Chapter 23
Troy started his on-the-job training on a construction company in La Union and I started mine in a mental hospital in Mandaluyong. Tuloy ay isang buwan na kaming hindi nagkikita. Dito kasi kaming mga psychology major lahat in-assign ng university namin dahil magandang training ground daw ito para sa mga aspiring mental health practitioners.
"Nakakapagod ang assessment," iinat-inat na saad ni Vina bago naupo sa tabi ko. We're wearing our usual all-white uniform and our faces were bare.
Sumunod ding umupo si Mich. "Huhu, tangina, hinabol ako nung isang pasyente."
"What?" natatawang tanong ko.
Inilapag niya ang clipboard at mga papel sa mesa bago kami muling harapin.
"Ibibigay ko lang naman 'yung gamot pero hinabol ako," malungkot na kwento niya. "Napatakbo rin tuloy ako. Ayun, para kaming nag-marathon."
Hindi namin napigilan ni Vina ang pagtawa sa kwento niya. Hindi ko ma-imagine!
"Buti na nga pinakalma rin agad ni Nurse Luke," she said dreamily. "Shuta, may gwapong nurse dito tapos bawal tayong mag-make up."
Kumunot ang noo ni Vina. "Meron?! Saan?"
Napailing na lang ako. Basta talaga gwapo, napakabilis ni Vina. Mabilis na tumayo ang dalawa at naglakad patungo sa sinasabi nilang nurse. Ako naman ay pumunta na lang sa dorm dahil tapos na rin naman ang duty namin. Bukas ay counseling naman kaya kailangan kong galingan. This is so psychology! Exciting!
Our on-the-job training has three settings. Clinical, educational, and industrial. Pagkatapos ng OJT namin dito sa clinical, kanya-kanya na kami ng hanap ng schools at companies para ma-fulfill ang terms namin. It will be tiring but I know it's worth it!
Troy:
Hi, baby. Busy ka ba? I miss your voice :(
Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Nagaya na niya ang format ko! I dialed his number and he immediately answered it.
"Hi!" I said enthusiastically. "Kumusta internship?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I miss you."
I chuckled. Dahan-dahan akong humiga sa kama dahil wala pa naman sina Vina at Mich.
"I miss you, too. Anniversary na natin next week," malungkot na pahayag ko.
"I'll go there... magpapaalam na ako rito nang maaga. Kahit three days and two nights lang," parang nabuhayan ng loob na saad niya.
I bit my lower lip. Paano kaya ako magpapaalam? Tuwing Linggo lang akong walang duty at kung ganoon ang gusto niya, 16 hours ang mawawala sa akin. Pero, anniversary naman namin! Pwede ko namang mag-overtime na lang ako!
"Sure! I'll see you!"
He chuckled. "I love you."
"I love you, too, Troy Jefferson."
The next days were kinda hectic pero dahil may nilu-look forward na anniversary ay nakaya naman. Nakakalungkot na ang daming naa-admit na bagong patient. I even saw some of them breaking down right in front of my eyes and it somehow triggered me. Hindi lang iilang beses akong umiyak dahil sa mga nakita kong pagwawala ng pasyente.
This is the path I'm gonna take. I should have a strong self-will, kung hindi ay magkakasakit din ako.
"Pigil na pigil 'yung iyak ko nung pinahidan ako ng kulangot nung kina-council ko!" sumbong ni Anne noong magkita-kita kami sa hallway ng hospital.
"Tangina, 'yung patient ko, nagsalsal sa harap ko, gusto ko na lang sumabog," ani Vina.
We were laughing when someone from our back cleared his throat. Sabay-sabay kaming napalingon doon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang kasama naming nurse sa red cross.
"Nurse Luke!" Mich giggled.
I gasped. Okay, he's nurse Luke. Mahigit isang taon na ako sa red cross pero hindi ko pa rin siya kilala. Bihira lang naman kasi siya pumunta roon.
"Tapos na ba trabaho niyo?" tanong niya sa aming apat.
Sabay-sabay kaming tumango. Pinasadahan niya kami ng tingin at pansin ko kung paanong nagtagal ang titig niya sa akin. Siniko pa ako ni Vina dahil napansin niya rin iyon.
Ngumiti ito. "Lunch tayo?"
Mabilis na pumayag ang mga kasama ko. Tuloy ay magkakasama kami sa malapit na eatery sa hospital. Panay ang pagkukwento nila sa lalaki. Sinusumbong ang ilang pasyente.
"You want this?"
Nagulat ako nang nagtanong siya sa akin. Itinuro niya ang lumpiang shanghai at kahit gusto kong bilhin iyon ay umiling na lang ako.
"Caldereta po, Manang," I uttered. Bumaling ulit ako kay Nurse Luke at tinanguan siya.
Bukas na ang anniversary namin ni Troy at hindi ko maiwasang kiligin dahil after a month, magkikita na ulit kami! And he'll visit me in Mandaluyong! Napakalayo ng byahe niya!
Napatanga ako nang sa akin tumabi si Luke... yeah, minus the honorific... I don't like his guts! Umipod ako nang bahagya pero umipod din siya! I rolled my eyes and ignored him.
"May girlfriend ka ba, Nurse Luke?" maligayang tanong ni Vina. Feeling ko ay hindi na niya tanda ang lalaki dahil noong nakita niya ito ay hindi naman niya sinabi sa akin.
"Luke na lang, tatlong taon lang halos ang tanda ko sa inyo," pa-cute na sabi niya. "At, wala akong girlfriend."
"Yay!" palakpak ni Vina.
Napangisi ako. Jusko si gaga, hindi manlang itinago ang kilig. Napakashunga! Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit ang utak ko ay nasa itinerary na namin bukas. We'll visit a music festival at sa hotel pa kami magsstay! Buti nga at nakapag-ipon ako para kahit papaano ay may ambag ako sa date namin. Nakakahiya naman kung siya lang ang pagagastusin ko samantalang estudyante pa lang kami pareho!
"Ay, jusko, napakagwapo ng boyfriend n'yan! Crush ata ng lahat 'yon!"
Napatingin ako sa kanila at napansin kong nasa akin din ang mga mata nila.
"What?" I asked curiously.
Mich chuckled. "Tinatanong kung may boyfriend tayo, eh, ikaw lang naman ang may bebe rito."
I smiled proudly but it soon faded when Luke spoke.
"Two months," he said. "Magbbreak kayo in two months."
What the hell?! I was about to slap him with my words when he laughed. Kahit ang mga kasama ko sa table ay nakitawa rin.
"I was kidding! You're too serious!"
Badtrip na badtrip ako hanggang matapos ang duty ko noong araw na 'yon. Feeling close! Hindi naman namin kakilala! Buong araw pang nakabuntot sa amin na akala mo wala siyang trabaho! Myghad, mas gwapo naman si Troy sayo!
My irritability swiftly went away when I saw my boyfriend on the bus stop. Nakatingin pa siya sa cellphone niya at mukhang nag-aantay ng text pero mabilis akong bumaba ng bus at tinalon siya ng yakap.
"Chin!" he chuckled as he encircled his arms on my waist. God, he smelled so good!
Magkahawak kamay kami pagpasok sa isang restaurant. He ordered for us and I just looked at him lovingly. His skin got tanner and he looks hot! I can't believe he's mine. Isang white na button-down polo ang suot niya. Bukas ang tatlong unang butones kaya kita ko ang matipuno niyang dibdib. Sa baba ay naka-shorts lang ito at flat shoes.
Naputol ang pagtitig ko sa kanya nang ilagay ng waiter ang pagkain sa mesa namin. Amoy pa lang ay nagutom na ako kaya mabilis kong inagaw sa kanya ang plato.
"Basta talaga pagkain," natatawang saad niya. "Kanina ako ang mahal na mahal, ang unfair."
I laughed. "Epal mo."
Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari sa OJT. I told him my frustrations about that Luke at kita ko kung paano kumunot ang noo niya.
"Baka mamaya landiin ka n'yan, ha? Sabihin mo lang at gagawin ko siyang whatta tops," nakangusong saad niya.
Natawa ako, tuluyang nawala ang inis kay Luke. Pero matapos ang ilang sandali ay sumandal ako sa upuan ko at masamang tiningnan siya.
"Baka ikaw ang may nilalandi roon!" sumbat ko. "Nakakita ako ng tagged photos na may kasama kang babae!"
"Ha?" he asked. "Sino?"
I glared. "The one with the red hair!"
"Ah!" parang may na-realize na saad niya. "Maganda nga 'yon."
Napasimangot ako sa sinabi niya at hindi na tinuloy ang pagkain. Pabagsak kong inilagay ang kutsara sa pinggan at tiningan na lang ang dumadaang mga tao sa labas ng restaurant. Maganda?! Edi dun ka! Mukha namang manok!
"Huy, bebe, joke lang!" suyo niya bago ako tinabihan. He holds my face but I am annoyed! Bahala ka diyan!
"Okay lang, gwapo rin naman si Luke," saad ko nang makabawi.
"Ala naman," parang batang saad niya. "Mas gwapo sakin?"
I gently pushed him. Lumalapat kasi ang dibdib niya sa braso ko at ang pangit tingnan na ganito kami kalandi sa public place!
Ipinakita ko talaga sa kanyang badtrip ako. Tumayo ako at lumipat sa pwesto niya kanina. Pero ang bungol, tumayo rin at tumabi ulit sakin!
"Joke lang po... hindi ko type 'yon," malambing na saad niya. "Gusto ko 'yung matalino, maganda, psychology major, maganda ang boses, mahilig sa KFC at 'yung Elora ang first name."
I bit the insides of my cheek to hide my smile. Jusko, wag kang rurupok agad, Chin! Maganda raw 'yung kasamahan niya sa OJT!
"Ano pa?" I demanded.
"'Yung bilog," he chuckled.
"Bahala ka talaga sa buhay mo!"
Mahigpit niya akong niyakap kaya mabilis din akong bumigay. Ang daya talaga! Kaunting tatag naman ng loob, Chin! Badtrip ka kanina, diba?
Matapos ang kaartehan namin sa restaurant ay pumunta kami sa museum. My inner geek kicked in. Bihira lang akong makakita ng mga artifacts at national arts dahil wala naman non kadalasan sa Isabela. Mabuti nga at pinagbigyan ako ni Troy dahil alam ko namang hindi siya mahilig dito.
"Babe, selfie."
Mabilis na itinapat niya sa aming dalawa ang camera. I smiled widely when he kissed me on the cheek. Namula ang mukha ko nang ipakita niya sa akin ang picture. We are so in love!
Matapos ang walang sawang paglalakad, tawanan at asaran, umuwi kami sa hotel at nagpalit ng damit para sa music festival. I wore a crop top, courtesy of Vina, and a black high-waisted pants. Inilugay ko lang din ang buhok ko bago lumabas ng banyo.
"Huy, bakit hindi ka pa bihis?" tanong ko nang makita siya sa kama at nagce-cellphone lang.
Umupo ako sa tabi niya. Hindi naman na bago sa amin ang magtabi sa iisang kama. Minsan nga ay sa apartment ko pa ito natutulog.
"May tatlong oras pa, hug muna tayo."
Tinanggal ko ang sapatos at medyas. Matapos iyon ay sumiksik ako sa dibdib niya.
"Hug lang?" natatawang tanong ko.
His chest vibrated. "Pati kiss."
He lowered his face to plant a kiss on my nose down to my lips. I moaned when his lips finally reached mine. Maayos niya akong inihiga sa kama, not breaking the kiss, before holding my waist. His body is covering mine but his kisses matter to me most.
"Kiss lang?" nanghihinang tanong ko, lasing sa mga halik niya.
His brow shot up. "Wag mo akong hinahamon, Elora."
Late na kaming nakarating sa venue. Paano ba naman kasi ay humirit nang humirit ng halik si Troy at um-oo naman ako nang um-oo! Sigurado akong kung hindi kami nakabili ng ticket ay hindi kami tutuloy!
Tumalon-talon ako kasama ng crowd at ganoon din si Troy. Kahit pawisan kami pareho ay sumasabay kami sa isang kilalang musika ng Kamikazee.
"Hawakan mo aking kamay, bago tayo maghiwalay, lahat lahat ibibigay, lahat lahat!" We shouted in glee.
The crowd is just so wild!
"Paalam sa'ting huling sayaw! May dulo pala ang langit! Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw!"
Ilang kanta pa ang ipinerform ng banda bago sila pinalitan ng Ben and Ben. Naging emosyonal tuloy ang lahat!
Inakbayan ako ni Troy at humilig lang ako sa dibdib niya. Natuyo na ng hangin ang pawis namin pero ang bango-bango niya pa rin! Iisa naman ang ginamit naming pabango kasi humingi ako sa kanya!
Humarap siya sa akin at pinunasan ang pawis sa noo ko gamit ang panyo niya. His face is too serious! Parang exam ang noo ko, ha? Matapos iyon ay pumunta siya sa likod ko at itinaas ang buhok ko para punasan din ang exposed kong balat.
"Baka matuyuan ka," he softly said.
Nag-init ang puso ko at hinayaan siyang gawin ang pagpupunas sa akin. Hindi pa siya nakuntento at humingi pa ng scrunchie sa akin!
"Dapat nagtatali ka ng buhok kapag sa crowded area ka pupunta para hindi ka mainitan. Ang likot mo pa naman," parang batang saway niya sa akin.
I pouted. "Natuyuan ka rin naman ng pawis!"
"Ano naman? Baby ba ako? Ikaw lang naman ang baby sa atin."
Pabiro kong hinampas ang dibdib niya kaya tumawa lang siya. Nang makauwi kami ulit sa hotel ay nauna akong maligo. Magka-partner na pajama lang ang suot ko. Lumabas siya sa banyo habang nagpapatuyo ako ng buhok at napatulala ako saglit nang makitang nakasando lang siya at sweat pants.
Lumapit siya sa akin at pinanood ako mula sa salamin. I saw him clenching his jaw. His eyes also turned darker.
"Happy anniversary," he uttered sincerely.
Tumayo ako at kumapit sa braso niya. I tiptoed to give him a peck but he immediately wrapped his arms on my waist to hold me in place. Our kisses were slow and light at first but after some time, it became needy and aggressive.
"Chin," he groaned when I massaged his chest.
He gently pushed me in the bed and went on top of me. I encircled my arms on his nape to pull him closer. He sucked my lower lip softly before he attacked my jaw. I am moaning softly under him.
Para akong mamamatay! This is the first time we went this far! I felt him massaging my mound and I didn't stop him because I am in the midst of heat!
I touched his body the way he touched mine. Naramdaman ko na lang na tinanggal na niya ang suot niyang sando at maging ang suot kong pang-itaas. Bahagya siyang umangat para tingnan ako. His eyes were full of unadulterated passion and fire. Parang tinutupok ako. He unclapsed my brassiere and touch me, skin-to-skin.
"T-Troy..." I moaned.
"Baby, stop me..." he whispered while doing wonders on my body.
Nang umiling ako ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa. I just closed my eyes and feel him all over me. He knows what he's doing. He went down and I did nothing but give him more access to my body.
Buong gabi ay puro halinghing ko lang ang narinig sa hotel room. I love this man so much. He took me gently because he knows that it's my first time. His movements were gentle at first but when I get used to his size, he did majestic things.
While looking at my pained expression, he kissed me on my forehead.
"Sabi ko naman kasi sa'yo, wag mo akong hamunin..."
Little did he know, I'm glad, I did.
"Happy anniversary, baby. You're beautiful," he whispered on my ears but I'm too sleepy to process it.
Nang mga sumunod na araw ay para akong nakalutang sa ere. We did it! Parang iyon tuloy ang naging regalo namin sa isa't isa!
Ngayong week ay puro overtime ako dahil sa ginawa kong pag-absent ng dalawang linggo. I did not regret anything! Kung papipiliin nga ako ay uulit-ulitin ko ang araw na 'yon. I'm just too happy and in love!
"Bye, Chin, sa dorm na lang," paalam sa akin ng tatlong babae dahil alam nilang kailangan kong magtagal nang dalawang oras.
I waved at them. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng case analysis at wala pang ilang minutong nakakaalis ang mga babae ay naglapag na ng kape si Luke sa center table. I gazed at him curiously.
"Coffee," he offered.
Dahil ayokong maging bastos ay umayos ako ng upo at tiningnan siya.
"I don't drink coffee, po, pero thank you."
He chuckled. "Then, should I get you a frappe?"
"No," I replied.
He whispered something but I failed to hear it because I'm too focused on the case I'm reading.
Napahinga na lang ako nang malalim at tinapos ang natira pang trabaho. Matapos 'yon at umuwi na rin ako sa dorm. Tulog na ang mga kasama ko kaya ginawa ko na lang ang usual routine ko.
I took emergency pills after our anniversary. Alam ko naman kasi na parehas pa kaming hindi ready ni Troy. I smiled at the thought of him. Sigurado ako sa kanya. Siya na talaga ang para sa akin.
Nang nakahiga na ako sa kama ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha. Only to frown.
Unknown Number:
See you tomorrow, beautiful :)
-Luke.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro