Chapter 27
Minsan talaga nasa dulo lang tayo ng isang bangin. Hindi sigurado kung nag-aantay ba ng isang tulak para tuluyang mahulog o mainit na yakap mula sa likod para pigilan tayo sa pagtalon.
"Sorry for your loss."
Para akong matatanga sa narinig ko. Tatlong linggo ang nakalipas bago ako nagising. Some of my bruises and wounds healed... but the stabbing pain in my heart remained.
I lost my four-week-old child. Ni hindi ko manlang alam na nasa loob ko siya. I remember working overtime just to finish my papers. I remember not eating on time because I want to maintain my diet. I don't feel like living anymore. Ako na lang dapat ang namatay, hindi ang anak ko.
"W-wala pa rin po ba si Troy?" I asked the nurse but she only smiled sadly before shaking her head.
Three weeks... and he did not look for me. Araw-araw akong umaasa na bibisita siya sa ospital kasi, tangina, anak namin 'to... girlfriend niya ako. Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Sinubukan kong tawagan siya sa telepono ng ospital ngunit laging unattended ang cellphone niya.
Hindi ko na alam.
"Ahhhh! Bitawan niyo 'ko!" I shouted when I saw a male nurse who resembles Luke. "Layuan mo ako! Demonyo ka!" I cried.
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng mga nurse pero nagwawala lang ako. Luke is here! He must be punished! He kidnapped me! He harassed me! Pinatay niya ang anak ko!
Mabilis at mabigat ang paghinga ko bago naramdaman ang pagtusok sa akin ng isang karayom, rason kung bakit unti-unting nagdilim ang paligid ko.
I was hospitalized for almost two months. Walang bumisita sa akin kahit isa. Walang naghanap sa akin. No one knew what I've been through. I had multiple breakdowns and I ought to kill myself. Troy didn't come. Tita Ria and Tito Rodney didn't look for me.
Si Ate Myrna ang nagbayad ng hospital bills ko. Siya ang tumulong sa akin para makabawi. Matapos niya akong iligtas noong gabing 'yon, hindi niya ako iniwan. Araw-araw siyang bumibisita sa hospital para dalhan ako ng pagkain at prutas.
"Kaya mo na ba?" malumanay na tanong niya sa akin habang nakatingin kami sa labas ng apartment ko.
Two months and I feel miserable.
Maliit akong tumango sa kanya. Nasa malayong parte ako ng Isabela nai-confine kaya pinag-drive niya ako pabalik sa apartment ko. I don't know what happened to Luke but I wish he was dead. I wished I killed him like the way he murdered my child.
"S-salamat po nang marami. I wouldn't survive without your h-help..." I sobbed.
Niyakap niya ako nang mahigpit at hinaplos nang paulit-ulit ang likod ko para pakalmahin ako.
"You have my number, Chin. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong, ha?" she whispered. "You're a strong woman... you can overcome this."
Pagkapasok ko pa lang sa unit ko ay mabilis na tumulo ang luha ko. I'm home... but I don't feel safe anymore. Ini-lock ko ang mga pinto at bintana dahil sa takot na baka bumalik si Luke.
I saw my bed and cried once more. Hinawakan ko ang bed sheet at inalala si Troy. I miss him so much. Wala ang mga gamit ko sa akin at hindi ko alam kung kailan ko kayang lumabas ng apartment para puntahan siya. I feel so lonely. This is where we created our memories. Dito nabuo ang mga pangarap namin... ang anak namin.
The nurses and doctors who assisted me had a hard time dealing with my trauma. They constantly remind me of my predator. I feel so unsafe. I feel like they will kill me.
Buong araw ay umiyak lang ako nang umiyak sa apartment ko. Lahat. My mother is sick. Mira doesn't care about my feelings. I was sexually harassed. My unborn child died. Troy was slipping away from me.
Pakiramdam ko, 'yung binuo ko sa loob ng napakaraming taon, nadurog lang. I build my own self. Ilang beses ko nang binawi ang sarili ko mula sa sakit pero paulit-ulit na lang akong bumabalik do'n. The world is punching me right in my face and I can't even hit back. Nalulunod ulit ako matapos kong umahon.
I did my routine normally. Ilang beses kong pinaliguan ang sarili ko dahil pakiramdam ko, ang dumi ko. Matapos 'yon, umupo lang ako sa sulok ng sahig ng kwarto ko. I am hugging my knees while my face is burried between them. Tears are rolling down my cheeks.
Pagod na pagod na ako.
Bawat paghinga ko, ang bigat, ang sakit. I can't grasp the fact that my child died inside me. Pakiramdam ko, naging pabaya akong ina. I am just like my mother. I didn't care about my own flesh and blood.
Bumalik sa akin ang ginawa kong pagtakbo sa gitna ng kakahuyan na 'yon. I was running miserably for my life while thinking of Troy who never came to visit me.
I pulled all my hair and sobbed. Life will never get better. Nakakasawa nang sabihin na magiging ayos ang lahat kasi kapag naayos mo na ang sarili mo, may dagok na naman, may panibagong yugto ng sakit na naman. I feel restless and tired. Gusto ko na lang magpahinga. But I know that my brain will not let me. My thoughts will crash me.
Pinalis ko ang luha ko at tumayo. I looked at myself in the mirror. I look horrible. My hair is all messy. Maputla rin ang kulay ng balat maging ang labi ko. The dark circles under my eyes were noticeable.
"You're stronger than this," I whispered to myself while smiling faintly.
Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng psychology books. I should divert my attention to something. Hindi pwedeng hayaan ko ang sarili na malunod. I didn't go this far to give up now.
My body shook in fear when I heard someone opening the door. Mabilis na lumitaw sa utak ko si Luke kaya kinagat ko ang aking labi hanggang sa magdugo ito. He can't be here.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at agad na nagtama ang mata namin ni Troy.
Hindi ako nakagalaw mula sa kinauupuan ko. Like me, he looks worn-out. He looks like he's been through a lot of stress. Gusto kong takbuhin siya at kalimutan lahat ng tampo kasi miss na miss ko na siya, pero hindi ko ginawa. Para akong ipinako.
Troy, kumusta? Saan ka galing? Bakit hindi mo ako hinanap?
I want so bad to say it to him but my lips were kept sealed. Parang naubos ang natitirang lakas ko para makapagsalita pa.
He looks cold, bagay na kailanman ay hindi ko nakita sa kanya. Kahit pa ilang beses kaming mag-away, hindi ko nakitaan ng ganoong lamig ang mata niya. But this time, he appears to be distant. Parang ayaw niya sa akin.
"Bakit ka pa bumalik?" he asked using his numbing voice.
Para akong naapakan. Hindi mo na nga ako hinanap... ayaw mo pang bumalik ako?
I just looked at him, unable to say anything. Ang dami kong iniisip ngunit hindi masabi ng bibig ko lahat. Gusto kong sigawan siya at sumbatan! Gusto kong sabihin sa kanya na ang daming nangyari sa akin pero wala siya!
But I can't speak. I wasn't able to speak.
He sighed. "Kukunin ko lang ang gamit ko. Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman kayo guguluhin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tumayo ako mabilis na lumapit sa kanya na ngayon ay inilalagay sa maleta ang mga damit niya. Sigurado ang bawat kilos niya at pansin ko ang pag-iigting ng panga, tanda ng matinding galit.
"S-saan tayo p-pupunta?" tanong ko habang sinusubukang ngumiti sa kanya.
He looked at me with so much hatred in his eyes but I only gave him a fleeting smile. Kasama ako, diba? Hindi mo naman ako iiwan, diba, Troy?
"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, Chin?" pigil na pigil ang boses na saad niya. His eyes were bloodshot and veins are popping out of his arms.
My lips tremble. I am ashamed of myself, Troy. Kung pwede ko lang talikuran ang sarili ko, tangina, matagal ko nang ginawa kasi pagod na pagod na talaga ako. I'm always so undeserving and unwanted.
"T-Troy, ano bang n-nangyayari?" pigil ko nang muli niyang ilagay ang mga damit sa maleta. "U-usap naman tayo... please..."
Hinawakan ko ang braso niya ngunit sa gulat ko ay malakas niya lang akong itinaboy. My knees were weak that I immediately fell to the ground.
Humikbi ako bago dahan-dahang ulit tumayo at lumapit sa kanya. Galit na galit ang mata niya sa akin. Wala akong maintindihan. Ako dapat ang nagtatampo. Ako dapat ang nagagalit. Pero ayoko siyang sabayan. We ought to compromise, remember? Walang mangyayari kung sasabay ako sa galit niya.
"Bakit ka aalis? Hindi mo ako isasama?" maliit ang boses na tanong ko. I watched him zip his luggage. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at dumiretso palabas ng kwarto.
Mabilis akong sumunod sa kanya. Nangangatal ako dahil alam kong iiwan niya ako. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa pinto ay niyakap ko siya mula sa likuran. Iyak na ako nang iyak, mas malala sa iyak ko nitong mga nagdaang araw. I lost my child. I lost myself. I can't lose you, too, please... not you.
"Bitaw."
Umiling ako at lalong isinubsob ang basang mukha sa likod niya. "B-bakit? Troy, parang awa mo na, wag naman ganito..."
Nanigas ang katawan niya. Ramdam ko 'yon. Kinuha niya ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya at malakas na tinanggal 'yon. Doon pa lang, para akong sinukuan ng sarili ko. He's slipping away from me at hindi ko manlang alam ang dahilan.
Humarap siya sa akin at sa pagtatama pa lang ng mata namin ay ginawa ko ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko ginawa.
Lumuhod ako at niyakap ang binti niya.
"Y-you can't leave me, Troy. Walang a-alis! H-hindi pwede! Ayoko... hindi ka aalis! Hindi mo ako iiwan!" sunod sunod na hikbi ko habang niyayakap ang tuhod niya. Pakiramdam ko ay sa oras na bitawan ko iyon ay hindi siya magdadalawang isip na iwan ako.
Wag naman, please. Hindi ko pa kaya.
"P-pagod ka na ba sakin?" my voice cracked. "H-hindi na ako iiyak ulit! H-hindi ko na gigisingin ang mga kapitbahay sa i-iyak ko, Troy! H-hindi na ako malulungkot! H-hindi na ako mag... maglalaslas! W-wag namang ganito... wag mo naman akong iwan nang ganito..."
Lalong lumakas ang hikbi ko nang lumayo siya sa akin. Hindi na ako makatingin sa kanya. Napako na ang mata ko sa sahig. Nagsasawa na ba siya sa akin? Napapagod na ba siyang kalmahin ako lagi?
Wala na akong boses. Pagod na pagod na rin talaga ako. Sumisikip na ang dibdib ko kakahabol sa paghinga ko dahil sa sunod-sunod kong hikbi. Troy, lumaban at pinili kong mabuhay para sayo... pero itatapon mo lang din pala ako?
"You know how much I loathe cheaters!" galit na sigaw niya. "Huwag kang umarte na parang kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito, Chin!"
I wasn't able to answer. May humaharang na naman sa bibig ko para magsalita.
"Kailan pa, ha?! Kailan niyo pa ako ginagago?" naiyak na rin na sigaw niya. "Tangina naman."
Narinig ko ang paghikbi niya kaya para akong sinaksak. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong pinupunasan niya ang sariling luha na hindi tumitigil sa pagtulo. His shoulders were shaking. I want go near him. I want to hug him. This is not what I wanted. Ayokong may mananakit sa kanya... kahit ako pa 'yon. My Troy is too precious... he shouldn't cry.
"M-mahal na mahal kita... tapos ginanito mo lang ako... Chin..." suko ang boses na saad niya.
I sobbed and cover my face with my hands. "Mahal din kita, T-Troy... hinding-hindi kita lolokohin..."
"Liar!" he roared. "You slept with Luke!"
Sa narinig na pangalan ay para akong hihimatayin sa takot. Walang pumasok sa utak ko kung hindi ang nakakatakot na mukha niya. My mind was unable to process what Troy has said because it became clouded with the thoughts of Luke's evil laughs. Is he here?! Did he come back to kill me?! Troy should run! Baka mapaano siya! May baril si Luke! He can't kill Troy! Not Troy!
Nanginginig akong tumayo at tumingin sa paligid... pero wala... I released a deep breath and closed my eyes. Mabigat ang paghinga ko habang naririnig sa utak ko ang tawa nito.
"B-bakit, Chin? S-saan ako nagkulang sayo?" Troy asked but my mind can't grasp it. Tanging tinig lang ni Luke ang naririnig ko.
Umiling ako nang paulit-ulit habang nangangatal ang katawan ko. I tried to focus on Troy but when I saw him sobbing, my heart sank deep.
May kinuha siya sa loob ng bag niya at ganoon na lang ang hinagpis ko nang makitang ang ibinato niya sa sahig ay ang mga malalaswang larawan na ginawa sa akin ni Luke noon sa Mandaluyong at sa abandonadong building. I cried harder. The pictures are gross. Nakasubo sa bibig niya ang dibdib ko habang nakapikit ang mata ko. He was also touching me down there.
Iyak ako nang iyak dahil sa takot. I didn't feel it before but now that I see it eye to eye, nanumbalik ang lahat sa akin. Nanginginig ang lahat sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa malalaswang imahe. I feel so dirty. He harassed me! Binastos niya ako!
"Your mother was right. You really know your ways to boys," Troy uttered with disgust and tears in his face.
Mas lalo akong dinurog ng sinabi niya. He isn't my Troy. Hindi 'yon kayang sabihin sa akin ni Troy. Mahal ako no'n, e.
"Your walls are too high! I regret climbing it!" he roared when I didn't answer. "You're not even worth it!"
I want to beg him to stop talking because I know I can't handle everything. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon. For a moment, I can't find my voice.
"Nakakapagod kang simutin kapag nadudurog ka! Nakakapagod manghula araw-araw kung maayos ka pa ba o hindi na! Ipinagpalit ko ang magandang buhay para tumira rito kasama ka kasi nag-aalala ako na baka umiiyak ka na naman!" sigaw niya. "Chin, mahal na mahal kita pero ginago mo lang ako! Sana hinayaan na lang kitang mawasak noon!"
"Hindi," I mouthed. Wala akong boses. Umiling ako nang paulit-ulit sa kanya habang hinahawakan ang leeg ko dahil hindi ako makapagsalita.
Troy, hindi ko magagawa 'yon sayo! We were framed! Binastos ako, Troy! Parang awa mo na, makinig ka sa akin!
Gusto kong isigaw 'yan pero wala, umiyak lang akong nang umiyak. Gusto kong magsumbong na binaboy ako, na pinatay ang anak namin, pero paano naman ako makakapagsalita kung ganito siya kagalit sa akin?
"I regret loving you. I hope you always remember that," he said before leaving, taking my heart and soul with him.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa pintuan kung saan siya lumabas. Tuyo na ang luha ko pero namamaga ang mata at puso ko.
He left... with the thought that I cheated on him. He left... with the feeling of regret and hate for me. He was right. My walls are too high... I'm not even worth it. He grew tired of picking up my pieces. He no longer wants to hold me. He'll live a much happier life without me.
Ganoon naman lagi. Para akong dumi sa buhay ng lahat. Kapag nawala ako, saka lang sila sumasaya, saka lang sila nagtatagumpay. Baka mali ako. Baka hindi naman talaga dapat si Mama o si Papa o si Mira ang sisihin dahil ang totoo, baka nakakapagod talaga ako.
I closed my eyes and prayed.
Lord, please, take care of Troy wherever life takes him. I hope he finds more reason to live and smile. Heal his scarred heart. I want him to be happy, even if that means You'll remove me from his story.
And Lord, please take me to my child... to Your paradise. Because living here is too painful. Please... let me die.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro