Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29


"Hoy, Chin, may blood letting tayo, ha?! Umattend ka! Kakaunti ang phlebotomist!" ani Vina sa akin.

Nasa bukid kami ngayon at nanginginain ng pakwan. Naka-daster lang ako samantalang siya ay bihis na bihis dahil may dinalaw siyang hospital dito sa Laguna.

[Kailan?] I asked using my hands.

She pouted. Nag-adjust siya sa kalagayan ko. Nag-aral din siya ng sign language para maintindihan ako. Ganoon niya ako kamahal.

"Bakit hindi mo alam?! Hindi ka ba nakikinig sa meeting last week!?" She narrowed her eyes on me. "Bukas!"

I smiled and continued eating. Pinanood ko ang mga puno sa paligid na pinoprotektahan kami mula sa init ng araw. Maaliwalas ang hapon at dahil kita ang balat ng balikat at leeg ko, dumadampi sa akin ang hangin. It feels nice.

[Sige, swelduhan sana ako nang maayos.] kumpas ulit ng kamay ko sa kanya.

She snorted before slightly smashing my shoulders. "Puro ka pera!"

Tumawa lang ako at sumandal sa inuupuan namin. Tinanaw ko ang ilang batang tumatawid sa pilapil at napangiti ako nang makitang ang isa sa kanila ay nabuslot sa putik.

Muli akong bumaling ng tingin kay Vina na nakatingin lang sa akin. Nang magtama ang mata namin ay umayos siya ng upo at inirapan ako.

Something tugged my heart. I know how much she pitied me. I really thank God I have her.

[Sino ba ang volunteers na magdo-donate ng dugo?] I asked her.

She shrugged. "Hindi naman organization o estudyante. Nakalimutan kong itanong sa head... hayaan mo na! Bukas mo na alamin."

I nodded. Nagkwentuhan pa kami ni Vina hanggang sa magdilim. Tinawid namin ang palayan para makauwi. Sa bahay kasi nina Ate Myrna siya tutulog ngayon. Malayo rin kasi ang Cavite rito kung saan niya tinatapos ang residency niya.

Pag-uwi namin ay mabilis na lumapit sa akin si Ate Myrna.

"Kakain na! Buti at umuwi na kayo. Akala ko ay kailangan ko pa kayong ipahanap kay Marwin."

Sabay kaming natawa ni Vina sa sinabi ni Ate.

"Ano kami, 'te? Limang taon?" natatawang anas ni Vina.

Ate Myrna pouted. "Si Chin lang ang inaalala ko at hindi makakasigaw 'to kapag hihingi ng tulong! Samantalang sayo, pati kriminal matatakot!"

Nangingiti kong kinapitan ang braso ni Ate Myrna at nang-aasar na tiningnan si Vina. Ha, may kakampi ako rito! Sinamaan ako ng tingin ng kaibigan bago humawak sa kabilang braso ni Ate. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay na nag-aasaran.

"Flora, ihain mo na ang hapunan sa garden at doon kami kakain!"

Vina clapped her hands. "Bongga! Parang picnic lang!"

Ganoon nga ang nangyari. May malaking mesa na talaga roon at ilang upuan. Nasa bundok pa si Kuya Marwin dahil may inaayos silang lupa roon kaya nauna na kaming kumain. Nagtubig ang bagang ko nang makitang maraming inihandang pagkain si Manang Flora.

Mabilis na nilagyan ako ni Ate ng pagkain sa plato ko.

"Jusko! Masyado mo namang bina-baby 'yang si Chin! Mas may experience pa 'yan kaysa sa akin, 'te!"

Agad kong hinampas ang kaibigan at sinamaan ng tingin. Dinilaan niya lang ako at inirapan bago kumuha ng sarili niyang plato at pagkain. Hindi ko alam kung experience tungkol sa sex ang tinutukoy ni Vina pero wala naman kasing matinong naiisip ang babaeng 'yan kaya feeling ko ay iyon. Mas marami kaya siyang experience sa akin!

Isa pa lang naman ang pinagbibigyan ko ng sarili ko.

I shook my head and released a deep sigh. Nagsimula kaming kumain habang nagku-kwentuhan ang dalawa. Nakikitawa lang ako dahil hindi ko naman kayang makisabat sa kanila.

"Kumakanta 'yan! Chin, paggaling mo nga, kantahan mo 'tong si Ate Myrna para sayo ipamana ang lupain niya!" biro ni Vina.

I laughed before putting my spoon and fork down. [Sa akin niya talaga ibibigay ang yaman niya kahit hindi ko siya kantahan!]

"Share share!"

Ate Myrna just looked at us as if we're losing our minds. "Vina, i-check mo ang blood pressure ko mamaya at tumataas ang dugo ko sayo."

"Ay! Nanakawin ko pala muna si Chin bukas, ha? May gawain kami sa red cross," pagpapaalam ni Vina. "Kung gusto mo pabaunan mo ng tsupon. Tutal, gusto mo rin namang i-baby 'yan."

Tinapunan niya ng masamang tingin ang babae bago ako akbayan. "Baby ko talaga 'to, 'no! Pag 'to nasaktan pa, hindi na ako magdadalawang isip na pumatay!"

Nag-init ang puso ko nang mag-apir ang dalawa at nagkasundo na huwag akong hahayaang masaktan. Hindi kailanman maabot ng isipan ko kung bakit nila ako mahal pero sa puso ko, matagal ko nang ipinagpasalamat 'yon. They're the reason why I was able to live.

ipinagpatuloy ko ang pagkain at hinayaan silang mag-asaran. Sa totoo lang, hindi ko matawag na Nanay si Ate Myrna kahit pa nasa mid 50's na siya. Bagets pa rin kasi itong pumorma at madalas pa nga ay mas maayos siyang manamit kaysa sa akin.

"Chin, ang gamot mo," bulong sa akin ni Ate.

Tumango lang ako at inabot ang baso para mainom ang gamot ko na talagang dinarayo niya pa sa kabilang bayan para bilhin. Minsan kasi ay walang stock sa mercury drug ng anti-depressant ko.

That night ended with me, smiling like an idiot. Magaan ang buhay ko rito. Bukod sa minsang paga-assess ng mga psychological and general tests dahil licensed psychometrician pa rin naman ako, tumutulong din ako sa food park ni Ate Myrna.

Pagkarating pa lang namin ng Laguna ay 'yon agad ang inasikaso niya kaya ngayon ay kilala na ang StrEat hindi lang dito sa Sta. Maria ngunit maging sa karatig bayan.

"Chin, gising na! Alas sais ang blood donation, memeng meme ka pa!" Naramdaman ko ang pagtapik ni Vina sa pisngi ko kaya pupungas-pungas akong umupo sa kama.

Nakita ko agad ang ayos niya. Kung hindi mo kilala ang babae, hindi mo talaga mahahalatang doktor siya. She looks good, alright. Balingkinitan ang katawan at halata sa mukha ang pagiging palaban. I don't know. She just gives off that kind of vibe.

She's wearing our uniform and a plain black pants partnered with her luscious red pumps.

Napanguso ako. Magkapaltos ka sana.

"Alam ko ang iniisip mong attitude ka!" Narinig kong sigaw niya habang pumapasok ako sa banyo.

Tumawa lang ako at nagsimula nang maligo. Matapos iyon ay mabilis akong nagbihis. Gaya ni Vina, nagsuot lang din ako ng polo shirt na uniform namin at maong pants.

Itinali ko rin ang buhok ko dahil crowded ang lugar na pupuntahan namin mamaya at may nagsabi sa akin noon na dapat akong mag-ipit ng buhok para hindi ako pagpawisan.

I smiled as I reached for my necklace. Aside from the kind people around me, this one also gave me a way to live. It served as my reminder that I once belong to someone so dear. Na sa buhay ko, nagmahal at minahal ako.

"Kapag maaga tayong natapos, shopping tayo? Bet mo? Ibibili kita ng bagong dress at ang baduy ng daster mo kahapon. Very nanay!" wika ni Vina habang naglalakad kami papunta sa covered court kung saan gaganapin ang blood donation.

I squinted my eyes on her. [Presko kaya 'yon!]

"Alam ko! Ang baduy lang! Pwede ka namang presko na maganda! Kaya walang nanliligaw sayo rito, e!" reklamo niya pa.

Lalo akong napasimangot. Inilagay ko ang ilang gamit sa mesa at binati ang mga kasamahan namin. Hindi pa sila kumpleto kaya muli kong hinarap si Vina.

[Ang kapal ng mukha mo! Wala ka namang naging boyfriend simula noong college!]

Gamit ang hawak niyang clipboard ay hinampas niya ako sa balikat. "Ang panget talaga ng ugali mo! Sana pagbalik ng boses mo, habambuhay kang paos!"

Malakas akong tumawa sa kanya lalo at narinig din namin ang tawanan ng ibang nurses na kasama namin.

"Wag niyo akong pagtawanan! Busy ako sa pag-aaral kaya hindi ako nagkajowa! Choice kong maging single!" pagtatanggol niya sa sarili.

Harper, one of the phlebotomists, laughed harder. "Sus, di ka lang talaga ligawin."

"Wag nakikisali sa usapan ang virgin!"

Hindi ko alam kung mga propesyonal ba talaga ang mga kasama ko dahil habang inaantay namin ang volunteers ay talagang patuloy silang nag-aasaran. Normally naman, kapag wala si Vina, ayos lang ang flow ng conversation namin. Pero kapag narito ang babae, parang mayroong world war.

Halos nasa dalawampu rin kami mula sa red cross ang nandito. Dalawa ang doctor at ang natira ay nurses, phlebotomists at trainees. Marami rin daw kasing magdo-donate ng dugo kaya kailangan ng manpower.

Inayos namin ang mga hihigaan ng volunteers mamaya. Pumwesto na rin ako sa tabi ng isa sa mga 'yon at inayos ang karayom at ilang gamit. Sa katabing higaan pumwesto si Gilbert, isa rin sa mga phlebotomists na medyo ka-close ko.

Si Vina naman ay nasa mahabang table na at inasikaso ang mga gagamitin niya rin.

"Good morning, Chin," ngiti sa akin ni Gilbert.

"Good morning," I mouthed before giving him a smile. Hindi naman kasi siya marunong ng sign language.

Hindi na nasundan ang pag-uusap namin dahil dumating na ilang volunteers. Kinuha ni Vina ang blood type at blood pressure ng mga ito. Ang iba naman naming kasamahan ang nag-iinterview.

The first batch went on smoothly. Sanay na akong kumuha ng dugo dahil sa ilang taon ko ba namang nag-ensayo at nag-aral nito, medyo nakasanayan ko na.

"Hi, miss, anong pangalan mo?" nakangiting bati sa akin ng lalaking kahihiga lang.

Kumuha ako ng maliit na white board at white board marker na ibinigay sa akin noon pa ni Vina para sa mga ganitong sitwasyon. I wrote down my name and show it to him.

He gave me a puzzled look which I quickly understand. Binura ko ang nasa white board at muling nagsulat doon.

'I'm mute.'

"Oh... sorry..." he uttered apologetically.

I only gave him a smile and proceeded with the procedures. I streched his left arm and looked for a good vein. Nang makita ito ay dahan-dahan kong itinusok ang karayom doon. Iniabot ko sa kanya ang stress ball para mabilis na dumaloy ang dugo.

"Wow, ang gaan ng kamay mo. Ni hindi ko naramdaman ang tusok," nangingiting saad niya sa akin.

"Thank you," I mouthed.

Inilista ko kung ano ang blood type at ibang impormasyon tungkol sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay napuno na ang 400ml bag ng dugo kaya hinugot ko na ang karayom. After getting some rest, I handed him a bottle of water and a cupcake to regain his lost blood.

Ganoon ulit ang nangyari sa mga sumunod na volunteers. At first, they looked like they're gonna flirt with me but after knowing the fact that I am mute, mabilis silang nagba-backout. Sanay na ako roon kaya naiiling na lang ako.

It's actually a blessing in disguise. Makikita mo kung sino talaga ang tatanggap sa iyo kahit na ganoon ang kondisyon mo.

After lunch ang tapos namin dito kaya napangiti ako nang mapansing malapit na kaming matapos. Gusto ko nang kumain! Ang init ng panahon! Pakiramdam ko ay ang lagkit ko na.

"Last batch na!" ekseheradang saad ni Vina. Kahit malayo sa pwesto ko ay narinig ko ang tinig niya dahil malakas ang pagkakasabi niya no'n.

I watched her as she scanned the lists of the last batch of volunteers and my forehead formed a crease when her face turned pale.

Iniangat niya ang tingin sa akin ngunit bago pa niya makumpleto ang reaksyon ay dumating na ang last batch. Tiningnan ko sila isa isa at napansin kong ang iba sa kanila ay nakasuot ng protective gears. Dito lang sa loob nila iyon tinanggal. Naka steel toed boots din sila kaya napagtanto ko agad na baka kasali sila sa construction ng kung anong establishment.

I was busy fixing the needle when someone approached me. Hindi agad ako nakapag-angat ng tingin dahil nalaglag pa ang stress ball kaya sinimot ko pa 'yon.

Nang tumayo ako, handa nang asikasuhin ang volunteer ay halos tumigil ang puso ko sa pagtibok.

In front of me was the only man I've ever loved.

The blazing sun hits his back but in contrast to its luminescence, his eyes looked like they were in the midst of a night. They were dark and piercing cold. His jaws were more angled and his body became more masculine. He looked taller, too. He's wearing a white button-down short-sleeved polo tucked in a black pants.

Ang daming nagbago sa kanya. He looked more... reserved now. Wala na 'yung siya na dating may ngiti agad kapag nakikita ako o magsasabi agad ng joke para mapagaan ang pakiramdam ko.

Isang tingin lang, alam mo na agad na iba na siya. Pero sa dami ng nagbago sa kanya, ang paraan ng pagtingin niya sa akin ang pinakamasakit.

Parang hindi na talaga niya ako mahal.

"Let's start," his baritone reached my ears.

And for the first time in four years, I was able to speak.

"T-Troy..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro