Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25


‍It was hard especially that I'm working at red cross. Madalas kaming nagkikita ngunit ipinagpasalamat ko na kahit isang beses ay hindi na niya ulit ako nilapitan. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, aalis na talaga ako.

Tinanong ako nina Vina kung bakit umuwi ako nang ganoon. I just rationalized. Sinabi kong may emergency, may gagawin ako o ano. I invented all sorts of lies. I can't... talk about it. I don't have the power to voice it out.

Ang plano kong pagbisita kay Troy sa La Union ay hindi na nangyari dahil kinailangan ko rin agad maghanap ng company para sa industrial setting ng OJT ko. Unlike the clinical setting, mag-isa lang ako sa VRE. It's a real estate company and I worked there with the HR personnel.

Isang buwan lang akong nagtrabaho roon dahil lagi akong nag-oovertime. I want to finish it quickly. Maganda ang work environment doon at may mga times pa na hinahayaan nila akong manood sa screening and interviews ng new applicants.

I never told Troy what happened in Mandaluyong. Hindi ko na rin sinabi sa kanya ang ginawa kong pagtawag noong gabing 'yon. I don't know. I don't want him to be worried of me. May sarili siyang pinoproblema ngayon. He should focus more on himself.

I didn't demand for more time. May mga ganoon talagang oras. 'Yung mas gugustuhin mo munang mag-isa dahil pakiramdam mo ay nakakapagod lang ang mundo. We're in a relationship. We should compromise with each other all the time. We still talk, though. Lalo noong patapos na ang OJT niya. Hindi na masyadong hectic ang schedule niya kaya pwede na akong sumingit.

Sa educational setting, mas pinili ko na lang na magtrabaho sa school namin. I know I should explore more but I'm really tired. Nasa phase na naman ako na bumabalik ang lahat sa akin.

"Chin!" Troy called me.

Mabilis na lumapat ang ngiti sa labi ko nang makita siya. He's carrying a huge luggage at kabababa lang nilang mga engineering sa shuttle. Alam kong ngayon ang dating nila kaya nagbihis ako nang maayos at sinalubong siya.

Ikinulong niya ako sa bisig niya at pinigilan ko ang maiyak dahil baka asarin niya pa ako. Tatlong buwan kami halos hindi nagkita pero ang daming nangyari. Ang daming sakit agad ang binigay sa'kin ng mundo.

"Miss na miss kita," he said softly.

I'm wearing a sweater, trying to hide my cuts again, but I can feel the warmth of his body. I embraced him. Kahit gaano talaga kagulo ang nangyayari sa akin, basta may Troy lang ako, ayos na.

He was with me when my parents abandoned me. He was with me when my thoughts were killing me. He was with me during my thesis and exam days. We celebrated each other's achievements. Umiiyak din kami nang magkasama kapag may problema. We're simply inseparable. But the issue with my harassment... I feel like it's my battle alone. I feel like I should carry this burden alone. Ang dami na niyang pinroblema sa akin. I can't add another torch of pain to that.

I managed to survive. Naging masaya ulit ako. I overcame my trauma without anyone.

Our second anniversary was also our graduation day. I've realized that with Troy, I am better. I can be better.

"Valencia, Elora Chin C., BS Psychology, Magna Cum Laude."

Nanubig agad ang mata ko. I worked so hard for this. Wala akong kasamang magulang. Tita Ria was the one who gives me my medal. Malaki ang ngiti niya sa akin bago ako niyakap.

"I'm proud of you, anak."

It feels surreal. Hindi mo pala kailangang humanap talaga ng kadugo mo na susuporta sayo.

"Girlfriend ko 'yan!" malakas na sigaw ni Troy kaya nagtawanan ang mga estudyante.

It was supposed to be a formal event pero nang dahil sa sigaw niya, nagsunuran din ang mga kaklase ko.

"We love you, Chin!" sigaw ni Vina mula sa crowd.

My classmates stood up and cheered for me. They were chanting my name, making me tear up. After this day, we'll have different lives. We'll take different paths... but I will never forget the things they did for me. They are my emotional and mental support system.

My happiness is overflowing that it totally drowned all my traumas. Nang gabing 'yon ay nag-party kaming magkakaklase. Nauwi iyon sa iyakan dahil magiging madalang na ang pagkikita namin. I will miss them. Umpisa pa lang, sila na 'yung naniwala sa akin. I lost Mira but I gained a lot. I lost my family but I gained Tita Ria, Tito Rodney and Troy.

But of course, that day still ended with me-beneath my boyfriend's naked body.

"We'll achieve more, Chin," he whispered while kissing my hair.

Nakahiga kami ngayon sa kama ko habang nakasandal ako sa dibdib niya. I played with his chest while his hands were wrapped around me.

"Board exam na lang, Engineer Dela Paz."

He sighed before hugging me tighter. "We'll review together, hmm?"

Truth be told, we studied together. Sa apartment ko na siya umuuwi araw-araw at pinapayagan namin kami ni Tita Ria. Papasok kami nang sabay sa review center dahil magkalapit lang naman ang building ng review center namin. We'll have lunch together. Uuwi rin kami sa isa't isa matapos 'yon.

It's stressful but at least, we have each other.

"May regla na ako," I informed him.

Pumalakpak siya na parang gago. "Thank God! Totoo ang Diyos!"

Malakas ko siyang binatukan bago siya tinabihan sa kama. He immediately embraced me and kissed my forehead. We had several unprotected sexual intercourse at alam namin parehas na hindi pa pwede dahil wala pa kaming napapatunayan.

"Good luck bukas," he uttered softly. "Kahit anong mangyari, nandito lang ako."

It warmed my heart. Bukas na ang board exam ko, mauuna sa kanya. Vina passed the NMAT and she's currently studying medicine at UST. Sina Mich at Anne naman ay nakahanap ng trabaho rito sa Isabela bilang mga HR personnel. Sa batch namin, apat lang yata kaming magtatake ng board exam.

I was sweating bullets when I finished answering my exam. Natataranta ako kahit sigurado ako sa mga sagot ko.

Me:

Pota, sunduin mo 'ko. KFC tayo. Naiiyak ako sa exam.

I cried when I saw him. Kinalma niya lang ako sinabing maayos ang ginawa ko. He bought me food and calmed me down. Saulong-saulo na ako ni Troy kaya alam niya kung paano ako patatahanin. Wala naman kasi kaming nagiging problema. As I've said, we always compromise. Our relationship is too perfect... and it's scaring me.

Ganoon ulit ang nangyari nong second day ng board exam. I always think I messed up kahit alam ko ang sagot.

Noong dumating na ang board exam niya, ganoon din ang nangyari sa kanya. Iyak siya nang iyak dahil pangarap niya raw talagang maging engineer.

That year was fucking exhausting. Puro iyak at pagtatanong sa sarili kung nasa tamang daan ka ba. Akala ko matalino na ako pero nang makilala ko ang ibang psychology major galing sa iba't ibang school, na-realize ko na ang dami ko pang hindi alam... na hindi pala ako magaling... may alam lang.

"Kinakabahan ako," iyak ko habang nakatingin sa screen ng laptop. Naunang lumabas ang resulta ng list of board passers namin pero hinintay kong dumating ang kanila para sabay naming titingnan 'yon.

"Ako rin," he whispered.

We were holding each other's hand tightly. Dalawa ang laptop na nasa harap namin. Link ng civil engineering board passers ang nakabukas sa laptop ko habang link naman ng akin ang nakabukas sa kanya.

I sighed. This is it.

2044 Dela Paz, Troy Jefferson Montalba

"Ahhh!" malakas kong tili. "You passed!"

Nangangatal ang kamay niyang tiningnan din ang resulta ng akin at nanlamig ang buong katawan ko sa nakita.

6232 Valencia, Elora Chin Cortez

Magkayakap kaming umiyak dahil sa resulta. Engineer na si Troy! Psychometrician na ako! We're so close to our dreams!

"We did it, baby, we did it!" malakas na sigaw niya habang yakap ako.

Basang-basa ang mukha namin ng luha. I'm proud of us. Parang dati lang, sabay kaming nagre-review kapag may exam sa major subjects... pero ngayon, mas malaki na, mas mabigat na at magkasama pa rin kami.

‍"To more achievements with you," he whispered before kissing me.

Another blissful year had passed. Kasalukuyan akong nagtuturo ng psychology sa university kung saan kami nagtapos ni Troy. I am also taking my masters degree in psychology. Pag natapos ko 'yon, I will build a clinic here in Isabela.

Si Troy naman ay nagtatrabaho na bilang engineer sa CHB, isang construnction company dito. It wasn't that huge but his salary is enough to make him live. Hindi pa rin siya nabibigyan ng magandang project pero sabi naman niya ay ayos lang.

Everything is going well. Almost perfect. Until that one unfateful day.

Almira Moreno: Chin, can we talk?

After four years, she reached out to me. Wala na akong pakealam, eh. Kita ko namang masaya na sila sa buhay nila. Masaya na rin ako sa akin. Ano pang punto ng pakikipag-usap? She'll just re-open the wounds I healed for years.

‍But then, something in my heart wanted to know her side. Hindi tuloy ako masyadong makapag-focus sa pagtuturo.

"Ma'am, pahinga ka muna, namumutla ka," pansin sa akin ni Desiree, isa sa mga estudyante ko.

Tumawa lang ako sa kanya pero ipinagpatuloy ko ang klase. It's nostalgic. Dati rati ay ako ang nakikinig d'yan pero ngayon, ako na ang nagtuturo.

"Displacement is a type of defense mechanism worded and coined by the first psychologist on the psychodynamic approach-Sigmund Freud-that redirects the expression of our negative feeling to a weaker or less-threatening object." I said.

Nakita ko ang paghikab ni Rona, estudyante ko, kaya napangiti ako.

"Naintindihan n'yo ba?" tanong ko sa kanila. I once again looked at Rona and her eyes were almost falling. "Rona, can you give me a situation where people use this kind of defense mechanism?"

She gulped before standing. Binasa niya ang nasa powerpoint presentation at kinagat ang pang-ibabang labi.

"A-ahh... Ma'am..." nauutal-utal na saad n'ya.

"Hmm?"

"Di ko gets po, hehe."

I laughed. She reminds me of someone I really treasured before. Kahit ang pagiging magaslaw pero masipag niya... she just reminds me of Mira.

Nang nasa faculty room na ako ay napagdesisyonan kong mag-reply sa kanya.

Me: Okay.

She sent me the location and time. Nag-ayos lang ako saglit bago mag-out. Am I ready for this? Hindi ko alam. The damage has been done. Tapos na ang iyak ko sa kanila. Tapos na ang pagdurusa ko.

I sit in front of her. Ang dating hanggang bewang niyang buhok ay hanggang balikat na lang. Kulay abo na rin 'yon. One look and you'll know that something had changed in her. Halata mong mataas na siya. Her clothes, shoes, and bag were all from a luxurious brand.

"Hi," she said.

I gulped. "Let's get straight to the point. Anong kailangan mo?"

Dumaan ang gulat at sakit sa mukha niya. Sumandal siya sa inuupuan niya bago humigop sa kape. I just watched her. Ni hindi ko ginagalaw ang in-order ko. I was expecting to hear her side but what she said shocked the fuck out of me.

"May sakit si Mama... she needs a kidney transplant."

I was mad. Hell, I am furious! Mabilis akong tumayo at hindi napigilang iduro siya.

"Mama?!" I snorted. "Can't you hear yourself, Mira?!"

She sighed. "I-I just really need your help, Chin... I can't lose her."

I gritted my teeth and clenched my fists. Mabilis ang tibok ng puso ko, wala nang pakealam sa mga nakakita sa amin. Yes, something has changed in her! She's nothing but an insensitive bitch now!

"Tangina," I scoffed. "P-putangina, Mira..."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "P-please, help us. Nanay mo pa rin 'yon."

"Stop! Stop talking!" malakas na sigaw ko. "She was never a mother to me! Alam mo 'yan, tangina naman, Mira! Apat na taon! Apat na taon niyo na akong pinagtulungan. Pinalayas niyo 'ko sa bahay namin para doon kayo tumira kasama ang deputa mong tatay!"

Tumayo na rin siya. "Wag mong pagsasalitaan nang ganyan ang tatay ko!"

"Bakit hindi?! Totoo naman! Pumatol si Tito Herman kay Mama kasi may pera kami! Itinapon niyo ako! Itinaguyod ko ang sarili ko. Putangina... kaya ko na! Ngayong kaya ko na, saka kayo lalapit?!" I cried.

I broke down in front of her. This isn't the talk I wanted. This isn't the talk I expected.

Wala siyang nasabi. She gulped a countless of times, tears forming in her eyes.

"Y-you know what?" my voice cracked. "P-pumunta ako rito kasi gusto kitang m-makita... kasi g-gusto kong magkaayos tayo... kasi namimiss pa rin kita..."

"C-Chin..."

"M-madaya ka, Mira. I-ipinagpalit mo 'yung pagkakaibigan natin sa p-pera... ipinagpalit mo 'ko sa mas marangyang buhay." I sobbed. "You know how my mother abused me. Y-you used to be my best friend, Mira..."

"M-mama needs your help..."

Lalo akong napahikbi. No, she doesn't want me back. She doesn't want us to be friends again. Lumapit lang talaga siya kasi kailangan nila ang tulong ko. I don't know where the hell is Ate Heather kaya ako ang ginaganito nila... I don't know anymore. Para akong mamamatay sa sakit na narararamdaman ko.

"Masaya ba?" I asked her. "Masaya bang gamitin ang mga damit ko? Ang mga gamit ko?"

She smashed the table. "That's not the case here, Chin! Sabihin mo na lang kung tutulong ka o hindi!"

"Hindi! Putangina, hindi! Matagal nang patay sa akin 'yang tinatawag mong Nanay!" I shouted. "You know what?! Oo, ang linis mong tingnan ngayon. Maganda ang ayos mo ngayon. Pero para sa akin, you're nothing but a pretentious dirty bitch!"

Matapos sabihin iyon ay umalis ako sa harap niya. Diretso ang sakay ko sa taxi habang umiiyak. Ni hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta dahil sa hikbi ko. I can't help it. I shouldn't have went there. Sana ay dumiretso na lang ako ng uwi sa apartment namin.

Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko na alam. Ilang taon na... bakit ang sakit pa rin? Bakit hindi pa rin ako gumagaling? Bakit may epekto at bigat pa rin?

I looked at my phone. Dead batt. Hindi ko matatawagan si Troy. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng taxi. The trees and tall plants are beautiful. Nakalubog na rin ang araw. Pinahid ko ang luha ko at ganoon na lang ang takot ko nang makita ang pamilyar na lalaki na nagddrive ng taxi.

"Long time no see, Chin," Luke said before grinning.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro