Chapter 32
"May bulk order ka ng milktea sa food park? Saan mo dadalhin?" bungad sa akin ni Ate Myrna nang maabutan ako sa kusina. "At bakit ka nagluluto? May ulam naman tayo."
Huminga ako nang malalim bago isinara ang kaldero. Nakasandal siya sa pintuan ng kusina at nanliliit ang mata sa akin.
"Sa Siniloan po o siguro sa Mabitac. Dadalhin ko sa construction site," mahinahong sagot ko, ayoko kasing mahirapan ang boses ko.
Lalo siyang sumandal doon. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib at tinitigan ako. "Mabait ka, Chin, pero hindi ako naniniwalang pagkakawang-gawa lang ang dayo mo roon."
I gulped. "S-si Troy po..." I confessed.
Lumapit siya sa akin. Binuksan niya ang niluluto ko at nang makitang hindi pa luto ay sumandal siya sa lababo para muling ibalik ang atensyon sa akin.
"Nabanggit nga sa akin ni Vina na nagkita kayo," she said. "Umamin ka nga sa akin. Ano ang plano mo, Chin?"
Kinurot ko ang sarili dahil sa naramdamang hiya. Alam ko namang susuportahan lang ako ni Ate Myrna pero sigurado akong mapagtatanto niya kung gaano ako katanga pagdating kay Troy.
"Wala kang naging ibang lalaki sa buhay mo simula noong dalhin kita rito. Alam ko namang hindi ka manhid at ramdam mong nagpapalipad-hangin sayo si Gilbert. Kaya ba hindi mo sinusubukan ay dahil kay Troy?" seryosong tanong niya.
Kahapon ay umuwi akong kabadong kabado sa ginawa. I mean, parang hindi ako 'yon. I'm not desperate to ask for anyone's attention. Lalo pa sa mga lalaki. Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit bumalik pa ako sa food park.
Tumango ako kay Ate bago yumuko. "M-magpapaliwanag lang ako kay Troy, Ate. Kailangan niya akong marinig."
"Pag nakapagpaliwanag ka, anong susunod?"
"G-gusto ko po sanang magkabalikan kami." Muli akong napalunok. "Mahal ko pa rin po. Mahal na mahal ko pa rin..." hinang hinang saad ko. Sa loob ng maraming taon, ni hindi ko sinubukang umusad para makalimutan si Troy.
I kept him inside my heart silently. Na habang nilalabanan ko ang sakit ko, isa siya sa mga pag-asang kinapitan ko.
"A-Ate, pakiramdam ko naman, mahal pa rin ako ni Troy, e. G-galit lang talaga siya sa akin," bulong ko.
"Hindi ko gusto ang ginawa niya sayo noon. Naiintindihan ko na nasaktan siya sa nangyari pero kung may nasaktan sa inyo, ikaw yon. Ikaw dapat ang hinahabol niya ngayon, Chin."
Pinaglaruan ko ang daliri ko at hinayaan siyang magsalita.
"You're still under your medications. Hindi ka pa tuluyang gumagaling. Ayokong masaktan ka na naman niya tapos mahihirapan ka na namang iahon ang sarili mo. Kaya... pakiusap, lumayo ka na sa alam mong makakasakit sayo."
Ayokong makinig dahil alam kong tama siya. Walang kasiguraduhan ang pagsugal ko ulit kay Troy. Pero, isang usap lang at matatapos na ang lahat ng 'to. Magiging masaya na ulit ako.
"Ate, huling subok ko na 'to. K-kung ayaw niya pa rin, hindi na po ako magpupumilit."
Naramdaman ko ang mainit na yakap niya sa akin. "Hindi ko gusto ang plano mo..." she whispered. "Pero noong binalita pa lang sa akin ni Vina ang tungkol sa kanya, alam kong may plano ka na."
Hinaplos niya ang buhok ko at lalo akong niyakap. She's like a mother to me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati siya, mawawala pa sa akin.
"I watched and protected you for years. Hindi ko kayang may mananakit na naman sayo."
I hugged her back. My heart warmed at the thought that I have her. Na kahit talikuran ako ng mundo, may makakasama pa rin ako.
"S-salamat, Ate. Balak ko rin talagang sabihin sayo ang plano ko at makikinig naman ako sayo kung pipigilan mo ako," I replied.
"Ayokong pigilan ka dahil alam kong gusto mong gawin 'to. Basta, kapag nasaktan ka ulit dahil sa kanya, pasensyahan, Chin, pero hindi ako magdadalawang isip na ilayo ka."
"O-opo..."
Matapos ang mabilis na usapan namin ay nakahinga ako nang maluwag. Alam kong kailangan kong itawag kay Vina ang plano ko at sana, gaya ni Ate Myrna, suportahan niya rin ako. Matagal ko nang iniisip ito, kahit noong bago ko pa siya makita. I promised myself that I will tell him everything because my words failed me years ago.
Tinapos ko ang pagluluto bago naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng isang puting t-shirt at pantalon dahil alam kong maalikabok at mainit doon. Ipinusod ko rin ang buhok ko bago naglagay ng pink na liptint at baby powder sa mukha ko.
Dumaan muna ako sa StrEat dahil sa orders ko. Napagtanto ko na hindi ko pala kayang bitbitin 'yon dahil nasa dalawampung milktea 'yon. Binawas ko pa 'yon sa ipon ko! One hundred fifty rin kaya ang isa! Bitbit ko ang lunch na niluto ko para kay Troy kaya lalo kong naisip na hindi ko kayang dalhin lahat.
"Manang, ipadeliver niyo na lang po pala kay Baldo. Magbabayad ako ng fee... sa Siniloan po, sa ginagawang daan."
"Sige! Wala ka na bang idadagdag?"
Umiling lang ako sa kanya. Sumakay ako ng jeep at halos isang oras din ang naging byahe ko dahil bukod sa patigil-tigil ang jeep, medyo mabagal pang magpatakbo ang driver. Mabuti na lang talaga at maaga akong pumunta!
Ni hindi ko nga alam kung saan sila nag-oopisina. Talagang sa mismong site kung saan ineexpand ang daan ako pupunta. Pagkababa ko sa jeep ay nagsisimula na sa pagtatrabaho ang ilang workers. Napangiwi ako sa dami nila. Jusko, kulang ang pa-milktea ko. Wala pa kasi akong budget!
Luminga ako at napagtantong para akong tanga roon. Wala akong kakilala kahit isa. May mga trabahante na naghahalo ng semento at ang iba naman ay inilalagay 'yon sa nakasukat na daan.
Lumapit ako sa isa sa mga naghahalo ng semento.
"K-kuya..." mahinang tawag ko ngunit dahil sa ingay ng mga dumadaang sasakyan at mga machine, nalunod lang nito ang boses ko.
I gulped before speaking again. "Kuya, excuse me, po."
Napalingon ang lalaki sa akin at tinapos ang ginagawa. Pinunasan pa niya ang pawisang noo.
"Ano ho 'yon, Ma'am?" magalang na tanong niya sa akin.
Hindi ko binalingan ng tingin ang ibang construction workers dahil hindi naman sila ang dayo ko. Nakakainis lang talaga ang ginagawa nilang pagtingin na akala mo ay may malisya ang paglapit ko.
"K-kuya, nasaan ang engineer niyo?" saad ko.
Napakamot siya sa ulo. "Naku, Ma'am, marami po kaming engineer, e."
Napakagat ako sa labi ko. Guess I have no other choice but to tell him his name, huh? Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila!
"Uhh... si Dela Paz po."
Lumiwanag ang mukha niya. "Ah! Si Chief!"
"O-opo..." sagot ko kahit na hindi naman ako sigurado sa sinabi niya.
"Nasa opisina po siguro 'yon, Ma'am. May meeting kasama ang project engineers at managers namin. Kung urgent po, pwede niyo namang puntahan sa opisina namin sa Mabitac."
Tumango-tango ako. That's only a ride away.
"Salamat, Kuya."
He smiled. "Ano nga pong pangalan niyo, Ma'am?"
"Chin, po. Chin Valencia."
Nagpaalam ako sa kanya bago muling sumakay ng jeep. Nakakunot na ang noo ko dahil sa init pero wala, ginusto ko 'to! Nakakahiya mang ibigay ang niluto ko nang hindi na mainit, mas pagsisisihan ko kapag hindi ko 'to naiabot.
God, why do I have to love him this much?
Nakarating ako sa tinutukoy na opisina. Two-story building lang 'to dahil sigurado naman akong hindi rito ang main office nila. Nagtanong ako sa guard at sinabi niyang sa pangalawang palapag ginaganap ang meeting.
Nahihiya ako. Anong ganap ko at pupunta ako roon? Paniguradong kasama niya ang engineers at ilang managers doon... tapos ay eepal ako?
I had the urge to retreat. Nakakahiya talaga. Baka kung ano pang isipin ng mga kasamahan niya.
I sighed and shook my thoughts away. Kailangan niyong magkausap ni Troy ngayon, Chin. You should proceed with your plan! Mabuti nga at lumapit na sa lugar mo ang lalaki! Kapag bumalik sila sa Maynila nang hindi ka nakakapag-paliwanag, mas lalo kang mahihirapan!
With a hard-built courage, I went upstairs. Maganda ang opisina nila. Modern black, white, gray and wooden brown. Glass doors lang din ang naghihiwalay sa mga opisina. Wala namang receptionist doon o kahit sinong mapagtatanungan dahil hindi naman kalakihan ang opisina.
Nakita ko agad ang isang saradong pinto sa dulo ng pasilyo at natanaw ko mula sa full glass window na doon nga ang meeting nila.
I stared at Troy who's speaking in front of them. May presentation siyang ipinapakita habang nakalapag ang blueprint sa mesa.
Ang dami na talagang nagbago. Noong nasa Isabela pa lang kami, napapagod siya araw-araw sa trabaho pero hindi siya nabibigyan ng magandang project. Lagi siyang parang saling pusa lang sa minor projects. He really did get better without me. Mas naging mabuti para sa kanya ang pag-alis dahil nahasa siya sa Switzerland.
He's wearing a white button-down polo tucked in black slacks. His hair was neatly done and the gold watch on his wrist looked extravagantly handsome.
Bahagya akong nagulat nang makita roon ang dati niyang kaibigan na nakikinig sa kanya.
Si Duke!
I watched them closely and a certain part in my heart throbs. They made it. They really reached their dreams. Ang layo na nila sa dati.
I looked at myself in one of the glass doors there. Maaliwalas ang mukha ko dahil nakapuyod nang maayos ang buhok ko. Bukod sa kaunting nadagdag sa height, wala namang major na nagbago sa akin.
Muli kong inilipat ang tingin sa nagmi-meeting. Nakita kong pumapalakpak na sila dahil sa natapos na presentation ni Troy.
I don't know what's with me but I got so emotional. He really... did it, right? 'Yung kasama ko lang noon na umiiyak dahil wala siyang score sa quizzes niya, 'yung kasama ko pagrereview sa major exams, 'yung kasama ko sa apartment halos buong college life ko, 'yung kasama kong mai-stress sa OJT, 'yung kasama kong nagtapos, 'yung kasama kong tumingin ng resulta ng board exam... ayan na ba talaga siya?
He's speaking in front of well-established professionals.
While I got stuck here. Nakadepende pa rin sa ibang tao, may sakit sa utak at walang permanenteng trabaho.
Para akong nanliit sa sarili ko. He grew so much over the years but all I got for myself is... this? Wala pa akong napapatunayan tapos hinahangad ko na naman siya?
A tear fell from my eye.
"Chin, anong ginagawa mo?" I whispered to myself. He's happy and successful now. Magiging dumi lang ako sa halos perpekto na niyang buhay.
He deserves someone who has a good family background. He deserves someone who's successful. Hindi gaya ko na ang kayang ibigay lang ay ang isang tupperware ng malamig na kanin at sinigang.
I feel so ashamed of myself. I'm taking advantage of our past to get back to him. I'm being too desperate even when he made it clear that he's only appearing in front of me to hurt me... to show me that he's better off without me.
Nang lumabas sila ay mabilis akong nagtago sa malaking pader doon. Magkasabay na naglakad ang dalawang magkaibigan at sa tangkad nila ay parang pagmamay-ari nila ang daan.
"Saan ka ngayon?" narinig kong tanong ni Duke sa kanya.
"I have a meeting with the design team," matigas na sagot ni Troy. "Aren't you going back to Manila?"
The other guy chuckled. "Babalik na. My girlfriend is probably waiting for me."
Nangingiti lang na umiling si Troy sa kaibigan. Lumapit sa kanila ang isang matangkad na babae na nakilala ko agad bilang isa sa mga nakasama ni Troy sa OJT niya noon. The girl with the red hair. Ngayon ay blonde na ang buhok niya at tama nga si Troy. Maganda nga siya.
"Let's eat!" masayang saad niya bago kumapit sa braso ni Troy.
Lumubog ang puso ko nang tumawa si Troy sa ginawa ng babae.
"Umorder na ako! I also prepared the table for us!" wika ulit ng babae bago ituro ang mesang tinutukoy niya. Sumilip ako roon at nakita ang pagkain mula sa Arabella, isa sa mga pinakamahal na restaurants dito sa Laguna.
Something pinched my heart. Halos madurog ang paperbag na dala ko dahil sa labis na hiya sa sarili.
Nang lumapit sila sa mesa ay saka lang ako tumalikod at naglakad palayo. Nang makakita ng isang palaboy ay doon ko na lang ibinigay ang pagkain na niluto ko.
I feel so small.
I graduated as Magna Cum Laude. I finished my degree magnificently. I never fail my exams.
I look at the sky while waiting for a jeep. Si Vina, loko nung college pero doktor na siya. Si Anne at Mich, may mga stable na trabaho. Pero ako, wala pa rin. Ginagamot ko pa rin ang sarili ko sa tulong ng ibang tao.
Para akong sinampal ng katotohanan na magkalayo na talaga kami ni Troy. I'm claiming that he still loves me kahit ang totoo, ako ang nakakaramdam noon. Pumasok sa isip ko ang mga pinaggagawa ko sa harap ng lalaki. A desperate move of an insane woman.
Nang makauwi ay mabilis akong pumunta sa kwarto at muling umiyak. Ngayon lang nagsink-in sa akin ang estado ng buhay namin. He owns a Porche while I can't even afford to buy myself a bicycle. He can eat whenever he wants while I'll eat at home to save money.
My phone beeped.
Manang Flora:
Hija, nai-deliver na ang milktea sa itinext mong office sa Mabitac. Ang kaso ay ipinamigay daw sa mga batang kalye dahil busog na ang mga tao roon.
With that, I cried harder.
Ang daya. Pinasuko na agad ako bago pa ako makapagsimula.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro