Chapter 36
"Chin! I missed you!" sigaw ni Vina habang tumatakbo papalapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit bago kumapit sa braso ko. "Day off ko! Date tayo ngayon."
I pouted. "Di ako pwede. Mag-aasikaso ako ng lesson plan."
"Two hours lang! Wala ka naman nang klase ngayon. Deserve mo magpahinga," pambobola pa nito sa akin. "Wag ka nang mag-isip! Ililibre kita sa KFC dahil nagsasawa na ako sa mga resto rito. Alam mo naman, mayaman na ako."
I laughed before smashing her shoulders. "Bili mo nga akong bahay kung mayaman ka."
Inirapan niya ako. Nasa labas kami ngayon ng CAU at tama siya, wala na akong klase dahil katatapos lang ng tatlong oras kong shift. Part-time worker pa lang naman kasi ako. Syempre, kakaunting linggo pa lang ako rito. Malabong ma-regular agad ako.
"Dala ko ang sasakyan ko," pagmamayabang niya pa bago ako yayain patungo sa car park.
Napangisi ako nang makita ang pula niyang Innova. Masayang gamitin 'to sa roadtrip. Marami kaming mailalagay. Pumasok kami sa sasakyan niya at mabilis niyang ipinaharurot iyon.
Dalawang linggo rin kami halos hindi nagkita dahil busy siya sa hospital at busy din ako sa school. School na puro demonyo ang nag-aaral at nagtuturo. Ginawa na nilang hobby ang panlalait sa akin.
Hindi pa nakatulong na madalas kong makita si Troy kapag uwian na namin. Inihahatid at sinusundo niya ang babae. Nagtataka na nga ako minsan. Wala ba siyang trabaho? Isn't he busy? Or does he love her that much? Alam kong hindi ko na dapat iniisip 'yon pero hindi naman kasi overnight ang pagmo-move on ko.
"Ang ganda ganda ng kasama mo pero nakasimangot ka," natatawang saad niya.
I cleared my throat before speaking.
"Nakita ko si Troy," wika ko.
She gave me a side glance. "Dito? Sa Manila?"
"Yup. Sila ata ni Irina," I chuckled.
Kumunot ang noo niya at noong tumigil kami sa tapat ng stop light ay binalingan niya ako. "Tawa tawa. Kunware di masakit."
"Nagmo-move on na ako," I said.
"Mama mo."
Hinampas ko siya. Bwiset na doctor 'to! Paano niya kinakausap ang pasyente niya nang ganito? Nang mamatay ang tawa niya ay pinaandar niya ulit ang sasakyan suot ang seryosong ekspresyon.
"Alam kong saksakan ng gwapo ang ex mo. Alam ko rin na mahal na mahal mo pa. Pero, wag ka na ro'n," she uttered. "Nakaya mo naman na wala siya, e. Tuloy mo na."
I gulped. "Sila rin naman ni Irina. Hindi naman ako manggugulo."
"What?! Teka nga, ngayon lang nagsink-in sa akin! Irina ba? 'Yung pangit nating kaklase? Pinatulan ni Troy 'yon?! Ampangit ng ugali no'n, ah!"
Sumandal ako sa upuan at pinanood ang mga sasakyan na mabibilis ang takbo.
"Binubully nila ako sa school," parang batang sumbong ko. "S-sabi nila, may topak daw ako sa utak at apat na taon daw akong tambay."
Mabilis niyang itinigil ang sasakyan sa gilid bago tumingin sa akin. "Kailan ka pa nila ginaganyan?"
"Simula nung first day ko."
Her eyes darkened with anger. "Putangina," she uttered with so much hatred. "Mag-resign ka d'yan. Ihahanap kita ng trabaho. Kung hindi, ako na ang magpapaaral sayo. Tangina. Kakausapin ko mga admins ng lintek na eskwelahan na 'yan! Wala manlang silang ginagawa?! Gago amputa," galit na galit na pahayag niya.
Bumuntong-hininga ako. "Ayoko, Vina. Ayokong umasa muna sa inyo ni Ate Myrna. Ang tanda ko na pero wala pa rin akong napapatunayan. Titiisin ko na lang. Isang taon lang naman ako ro'n hanggang makatapos ako ng masteral."
"Overcoming your battles and living despite of your traumas were beyond notable, Chin. Bakit? Sa career lang ba masasabi na successful ka? Sa pera lang ba?" she sighed. "No. In your case, surviving is already a huge success."
Gumaan ang loob ko sa naging pag-uusap namin. Muli siyang nagdrive patungo sa KFC at bumalik ang asaran namin sa isa't isa na parang walang nangyari. I've realized that Vina is always the one who constantly reminds me that I am better. She always validates my feelings. Pag kausap ko siya, parang laging may pag-asa.
"Dahil sad ka, magbu-bucket meal tayo. Ikain natin 'yan!" aniya bago kami bumaba ng sasakyan.
Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok. Marami namang vacant chairs kaya sa pila kami dumiretso.
"Gusto ko ng fries," bulong ko sa kanya.
She smirked. "Bili ka."
Inirapan ko lang siya. Matapos naming umorder ng sandamakmak na pagkain, naghanap kami ng malaking mesa. Sa amoy at tingin pa lang, naglalaway na ako! Mabuti talaga at sumama ako kay Vina.
Habang nilalantakan namin ang mga binili niya, naramdaman ko sa gilid namin ang pag-upo ng bagong dating na customers. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mama na nakaupo roon habang nasa harapan niya si Mira at Ate Heather.
My lips automatically tremble in fear.
Nag-iwas ako ng tingin. Nanlalamig ang mukha at katawan ko sa hindi malamang dahilan. Mama looks older now. And... she looks sick.
"Chin, okay ka lang?" tanong ni Vina nang mapansin ang pananahimik ko.
Tumingin ako sa kanya at pasimpleng itinuro ang nasa kabilang mesa. Nang lingunin niya iyon ay narinig ko ang pagsinghap niya.
"Halika na, sa kotse na lang tayo kumain," mabilis na saad niya ngunit bago pa kami tuluyang makatayo ay narinig ko na si Ate Heather.
"Chin? Is that you?"
Napapikit ako sa frustration. Binalingan ko sila ng tingin at gaya ko, mukha rin silang nagulat nang magkita-kita kami roon.
"Excuse us, aalis na ho kami," paalam ni Vina. Bitbit na niya ang ibang pagkain namin. Madiin ang titig niya kay Mira na ngayon ay nakayuko na lang.
"Akala ko ba ay nasa Laguna ka?" Tumaas ang mga balahibo ko sa batok sa tonong nang-aakusa ni Mama.
"Dito ho siya nagtatrabaho," Vina answered for me.
Ngumisi si Mama. "I told you to live well. Todo na ba 'yan? I've heard... rumors about you," tawa niya pa.
Wala akong naisagot. I pressed the tips of my fingers because I cannot contain my emotions. My breathing also hitched.
"May sakit po ba kayo?" natatawang tanong ni Vina. "Deserve niyo po."
"Vina!" hindi napigilang sigaw ni Mira.
"Oh, ano? Wag mo akong pinagtataasan ng boses, gold digger ka! Takang-taka pa ako noon kung bakit may peripera liptint ka, galing pala sa pera nila?!" galit na sigaw niya.
Nanliit ako sa kinauupuan ko. Alam kong nakakakuha na kami ng atensyon pero hindi ko kayang pigilan si Vina.
Mira hissed. "Wala kang alam! May sakit si Mama! Huwag kang magsalita nang ganyan! Ilang taon na, napakabastos pa rin ng bibig mo!"
Hindi ko naririnig ang pangengealam ni Ate Heather pero hindi ko siya binabalingan ng tingin. Nakatulala lang ako sa kamay ko.
"Pwes, wala rin kayong alam sa pinagdaanan ni Chin! Ang kapal din ng mukha niyong hingin ang isang kidney niya noon para ibigay sa walang kwenta niyong nanay?!" she shot back.
My mother laughed. "Mabuti nga at hindi niya ginawa. Baliw 'yan, e. Baka mahawa pa ako sa sakit niya sa utak."
Nanginig ang kalamnan ko at sinubukang higitin ang kamay ni Vina para tumigil na. Ayoko ng gulo. Nakakahiya sa ibang kumakain.
"Okay lang na may sakit sa utak. Kaysa naman matanda na, ang kati kati pa? Sarap ba ng tatay ni Mira? Kadiri kayo, gago!"
Galit na galit na sumugod si Mira sa amin. Her steps were determined but before she could even slap Vina, the woman immediately pushed her to the floor.
Narinig ko agad ang tili ng ibang customers sa nangyari. Some of the crews were heading towards us. Kahit ang ilang kapapasok lang na customers ay natataranta na sa nangyayari.
"Huwag mo akong sinusubukan, Mira. Patahimikin mo yang deputa mong nanay kung ayaw mong paduguin ko ang nguso niyong dalawa," Vina uttered dangerously.
Tumayo ako. "V-vina, tara na lang..."
Tiningnan niya ako at agad na nawala ang dilim sa mata niya. Napalitan iyon ng pag-aalala dahil sa nakitang itsura ko.
"N-nasaan ang gamot mo?" kinakabahang tanong niya.
"A-ayos lang ako, hayaan mo na."
Akmang kukunin na niya ang gamit namin sa mesa nang biglang tumayo si Mira at hinaklit ako nang sobrang lakas. Hindi pa siya nakuntento at isinalampak niya ako sa sahig. Nanghihina ako kaya mabilis akong napahiga roon.
Wala na akong ibang narinig kung hindi ang gulat na singhap ng mga taong nasa loob ng KFC. Dinaluhan agad ako ni Vina at ng ibang crew. Alam kong nagasgasan ang siko ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak ko.
"What is happening here?!" malakas na sigaw ng bagong dating na lalaki. Tiningnan ko siya at sa uniform niya, nalaman ko agad na siya ang manager ng branch.
Inalalayan ako ni Vina makatayo. "Teka lang, ha? Tangina, patay talaga sakin 'yang mga hayop na 'yan," bulong niya sa sarili habang inaayos ako.
"V-Vina... t-tara na lang... wag na tayo rito."
Umiling siya. "Hindi ka nila pwedeng bastusin nang ganyan. Not in my fucking face."
Lumayo siya sa akin at agad na idinuro-duro si Mira. Pumikit na lang ako at hindi na intintindi ang nangyayari. My head is throbbing. Kahit ang balakang at hita ko ay masakit.
Puro sigawan ang narinig ko. Vina is protecting me. Kahit na pinagtutulungan siya nina Mira at Mama, hindi siya nagpapatalo sa pakikipag-sagutan.
"Let's settle this! Give me your names!" sigaw ng manager dahil hindi nagpapaawat ang tatlo.
"Rovina Desamero! I am ready to face the consequences of my actions! These twats disrespect my friend!" she roared like a predator howling over its prey.
"Your friend's name is...?" kalmadong tanong ng manager.
Kumunot ang noo ni Vina. "Hindi na karamay ang kaibigan ko rito! Can't you see? Ni hindi nga siya sumasagot!"
"I just need a name, Ma'am."
Kinausap ng dalawang crew sina Mira. Lumapit ako sa pwesto ng kaibigan para matapos na ang lahat ng 'to. Ayaw kasing ibigay ni Vina ang pangalan ko kahit ilang beses na siyang pinilit ng manager.
"Elora Chin Valencia," I uttered when I reached their place.
Nanlaki ang mata ng manager at agad na napatuwid ng tayo. "Elora C-Chin?"
"May problema po ba?"
Sunod-sunod na umiling ito. Bumaling ako kay Vina na ngayon ay mabilis pa rin ang paghinga dahil sa galit.
I gave her a smile. "Doctor ka pero hindi mo kayang kumalma?"
"Elora, ako'y wag mong nginingitian at alam kong hindi totoo 'yan."
Natahimik kami pareho nang biglang pumila ang mga crew sa harap namin kasama ang manager. I tilted my head and confusion flooded my system when they bowed before me.
"Sorry for the inconvenience, Ma'am!" sabay-sabay na saad nila.
"Ha?" takang tanong ko. "Ako ba? Bakit?"
Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil nakita ko ang pagpasok ni Troy sa fastfood. Magkasalubong ang kilay niya at kahit sa malayo ay halatang galit na galit ang itsura niya.
My heart reacts rapidly at the mere sight of him. Mas malala pa ang bilis ng tibok ng puso ko kaysa sa nangyaring gulo kanina. Nakatingin siya sa akin at nang bumaba ang mata niya sa braso ko ay mabilis kong itinago 'yon sa likod ko. May scratches kasi ako roon.
"Sir!" bati sa kanya ng manager. "M-may gulo lang po... pero naayos na po namin! M-maayos po ang lagay ng g-girlfriend niyo!"
"What?" Vina gasped. "Girlfriend? Ikaw ba 'yon?"
I shook my head. "H-hindi!" Maliit ang boses na saad ko.
With dark hooded eyes, Troy looked at my mother. His jaw was clenching and veins are popping out of his arms. Sa tingin pa lang niya ay kakabahan ka na. He looks like a dangerous hunter, getting ready to gnash his hunt. Matapos ang matagal na pagtitig doon ay muli niyang dinala ang tingin sa akin.
"Get out of this place," mahinahon ngunit madiing saad niya.
Nag-init ang sulok ng mata ko nang tumawa si Mama.
"Oh, Chin, alis daw kayo. Galit na galit sayo ex mo, 'no? Paiyak ka na, e."
I bit my lower lip. Hinawakan ni Vina ang braso ko ngunit agad din kaming napatigil nang biglang nagsalita si Troy.
"I want you to leave!" sigaw niya kina Mama bago ituro ang pintuan palabas. "Or do you want me to drag you outside?"
"Aalis talaga kami! Hindi mo kami kailangang sigawan!" sagot ni Mira. "Akala mo kung sino ka!"
"Ma'am, he's the owner of this place, please, sumunod na lang po kayo," sagot ng manager bago sapilitang dalhin ang tatlo sa labas. Nakayuko lang si Ate Heather sa nangyaring kahihiyan at hindi na makatingin sa mga tao.
Pinabalik ni Troy ang crew sa trabaho. Si Vina naman ay bumalik sa mesa namin para kunin ang mga naiwan naming gamit.
Nasa gilid lang ako at inaantay siya. Today is too much. Ang sakit pa ng katawan ko. Tiningnan ko si Vina at kumunot ang noo ko nang makitang magkausap sila ni Troy. My friend looks serious while staring intently at him. Ganoon din ang itsura ng lalaki.
After deciding on something, Vina gazed at me. Matapos 'yon at tinapik niya ang balikat ni Troy at naglakad na palabas.
Aba!
Mabilis akong naglakad para sana habulin siya nang harangan ako ng malaking katawan ng lalaki. Muntik pa akong mabunggo sa dibdib niya! Tumingala ako para tingnan siya at agad kong nasalubong ang mata niya.
"Tabi," I commanded. "Aalis na ako."
His chest heaved. "Usap muna tayo." Rinig ko ang kaba sa tanong niya. Mabilis akong humakbang patalikod nang mapagtanto ang lapit ng katawan namin.
Hindi ako sumagot.
Binasa niya ang pang-ibabang labi. "Umalis na si... Vina. Ang sabi ko, ako ang maghahatid s-sayo."
"Tsk," I hissed. "Ano na naman bang kailangan ko, Troy? Pinapakealaman pa ba kita?"
"May sugat ka," aniya sa mahinang boses.
"Oh, ano ngayon? Una, concern ka sa lagnat ko. Ngayon sa sugat ko. Anong gusto mong mangyari? At anong sinasabi mo sa crew dito? Kailan mo pa ako naging girlfriend, ha?"
He blinked at my sudden outburst.
"At huwag mo ngang ipinagkalalat na niloko kita! Pagsabihan mo si Irina! Kung ano ano ang pinapakalat tungkol sa akin! I just want to have my peace!" mariing saad ko ulit.
His jaw moved aggressively. "Anong sinasabi?"
I scoffed. "Don't act as if you're innocent! Alam ko namang ikaw ang nagsabi sa kanya na manloloko ako kaya ganoon nila ako tratuhin!"
"Are they hurting you?" he asked, anger is dripping from his voice.
"Physically? No. Verbally? Yes!" sigaw ko. "Wala na akong pakealam kahit anong gawin niyo sa harapan ko pero wag niyo naman akong bastusin!"
"Irina," he uttered. "Your mom, your sister, si Mira..."
Napatulala lang ako sa kanya.
His eyes darkened. "Sino pa, Chin? Tell me who hurt you. I will ruin them for you."
I stood my ground. No, I should not forget the way he inflicted pain in me. He made me feel like I don't belong to myself.
"Why not ruin yourself, Troy?" I scowled.
He chuckled but I saw pain passed through his eyes. "I'm already so broken... a-anong wasak pa, Chin?"
Naglakad ako palabas dahil hindi ko kinaya ang sinabi niya ngunit ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Kahit noong sumakay ako ng jeep, nakasunod lang siya sa akin. Umupo ako sa dulo at kahit masikip ay umupo siya sa harapan ko.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. He's a liar! He's manipulating me! Ipinaparamdam niya sa akin na mahal niya pa rin ako kahit hindi na!
Dumiretso ako sa unit at para siyang tangang sunod lang nang sunod sa akin. Nang nasa pinto na ako ay galit na galit akong hinarap siya.
"Troy, tangina naman, ang gulo gulo mo! Tapos na, diba? Nag-usap na tayo! Huwag mo namang guluhin 'yung utak ko... please!" I begged, tears pooling my eyes.
Yumuko siya. "Is it true?" mahinang tanong niya.
"Alin na naman?!" sigaw ko.
Pula ang mga mata niya nang tingnan ako. "You have PTSD... and MDD?"
I looked away. "Hindi ko kailangan ng awa mo."
"K-kaya ba sa Laguna ka nagpapagaling? Do I trigger your panic attacks?" nabasag ang boses niya. "D-did I hurt you that much? Please, tell me... tell me what I missed for the past years..."
"B-bakit pa? Hindi ka naman makikinig," I said bitterly. "Kaya, wag kang umarte na parang mahal mo pa ako. Mabuti pa, bumalik ka na lang sa girlfriend mo at baka kung ano na namang sabihin no'n."
"Irina's not my girlfriend," mahinang depensa niya sa sarili.
"Not yet," I replied.
"H-hindi ko naman nililigawan 'yon..."
I snorted. "Pero lagi kang nasa school? Lie more, Troy. My ears will bleed. Sige na, kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na. Magpapahinga na ako."
"T-teka lang."
I crossed my arms. Nangangatal siya nang kunin ang isang band-aid sa wallet niya bago iniabot sa akin ngunit tinalikuran ko lang siya at pumasok na sa unit. He's confusing me!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro