and put my resume there. Matapos 'yon ay pinakatitigan niya ako.

"You're single?"

I nodded. "Yes po."

He pursed his lips before grinning. "We're actually looking for actresses."

"Ha?" Kumunot ang noo ko.

"You see, hija, we're filming... uhh... pornography... and mind you! Malaki ang kita sa ganoon! Makikipagsex ka lang, choice mo kung itatago ang mukha mo o hindi tapos sa loob lang ng isang araw, pera agad!"

I looked at him with disbelief. "W-what did you just say?"

Binasa niya ang pang-ibabang labi. "You have a good figure. Magiging mabenta ang katawan mo. Pleasure, sex, money. All yours."

I stood up, chest heaving. "That's really offensive, Sir! How can you utterly tell that to someone?! I will never be a sex slave for money!"

"Ganan talaga ang reaksyon ng iba sa umpisa. Pero tingnan mo ang narating nila. Do you know Cielo Amore? The one with the huge university? She worked for us for years. See where it takes her?" he said calmly.

Lalong nag-init ang ulo. "Well, I'm not like that Cielo Amore! If she wants to use her body to be successful, then good! But I don't want that for myself!"

"Hija, you're 27, jobless and mentally retarded. Kahit gaano kaganda ang background mo, you will not make it. Practically speaking, you're incapable. Katawan mo na lang ang maasahan mo."

Umawang ang bibig ko sa narinig at bago pa tumulo ang luha ko ay nilayasan ko na siya. Mabilis ang paghinga ko dahil sa labis na pagkapoot. Ang lalaki kanina sa reception ay tinawag ako pero mabilis lang akong naglakad. Nang makalabas sa building ay pumikit ako.

I heaved a sigh. "Lord, ano na naman ba 'to? P-pahingi naman ng time-out. G-gusto ko lang huminga," I prayed silently.

Lambot na lambot ako nang makauwi sa unit. Everything hurts. Physically. Emotionally. Mentally. Tinanggal ko ang suot na sapatos at hinayaang paagusin ang luha sa mata ko.

27, incapable, mentally retarted, jobless.

Totoo naman, kaya bakit ako umiiyak? Pag umalis na si Vina, wala na akong ibang tatakbuhan kung hindi ang sarili ko. And I cannot trust myself. I'm so good at following the shattered pieces of my heart, never-minding the fact that it'll crash me.

Araw-araw na lang akong ganito. Nakakasawa na. People say that it will pass, things will get better, I'll get through this, but... no. Seasons change but my scarred heart remained. I'm just so tired of everything.

Why am I even allowing myself to breathe?

I slowly reached for my phone and visit the facebook profile of Troy. My comfort.

It's a daily habit. My dose of happiness. Kahit sabihin kong kakalimutan ko na siya, ang hirap pala kapag 'yung puso mo, ayaw pa ring sumuko. He's my hope. He's one of the few reasons why I still have the courage to wake up.

I smiled at his display photo. Behind him is the deep blue ocean. He's wearing nothing but board shorts. May hawak din siyang surfboard habang seryosong nakatingin sa camera.

I looked at his chest where my name was beautifully written.

"E-Elora." Nanginig ang boses ko.

He did it. Minahal niya talaga ako, 'no?  Ginago lang kami ng mundo pero nagmahalan kami nang sobra. We lived under the same roof. We dream together. We shower each other with love, support and compassion. Sadly, we grew... separately.

Another batch of tears fell from my eyes.

"Tangina, iniiyakan na naman kita. Sabi ko last na, e! L-lakas mo kasi sakin..." parang tangang kausap ko sa picture niya. "Tanga tanga mo, d-di ka nakinig. L-lagi naman tayong nag-uusap pag may problema tayo pero bigla mo na lang akong i-iniwan."

He will never know this but in the midst of my panic attacks, I always think of him. He's my peace in this chaos.

Namimiss ko na ang pagtawag niya sa akin ng bilog. Ang biglaang pagtitig niya sa akin pero wala namang sasabihin. Ang pagyakap niya sa akin kapag umiiyak ako. Ang halik niya na nagpapakalma sa akin. I miss everything about him and I can't do anything but to grasp it.

Irina Terraverde Garofil tagged a photo with Troy Jefferson Dela Paz

Happily engaged! Thank you, love!

It's a photo of her hand with a beautiful ring on it.

My vision became blurry, tanda ng pamumuo ng luha sa mata ko. My heart is tightening against my chest. For a moment, I thought my blood stopped circulating around my system. My hands turned cold, too. I want to rip my heart open because the pain is unbearable.

Ako ang pinangakuan niya ng kasal pero bakit iba ang ihaharap niya sa Diyos?

I stifle my cries as thoughts started flooding my mind.

Ano bang pumipigil sa akin na magpakamatay? I planned it years ago, bakit hindi ko na lang ituloy ngayon? Mabuti pa nga ngayon dahil may kasama na ako ro'n. I will play with my child. I will watch over my loved ones.

Ate Myrna will definitely get sad but with Kuya Marwin, she'll be alright. She has an emotional support system. She can move on.

Si Vina. I sighed. Vina... you'll understand, right? Hindi na ako magiging pabigat sa inyo. You won't have to worry about me, not being treated right.

And my Troy.

Hindi ko alam kung iiyak siya o masasaktan pero may Irina naman na siya. He can get through it. He will live. Nakaya niya nang ilang taon na wala ako. Naging masaya siya. Me, being gone, will not affect him that much.

That night, I made a decision for myself. I will buy a new red dress and a thick rope. I will write letters for Vina, Ate Myrna and Troy. I will go back to Laguna and visit Ate for the last time. I will also treat Vina to her favorite restaurant. And... I will hug Troy. I will look for him and hug him. Kung hindi pwede, tatanawin ko na lang siya sa malayo.

I will murder the person I hated and loved most. After all, with an ugly life, I think she deserves a magnificently beautiful death.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro