Chapter 30
Humiga siya at parang bigla kong nakalimutan ang gagawin. Hindi ko alam kung saan magsisimula! Sa katotohanan bang may tinig na lumabas sa bibig ko o sa lalaki sa gilid ko?! I gulped before reaching the needle.
Tumingin muna ako sa paligid at napansin kong maraming bakanteng kama.
"Chin, pahinga ka muna! Ako na d'yan!" ani Gilbert sa akin.
Lumapit siya sa pwesto ko at inagaw sa akin ang document ni Troy. Binasa niya 'yon at tiningnan ang lalaki. Mabilis lang ang ginawa niyang pagtingin kay Troy dahil muling lumipad ang mata niya sa akin.
Mula sa bulsa, kinuha niya ang panyo at pinunasan ang noo ko.
"Pawis ka na," he whispered.
I cleared my throat and avoided his gaze. Hinayaan ko siyang punasan ako dahil hindi ko kayang tingnan ang lalaking nakahiga. Gilbert is a good diversion.
"Hindi pa ba magsisimula? I have other plans aside from this," malamig na saad ni Troy kaya mabilis akong umupo ulit at inasikaso ang karayom.
"Chin, ako na," saad ni Gilbert sa gilid ko.
I gestured him that I'll be doing the work. Nanatili pa siya roon bago tuluyang umalis para bumalik sa pwesto niya. Ako naman ay natatarantang ipinatong ang gamit sa gilid ng kama para simulan ang gagawin.
Troy Jefferson Dela Paz closed his eyes but I can see his furrowed brows. Inilahad niya sa akin ang braso at kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi bago dahan-dahang inilapat ang kamay ko sa ilalim ng siko niya. Hindi gaya ng mga naunang volunteers, hindi ko na para kapain ito dahil kita ko agad ang magandang ugat niya.
But, damn, I am so nervous! Ang ganda ng ugat pero pakiramdam ko ay magkakamali ako!
I slowly planted the needle in his vein and I heaved a sigh of relief when it went on smoothly. I gave him the stress ball before fixing myself.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto ko siyang ulanin ng tanong. Kailan pa kaya siya nakauwi? Bakit siya nasa Laguna? Bakit siya umuwi? Sinong kasama niya? Lahat. I want to ask his whereabouts and everything I missed.
"Saan si Engineer?" Rinig kong tanong ng isang lalaki kay Gilbert.
Shortly after that, the man whom I assisted earlier appeared in front of us.
"Hi, Chin! Excuse lang kay Engineer, ha?"
Nakita ko ang lalong paglalim ng kunot ng noo ni Troy pero nag-iwas na ako ng tingin. Tumayo ako at kinakabahang lumapit kay Vina na ngayon ay mas natataranta pa kaysa sa akin.
"Tangina, tangina, tangina," she chanted as if no one's hearing her.
Nang maramdamang nasa gilid niya ako ay mabilis siyang humarap sa akin at hinila ang braso ko. She examined my face and body. Nawala ang pagiging kalmado niya bilang doktor dahil sa nerbyos.
"Okay ka lang ba?! Hindi ka ba naiiyak o ano?! Tangina, Chin! Umuwi na tayo at baka mapaano ka pa rito!" sunod-sunod na palakat niya.
I feel like I have to practice my speech again so in front of her, I tried. After all, she and Ate Myrna should hear it first.
"A-a-ayos... l-lang ako..." sobrang bagal na saad ko.
Nakita kong halos panawan siya habang nakatingin sa akin. Nanubig ang mata niya bago ako mahigpit na yakapin. Ang akala kong tulo lang ng luha ay lumakas at naging mas agresibo dahil maya maya lang ay narinig ko na ang hikbi niya.
"Nagsasalita na si Chin! Nagsasalita na ang baby namin!" malakas na sigaw niya na parang nanalo siya sa lotto.
I bit my lower lip to stop myself from crying. Hindi pa buo ang boses ko pero sa maliit na achievement ay tuwang-tuwa na agad si Vina. I have to visit my therapist!
Dinumog ako ng mga kasamahan namin at hinayaan ang volunteers na magpahinga at i-regain ang nawalang dugo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang atensyon ko lalo at nakita kong tumayo si Troy at handa nang umalis.
Vina covered me with her body. "Bawal munang marinig! Baka mapagod agad ang voice box niya!"
I wasn't able to focus because Troy is already exiting the place. Ganoon pa rin ang lakad niya, sigurado at mabibigat. Gusto ko siyang habulin pero dahil sa mga nakaharang sa akin ay hindi ko magawa.
"Bilis na! Sample lang!"
Harper laughed. "Sample ampota, ano 'yan? Kakanta?!"
"Bakit nagsalita na? Anong nag-trigger?"
Tuluyan akong nanlumo nang mawala sa paningin ko si Troy. Ni hindi ko manlang naibigay ang tubig at cupcake sa kanya. Humarap ako kay Vina na nasa akin din ang atensyon at walang habas niya akong hinigit palabas ng covered court dahil tapos na rin naman ang program. Binitbit niya ang gamit namin bago ako idinikit sa kotse niya.
"Bukas din ay pupunta tayong Manila para magpa-check ka sa speech therapist mo," she informed me but my mind is elsewhere.
Tumango lang ako.
"Sabihin mo, a, e, i, o, u..." focused na focused na utos niya sa akin.
Bahagya akong kinabahan dahil baka wala na namang tinig na lumabas sa bibig ko. Pakiramdam ko kasi ay spur of the moment lang 'yung nangyari kanina kahit pa matagal nang sinabi sa akin ng therapist ko na ang major cause ng pagkawala ng boses ko ay dahil sa trauma... hindi dahil sa sira ang voice box o anumang organ ko.
It's psychological, that's what she said. Pero sa apat na taon na hindi ako nakapagsalita, inisip ko na lang na baka may problema talaga sa lalamunan ko. That's less painful than accepting the fact that I am mute because of the way my mind works.
Binasa ko ang labi ko at muling pumasok sa isip ko si Troy.
"A, e... i, o... u."
Vina screamed. "OMG! Naiiyak ako talaga! Excited na ako sa reaksyon ni Ate Myrna! Ah ah, Chin!"
"C-Chin," I said, practicing my voice. "E-Elora C-Chin."
Even if I am in my most delightful state, hindi ko maiwasang malungkot nang makaalis kami ni Vina sa venue at hindi ko manlang nakita ulit si Troy. Ang bilis niya kasing maglakad at halata sa kanya na gusto na agad makaalis.
Ni hindi ko manlang nakausap.
"Ayan ka na naman," puna sa akin ni Vina habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay nina Ate Myrna.
Napatingin lang ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
"Communicate your thoughts, Chin. Don't bottle your feelings up. Makikinig naman ako."
I sighed before reaching out for her hands on the gear. "T-thank y-you..." hirap pa ang tinig na saad ko.
Nanliit ang mata niya at muling nagtubig iyon. "Pota, naiiyak na kinikilig ako sa boses mo."
Matapos sabihin 'yon ay sumeryoso rin agad ang mukha niya.
"Siya ang nag-trigger ng boses mo, 'no?" biglang tanong niya. "Ilang taon na ang nakalipas... walangyang pagmamahal 'yan."
Hindi ako nakasagot. Sumandal na lang ako sa upuan at pinanood ang mga nalalagpasan naming puno at halaman.
"Kung alam ko lang na si Troy lang pala ang makakapag-trigger ng boses mo, tangina, matagal na kitang dinala sa Switzerland."
Nakauwi kami at mabilis na ikinuwento ni Vina ang nangyari kay Ate Myrna. Tumakbo tuloy agad sa akin ang ginang na umiiyak at halos masubsob na sa dibdib ko ang mukha niya dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.
"Parinig nga ako..." malambing na saad niya.
I smiled. "A-Ate n-naman..."
Muli siyang umiyak at tuluyang kinalimutan ang trabaho niya. Buong araw ay naging madrama iyon dahil nga sa pagbalik ng boses ko. Sa tagal kong hindi nagsalita ay hirap na ako sa pagbubukas ng bibig kaya mini-minimize ko lang muna. I still have to talk to my therapist.
Noong gabi ay naisip ko ulit si Troy. I tried searching for him online but his account is already outdated. Ni hindi ko nga alam na nakauwi na pala siya.
Kailan ko kaya ulit siya makikita? Kahit tanaw lang. Kahit hindi na makausap. Mukha naman kasing galit pa rin siya sa akin... kahit na ako naman talaga ang may karapatang magtanim ng sama ng loob.
I don't know. I can't be mad at him. Alam ko namang ang rason ng paghihiwalay namin ay dahil sa nangyari sa akin noon.
Napapaisip lang ako minsan. What if he listened to me? What if he stayed in the Philippines until Luke was jailed? Kami pa rin kaya ngayon? Mahal niya pa rin kaya ako ngayon?
I looked at my hands. Ang sabi niya, balang-araw, lalagyan niya ng singsing ang daliri ko.
Is it bad if up to this day, I'm still looking forward to it?
"Anong iniisip mo?" tanong ni Vina sa akin nang pumasok siya sa kwarto. Tinabihan niya ako sa kama at mabilis na umunan sa hita ko.
I bit my lower lip at sa simpleng ganoon ko, naintindihan na niya agad ang iniisip ko.
"Si Troy?" she asked.
Ang daya lang. Ilang taon na ang lumipas pero bakit hanggang ngayon, pakiramdam ko, kargo pa rin ako ni Troy? Pakiramdam ko, sa kanya nakasalalay ang paggaling ko. Ang tagal naming ginagamot ang boses ko pero isang kita ko lang sa kanya, biglang bumalik.
I feel like it's unfair for Vina and Ate Myrna. I hate... I hate the way I think. Hindi ko matanggap na siya ang gamot ko.
"V-Vina... a-am I too d-dependent o-on him? B-bakit ilang taon k-kong ginamot a-ang sarili k-ko pero h-hindi ako g-gumaling?" malungkot na tanong ko sa kaibigan.
Bumangon siya at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "The way you lose your voice is psychological, Chin... at alam natin pareho na malaki ang naging impact sayo ni Troy, diba?"
Tumango lang ako habang nakatitig sa kanya.
"Yes, he triggered something in you... pero hindi iyon dahil siya ang cure mo, hindi iyon dahil siya ang gamot mo... you were affected because he played a huge role in your past. He isn't your therapy, Chin. He's just a part of it... pero ang pinakamalaking factor ng paggaling mo, alam mo ba kung ano?" malambing na tanong niya.
I sighed. "A-ano?" I asked, trying not to strain my voice.
She gave me a genuine smile. "You," she stated. "You are your own cure. You are your own medicine. Ako, si Ate Myrna, si Troy, ang mga nangyari noon, we were just minor factors. It's always about you, Chin. So don't think of anything. Wala nang ibang lunas... at ngayong malapit ka na sa full recovery, wala kang ibang dapat pasalamatan kundi ang sarili mo."
"V-Vina..." tanging nasabi ko. She immediately brushed all my worries away!
She squeezed my hand lightly. "You fought a tough battle. Kaunti na lang, you'll get there. And we will be with you... so you have to stay grounded."
"S-salamat, V-Vina..." halos maiyak ko nang saad.
She pouted. "Anong salamat? Hati tayo sa yaman ni Ate Myrna, hoy! Wala nang libre ngayon! Anong akala mo sa consultation na 'to, walang bayad?! Aba ka, resident psychiatrist na ako! Mahal na ang pirma ko!"
Natulog akong nakayakap sa kanya. Paggising namin kinabukasan ay kumain lang kami ng umagahan at tumulak na pa-Maynila.
Naging mabilis ang consultation at sinabi sa akin ng therapist ko ang sinabi rin sa akin ni Vina.
"He's a vital part of your past kaya na-trigger ka... but it's not solely because of him. You were able to speak because you chose to..."
It was enough to give me validation. Ako ang dahilan ng paggaling ko. Wala nang iba. Vina was just with me as a friend. Hindi siya nagkomento sa sinasabi ng therapist ko pero nang matapos ang session ay nagtanong siya.
"Should we minimize the way she uses her voice?" Narinig kong tanong niya.
"No. Wala namang problema sa boses niya kaya mas magandang kausapin na siya nang tuloy-tuloy. Matagal din siyang hindi nakapagsalita. It'd be better if she practices her speech again."
The next days, naging normal ang lahat. Bumalik sa Cavite si Vina at nalungkot pa ako dahil matatagalan ulit bago kami magkita.
"Wag kang madrama at dalawang taon na lang ay matatapos na ang residency ko! Dito ako sa Laguna magtatrabaho pagkatapos! Nakakahiya, ang dami ko nang in-adjust para sayo, hindi ka naman maganda!"
Hindi ko na ulit nakita si Troy matapos ang blood letting. Nagtanong pa ako sa mga kasamahan namin kung sino ang last batch ng volunteers pero ang sinabi lang nila ay ang mga 'yon daw ang nag-aasikaso ng road widening mula sa Mabitac hanggang sa Calamba. Napakalayo no'n!
"Chin, tapos mo na bang i-check ang questionnaires? Ano? May kailangan bang baguhin?" tanong sa akin ni Ate Myrna isang umaga.
I pouted. "Oo, A-Ate... 'yung ibang t-tanong k-kasi, h-hindi naman mame-measure ang c-credibility ng t-tao. A-ako na ang m-magbabago at magre-reconstruct."
"Hay nako! Salamat talaga, ha? Hindi ko na alam ang gagawin d'yan. Ang hirap mag-formulate ng questions para sa personality test. Mabuti na lang at may anak akong psychometrician!" ligayang ligayang pahayag niya.
Tinapos ko lang ang trabaho bago siya samahan sa StrEat. Nagkagulo na ang mga tauhan niya dahil sa dami ng taong naroon. Bakasyon kasi ng mga kolehiyo ngayon kaya madalas silang tumambay sa food park. Bukod kasi sa pagkain at instagrammable na lugar, tuwing gabi ay may alak at banda rin dito.
There are almost 20 stalls. May stall para sa shawarma, milktea, coffee and pastries, pasta, rice meals, street food, at marami pa. Nagbabalak pa nga si Ate na i-extend ito para magdagdag ng samgyupsal lalo at patok na patok ito ngayon.
Tumulong ako sa pagse-serve sa ibang customers. Sa dami kasi ng stall, sa gitna mo makikita ang mga magagandang mesa at upuan.
Pagabi na rin kaya marami lalo ang dumarayo. Nakita ko pa nga ang iba na halatang galing pa sa malayong bayan. Talagang sikat na ang food park ni Ate Myrna, ah!
I was in the middle of cleaning a table when a group of men approached me. Nag-angat agad ako ng tingin sa kanila at agad akong natigilan nang makita sa likuran nila ang lalaking na-assist ko sa blood letting.
"Huy, Ms. Chin!" bati niya nang makita ako.
Babati na sana ako pabalik sa kanya nang asarin siya ng mga kasamahan niya.
"Sus, Hugo! Kahit saan ka talaga may chix!"
Tumawa ang lalaki. "Gago, pre, hindi. Iba 'yan si Ma'am."
"Walang iba iba! Basta babae!"
Kumunot ang noo ko at akmang aalis na sa harap nila nang bigla silang umayos ng tayo. Tiningnan ko ang minamata nila at gaya nila ay napatuwid din ako ng tayo.
Wearing a black polo shirt that fits nicely in his well-toned body partnered with a khaki pants, Troy made his way to his colleagues. Alam kong hindi niya ako kita dahil nasa likod ako ng mga malalaking lalaki.
"Engineer!" isa isang bati nila. "Bakit ka napadpad dito?"
Pinanood ko si Troy na iikot ang mata niya sa buong paligid na parang may hinahanap. Nagtago lang ako sa likod ng pinakamatangkad sa kanila, takot na makita niya dahil noong una kaming nagkita ay pansin pa rin ang galit sa mukha niya.
"Do you know where the owner is?" matigas ang ingles na tanong niya sa mga kasamahan.
Nagpantig ang tenga ko. Anong kailangan niya kay Ate Myrna?
"Naku, Engineer, hindi naman yata hands on ang may-ari nito. Kita mo nga at maraming tauhan. Bakit ho ba?"
Troy gritted his teeth, making him look more intimidating. "Kung ganoon, may napapansin ba kayong babae na laging nandito? Madalas kayo rito, hindi ba?"
"Opo, tuwing Linggo ay narito ako... pero maraming babae ang dumarayo rito kaya hindi ko sigurado ang tinutukoy mo, Sir."
He sighed. "The one with the black long hair and fair skin..." he uttered using his low voice.
Sino 'yon? Girlfriend niya?
Dahan-dahan akong humakbang patalikod sa kanila at handa nang umalis nang tawagin ako ng isang kasamahan nila.
"Miss! Baka kilala mo ang sinasabi ni Engineer?"
Napapikit ako at muling humarap sa mga lalaki. Mabilis na nahuli ni Troy ang mga mata ko kaya ang puso ko ay parang tanga na naman sa loob ng katawan ko. Tangina, siya ang pumatay sa puso ko pero siya rin ang may kakayanang buhayin 'yon.
"W-wala... po... a-akong... kilala..." wika ko bago nag-iwas ng tingin kay Troy.
"Woah! Sabi mo ay pipi ka!" gulat na gulat na saad noong lalaki.
"I... w-was..." nabubulol pa rin ako dahil hindi pa ako masyadong magaling. I have to practice more.
"Oh, Engineer, wala raw kilala. Lagi na 'yang nandito dahil dito rin naman siya nagtatrabaho. Sino ba 'yon? Chix mo?" nanunudyong asar ng isa.
He grinned. "Ex ko."
Wala na akong naintindihan nang sabihin niya iyon dahil inulan na siya ng asar. Kahit kinakabahan ay nagawa kong umalis sa pwesto nila dahil gusto kong umiwas. Is he playing with me? Kami lang namang dalawa ang nakakaalam na mag-ex kami. Ako pa ang pariringgan niya!
Pero hindi ba ito ang gusto ko? Ang kahit papaano ay magkaroon kami ng interaction? I promised myself that I'll take him back!
Carrying a black tray, my reckless and impulsive ass walked towards him. Sakto pa na bahagya siyang lumayo sa mga kasamahan para sagutin ang tawag.
Halos mapatalon siya nang makita ako sa gilid niya pero mabilis din siyang nakabawi. He crossed his arms on his chest before looking at me intently. Nilabanan ko ang tingin niya. Puno ng galit ang mata niya samantalang ang akin ay puno ng pagmamahal.
"What do you need?" he asked in a monotone.
I gulped. "B-bakit... mo... a-ako... h-hinahanap?"
Dumaan ang inis sa mata niya. Pamilyar sa akin 'yon dahil madalas kong makita ang ganoong tingin sa mga nakakasalamuha kong tao na naiinis sa kondisyon ko.
"Why were you mute?" he asked carelessly. "Noong naghiwalay naman tayo ay hindi ka pa ganyan. Is that your karma?" madilim na pahayag niya.
Nag-init ang ulo ko sa narinig. "E-eh... b-bakit k-ka nangengealam p-pa?!" matapang na tanong ko kahit kaunti na lang ay maiiyak na ako.
His eyes turned darker. "I expected you to be in a better place, Chin. I didn't leave you for this!"
I bit my lower lip. "I am in a b-better p-place! T-this is a b-better place!"
"Where's your boy toy? Iniwan ka na ba? Kaya ba nandito ka sa Laguna? Is this a part of your moving on process?" he asked continuously.
"B-bakit ba nangengealam k-ka pa?!" I shot back. "Y-you k-know nothing b-because you refused to listen!"
Mabigat ang paghinga namin pareho tanda ng namumuong galit at inis sa isa't isa. After years, he still hasn't done his research. Naniniwala pa rin siyang niloloko ko siya.
"I don't listen to cheaters," he said in a cold voice.
My heart ached but I smiled. "A-and I don't o-owe you an... e-explanation."
I wanted to hurt him so bad to the point that he'll kneel in front of me. Hindi siya sumagot ngunit nanatili ang titig sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko sa sari-saring naiisip. He's still mad. He's still worried. He still cares. Is that possible?
I breathe heavily and smiled.
"Y-you still love me, T-Troy," I uttered with full conviction.
"You're dreaming," he snorted.
"Y-you still love me," giit ko. "H-hinahanap mo ako... g-galit ka pa rin... nag-aalala ka pa rin."
"Stop saying nonsense!" naiinis na saad niya.
I smiled confidently. "M-mahal mo pa rin ako. Hindi ka makakaahon sa akin... dahil h-hanggang ngayon... mahal na mahal mo pa rin ako." I shiver at my own words. "You can hate me all you want... but you know in your h-heart that you're in love with me."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dibdib niya. Gamit ang buong boses, I whispered, "Four years have passed pero akin ka. Akin ka pa rin."
Yes, Troy, it's a curse. I'm casting you a spell. You're mine. Always have. Always will.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro