
Chapter 35
"Mag-iingat ka ro'n, Chin, ha?" Ate Myrna said. "Pupuntahan kita kapag hindi na 'ko busy."
"Opo. Nai-text ko na rin po ang may-ari ng condo. Napag-usapan na rin po namin kung magkano ang babayaran ko monthly."
She nodded. "Basta, ang gamot mo, ha? Kapag hindi mo na kaya sa trabaho, mag-leave ka."
Bitbit ang isang malaking bag at maleta, lumabas ako ng kwarto. Nakasuot lang ako ng pantalon, t-shirt at rubber shoes. Tutulak na ako pa-Maynila. Sisimulan ko na ulit ang pag-aaral.
"Salamat, Ate," I said sincerely before glancing at the door of my room. My comfort zone for the past years. "Maraming maraming salamat po."
Niyakap niya lang ako. Sa gilid ng hagdan ay nakatingin lang sa amin si Kuya Marwin kaya tinanguan ko siya. I will miss it here. I will miss my comfortable life I had here. Pero kailangan ko nang kumilos. Hindi ako pwedeng habambuhay nakaasa sa kanila.
Nagpasalamat ulit ako sa kanila bago nagtungo sa labas kung saan nag-aantay ang maghahatid sa akin.
"Good morning, Chin," bati sa akin ni Kuya Baldo.
"Magandang umaga po."
Inilagay niya ang mga gamit ko sa compartment bago kami tumulak paalis ng lugar. Nakita ko pa si Ate Myrna na kumakaway sa akin habang malungkot ang mga mata. Babalik naman ako. Hindi ko naman sila tatalikuran na lang.
Apat na oras ang byahe dahil sa traffic. Inasikaso na ni Ate ang titirhan ko kaya wala nang naging problema. It's a condo unit with two bedrooms. Overlooking ang syudad sa glass door habang ang mga mwebles ay halata mong mamahalin. It's like a hotel suite.
I shook my head. Talagang hindi ako pinapabayaan ni Ate Myrna.
I sighed and lie on the bed. From this day on, I will try to reach for my dreams. I will have my clinic in Isabela with Vina as my psychiatrist. I will help people who suffer from mental disorders. The journey isn't easy but I know, it will be worth it.
The next days, inasikaso ko ang pagpapasa ng requirements at credentials ko. Gaya dati, every weekend ang pasok ko. Kapag weekdays naman, kailangan kong mag-ayos ng thesis ko. With my good academic background, nakapag-apply ulit ako bilang professor sa isang kilalang university-CAU. The Cielo Amore University.
"Damn, this will be tiring," I said as I made my way inside the huge university. Teacher kapag weekdays, estudyante kapag weekends.
Dumiretso ako sa faculty room ng College of Arts and Sciences. Hindi naman na ako naligaw dahil sinabayan ako ng guard sa pagpasok.
"Ms. Valencia, this is your table," ani Dean Frida sa akin. Tiningnan ko ang itinuro niya at napangiti nang makita ang isang bakanteng mesa sa pinakadulo. Exactly my preferred location.
"Thank you, Ma'am."
Iniwan ako roon ni dean kaya inasikaso ko na ang gamit ko. Inilagay ko ang frame at memo board sa gilid. I also put the highlighters, folders and some documents on my desk. Napangiti ako nang makita ang collage picture sa frame.
My college and highschool friends, si Vina, ang mga kasama namin sa Red Cross, sina Ate Myrna at Kuya Merwin, picture ko sa food park, at ilang pictures noong OJT.
Napabuntong-hininga ako. After that confrontation a month ago, I ought to remove him from my narrative.
"Ma'am Irina! Looking good!" dinig kong sigaw ng isang teacher.
Sinundan ko ang tinitingnan niya at halos mabato ako sa kinauupuan ko nang makita ang dati kong kaklase. I can't remember the last time I saw her because she transferred to another school when we were in our fourth year.
She looks different now! Wala na ang makapal na salamin sa mata niya at ang bumabalot na hinhin sa aura niya noon ay wala na rin. She entered the office confidently before settling herself in a beautiful office table. Her white casual dress gave justice to her morena skin.
She chuckled. "You're beautiful, too, Ma'am Daisy."
"Wow, coming from the most in demand psychology professor! My ears have been blessed," sagot ng babae.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang dumating pa ang ibang college professors at kahit isa sa kanila ay walang bumati sa akin. Kay Irina lahat ang puna nila. They're greeting the woman as if she's the president of something or what.
Inaral ko na lang ang schedule ko. My first class will be at 10am. May oras pa ako para mag-umagahan.
Tumayo ako at dinala lang ang wallet at cellphone ko. Ang kaso, biglang sumigaw ang tinawag na Ma'am Daisy kanina kaya sa akin napunta ang atensyon nila.
"Nandito na pala ang bagong prof! Hi, Ma'am!" bati niya sa akin.
I gave her a smile. "Good morning, po."
Some of the instructors greeted me. Nagpakilala na rin ako sa kanila. Nang dumapo ang tingin ko kay Irina ay napansin kong madiin ang titig niya sa akin. Her genuine smile faded instantly.
Alam kong hindi maganda ang samahan namin noon. Ilang beses kaming nag-away dahil sa research namin pero ilang taon na ang lumipas, bakit parang galit pa rin siya?
"Magna Cum Laude ka?! Wow!" gulat na gulat na saad ng isa sa kanila.
I smiled before slightly nodding my head.
Irina scoffed. "Yeah, right. Ganda ng natapos kaso walang experience. Tambay ka for four years?"
Agad akong na-offend sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at handa nang sumagot nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Anyway, let's grab some food. I don't like the atmosphere here. Amoy manloloko."
I shiver at her words. Pinanood ko ang sabay-sabay na pag-alis nila. Ang ilan pa ay nagtataka habang nakatingin sa akin ngunit wala akong ibang nagawa kung hindi ang matulala. Alam kong ako ang pinariringgan niya. Ang hindi ko maintindihan, saan niya nakuha 'yon?
Hindi na ako nakapag-umagahan dahil sa sama ng loob. Unang araw ko pa lang ay ang pangit na agad ng imahe ko.
"Good morning, class," I greeted my students with a warm smile. "I'm Elora Chin Valencia but you can just call me Ma'am Chin. I will be the one who'll handle your abnormal psychology course."
Dahil unang araw, nagpakilala muna ang mga estudyante. Sinabi ko rin sa kanila ang course outline at mga house rules ko. It went smoothly. Mababait sila at mukhang hindi ako mahihirapan na i-handle sila.
Sa sumunod na section na pinuntahan ko, halos magulat ako sa bumungad sa akin.
"Si Ma'am Chin daw ang teacher natin sa ABPsy. Nakakaasar. Dapat si Miss Irina na lang. May bali-balitang may sakit sa utak 'yon si Valencia, e."
"Totoo ba?" the other girl chuckled. "Sayang, pretty pa naman. Sweet but psycho ampota."
I was taken aback. Hindi nila alam na nasa pintuan na ako ng room nang marinig 'yon. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I need this job. Kailangan kong makisama.
Umayos silang lahat ng upo nang pumasok ako ng room. My heart feels heavy but I managed to look at them, one by one.
I sighed. "What program are you guys taking?" I asked coldly.
"BS Psychology, Ma'am."
My left eyebrow shot up. "And you guys cannot suspend your judgment."
Yumuko ang mga estudyante. Ayoko sanang ganito ang bungad ko sa kanila dahil hindi pa kami magkakakakilala pero ano pa at naging guro ako kung hindi ko sila pagsasabihan?
"Yes, I have PTSD and MDD," I confessed. "I am mentally illed. But how can you, of all people, how can you say that? You're on your third year. Dapat, by now, alam niyo na ang sensitivity ng mental disorders."
Nakita ko ang pamumutla nung babaeng nagsalita kanina.
"Psychology major students, I am really disappointed," I said before facing the white board. "I am Elora Chin Valencia. Whether you like it or not, I'll be your instructor in Abnormal Psychology."
My first day in CAU was a disaster. Rumors have spread like a wildfire. Narinig ko agad ang usapan ng teachers at students tungkol sa akin at wala akong ibang magawa kung hindi ang makinig. Some even called me a cheating liar and a manipulative psycho.
"Hija, kumusta ka d'yan?" tanong ni Ate Myrna. Kauuwi ko lang galing school at kailangan ko pang gawin ang lesson ko bukas.
Gusto kong magsumbong agad na napagsasalitaan ako pero ayaw ko naman siyang mag-alala. This is nothing. I surpassed so many battles. This is just a scratch.
"Ayos lang po, Ate. Mababait naman ang tao sa school tapos responsive and estudyante ko. 'Yung sa pag-aaral ko naman po, medyo nakaka-cope up lalo at nagbasa ako last month."
Tinanggal ko ang sapatos at pasalampak na humiga sa kama. I wish that the sheets could drive all my worries away.
She sighed. "H-hindi pa ako masyadong makakadalaw sa'yo d'yan. May pagtatalo kasi kami ni Kuya Marwin mo."
Napabangon ako sa sinabi niya. "Bakit, ano pong nangyari?"
"W-wala! Ayos lang! Away mag-asawa lang."
Hindi 'yon nawala sa isip ko kahit noong mga sumunod na araw. Ganoon pa rin sa school pero dahil iniisip ko si Ate Myrna, medyo nadidivert ang atensyon ko sa ibang bagay.
My hunch was right. Irina was really a respectable professor in CAU. Siya ang favorite ng mga estudyante at malapit din ang loob niya sa lahat ng deans. Kaya hindi na nakakagulat na nakapag-recruit siya ng mga taong pwedeng magalit sa akin.
"Guess who's using her disorder to get special treatment?" parinig niya. Pumasok sila ni Ma'am Daisy sa office at nang makitang naroon ako ay kung ano-ano na naman ang sinasabi.
I don't get her. I don't know where she's coming. But I didn't sign up for all her remarks.
"Guess who failed her experimental research course in college?" I shot back.
Nakita ko ang pag-iinit ng pisngi niya sa galit at inis. Totoo naman kasi! Sinco siya sa research namin dahil iniwan niya ako sa ere nung mismong defense! Ang taas na ng pinag-aralan, ang isip bata pa rin!
"Hey, that's really disrespectful, Ma'am Chin," saway sa akin ni Ma'am Daisy.
Pinigilan ko ang mapairap. Kung narito lang si Vina ay paniguradong nabubungangaan na niya ang dalawang 'to.
"Then, let me work in peace. Okay lang na hindi ko kayo maging kaibigan pero please, we're all professionals. You don't have the right to disrespect me," matigas kong saad bago lumabas ng room.
Pati, me?! Special treatment? E, halos patayin na ako ng mga tao rito dahil sa mga inilalabas niyang chismis tungkol sa akin. And the fucking admins aren't doing anything! Hinahayaan lang nila na ma-bully ako!
I tried applying to other universities but their slots were full. Maraming applicants ngayon at swertihan talaga kung matatanggap ka. I can't lose this job. Ito lang ang tanging source of income ko.
My day went on normally. Aside from never-ending gossips and lessons, I still gather all my shit together. I'm glad that they aren't really relevant in my well-being. Hindi ko dapat isipin ang mga sinasabi nila dahil marami pa akong plano sa buhay ko.
"Ma'am, kailan po ang submission ng case analysis?" tanong ng isa sa mga estudyante ko. Nasa loob pa ako ng room at inaantay ko silang matapos sa pagsasagot ng activity.
"The day after tomorrow. Appoint at least three symptoms and signs in every case, okay?"
"Thank you, Ma'am!"
Nagtuloy sila sa pagsasagot kaya naupo muna ako at tiningnan ang papel ng ibang nagpasa na. Habang binabasa ang ilan ay napakunot ang noo ko sa narinig na ingay sa labas.
I glanced at the window of the classroom and my heart pounded harshly against my chest when I saw Troy looking intently at me.
Deja vu.
Ang kaibahan lang, we're no longer students. He's wearing a black polo shirt that fitted nicely in his fine body and faded maong pants. Ang sarap sanang isipin na nandito siya para sunduin ako dahil sa nakakapagod na trabaho.
Nakita ko ang ilang estudyante na nakatingin din sa kanya. Iniiwas ko ang tingin at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa.
I mentally laughed. At 28, he still has that alluring charm that drives any woman insane. Hindi ko na lang pinansin kung bakit siya nandito sa school. Wala na dapat akong pakealam doon.
"Hay, uwian na, at last..." I whispered to myself while walking towards the faculty room.
I tilted my head to massage my neck. This day is exhausting. I can't wait to have a hot bath in my unit.
Habang naglalakad ay muling pumasok sa isip ko ang lalaki kanina ngunit mabilis ko rin agad inalis 'yon sa utak ko.
"Dead dogs, stray cats, babies being thrown out..." I whispered to divert my attention. "Dirty politics, hypocrites, apathetic religions..."
I stopped walking when I heard another series of squeals. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng tilian at halos lumubog ang puso ko nang makita si Irina at Troy na inaasar ng mga co-teachers namin. Irina's hands were around his neck while she's staring lovingly at him.
"Boyfriend mo ba siya, Ma'am?! Bagay kayo!"
Irina chuckled. Inilagay niya ang kamay sa braso ni Troy at humarap sa mga nanonood na parang nasa teleserye siya. Napako ang tingin ko kay Troy na bahagyang tumingin sa akin.
"Soon!" she giggled.
I avoided his gaze and continued walking like nothing happened.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro