Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37


Kahit pala gaano mo patatagin ang sarili mo, may mga araw talaga na wala kang mararamdaman.

Or maybe, today is just that time of the year.

The sudden wave of emptiness hit my heart. I don't feel like living. Even if I'm walking towards my dreams, I feel like I am nothing. After confusing me like that, hindi ko na ulit siya nakita sa school. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nalungkot dahil doon. Talagang ginulo niya lang ako.

I want to visit my psychiatrist but I don't have budget for that yet. Paubos na rin ang gamot ko. Nahihiya na ako kay Ate Myrna. Siguro ay lalapit na lang ako kapag hindi ko na talaga kaya.

"Ma'am Chin, pa-send naman ng files kung nasaan na kayo sa course guide sa ABPsy. I just need the details para isu-submit ko kay dean," ani ng isa kong kasamahang instructor.

Tumango ako sa kanya. Bakante ako ng dalawang oras ngayon kaya iniisip kong mag-ikot ikot sa school. I need to unwind. Masyado akong sinasakal ng mga iniisip ko. Isa pa, may kailangan akong kausapin ngayon.

After sending her the files, naghanda na ako sa pag-alis. But of course, of course, Irina has to ruin my plans.

"Saan ka pupunta?" she asked rudely.

I rolled my eyes. "Free time ko. Don't bother me."

"Nope," she uttered and shook her head. "You have to arrange my files in alphabetical order. May date kami ni Troy."

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. "And I should care because?" Nagawa ko pang tumawa kahit nag-iinit ang ulo ko. What did I even expect from him? He loves Irina too much.

Nangingiting umiling siya habang kinukuha ang gamit sa mesa niya. She smirked at me. "Ayan, ha? Sinabi ko sa'yo! Ikaw din."

Lumabas siya ng faculty office at natulala lang ako sa loob. Unbelievable. Tiningnan ko ang isang tambak ng mga papel at inirapan 'yon na parang ito ang may kasalanan sa akin. Walang lingon akong lumabas ng office. Anong tingin ni Irina? Matatakot ako sa pasaring niya? Tanga pala siya, e! Trabaho niya 'yon!

Pumunta ako sa malaking cafeteria ng school. Habang nakapila, dumapo ang tingin ko sa estante ng whatta tops at mapait na napangiti. I hate that he reminds me of everything. Still, I bought two pieces of it and a pineapple juice. Matapos 'yon ay pumunta ako sa rooftop ng engineering department. It's the highest building in CAU and the air there feels nice.

As usual, walang nandoon. Hinila ko ang isang monoblock at naupo roon. I breathe and looked at the sky. The clouds were moving slowly, creating shapes I failed to fathom. The sun is hiding beneath them, as if shy by its radiance. Birds were spreading their wings freely whilst enjoying the calm weather.

I sighed as a tear fell from my eye. Today is my baby's death anniversary. Taon-taon ko siyang iniiyakan nang palihim. I regret it so much. If only I've been careful, my child will live. Tatlong taon na siguro siya ngayon.

"Hi, mommy is here..." I whispered to myself. Itinaas ko ang isang kamay at itinapat 'yon sa isang maliit na ulap. "A-are you there? Are you playing with the clouds?" my voice cracked.

"Your mother is pathetic, 'no?" I chuckled as I brushed my tears away. "Is that why you leave?" I added jokingly.

Dahan-dahan kong binuksan ang binili ko at tangang-tanga ako sa sarili ko nang kinain ko ito habang umiiyak. This university is not good for my mental health. Gusto ko nang umuwi na lang sa Laguna at tumulong sa food park. My life there was easy. Walang humuhusga sa akin. Kahit noong pipi ako, kahit isa ay walang bumastos sa akin.

"B-baby, I wish you were here... maybe the world would be less cruel," I sobbed. Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang mukha ko. But the tears just won't stop falling! I lose everything I had. "A-anak, pasensya, ha? Yearly na lang tayong ganito. N-nagsasawa ka na ba?"

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak doon. My eyes were already puffy. Nakakahiya pag may nakakita sa akin kaya inayos ko ang sarili ko. Nagsuot na lang ako ng salamin para hindi masyadong halata. Walang grado 'yon dahil malinaw pa naman ang mata ko. I bid my child goodbye and go back to the office like nothing happened.

Nagturo ako sa mga estudyante ko sa loob ng tatlong oras. Hindi naman pure discussion dahil ayokong ma-overload sila. Sa isa't kalahating buwan ko halos na pagtatrabaho ko rito, kahit isa ay walang lumapit sa aking estudyante para makipagkwentuhan. Hindi gaya ni Irina. Kahit ang mga hindi niya hina-handle ay ka-close niya.

Pansin ko pa sa kanila ang pag-iwas nila ng tingin kapag nakakasalubong ako. Hindi rin ako binabati kapag makakasalubong ako sa daan.

"We'll have our long quiz next Wednesday. Ipopost ko sa group natin ang pointers," I informed them. Kita ko agad sa mukha nila ang pagtanggi. Aba, anong gusto niyo? Hindi ko sundin ang curriculum?

"Ma'am, exam din namin 'yon sa biopsychology. Baka naman po pwedeng i-move natin next Friday," saad ng isang estudyante na agad sinang-ayunan ng mga kaklase niya.

Napaisip ako. Wala akong klase sa kanila kapag Biyernes kaya hindi pwede. Isa pa, magre-report ako sa masteral ko. Kailangan ko na ring magpasa ng title proposals ko para sa thesis.

"I'm sorry. Wala kayong schedule sa akin no'n. Pwedeng Tuesday, mauuna sa biopsy niyo. Is that okay?" I asked them.

I bit my lower lip when I saw disapproval written all over their faces.

"Pinaaga pa, parang tanga talaga... wala namang natututunan sa kanya." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulong ng isang estudyante. She's frowning at me, not minding if I heard it or not.

I was about to talk to her when another student had an outburst.

"Ma'am, kaunting consideration naman! Hindi lang ikaw ang subject namin."

Napatulala ako sa sinabi niya. Naging estudyante rin ako pero hindi ako ganito kabastos!

"Ayaw nga po namin ng Wednesday, gagawin niyo pang Tuesday?" naiinis na saad pa ng isa. "Patawa," she whispered.

Naging sunod-sunod ang pagrereklamo nila sa akin. Hindi na ako makasagot. Dinig ko pa ang pagmumura ng iba. My hands tremble as I listen to them.

Inhale. Exhale.

I breathe continuously to bring my heart beat down to its bearable pace. Kinurot ko nang paulit-ulit ang sarili ko dahil sa natatanggap na pambabastos.

"Sana talaga si Ma'am Irina na lang."

Walang imik akong lumabas ng room. Dumiretso ako sa office at uminom ng gamot. Ilang minuto 'yon bago umepekto kaya naupo ako at huminga nang malalim. I feel so stressed. How can they treat me like that? May sinusunod akong course guideline. Major subject din naman ang hawak ko!

It's not like I'm demanding so much from them! Kasalanan ko bang tuwing nagtuturo ako ay hindi sila nakikinig?! I'm just doing my freaking job!

Mabigat ang loob ko nang inaayos ang gamit ko papunta sa susunod kong klase. I don't think I can function well after being disrespected like that. It made me question my ability to teach. I'm trying my best. Inaaral ko lahat ng itinuturo ko. I'm extending my resources. Bakit kailangan nila akong ganunin?

"Ms. Valencia, to my office, please," ani ng dean nang pumasok siya sa faculty room.

Napatingin agad sa akin ang ibang instructors. Lalo akong kinabahan. What is it this time? Hindi ba pwedeng time-out muna? Death anniversary ng anak ko. Can't the heavens spare me some time?

Sumunod ako kay dean bitbit lang ang cellphone at wallet ko. My attacks these days were becoming frequent. Kailangan ko nang bumili ulit ng anti-depressants.

Pagpasok namin sa office niya ay nakita ko agad si Irina na nakayuko at parang kaawa-awa ang lagay. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang may isa pang pumasok sa office at nang tingnan ko kung sino 'yon ay hindi ko naitago ang gulat sa mukha ko.

Si Tita Ria.

Unlike before, may mga puting buhok na siya. Her style of clothing did not change. Classy and intimidating. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya napabaling din siya sa pwesto ko. Walang gulat o ano sa kanyang mukha. Pinadaplis niya lang talaga ang mata niya sa akin.

Her gaze made me shiver.

"We've been receiving complaints about you, Ms. Valencia," our dean stated.

Umupo sa tabi niya si Tita Ria at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Parang ibang tao na siya. Parang hindi na siya ang nagsabit sa akin no'ng graduation ko.

"What complaints, Ma'am?" I asked calmly even if my insides were burning with bitterness.

The dean threw me a glance using her hooded eyes. Her brows met, creating noticeable crease on her forehead.

"First, Ma'am Irina here, said that, you did not arrange the papers she asked you to arrange," she started.

I breathe harshly. "Because it's not a part of my job, Ma'am."

Sabay na natawa ang dean at si Tita Ria kaya para akong nanliit.

"Marami ka pa talagang kakaining bigas, hija," saad ni dean. "Ma'am Irina is our most in demand professor. Everyone is bowing before her. Why can't you just submit yourself to her?"

That's it.

"I'm a professor because I want to educate my students. Bakit hindi niyo po tanungin si Ma'am Irina kung bakit hindi niya nagawa ang trabaho niya?" madiing tanong ko. "Sabi niya ay may date lang siya."

Irina hissed. "I was touring the ISU's university president, Ma'am Chin! How can you accuse me like that?" her voice suddenly became extra dramatic.

"Yeah, she was with me the whole time," Tita Ria interfered.

"And the students aren't really happy with your ways of teaching, Ms. Valencia."

"Yes! Wala raw natutunan ang estudyante! To think na major subject pa ang titinuturo niya at kasama 'yon sa board exam. This is disturbing, Ma'am!" Irina added.

Right at that moment, I feel like the world is against me. Pinagtutulungan nila akong lahat at wala akong ibang magawa para sa sarili dahil wala akong kakayanan. I kept my straight face. If I would walk out of this place, I should do it gracefully.

"Maganda pa naman ang credentials mo dahil Magna Cum Laude ka at naipasa mo ang psychometician board exam sa unang take lang," ani ulit ng dean. "Kaya lang, nasisira ng mga chismis tungkol sayo ang reputasyon ng school, Ms. Valencia."

I didn't answer. I just let her words flow through my veins.

"Okay lang na may psychological disorder ka, e. Pero 'yung rumor tungkol sayo na nanlalalaki ka, hindi magandang halimbawa sa mga bata."

Tita Ria chuckled. "Like mother. Like daughter."

I swallowed the huge lump in my throat. Muling nanginig ang mga kamay ko, sintomas na magkakaroon na naman ako ng panibagong atake.

"We're sorry to inform you but I think you have to quit this job."

Isang tango lang ang naibigay ko. Nagngingitngit ang mga ngipin ko habang naglalakad papunta sa office. Tiningnan ko ang lagayan ng gamot at nakitang iisang piraso na lang 'yon. Ininom ko agad 'yon at inantay na umepekto.

Inayos ko ang mga gamit ko kahit na gustong-gusto ko na lang umiyak. Ramdam ko ang tingin ng mga instructors sa akin. Sigurado akong may ideya na sila lalo at inaalis ko lahat ng gamit sa table ko.

"Ma'am, aalis ka?" tanong ng isa sa kanila.

Tumango lang ulit ako dahil alam kong mababasag lang ang boses ko sa oras na magsalita ako. This place is just so toxic. Bakit ko ba tinatyaga 'to? I am loved by Vina and Ate Myrna. Bakit ako humihingi pa ng approval ng iba?

"Finally! A good working environment again!" sigaw ni Irina nang pumasok sa office.

Walang sumagot sa kanya. Hindi ko alam kung uma-agree sila sa sinabi ng babae o napagtanto na nila kung gaano kademonyo ang tinatawag nilang magaling na guro.

"Bumalik ka na sa Laguna o sa Isabela. You're not for the city, crybaby," she said.

I breathe. I didn't go this far to be treated like this.

Nakangiti akong hinarap siya. "Insecure na insecure ka sakin, 'no?"

I heard gasps. Of course, no one will ever dare to disrespect her. Kumunot sandali ang noo niya pero agad ding tumawa.

"Ako?" she snorted. "Look at your state and look at mine! Can't you see how low you are, Chin?"

I crossed my arms and carried my things. Kahit mabigat ay nabitbit ko 'yon. My emotional baggage is a lot heavier than this but I carried it for years. This is a piece of cake.

"Aminin mo nang inggit na inggit ka kasi 'yung lalaking gustong gusto mo, ako ang unang minahal... ako ang pinangakuan ng kasal at hanggang ngayon, binabalikan," I shot back. "You saw it, Irina. Kita mo kung gaano ipinagsigawan ni Troy na mahal na mahal niya ako, diba? Habang ikaw? Hindi niya manlang mai-post sa facebook!"

"Shut the fuck up!" pikon na saad niya. "Ako na ang mahal niya ngayon! Dahil nakipagsex ka sa iba! Dahil hindi ka nakuntento! Isa pa, we like our relationship to be private!"

I smirked regardless of the pain I'm feeling. "Okay. Basta, alalahanin mo, araw-araw, gabi-gabi, na ako ang pinakaminahal ni Troy. My name will be the ghost that haunts you at night."

Dire-diretso akong lumabas. Narinig ko ang malakas na tili niya sa loob pero nagmadali na ako paglalakad. Nanginginig ang buong katawan ko.

Nang makarating sa unit ay mabilis kong tinawagan si Vina ngunit unattended ang cellphone niya. Kailangan ko ng kausap. Hindi pa ako pwedeng mag-take ulit ng gamot dahil baka ma-overdose na ako. Nakailang inom na ako ngayong araw!

"Ate Myrna, p-please answer your phone..." iyak ko habang tinatawagan ang babae.

I sighed when she picked up my call.

"Chin, kumusta?" masayang saad niya ngunit pansin kong may kakaiba roon.

I closed my eyes and hugged my pillows. "I miss you, Ate..."

"H-hayaan mo! Susubukan kong bumisita sa'yo!"

Huminga ako nang malalim at dinama ang init ng comforter sa katawan ko. At least I have them. May naniniwala pa rin sa akin. Nagkwentuhan kami ni Ate Myrna tungkol sa ilang bagay. Ganoon pa rin naman daw sa Laguna. Malakas pa rin ang benta ng food park at madalas daw akong hinahanap ni Gilbert.

"Si Chin ba yan?" dinig kong galit na sigaw ni Kuya Marwin sa kabilang linya.

Nakarinig ako ng ingay na parang itinago ni Ate Myrna ang cellphone niya.

"L-lumabas ka nga! Nag-uusap kami!" ngarag ang boses na sagot niya sa asawa.

"Tatanga-tanga ka! Pineperahan ka na nan! Malaman ko lang na nagpadala sa babaeng 'yan, hihiwalayan talaga kita, Myrna!"

I gasped for air. Mabilis akong napaupo sa kama sa narinig.

"P-pera ko naman 'yon, Marwin! G-gusto kong tulungan 'yung bata! Bakit mo sinasabi ang pakikipaghiwalay?!"

Nalaglag ang cellphone ni Ate Myrna kasabay ng pagkalaglag ng puso ko. Siguro ay nakalimutan niyang ibaba ang tawag dahil sunod-sunod pa rin ang pagtatalo nila.

"Tingnan mo nga! Kulang na lang ay ampunin natin 'yan, e! Magtetrenta'y anyos na pero asa pa rin sayo?! Aba, Myrna! Mag-isip isip ka!"

Mabilis ang pagtulo ng luha ko. Ang kanina pang pinipigilang hikbi ay kumawala sa bibig ko. I tried to hold it in but my cries were too intense.

No, no. Hindi ko gagawin 'yon. Hindi pera ang habol ko sa kanila.

"Huwag mong pagsalitaan nang ganyan si Chin! Nakita mo naman ang paghihirap niya, diba?" sigaw ni Ate Myrna.

I put my hands in my mouth to suppress my sobs.

"Oh, e, ano ngayon?! Kaano-ano mo ba 'yan? Anong pake natin kung tuluyang mabaliw 'yan? Hindi naman ako galit sa kanya, Myrna! Ang sakin lang, masyado na siyang umaasa sa atin! Baka mamaya magpabili pa 'yan ng gamot niya! Ang mahal mahal!"

Ibinaba ko ang tawag at ipinatong ang mukha sa dalawang tuhod.

I'm ruining a marriage. I'm becoming a leech to their family. Tama si Kuya Marwin. Sila ang bumuhay sa akin sa nagdaang mga taon at wala akong naisukli sa kanila. Ngayon, gusto niya pang makipaghiwalay kay Ate dahil sa akin.

Every word registered in my system. I wish I didn't hear it. I wish I wasn't hurting. But I can't. It's not something I have control over. Their words played on my head like a recorded tape. Sadness succumbed over me. The memories I thought I've already burried came back, louder and more eager. I remembered it all. The start... the middle... the end.

I feel bad. I feel so fucking bad. I've had enough of this miserable life. I want to rest... for good.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro