Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31


"You're delusional," ungot niya bago ako layuan na para akong may nakadidiring sakit. "I don't go back with a cheater."

I laughed, trying to hide the slight pain I felt. "Huwag kang magsalita nang t-tapos, Troy. Y-your body still recognizes me. K-keep lying to yourself, lalo ka lang mahuhulog sa akin."

He shifted his weight before clenching his jaws. Tumingin siya sa mesa ng mga kasamahan niya dahil iniiwasan niya ang mapatingin sa akin. He still loves me. Sigurado ako. Kahit itago niya ang nararamdaman sa galit na mata niya, alam ko, ramdam ko, na mahal niya pa rin ako.

I'll win him over. Isang paliwanag lang at magkukumahog ka rin pabalik sa akin. Just one explanation, Troy, and you'll proceed with your plans of marrying me.

"Taas naman ng tingin mo sa sarili mo? Bakit? Tingin mo ba, ganoon ka ka-importante para hindi ko malimutan, Chin?" he said using his controlled voice.

Sinuntok ang puso ko pero hindi ko ipinahalata iyon sa kanya. Say whatever you want to say, Troy. Bato na ako. Hindi ako papayag na hindi mo ako pakikinggan ngayon.

"K-kung totoong hindi mo na ako mahal, b-bakit mo pa ako h-hinahanap? B-bakit hindi mo pa rin ako kayang pakinggan?" I chuckled. "What's the point of denying the obvious?"

He smirked and looked at me. "To show you that I was able to have a happy life without you."

Muli kong pinigilan ang sarili na masaktan. That's... my greatest insecurity. People are happier and better without me. Para akong asungot sa buhay nila. Lumunok ako bago muling nilabanan ang mata niya.

Humina ang loob ko bigla. Parang nasampal sa katotohanan na matagal na pala kaming tapos at ang pagpunta niya rito ay para lang sa trabaho. Aksidente lang talagang nag-krus ang landas namin.

Still, I gave him a smile. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. I gently play with the tips of my fingers to gain the courage I had earlier... but it was nowhere to be found.

For a moment, I saw how regret pass through Troy's eyes but before I could even confirm it, he avoided my gaze.

Matagal kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay malayo ang nilalakbay ng mata. I sighed. He's just three meters away from me but he seems so far... so distant. I would trade anything just to be in his arms again. If only he'd listen.

Muli siyang bumaling sa pwesto ko ngunit hindi ako nag-iwas ng tingin. His looks matured. Ang dating mahaba niyang buhok ay makapal pa rin ngunit malinis na ang gupit. His skin also got tanner at lalo iyong bumagay sa kanya.

"Have you eaten?" mahinang tanong niya na nakarating naman sa pandinig ko.

Natupok ang sakit sa puso ko sa hinahon ng boses niya. It reminds me of him... years ago. I nodded before looking away. Marami akong gustong sabihin ngunit nawalan ako ng gana. Nawala talaga ang tapang ko.

"Chin! Narito si Gilbert! Asikasuhin mo!" Narinig kong sigaw ni Manang Flora mula sa isa sa mga stalls malapit sa amin.

Napatingin ako sa lalaki na tinutukoy ni Manang. Malaki ang ngiti niya sa akin habang kinakawayan ako kaya nahihiyang ngumiti ako pabalik sa kanya.

Sinulyapan ko ulit si Troy na madilim ang tingin kay Gilbert bago walang paalam na umalis sa harap niya. That's too much interaction today and I'm not quite prepared for his painful remarks. Sa susunod ay magbabaon ako ng maraming lakas ng loob.

"Sino 'yong kasama mo?" tanong ni Gilbert sa akin. Nakapila siya ngayon sa stall ng coffee and pastries kaya tumabi ako sa gilid niya. Gaya ng madalas niyang pagbisita noon, mag-isa lang ulit siya ngayon.

"Manliligaw mo?" pangungulit niya nang hindi ako sumagot. "Ah! Nakakapagsalita ka na nga pala ulit, 'no? Congratulations, Chin!"

I smiled, ignoring his first two questions. "T-thanks."

Mukhang naramdaman niyang hindi ako komportable sa topic namin kaya hinayaan na niya ako. Nasa gilid lang ako inaantay siyang matapos umorder habang nakasandal sa estante nang makita ko si Troy na naglalakad patungo sa pwesto namin.

Napasinghap ako nang pumunta siya sa likod ni Gilbert. Ang mga mata niya ay walang emosyong nakatingin sa menu habang ang kagat ang kanyang pang-ibabang labi.

"Ayos ka lang, Chin?" tanong ni Gilbert nang mapansin ang itsura ko.

I cleared my throat and nodded at him. Hindi ko alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko gayong malapit lang naman sa akin si Troy dahil sa oorder siya. It's not like he went here for me!

"Nabanggit kanina ni Manang Flora na hindi ka pa kumakain," saad ulit ni Gilbert. "Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Sasamahan kita. Gusto mo sa KFC, diba?"

Sinaksak ako ng mga mata ni Troy. Sa dilim ng tingin niya ay parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya! At ako namang si tanga, hindi ako makapag-iwas ng tingin!

"Hindi ako nagugutom, Gilbert," tuwid ngunit mahina kong saad. Umalis ako sa pagkakasandal sa estante upang iwasan ang tingin ni Troy. Tumalikod na lang ako at nagkunwaring nagbabasa rin sa menu kahit ang totoo, saulo ko na lahat 'yon!

"Okay. In-order naman kita ng coffee at chocolate cake. Just in case," natutuwang wika ng lalaki.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagsasabi sa kanya na hindi ako umiinom noon. I should appreciate his kindness. Isa pa, he looks hopeful. Ayokong burahin ang ngiti niya.

"One fruit milkshake, large," Troy uttered huskily.

Mabilis akong umalis sa harap ng stall nang tanggapin ni Gilbert ang order niya. I heaved a deep sigh when we settled ourselves in a table. Mabilis na inayos ng lalaki ang orders niya bago umupo sa harap ko.

"Pasensya na at inaabala pa kita, ha? Pwede mo naman akong hindi samahan, Chin," nakangiting saad niya.

Umiling ako. "A-ayos lang. Wala rin naman akong g-ginagawa."

"Talaga?" he asked happily. "Sa susunod bang pagpunta ko rito, sasamahan mo ulit ako?"

"H-ha?" parang tangang tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ang atensyon ko kasi ay na kay Troy na masama ang tingin sa table namin habang inaantay ang order niya.

Gilbert chuckled. "Wala. Cute mo."

I blushed at the sudden compliment. Nahihiya ko siyang inirapan kaya muli kong narinig ang tawa niya. Sa red cross kami nagkakilala at kahit noong hindi pa ako nakakapagsalita ay maganda ang turing niya sa akin.

Sinimulan kong kainin ang cake na nasa harap ko para labanan ang sarili na muling tingnan ang lalaki sa stall. 'Yun nga lang, hindi ko kayang galawin ang kape dahil sa amoy pa lang no'n ay naiirita na ako.

"Sasama ka ba ulit bukas sa blood letting? Sa malapit na university lang naman gaganapin," tanong niya habang nilalantakan ang in-order niyang banana split.

Umiling ako. "May... plano... ako bukas..."

I will go to Siniloan, sa construction site, and maybe, try to cook something for the skilled workers and engineers there? I'm sure Troy misses my sinigang.

Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Gilbert ngunit hindi naman na nagbigay ng kumento sa sinabi ko. "Medyo nahihirapan ka pa, 'no? Dahan-dahan ka pang magsalita at minsan ay nabubulol ka pa," out-of-context niyang saad.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Malamang, mahihirapan ako! Ikaw kaya ang apat na taong hindi makapagsalita!

But I didn't say that. Masyadong mahaba. Mapapagod lang ang bibig ko. Kinuha ko ang tasa ng kape para pigilan ang sarili ko sa pagsagot ngunit agad din akong napatigil dahil sa pagsasalita niya ulit.

"Pero maganda ang boses mo. Ngayon ko lang narinig," tawa niya. "Sana mamayang gabi, kapag tumawag ako, marinig ko ulit."

Handa na akong barahin siya nang lumapit si Troy sa mesa namin at inilapag doon ang fruit milkshake na in-order niya. Para akong mahihimatay nang titigan niya ako sa mata gamit ang seryoso niyang ekspresyon.

"W-what?" hindi napigilang tanong ko.

Kinuha niya sa kamay ko ang tasa ng kape at inilapag 'yon sa mesa. After that, dinampot niya ang fruit milkshake at pinaikutan 'yon ng tissue. He then put it in my weak hands.

"You don't drink coffee. Bakit mo niloloko ang sarili mo?" mariing tanong niya. Sigurado akong narinig 'yon ni Gilbert dahil napansin ko ang pagkunot ng noo nito mula sa peripheral vision ko.

"Troy..." mahinang saad ko dahil sa gulat.

Bumaling siya kay Gilbert na halata sa mukha ngayon ang pagkairita.

Tumikhim ako dahil sa namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Inilapag ko ang fruit milkshake at kinakabahang tumawa.

"G-gilbert, mabuti pa ay sa KFC na lang tayo... m-medyo nagugutom na ako," kabadong kabadong saad ko.

"Hindi na, Chin. Kailangan ko na rin namang umuwi. Ihahatid na lang kita para sa inyo ka na maghapunan," agad na saad nito habang nakatingin pa rin kay Troy.

I faked a cough. "U-uh, tara na?"

Hindi ko na siya inantay na makasagot dahil mabilis akong tumayo at hinigit siya paalis doon. Inirapan ko nang isang beses si Troy bago kami tuluyang tumalikod sa kanya. Nakakahiya naman kay Gilbert! Pakiramdam ko ay nabastusan siya sa ginawa ng lalaki!

"Sino ba yon? Ang angas," halata ang inis sa boses niya nang sabihin niya 'yon.

"W-wala! Hayaan mo na!"

Inihatid niya ako sa amin at inantay ko ang ilang minuto bago siya tuluyang umalis. Nang makita kong nakaalis na siya ay mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay ng jeep para bumalik sa food park. Hindi ako sigurado kung maaabutan ko pa roon si Troy pero kailangan ko siyang makausap!

Nang makarating ako ay sina Hugo at ang mga kasamahan na lang niya ang naroon. Kahit nahihiya ay nagawa kong lumapit sa mesa nila.

"Uhm... e-excuse me."

Mukhang nagulat pa ang lalaki ngunit nang makabawi ay nginitian niya ako. "Chin, bakit?"

"Sasamahan mo ba kami? Mag-iinom kami mamayang gabi," pahayag ng isang lalaking hindi ko kakilala.

Kumunot ang noo ko bago umiling sa kanila. Jusko, bakit naman ako sasama sa inyo? Kahit nga itong si Hugo ay hindi ko ka-close!

"Nakita niyo ba si T-Troy?"

Muling dumapo ang gulat sa mukha niya. "Si Engineer? Bakit?!"

I bit my lower lip. "M-may sasabihin lang ako."

Tumawa ang mga lalaki na nasa mesa kaya napabaling sa amin ang ibang customer. Para akong nanliit dahil hindi ako gaanong kasanay sa atensyon.

"Abort mission, Hugo, si Engineer ang gusto!" nang-aasar na saad ng isa sa kanila.

Lalo akong pinamulahan sa sinabi niya kaya napayuko na lang ako. Umingay ang mga nasa mesa at pakiramdam ko ay mali ang napagtanungan ko. Damn, I just want to ask! Ang dudumi ng utak!

Tumawa si Hugo. "Hindi ko napansin, Chin, e. Baka nasa paligid lang. Hindi pa uuwi 'yon at sasama sa inuman namin mamaya 'yon. Hanapin mo na lang."

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat bago nahihiyang tumalikod. Kahit noong makalayo na ako ay narinig ko pang inaasar nila si Hugo sa akin. Hindi pa nakatulong na pinagtitinginan ako ng ilang customers.

Inilibot ko ang tingin sa food park ngunit wala talaga si Troy. Kahit sa stalls ay wala siya. Hindi naman daw ito aalis, nasaan kaya 'yon? Kailangan ko pa siyang makausap... at makita.

Nakanguso ako habang sumisilip sa likod ng stalls dahil baka naroon ang lalaki. Hindi kasi mawala sa isip ko ang ginawa niya kanina. Gusto kong magalit dahil sa pangengealam niya ngunit hindi ko maiwasang matuwa dahil tanda pa niya na hindi ako umiinom ng kape.

Malamang, Chin! Apat na taon din ang relasyon niyo!

Sa parking lot malapit sa food park ko nakita si Troy. Nakasandal siya sa napakagandang sasakyan! Nang medyo nakalapit ay saka ko lang napansin na Porsche 'yon! Isa sa mga pinakamahal na sasakyan! God, ganoon na ba siya kayaman?

Nagce-cellphone siya at nakatalikod sa akin kaya dahan-dahan ang ginawa kong paglakad patungo sa direksyon niya.

Tumalon ang puso ko nang makita sa cellphone niya ang mukha ko... ang profile picture ko sa facebook! Hindi ako nakapagsalita dahil doon. Nag-scroll pa siya pababa at nakita kong iniisa-isa niya ang naka-tag na pictures sa akin noong blood letting!

Tumagal ang tingin niya sa picture naming dalawa. Hawak ko ang braso niya habang siya ay nakapikit lang. I can still remember it clearly. 'Yung inis sa mata niya noong nakita niya ako.

"Why are you stalking my a-account?" puno ng kumpyansa sa sariling tanong ko.

Bahagya siyang napatalon at nanlalaki ang matang tumingin sa likuran niya. Mabilis niyang ibinulsa ang cellphone at tumayo nang maayos. Namula ang tenga niya kaya napangisi ako.

I still have that effect on him! Para akong sasabog sa saya at kilig dahil sa ginagawa niya.

"What are you doing here?" malamig na tanong niya ngunit hindi ako natakot. Aba, siya dapat ang mahiya at huling-huli ko ang ginagawa niya!

"B-bakit mo tinitingnan ang facebook ko? A-akala ko ba hindi mo na ako mahal?" matapang ulit na tanong ko.

Dumaan ang irita sa mata niya. "Nasaan ang lalaki mo? Akala ko ba ay inihatid ka na niya pauwi? Did you go back here for me?" he snorted. "Hindi ako pumapatol sa may boyfriend."

My smirk faded. "Ang dami mong nasabi. A-ang tanong ko lang naman ay kung bakit mo tinitingnan ang profile k-ko."

"Just checking if you're two-timing again. Iba ang boyfriend mo sa Isabela at iba rin ang boyfriend mo rito... you're really something, huh?"

Sige lang. Patawan mo ako ng kung ano ano dahil sigurado akong magmamakaawa ka rin sa akin kapag nalaman mo ang totoo.

"You're jealous," I chuckled sarcastically.

Dumilim ang mga mata niya. "Wala akong pakealam kahit sino ang landiin o halikan mo, Chin. Wala na akong pakealam sayo."

"R-really? P-pwedeng makipaghalikan ako sa iba?" natatawang tanong ko ulit. "I don't want to make you cry, Troy."

Halata ko sa kanya ang pagpipigil ng galit pero wala akong pakealam. I have to show him that he still loves me! Galit lang siya pero mahal niya pa rin ako!

"K-kahit sa date ko ay nangealam ka... tapos sasabihin mong wala kang pake?"

"Shut up."

I grinned. "L-lalambot ka rin sa akin, Troy. Ipunin mo ang galit mo... damahin mo... isipin mo araw-araw. Yakapin mo ang galit mo nang buong-buo. I will just use it to my advantage."

Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at tumigil noong isang metro na lang ang layo ko.

"You will beg me to take you back... luluhod ka rin sa akin. Y-you will feel all my pain, Troy."

Matapos kong sabihin 'yon ay tumingkayad ako at hinalikan ang gilid ng labi niya.

"I miss you," I whispered before letting him go.

Damn, I miss us.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro