Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34


Nagising ako sa matinding sinag ng araw sa pisngi ko. Pupungay-pungay ang mga mata ko nang magmulat. I'm not in my room. Inilibot ko ang tingin at napagtanto kong nasa isa akong suite. Tanaw ang buong probinsya mula sa malaking glass window.

Mabilis ko rin agad napagtanto ang nangyari.

I collapsed last night.

Ibinaba ko ang tingin sa kama at napansing ganoon pa rin naman ang suot ko. Mayroon ding thermometer, bimpo at tubig sa gilid ng kama.

I got up and fixed myself. Kinuha ko rin ang cellphone at wallet ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. I didn't have the chance to appreciate the beauty of the entire suite because I wanted to get out of here. Nakita na naman ako ni Troy na ganoon ang lagay. Siguro ngayon ay may ideya na siya na hindi ako normal.

Palabas na ako nang pumasok si Troy. He's wearing a plain white shirt and a gray sweat pants. May bitbit siyang paper bag.

Nagkatinginan kami kaya mabilis akong humakbang patalikod. Too late, Chin.

"Kumain ka muna rito," sabi niya.

Tahimik akong sumunod sa kanya sa kusina. Umupo ako sa isang upuan doon habang nakatingin lang sa ginagawa niya. Kumuha siya ng utensils at inilagay 'yon sa harap ko. Nilagyan niya rin ako ng rice, bacon and nuggets. Naglagay din siya ng soup sa gilid ko.

Walang imik akong kumain. I can't wait to get this over and done with. Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi at hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. I made him suffer. Ang kapal din talaga ng mukha kong gustuhing magkabalikan kami.

Nang makitang halos patapos na ako ay mabilis siyang tumayo at kumuha ng tubig. Nagsalin siya sa baso bago iniabot iyon sa akin.

Tinanggap ko 'yon at mabilis na ininom.

"A-are you good?" he asked nervously.

Tumango lang ako bago dahan-dahang tumayo. Tiningnan ko ang cellphone ko at napagtantong hindi alam ni Ate Myrna kung nasaan ako. Paniguradong nag-aalala na 'yon sa akin.

"Uh... ihahatid na kita, Chin."

Umiling lang ako. "May byahe na."

His chest heaved. Lumabas ako ng kusina at naramdaman ko lang ang pagsunod niya sa akin. I closed my eyes tightly. I have to at least express my gratitude to him. Inalagaan niya ako kagabi.

Humarap ako sa kanya at napansin kong umayos siya ng tayo habang nakatingin sa akin.

"Salamat kagabi. At pasensya na rin sa abala," I said sincerely.

Tinitigan ko nang matagal ang mukha niya. Aside from some improvements on his body, his eyes remained the same. Malalim pa rin at nakakalunod. Parang maraming gustong sabihin. Even when the first time I noticed him through the windows of our classroom, pansin ko na agad na maraming ekspresyon ang gustong ipakita ng mata niya.

I even saw love in his eyes before. Sa loob ng apat na taong relasyon namin, hindi niya ako tinaasan ng boses. Hindi niya ako sinaktan. He's always the bigger person. Kapag kayang umintindi, iintindihin niya ako.

Kahit kapag nagseselos siya, hindi niya hinahayaang maramdaman ko 'yon dahil gusto niya akong pagkatiwalaan. He'll just laugh and kiss my head. Sasabihin niyang maganda ako kaya ganoon. Back then, he wanted nothing but to assure me. He always validates my feelings.

I felt that. I felt his love. Kahit ilang taon lang 'yon, naramdaman ko ang labis niyang pagmamahal sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha.

"Troy," I called him.

I saw him gulp. "Hmm?"

I looked away. Tumingin lang ako sa glass door kung saan tanaw ang labas. Green sceneries, tall trees, bushes, pretty flowers. The world is beautiful. The morning is serene but my mind was already too loud.

"S-sayang tayo, 'no?" my voice cracked.

Kinurot ko ang sarili dahil alam kong kaunti na lang ay iiyak na ako.

Hindi talaga kami pwede. Bakit ko ba ipinipilit? Hindi na niya ako matatanggap at hindi ko na rin siya kayang tanggapin. I love him but I only scarred him. Minahal niya rin ako pero masyado na kaming nagkasakitan.

Matagal na ang huli kong panic attack kaya akala ko ay gumagaling na ako. Pero simula noong makita ko siya, gabi-gabi na naman akong umiiyak.

I sighed and with tears pooling my eyes, I stared intently at him. The man who witnessed all my successes and failures. The man who danced with my demons. The man who made me feel loved.

I can't read his expression. Tiim ang bagang niya at mariin din ang titig sa akin.

"A-about your tattoo," I managed to say. "You can have it removed," I added.

Hindi siya sumagot. Iniiwas ko ulit ang tingin ko dahil hindi ko kayang titigan siya nang matagal. I probably look like a pathetic bitch right now but we need this. Kahit ayaw ko. We need this closure.

Closure.

Lalong bumigat ang puso ko.

"'Yung KFC branches mo, pwede mo namang ipagbili ulit 'yon pero pwede ring i-keep mo kasi p-pera rin 'yon..." I whispered.

"I don't care about that, Chin," madiin na saad niya.

I nodded. "O-okay, then, just do whatever you want. A-ayoko lang na may mga bagay pa sa buhay mo na... may koneksyon sa akin."

Kumapit ako sa damit ko. Gusto ko nang umuwi dahil ayokong tapusin ang usap namin. Alam kong paglabas ko ng suite na 'to, kailangan ko nang magsimulang kalimutan siya. Akala ko ay pwedeng isang paliwanagan lang ang lahat. But no. The damages were too disturbing.

"I-I'm sorry for bothering you," I chuckled. "Akala ko pwede pa, e."

"What are you saying? Just go straight to the point, Chin," he echoed.

Napabuntong-hininga ako. Tumitig ako nang sobrang tagal sa mata niya. For four years, hindi lumipas ang isang araw na hindi ko siya pinagdasal. I always wish him success and happiness. And I saw it, eye to eye. Ang layo na nang narating niya. Sa sobrang layo, hindi ko na kayang habulin.

I gave him my smile. "I will stop trying to explain things to you. I will stop wishing and dreaming about you. I will stop begging God to give you back to me."

Tumulo ang luha ko pero mabilis ko lang pinalis 'yon.

"This will be my last tear for you, T-Troy," I sobbed. "K-kakalimutan na k-kita..."

Muli akong tumawa kahit luhaan ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

"L-let's stop talking. May lagnat ka pa," he uttered softly.

Umiling ako. "M-magiging kasing tibay mo 'ko, Troy. M-makakalimutan ko rin lahat ng pinagsamahan natin. I will move on. I will live. I promise you that."

"Chin!" he called me desperately. "Please, stop talking."

My heart ached. "Why? Y-you can't stand my voice? Lagi mo na lang ayaw makinig! T-turuan mo naman ako, Troy. Tell me, how can you leave me like that?!" Hindi ko naiwasang isumbat. "How can you leave me... when I beg you not to?!"

"L-lumuhod ako... nagmakaawa ako na wag mo 'kong iwan!" sigaw ko. "A-ang sama sama ng loob ko sa'yo pero h-hindi ko magawang tuluyang m-magalit kasi mahal kita," basag na basag ang boses ko.

Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko dahil sa paghikbi. For the first time in four years, I was able to say it out loud.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at lalo lang akong napaiyak nang yakapin niya ako. He pressed my head towards his chest while I'm crying like a hopeless damsel.

"S-stop crying," he uttered. "Ihahatid na kita. Y-you should rest. M-mainit ka pa."

Ipinikit ko ang dalawang mata at itinulak siya nang malakas.

"S-stop acting like that!" pagmamakaawa ko. "S-stop acting like you still love me! Please, m-mas gugustuhin kong matapos tayo nang galit ka sa akin! P-pagsalitaan mo ulit ako, Troy! G-gusto na kitang kalimutan!"

Basang-basa na ang mukha ko ng luha pero desidido akong tapusin na ang lahat sa amin dahil pagod na pagod na akong umasa na pwede pa kami. I hold him too close to my heart, hoping that someday, we'll be together again. Pero kaunting pagkikita pa lang, napagtanto ko na agad kung gaano kami kalayo sa isa't isa. Wala na pala akong babawiin kasi ayaw na niya.

"K-kung nasaktan kita, sana inisip mo na nasaktan mo rin ako..." nagawa ko pang isumbat. Ayokong sabihin 'yon pero 'yon ang laman ng puso ko. I want him to know that I was hurting. "B-but no... you were too busy healing youself. You did not even care how much damage you've caused me."

His eyes glistened. Bumilis din ang kanyang paghinga habang nakatingin sa mukha ko.

"W-why is it so easy for you to leave me?"

"You gave me a reason to do that, Chin! Niloko mo 'ko... sigurado na ako sa'yo pero nagawa mong saktan ako nang gano'n," basag ang tinig na saad niya rin. "P-please, you're not well. M-magpahinga ka muna..."

I bit my lower lip. "Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan, Troy. Wala na akong pakealam. S-sapat na siguro 'yung pagmamakaawa ko sa'yo na pakinggan mo 'ko pero hindi ka nakinig. That's your choice. W-wala na akong magagawa."

Tinalikuran ko siya. Masama ang pakiramdam ko pero desidido akong makalabas na sa suite na 'to. I'm too restless and desperate. I waited for him to come home with the hopes that we'll reconnect, that he'll listen, ni hindi ko inisip na hindi na pwede.

"C-Chin, ihahatid kita," mahinang saad niya ngunit nakaabot 'yon sa pandinig ko.

Nakatalikod ako sa kanya pero nagawa kong umiling. Panibagong luha na naman ang umalpas sa mata ko. "N-no. Let's just end everything here. Just bear in mind that no matter how painful our memories were, for me, those were the b-best. A-and I'm sorry... I do not regret loving you."

Dire-diretso akong lumabas ng suite, walang pakealam sa mga matang nakatingin sa akin kahit noong nasa elevator na ako.

That's it, right? Kailangan ko nang sumuko. Kailangan ko nang makalimot. I should move to another chapter of my life. We're no good for each other.

Umapaw ang gulat sa puso ko nang makitang sumakay din sa elevator si Troy. His eyes were fixed on me. Nang makarating kami sa ground floor ay walang imik akong lumabas ngunit noong nasa parking na ay hinigit niya ang braso ko.

"Ano ba?!" naiinis ko nang saad. Ayaw ko na siyang makita! Ayaw ko nang tanawin siya dahil nasasampal lang ako ng realidad na hindi na kami pwede.

His expression softened. "I-ihahatid kita, please, Chin..."

Binawi ko ang kamay ko. "Kaya ko namang mag-isa! Huwag mo akong itrato na parang ang hina hina ko!"

"May lagnat ka," saad niya na parang hindi ko alam 'yon.

"Ano ngayon? Ikamamatay ko ba?"

Please, let me go. Let's just separate ways. Huwag mo na akong paasahin sa parang meron dahil alam kong wala na.

"I can't stay still!" he said. "H-hayaan mo naman akong ihatid ka, Chin. K-kahit 'yun na lang," he pleaded.

"Troy, p-parang awa mo na. Stop giving me false hopes. Okay na. Titigilan ko na nga, diba? H-hindi na nga kita guguluhin, diba? Hayaan mo na rin sana ako. J-just go on with your life. M-mukha namang masaya ka, e." My fucking tears just won't stop falling.

Ang bawat paghinga ko ay mabigat dahil sa dulong parte ng puso ko, ayoko siyang bitawan. Gusto kong umasa na lang nang umasa na magkakabalikan kami.

Halos matulala ako nang makita ang pagtulo ng luha sa mata niya. Mabilis siyang yumuko at paulit-ulit na umiling. It hurt me even more.

"A-ayoko," mahinang saad niya. "A-ayoko nito..."

My lips tremble. Ginulo ko na naman siya. Bago naman siya pumunta rito sa Laguna, maayos na siya, e. Pero dahil sa akin, nalilito na naman siya. I really fucked him up.

Slowly, so slowly, I went near him, put my fingers on his chin and leaned forward to give him a kiss.

"T-thank you for l-loving me." I whispered.

Sabay na tumulo ang luha sa mata namin. In our next lives, I hope we find each other again. I hope that we'll never have to experience the pain again. I hope that peace and love follow the trail to his door. Because maybe, in this lifetime, we can never be.

After that, I turned my back on him.

Funny how we had our first and last kiss in a parking lot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro