Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33


Maaga akong nagising, maga pa rin ang mata pero may baon nang bagong determinasyon. Alam ko na ang dapat kong gawin. Siguro naman ay sapat na ang ilang taon kong pamamahinga para magpatuloy ulit ako, hindi ba? My dream was long overdue. Oras na para kumilos ako para maabot 'yon.

I grabbed my psychology books and ordered a DSM-5 book online. Ito na kasi ang pinaka-updated na list ng mga psychological disorder at kung magtatake ako ulit ng board exam para maging psychologist, kailangan ko ng sapat na kaalaman dahil matagal na akong tumigil.

"Shucks, ano nga ulit ang symptoms no'n?" bulong ko sa sarili nang madaanan ang isang pamilyar na sakit ngunit hindi ko na maalala ang detalye ng kabuuan noon.

Pumupurol na talaga ako, ah? Dati ay saulo ko na 'to!

Buong umaga akong nagbasa at nag-research doon. Two-year program ang Master of Arts in Psychology na itina-take ko at nafulfill ko na noon ang unang taon. Isang taon pa ulit bago ako tuluyang maka-graduate at makakuha ng board exam. Kaunting tulak na lang, may mapapatunayan din ako.

"Chin? Anong ginagawa mo?" narinig kong saad ni Ate Myrna sa labas ng kwarto ko.

Ibinaba ko ang hawak na highlighter bago tumayo at pumunta sa pinto para pagbuksan si Ate. Bihis na bihis siya kaya alam kong galing siya sa trabaho.

"Nag-aaral po."

Napangiti siya sa sinagot ko kahit na nabasa ko ang lungkot sa mata niya bago siya pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama. She looked at the surroundings kaya napatingin din ako roon.

My walls were painted in white. There are portraits hanging on each corner. May picture kami ni Vina, Mich at Anne noong nag-OJT kami. May malaki ring larawan namin nina Ate Myrna at Kuya Marwin.

My face heated when my eyes dropped on the frame on my bedside table. Picture namin 'yon ni Troy noong umattend kami ng music festival nung first anniversary namin. Our eyes were filled with nothing but love and happiness.

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" tanong niya.

Tumango ako bago siya tinabihan sa kama.

"Natutuwid na ang pagsasalita mo. May binili akong DVD's na pwede mong pag-practisan. Kunin mo na lang sa baba mamaya."

I sighed. "Salamat, Ate."

"Ipinagluto na rin kita ng tanghalian kay Flora."

Tumango ako at itinuon ang dalawang kamay sa kama.

"Hay nako," singhap niya na nakapagpagulat sa akin. Tumingala siya para pigilan ang pagbagsak ng luha. Ako naman ay natulala lang sa kanya dahil hindi ko alam ang dapat gawin. Ni wala akong katiting na ideya kung bakit siya naluluha.

"A-Ate..."

Pinahid niya ang isang nakaalpas na luha. "Wag mo na akong pansinin... mag-aral ka na lang doon, Chin."

Umiling ako at bahagyang niyakap siya. I caressed her back to make her feel that I will stay with her.

She held my hand tightly as if she's grasping a tiny pint of hope from it.

"I'm sorry, hija. Napaisip lang ako sa mangyayari sayo."

"B-bakit po?"

Hinarap niya ako kahit na medyo namumula ang mata niya. "Parang hindi yata kita kayang ibigay kay Troy," mahinang pagtawa niya. "Itinuring na talaga kitang anak kaya naisip ko na kapag nag-asawa ka na, lalayo ka na sa amin."

Nanubig ang mata ko. "H-hindi po mangyayari 'yan. K-kung magkakataon man na makapag-asawa ako, hindi ko naman po kayo para kalimutan."

She holds my face and kissed me on my head. "Ngayon ngang nag-aaral ka na ulit, alam kong malapit ka nang magpaalam para bumalik sa Maynila..." she whispered.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil totoo 'yon. Sa Maynila ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko at wala na akong planong umasa sa kanila financially. Kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko.

"Don't worry about me. Sign of aging lang 'to. Medyo nagiging clingy," tawa niya.

Nagkwentuhan pa kami bago siya tuluyang nagpaalam para gawin naman ang trabaho sa food park. Buong araw akong binagabag ng palaisipang 'yon. Nakokosensya ako. Baka isipin nila na itinapon ko ang relasyon namin pagkatapos kong maging ayos.

Hindi ko mabilang kung ilang araw akong hindi lumabas ng bahay dahil sa pag-aaral. Ang dami ko nang na-miss na terms. Nang dumating pa ang order kong libro, lalo akong nalula sa dami ng mga bagong sauluhin.

Totoo ang sinabi ni Ate Myrna na susuportahan niya ako sa pagkamit ko sa pangarap ko dahil kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya ang plano ko, ini-enroll niya na ako sa isang kilalang eskwelahan.

"Ate, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Gusto ko sanang ako na ang magbayad ng tuition fee ko," nahihiyang saad ko.

Umiling lang siya. "Utang 'yon. Bayaran mo sa akin kapag kaya mo na, ha? Saka may hindi na natitirhan na condo unit doon ang pinsan ko kaya sinabihan kong ipahiram muna sayo. Dalawang libo lang ang renta buwan-buwan kaya sobrang laki ng matitipid mo!"

Napayuko na lang ako sa hiya. "S-salamat, Ate."

"Nako, kumain ka nang marami at sa susunod na linggo lang ay ipapahatid kita kay Baldo! Mahirap na. Hindi mo ako kasama kaya dapat ay alagaan mong mabuti ang sarili mo."

"M-magkikita naman po kami ni Vina roon..."

She nodded. "Basta ang gamot mo, ha? Huwag kang makakalimot uminom."

Noong araw ding 'yon ay tumulong ako sa food park. Naglinis ako ng mga mesa at upuan hanggang sa mag gabi. Dinagsa ang lugar ng mga taong gustong mag-inom. Sakto rin kasi na may live artist doon.

I sighed before looking at the venue. Today is a special day for me.

Nang makita ang pamilyar na grupo ng mga lalaki ay nanghina ako at nanalangin. Lord, please, huwag niyo po munang ipakita sa akin si Troy. Hindi pa po kaya ng puso ko.

Pero mahina ako kay Lord.

Mabilis akong tumalikod nang mamataan ito. Nagtago ako sa isang stall at nagkunwaring tumutulong sa mga nagtitinda roon. I didn't even throw him a glance. Not now.

I busied myself with cleaning and helping some of the workers to fight the urge to look at him. Ayoko na munang humiling ng imposible. Tama si Ate Myrna. I should stay away from everything that might hurt me, even if it includes him. My love for him isn't healthy for my well-being.

Maingay ang mesa nila ngunit kahit isang beses ay hindi ko sila tinapunan ng tingin kahit alam kong nakikita nila ako.

Ramdam ko ang nakakatusok na tingin sa akin ni Troy habang kumakain ako. Ilang na ilang ako pero hindi ko na lang pinansin dahil ayokong umasa ulit na pwede kami. He's beyond my reach now. Hindi na siya abot ng mga kamay ko.

Kahit naman noon. He's popular at school not only because of his family background but also because of his charm when it comes to women. Kaya nga noong una ay hindi naman ako naniwala na gusto niya ako. Dahil pakiramdam ko, imposible. He's the Troy Jefferson Dela Paz... and I'm just a mere psychology student who has a hypocritical family.

Lalo ngayon. Walang-wala ako tapos siya, nasa kanya na lahat. Mas lalo ko siyang hindi kayang abutin. Mas lalong imposible.

"Miss Chin! Nandito ka pala!" malakas na sigaw ni Hugo, medyo namumula na ang mukha sa kalasingan.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya lalo at inaasar siya ng mga kasamahan nila. Nadaanan ng mata ko si Troy na mariin lang na nakatingin sa akin na parang may masama na naman akong ginawa.

Alam kong may tama na siya dahil kilalang-kilala ko ang itsura niya kapag naka-inom. Pero hindi gaya dati, hindi na siya para pumunta sa akin at maglambing.

Muntik akong matumba nang tumayo siya sa pag-aakalang lalapit siya sa pwesto ko. But to my shock, he went on the platform where the artist was singing! Nakita kong kinausap niya ang performer bago nito iniaabot ang gitara kay Troy.

"Whoooo! Go, Engineer!" sigawan ng mga kasama niya nang umupo siya sa inuupuan ng performer kanina.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Is he going to sing? Alam ko namang sanay siya sa atensyon pero hanggang ngayon ba naman?

"Mic test..." malalim ang boses na saad niya.

Nakarinig ako ng tili sa paligid.

Nostalgia.

Ayun ang nangibabaw sa puso ko. It reminded me of his birthday... nung Valentine's day. We really created a lot of memories together. How did we happen to be here? We used to be so in love.

I sighed. Looking back, I thought we'll get married when I turn 25. We'll have babies and I will probably be as successful as him now... but all I can remember is that I spent that year on a psychiatric ward while he's enjoying his life in Switzerland.

"Good evening," muling salita niya sa mic na nakaani ulit ng palakpakan at sigawan. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya nang walang kahirap-hirap ang isang acoustic guitar.

"April 14," he uttered softly. "I always despise this day..."

I bit the insides of my cheek because of the pain that stabbed my heart. He hates the day I value most.

"Share share!" lasing nang sigaw ng mga tao.

Kami lang dalawa ang seryoso sa buong lugar. Nakatingin lang siya sa kawalan na parang may interesanteng bagay doon.

He chuckled but the supposed happiness failed to reach his eyes. "Walong taon na sana kami ngayon."

The crowd reacted sadly. My lips tremble as I felt millions of daggers ripping my heart open.

He started strumming a familiar song... our theme and comfort song. It hurt me more. He imitated the way I played the intro.

"She used to sing this for me whenever I get sad," kwento niya sa mga nakikinig na parang kabarkada niya lang ang mga 'yon. "Sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa noon..." he chuckled again.

Kada bukas ng bibig niya ay para akong dinudurog. He's telling the world his side of story. My heart ached. Noon. He loved me. Before. Noon.

"Lift your head..."

Tuluyang tumulo ang pinipigilan kong luha sa unang liriko na binitawan niya. His baritone sounded nicely but it's crashing me to pieces. I feel like after this, we'll be over. After this, I will have no choice but to give up.

"Girl, I'll stay through the bad times, even if I have to fetch you everyday..." he continued singing softly.

Mas dinig ko ang unti-unting pagkabasag ng puso ko kaysa sa mga taong nakikikanta rin sa kanya. Is this your way to shut me, Troy? Gusto mo bang durugin pa ako lalo para tigilan na kita?

He only finished the first verse and chorus. Matapos iyon ay ngumiti ulit siya sa mga tao.

"Do you know how much I loved her?" he asked in a monotone. "I bought six branches of KFC because that's her favorite fastfood chain," his voice cracked.

Itinakip ko ang dalawang kamay sa mukha at mahinang humikbi. I don't wanna hear it. I don't wanna hear how much he suffered because of me. Tama nang alam ko na naging masaya siya na wala ako dahil mas matatanggap ko 'yon kaysa ang katotohanan na iniiyakan niya ako.

I don't want my Troy crying. Sa mga nagdaang taon, mas kaya kong isipin na masaya lang siya. Ayokong padaanin sa utak ko na nahirapan siyang kalimutan ako.

"I tatooed her name on my chest because I noticed how much she loves that certain part of me..." he stated.

Lalo akong humikbi. Para akong pinapatay ng mga salita niya. Mahal niya ako noon. Ramdam na ramdam ko 'yon. He's with me on all my breakdowns and breakthroughs. Niyakap niya lahat ng karumihan ko. Tinanggap niya lahat ng parte ng pagkatao ko. Kaya hindi ko siya mabitawan. He owns more than half of my heart. Hell, he owns that whole thing.

"I was planning to propose to her that day," muling nabasag ang boses niya. "B-but she didn't go home."

Dinaga ang puso ko.

Nanumbalik sa akin ang lahat ng nangyari noon. Ang pakikipag-usap kay Mira, ang pagsakay ng taxi, ang abandunadong building, ang gubat... ang anak ko... ang pagtataboy niya sa akin. I remembered it all. Parang mga imahe na una-unahang naglaro sa utak ko.

I was disrespected by Mira. I was sexually harassed by Luke. I had a miscarriage. I spent two months in a hospital with no one but a person I'm not familiar with. I lost Troy. I lost myself.

Ipinikit ko ang mata sa dami ng naiisip ko. The sight of blood appeared on my mind. The gunshots. The disgusting pictures. All of it.

Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay ni Troy.

"L-Lord, please, not now..." I prayed while sobbing. I'm on the verge of having a mental breakdown in a public place. I know I should take my meds but I didn't bring it with me!

Nangangatal akong tumayo at naglakad palabas ng food park. Hawak ko ang dibdib ko habang nandidilim ang paningin. I have to go home. Kinuha ko ang cellphone ngunit sa panginginig ko ay nalaglag ito sa semento. Dinampot ko ito ngunit noong nakaupo na ako para abutin 'yon ay tuluyan na akong umiyak.

Why am I so miserable?

Troy's about to propose to me that day. Sana ay hindi na lang ako pumunta kay Mira. Sana ay hindi ko na lang nabasa ang message niya. Kung nagkataon, siguro ay masaya ako ngayon. Kasal kami at siguradong buhay ang anak namin.

I regret it so much but it's done. It's not something I can control.

Para akong tanga habang nakapikit at humihikbi dahil nararamdaman ko ang hampas sa akin ng baseball bat, ang sampal, ang suntok, ang pangbababoy.

"What are you doing?" malamig na tanong ni Troy sa likod ko ngunit hindi ko siya natingnan.

Don't look at me, please.

"J-just go, Troy... please..." hinang-hinang sagot ko. My vision is getting blurry and I wanted so bad to vomit. My tears are flowing like a running river, unstoppable.

"Masakit ba, Chin?" galit na tanong niya.

"S-stop..." hikbi ko.

"You fooled me!" sigaw niya. "Mahal na mahal kita pero nagawa mo akong gaguhin! Bakit, ha? Mas masarap bang humalik si Luke?! Kaya ba ilang buwan kang hindi nakauwi?! Ni hindi mo manlang inisip na gabi-gabi akong naghihintay sayo!"

Kinakapos na ako ng paghinga. He's drunk. He's not on his right state of mind.

But it haunted me. Halik. Luke. Gabi. It played on my brain like a built-in CD. Kaunti na lang, alam ko, ay matutumba na ako. Bumibigat ang talukap ng mata ko ngunit hindi ko magawang tuluyang pumikit dahil gusto kong pakinggan lahat ng hinanakit niya.

"And now, you're expecting me to take you back? Don't make me feel guilty! Ano ngayon kung hindi ko tanggapin ang pinadala mo? Ano ngayon kung hindi ka nagpakita ulit?!" basag na basag ang boses na sigaw niya. "Huwag mo na akong akitin, Chin, dahil ayoko na sayo! Hinding hindi na kita mamahalin ulit!"

Kahit nanlalambot, halos pikit mata akong tumayo at tumingin sa kanya.

"T-Troy... sa ibang... araw... na lang tayo mag-usap... ha?" mahinang saad ko. Mabilis ang paghinga ko dahil sa panic attack ko at parang may kung anong sumasakal sa akin.

"C-Chin..." Para siyang natauhan nang makita ako. Nanlaki ang mga mata niya at akmang lalapit pa sa akin ngunit mabilis akong lumayo.

Lalo akong nanlambot. "S-sa susunod na lang... ha? P-pagod ako ngayon, e..."

Seryoso at nag-aalala ang tingin na iginawad niya sa akin. I blinked a lot of times to calm myself. Hinga, Chin. You can do this. You survived a lot of this.

Ngunit bago pa ako makabawi ulit, tuluyang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang dalawang brasong sumalo sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro