Chapter 24
Trigger Warning: Harassment
"Huy, tawag ka ni Nurse Luke sa office ni Dr. Orilla, magpapatulong daw sa pagso-sort ng profiles," anas sa akin ni Vina.
I sighed. Heto na naman ang lalaki! Ang dami-daming interns, talagang laging ako ang tinatawag.
"Ikaw na lang," sabi ko sa kanya.
She grunted. "Girl, kung pwede lang. May ia-assist pa ako."
Napanguso ako bago pumunta sa office ni doc. Next week na ang tapos ng internship namin at tutulak na kami pabalik ng Isabela. Nabawi ko na rin ang ilang oras na absent ko dahil sa kaka-overtime ko. Nakakainis nga dahil si Luke lagi ang kasama kong mag-overtime.
"Chin, upo ka," nakangiting saad niya nang makita ako.
I obeyed him. I sat in front of him and helped him in sorting the profiles of patients. Kaming dalawa lang ang nandoon dahil nagro-rounds pa si Dr. Orilla.
"Nasabi na ba nina Mich sayo?"
I looked up to him. "Ang alin?"
"Party daw sa Void next week bago tayo umalis."
Ibinaba ko ang binabasa at ibinigay ang buong atensyon sa kanya. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto ito nina Vina. He's handsome, alright, but he's overly-confident! He thinks that everyone likes him. Kaya siguro ako ang iniinis nito lagi dahil alam niyang hindi ko siya gusto.
"Tayo?" I almost spit that word. "Kasama ka?"
He grinned. "Yup. Uuwi na rin ako. Halos isang taon na ako rito, patapos na rin ang contract ko."
I nodded. "Baka hindi na lang ako sumama sa party, kung ganoon."
Ibinaba niya rin ang binabasa at aliw na aliw na inilapit ang mukha sa akin. Mabilis akong nag-iwas at sinamaan siya ng tingin. What's wrong with him?! I made it clear that I have a boyfriend!
"Last day naman na, pagbigyan mo na kami. Hindi ka na nga sumasama sa lunch dahil kinakausap mo lagi ang boyfriend mo," he stated.
I scoffed. "Why do you care?"
He chuckled. "Balita ko hindi sinasagot ang tawag mo, ah?"
Lalong sumama ang loob ko at napasimangot. Damn him! Busy si Troy sa internship niya kaya hindi kami nakakapag-usap madalas. And I understand him! We still talk at least three times a week! Napansin niya ang itsura ko kaya muli siyang tumawa.
"Kung ako 'yon, I'll make time for you. Ganon kasi kapag mahal mo," he uttered.
I rolled my eyes. "Buti na lang hindi ikaw."
It went on for days. Totoong medyo nagtatampo ako kay Troy dahil hindi na talaga kami nakakapag-usap. May texts siya minsan pero nasa duty naman ako kaya hindi ako makapag-reply. Pag ako naman ang bakante ang oras, siya naman ang wala. It's always like that. Kaya pikon na pikon ako tuwing inaasar ako ni Luke tungkol doon!
Dumating ang huling araw namin sa hospital at hindi ko inasahan na malulungkot ako. Dalawang buwan mahigit din kami rito at nitong huling linggo, naging abala kami sa paggawa ng report. I will not deny it. Mamimiss ko ang environment na 'to.
"Chin, sumama ka na kasi sa Void! Magtatampo ako kay Troy kapag hindi ka pinayagan!" Vina stomped her feet like a child.
Mich agreed. "Kaya nga! Last day na, eh. Kung worried ka sa mga mambabastos sa atin, kasama naman natin si Luke! Ang laki ng katawan non. Walang makakalapit sa atin."
Napasimangot ako habang nakikinig sa kanila. Ayun nga ang mas pinag-aalala ko! I don't like that guy!
"Magpapaalam pa ako kay Troy."
Anne sighed dramatically. "Hinding hindi talaga ako magmamahal! Shuta!"
I laughed as I typed something on my phone.
Me:
Babe, nagyayayang mag-club sina Vina mamaya kasi last day namin. Sasama ba ako sa kanila? O gusto mo mag-usap na lang tayo? I miss you.
Yup, it's a biased text. Mas gusto kong makausap siya sa tawag kaysa makipag-inuman doon. Nanggigigil na nga si Vina dahil inihanda na niya ang suot namin mamaya.
We celebrated our last day. Ang mga pasyenteng na-handle namin ay bahagyang nalungkot pero ipinangako naming babalik kami kapag pwede na... kapag naabot na namin ang pangarap namin. I had a hard time coping up here but I'm sure that this is my kind of field.
"Game, picture!"
Tumabi ako kay Vina at akmang ngingiti na nang tabihan ako ni Luke. I rolled my eyes and smiled at the camera but I felt him brush his hand on my waist. Mabilis ang ginawa kong pag-ilag dahil sa nangyari.
I glared at him.
He grinned. "What?"
"Fuck off."
Umalis ako sa garden ng hospital at inasikaso na ang gamit ko. Hindi ko sigurado kung nagreply na si Troy dahil lowbatt ang phone ko at kailangan ko pang umuwi sa dorm para mag-charge.
I was shocked when Dr. Orilla approached me. She's wearing a bright smile on her lips while her hands are inside the pockets of her laboratory coat.
"I will see you soon here... as a psychologist."
My heart warmed. "Thank you, doc."
"I can see you soaring up high, Chin."
Sa mga natirang oras ay iyon lang ang nasa isip ko. I'm delighted. I had several breakdowns in this hospital because my mental state isn't stable... and I'm glad that she still saw a potential in me. Ang sarap lang sa pakiramdam na may naniniwala sa'yo.
Troy is one of the few people who believed in me. Abala lang talaga siya ngayon dahil ang toxic ng work environment nila. Minsan nga ay pinapagod talaga sila ng mga head engineers kaya kapag gabi ay diretso tulog na kami.
Nang makauwi sa dorm ay maingay na agad sina Vina. I charged my phone and changed my clothes.
"Sama ka na kasi!" she said as she sat beside me.
Tumawa ako. "Aantayin ko nga ang reply ni Troy."
Alas nuebe pa naman ang alis nila at alas sais ang out ni Troy kaya sigurado akong mababasa niya ang text ko. I was lowkey hoping he'd say no. Gusto ko talaga siyang makausap.
I reached for my phone and felt happy when his name appeared on my screen. Yay, nagreply na!
Troy:
Enjoy your party, babe! Sa ibang araw na lang tayo mag-usap. I miss you, too. Ingat kayo, ha? Wag masyadong mag-iinom kapag hindi mo kaya.
Kahit na sweet ang message niya ay nalungkot ako. I guess there's no baby time for tonight.
"Hala, gago, saan ba nag internship si Irina?" dinig kong saad ni Anne.
"Bakit?" Mich asked.
Tumingin sa akin si Anne. She's holding her phone on her left hand while leaning on the headboard.
"May pictures sila ni bebe boy mo! Tingnan mo sa facebook."
Kumunot ang noo ko at mabilis ang pagpindot sa cellphone. I went to Troy's facebook account and I saw several pictures of them! Nakascrub suit ang babae habang si Troy ay naka-work clothes din! May iba naman silang kasama sa picture pero pansin ko na madalas ay kay Troy siya nakadikit.
I typed a message to him.
Me:
Nagkikita pala kayo ni Irina?
My brow shot up when he replied almost instantly.
Troy:
Hala, bakit po tunog galit? Di ko gusto yon huhu
Napanguso ako. I dialed his number and after three rings, sinagot niya ito. Sinabihan ko ang mga kasama na lalabas muna ako dahil kakausapin ko si Troy.
"Hi," he greeted me. I can sense the tiredness from his voice.
I sighed. "How's your day?"
Narinig ko rin ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga mula sa kabilang linya. Sumandal ako sa pader habang inaantay ang sagot niya.
"Pagod... pinaakyat kami sa bubong kanina. Late na rin kaming nakapag-lunch," malungkot na pahayag niya. "Ikaw? Last day niyo na, diba? Mag-enjoy ka. Wag din masyadong mag-iinom, okay?"
Tumango ako kahit hindi niya naman kita. I want us to talk more but his voice is just worn out. Ayokong pagurin siya lalo.
"Oo. Sige na, pahinga ka na. I miss you," I stated.
He sighed. "I miss you."
Malungkot na ibinaba ko ang tawag. Ni hindi ko na naitanong ang tungkol kay Irina dahil sa tono ng boses niya. I hope he gets the rest he needs. Dalawang buwan pa bago siya matapos sa internship niya samantalang ako ay magsisimula na ulit sa panibagong company at school. Kung pwede nga lang ay sa La Union na lang din ako mag-OJT.
Pumunta kami sa Void nang masama ang loob ko. I wore a yellow halter top and black pants. Inilugay ko lang ang itim at tuwid na tuwid kong buhok. Nag-make up pa sina Vina kaya medyo tumagal kami.
"Girl, loosen up! Mahal ka non!" sigaw ni Vina.
Malakas ang tugtugan at medyo nakakaliyo ang iba't ibang kulay ng ilaw. People here are wild! Baka mahalata pa nila na laking probinsya ako.
Luke walked towards our table and put a lot of drinks and food on our table. Matapos iyon ay umupo siya sa tabi ko kaya bahagya akong umisod.
"Treat ko na 'yan at last day naman na natin!" he uttered.
"Pota, amen!" maligayang saad ni Mich.
Nagdiwang ang tatlo dahil sa libreng alak at pagkain. Ako naman ay sumandal na lang sa couch dahil wala naman akong planong mag-inom.
Miss na miss ko na si Troy. Sumasakit agad ang puso ko kapag naiisip siya kasi alam kong pagod siya sa trabaho. I want to be there for him. I sighed. Nasa club ako pero ang utak ko, nasa La Union.
"Ang baduy naman ni Chin, eh! Inom tayo ngayong gabi! Nandito naman ako!" reklamo ni Vina.
I pouted. "Isang baso lang."
But it didn't happen. Naging sunod-sunod ang pagsasalin nila sa baso ko at hindi na ako nakatanggi dahil sa sama ng tingin sa akin ni Vina. Pinayagan ko na rin sa huli dahil tama naman siya, huling araw na namin at nandyan naman siya para tingnan ako.
"Sayaw tayo, bilis!" sigaw ni Anne habang hinihigit kami patayo.
Mich and Vina stood up but I shook my head. Nahihilo na ako! Baka mamaya ay mahimatay pa ako sa gitna ng dance floor! I can even sleep now. Alam kong sobrang pungay na ng mata ko dahil ramdam ko na talaga ang tama ng alak.
"Chin, baduy!" they chanted like idiots.
Tinawanan ko lang sila at pinanood na naglakad patungo sa dance floor. Vina immediately found a guy to dance with kaya lalo akong napatawa.
"Oh, hindi ka sasayaw?" tanong ng kararating lang na Luke.
I shook my head. "Nahihilo na ako."
"Sige, samahan na lang kita muna rito."
Hindi na ako nakapalag nang tumabi siya sa akin. We watched how my friends dance and enjoy the music. Nakangiti lang ako habang pinanonood sila hanggang sa ipinikit ko ang mata at isinandal ang ulo sa upuan. Damn, I'm drunk. I don't think I can even stand.
Mabilis ang pagmulat ko nang maramdaman ang kamay ni Luke sa hita ko.
"Ano ba?!" medyo tagilid na ang boses na saad ko. "Wag mo akong hawakan!" dagdag ko pa.
He grinned like a fool before going near my face. Iilag na sana ako ngunit inilagay niya ang kamay niya sa likod ko para itulak ako palapit sa kanya. I pushed him away but my hands were too weak. I'm too weak. Antok na antok na rin ako.
"Makipaghiwalay ka na..." he whispered in my neck.
Iniiwas ko ang mukha at katawan ko ngunit hinahawakan niya lang ako. I prayed. Vina, please, pumunta ka na sa table na 'to.
"Layuan mo ako," I said before punching his chest with all my might.
"Just a taste, hmm?"
Tumulo ang luha ko nang idikit niya ako sa sandalan at mariing hinalikan sa labi. Iniiwas ko ang mukha at katawan ko ngunit mahigpit ang kapit niya sa akin. Nasa madilim kaming sulok ng club kaya sigurado akong walang nakakakita sa ginagawa niya.
"S-stop... please..." hikbi ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.
"Hmm..." he hummed.
Itinutulak ko siya habang humihikbi. Parang nawala ang tama ko ngunit kahit anong laban ko ay masyado siyang malakas. He touched my body and I shiver in fear. He's fucking harassing me! I prayed harder. Please, someone, save me...
"Help!" malakas kong sigaw nang akmang ipapasok na niya ang kamay sa loob ng damit ko. "Tulong!"
He immediately pushed me and stood up. Mabilis ang paghinga niya habang nakatingin sa akin. I cried and cried. I feel so hopeless. May mga napatingin sa amin kaya mabilis siyang umalis sa harap ko. Iyak lang ako nang iyak. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko. I covered my body and grabbed my wallet before going out of that place.
My hands and body were trembling. Mabilis ang tibok ng puso ko kahit alam kong hindi na niya ako sinusundan. I need Troy. I need him to calm me down... because I'm in the verge of another breakdown. Nasa labas lang ako ng club at nakaupo sa madilim na sulok. Walang dumadaan dito at walang makakakita sa pag-iyak ko. I was harassed. I was violated.
With shaking hands, I called Troy.
"P-please, b-babe... answer your phone..."
After several rings, he did.
"Troy," nanlalambot na saad ko. My breathing is heavy and I know I can't be alone with my thoughts. I need to hear him.
"Uh... Troy's not here..." boses ng babae ang narinig ko.
Tumulo ang panibagong yugto ng luha sa mata ko. I don't know what to feel anymore. It's past midnight and a woman answered his phone. I was almost raped. I'm in an unfamiliar place. Hindi ko na alam. I feel like the world is drowning me.
"N-nasaan siya?" I held back a sob.
"Gumagawa ng report. Wag mo na lang sanang abalahin kasi pasahan na nila bukas non," the girl chuckled. "Ibababa ko na, ha? Sabihin ko na lang na tumawag ka."
When the call ended, mabilis akong umuwi sa dorm. Inimpake ko ang mga gamit ko at sumakay ng bus pabalik sa Isabela. I don't feel safe here. I feel like Luke will go back anytime. Ni hindi ko na nai-text sina Vina dahil sa takot ko. Baka hindi sila maniwala sa akin. Baka sabihin nila, nagiimbento lang ako.
Tuwing titigil ang bus ay nangangatal ako sa takot na baka si Luke ang sumakay. It's a long ride but all I felt was anxiousness.
It was already morning when I reached my apartment. Mabilis akong nagkulong sa kwarto at doon umiyak nang umiyak. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng katawan ko. I can still feel his touch all over me.
Troy didn't call me back. He must be so busy.
I feel so alone.
That day, I promised myself that I will bury everything that has happened.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro