Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22


‍‍‍‍‍Nasa labas ako ngayon ng malaking bahay nina Troy. My hands are shaking because of too much tension. Ang suot kong puting dress ay umabot lang hanggang ibabaw ng tuhod ko. Naka-french braid din ang buhok ko at sa itsura ko, kaunti na lang ay mukha na akong aabay!

"Chin, kumalma ka. My parents aren't gonna eat you," he convinced me.

I shot him with a glaring stare. "I'm not here as your friend, Troy! Baka hindi nila ako magustuhan!"

"Aba, hindi naman talaga ako papayag na friend lang kita!"

"Troy!" asik ko. "You're not helping!"

Muli siyang tumawa at basang-basa ko ang aliw sa mata niya. He's wearing a black polo shirt and maong pants. Ang simple pero ang gwapo pa ring tingnan ng boyfriend ko. Kung hindi lang sana magaling mang-asar!

He held my hand tightly. Binuksan niya ang malaking gate nila at doon ko natanaw ang magandang bahay nila. It's a three-story house and sa tantya ko, siguro ay nasa 1000 square meters ang lupain nila. Yes, it's that huge! Maganda ang garden nila at kita ko agad ang iba't ibang klase ng mga bulaklak. Damn, they're really rich.

Nagpahigit lang ako sa kanya. Sa kabilang kamay ay hawak ko ang isang paperbag. Ipinagluto ko kasi si Ma'am Victoria dahil sinabi ni Troy na nahiligan nito ang sinigang na ipinadala ko last time.

I'm almost trembling when we entered their house. Kung maganda sa labas ay lalong ang ganda nito sa loob! It's like a modern mansion! Nakailang lunok ako bago kami tuluyang pumasok sa kusina kung saan naghihintay ang mga magulang niya.

Intimidating na ang aura ni Ma'am Victoria but his father is a lot scarier! Kahit bakas sa mukha nito ang kakisigan noong kabataan, nakakatakot pa rin dahil ang laki ng katawan niya! Kamukhang-kamukha niya si Troy! Mataray na version lang!

"M-magandang tanghali po..." I almost spank myself for stuttering. I gulped to clear my throat. Pakiramdam ko kasi ay nagbara na.

Hawak pa rin ni Troy ang kamay ko. Bahagya niyang pinisil iyon bago ako dinala sa mukhang mamahaling upuan. Their table is longer than my patience! Nahiya naman ang maliit at bilog kong mesa sa apartment!

"Ma, Pa, si Chin po, girlfriend ko," pormal na pagpapakilala sa akin ni Troy.

I don't know what to do. I just sit there and smiled awkwardly. Sir Rodney stared at me for a moment before dropping his eyes on the food.

"Let's eat."

Para akong papanawan sa kaba. Huminga ako nang malalim at alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang kumain. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko dahil sa tensyon na nararamdaman!

We started eating quietly. Ma'am Victoria is giving me a side glance and everytime she does, hinaharap ko siya at nginingitian. Calmness under pressure.

"Third year ka na, hindi ba, hija?" Sir Rodney asked.

Ibinaba ko ang kubyertos at tumingin sa kanya. "Yes po, Sir."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy kaya mula sa ilalim ng mesa ay tinadyakan ko siya.

"Call me Tito... and you can loosen up a bit."

Lumakas ang tawa ni Troy kaya namumula ang mukhang binalingan ko siya. Nanlisik ang mata ko pero hindi niya ako pinansin. Nang medyo humupa ang pagtawa ay hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan ang sentido ko. God, we're in front of his parents!

Ma'am Victoria chuckled. "Chin is a consistent dean's lister. Siya rin ang top student ng arts and sciences."

I bit my lower lip to hide my smile.

"Wow! Sigurado ka na ba sa anak ko?"

"Pa!" Troy grunted. "Baka matauhan!"

Nagtawanan ang mga walangyang Dela Paz. Napahinga ako nang malalim nang mapagtantong maayos ang lahat! I thought Ma'am Victoria hates me! Her remarks and stares before are horrifying!

"Keep it up, Chin," Tito Rodney uttered with sincerity.

Parang hinele ang puso ko sa magandang musika. I smiled and nodded at him. Patuloy nila akong tinanong tungkol sa pag-aaral ko. Nagulat pa nila nang malamang student assistant ako at part timer sa red cross.

Ma'am Victoria gasped. "Silly me! I've heard what happened. Sorry, Chin..." tukoy niya sa mga magulang ko.

Tumango ako. "Ayos lang po, Ma'am."

"What?" narinig kong bulong ni Tito Rodney sa asawa. "What happened?"

Napangiti ako nang pinandilatan ng ginang ang asawa dahil alam nilang nakatingin ako. Umupo nang maayos si Tito Rodney at matapos naming kumain ay mabilis din itong nagpaalam.

He's a very busy man and it's a pleasure that he spent two hours here just to meet me. Ang sabi kasi sa akin ni Troy, kahit sila ay bihirang makita ito. He's an only child dahil wala namang anak si Ma'am Victoria at Tito Rodney.

"I'm sorry about that," saad ni Ma'am.

Umilinh agad ako. "It's really okay po."

She sighed. Tapos na kaming kumain pero nasa kusina pa rin kami. Kinuha ng ilang helpers ang nasa mesa bago kami tuluyang tumayo.

"Troy, akyat ka muna. I want to talk to Chin."

Para akong dadagain sa kaba. Nagpaalam sa akin si Troy kahit kita na niya ang pamumutla ko. He just chuckled and went up to his room. God!

Dinala ako ni Ma'am Victoria sa maliit na pavilion sa garden nila sa likod ng bahay. The view here is beyond phenomenonal but because of my agitation, I can't seem to appreciate it! Ang pathway na nadaanan namin ay napaliligiran ng mga halaman at bulaklak. We settled ourselves in a chair and table there. I played with my fingers, feeling nervous as hell.

"Narinig ko ang nangyari sa mga magulang mo..." she started and it only doubled my heartbeat.

I bit my lower lip. "Y-yes, Ma'am... uh... sampung buwan na rin naman po halos iyon kaya kahit papaano ay naka-move on na ako..." Liar.

She shook her head. "Your mother is one of my closest amigas. Hindi ko 'yon inasahan sa kanya... kahit pa alam ko noon pa man ang past nila ni Herman."

My eyes widened. Past?! What past is she talking about?

She composed herself when she saw my reaction.

"Herman is your mother's childhood sweetheart pero nahulog si Herman sa ibang babae nung nagsea-seaman siya. He then married Julia," she explained briefly. "I don't know the details well dahil hindi rin naman ako kasama ng Mama mo noon... alam ko lang dahil nakasama ko rin sa ilang gatherings si Lucille at naikwento niya iyon sa akin."

I felt numb. Natulala lang ako sa mga halaman sa pavilion.

"I'm sorry that you have to go through that, hija. Your mother badmouthed you a lot of times and I... believed her," she confessed. "I'm really sorry, Chin."

I can't believe that she would say that. Hindi niya rin naman kasalanan na naniwala siya sa mga pinagsasabi ni Mama. Hindi ako nakaimik dahil hindi maproseso ng utak ko ang mga dapat sabihin.

She once again sighed. "Ayokong isa-isahin pero ang tumatak sa akin ay ang sinabi ni Lucille na mapaglaro ka sa lalaki. She said that at such young age, you already had your fair share of men."

Halos mapamura ako sa utak ko. I only had three exes! Ni walang tumagal doon ng isang taon!

"Kaya... natakot ako para kay Troy. For a moment, I really thought that my son is too good for you."

My heart ached. "Ma'am... he still does. He's too good for me," malumanay kong saad.

Umiling ito. "I was a bad mother to her, Chin. Growing up, he experienced a lot of abuse... from m-me... and my husband... but he never, kahit isang beses, he never complained. He'll just smile like he always does and takes it all in."

Lalo akong nanlambot. I remembered our convenience store moment. Gusto kong magalit sa kanila! Bakit?! Bakit laging sa anak isinisisi ang lahat?! It's not our fault that we were born! I've realized that Troy and I have the same fate. I am a legitimate child but I was deprived of love. Siya naman ay hindi tunay na anak ni Ma'am pero pinagkaitan din ng pagmamahal. We were abused. Physically, mentally and verbally.

"Ugali kasi ni Troy, kapag gusto niya ang isang tao, hindi naman titigil 'yon hanggang magustuhan din siya. He will prove himself in any possible way he can."

I silently agreed. I experienced it first hand.

"Ma'am... please..." I whispered. "I don't have the right to say this, but, please, stop hurting Troy. I'm sorry. Kaya ko po ang panghuhusga sa akin ng mga kaibigan ni Mama pero... hindi ko po kaya kapag nakita kong nasasaktan si Troy. H-hindi naman po kasi nagkukwento sa akin 'yon. Laging ako lang ang tinitingnan niya."

"T-thank you for loving my son, Chin. And yes, it took me a lot of courage to accept him as my own but from this day on, I will not hurt him again. In any way."

I hope that her words reached Troy's ears. This is your mom's promise. You no longer need their approval. Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip nila pero... you did well, Troy. You did well.

She reached for my hand. "Call me Tita Ria... and welcome to the family, Chin."

Kapag binabalikan ko ang pangyayaring iyon ay hindi ko alam kung bakit lagi pa rin akong naiiyak. For the first time in my life, I had a family to call my own. Matapos kasi ang araw na 'yon, lagi na akong iniimbitahan ng pamilya niya na doon maghapunan o mananghalian. Kahit busy ang mga magulang niya ay naka-close ko pa rin ang mga ito.

"Last year, sa tawag lang kita nabati pero ngayon, hawak na kita," he chuckled. "Happy new year."

We were at a beach resort in Batangas. Kasama namin ang ilang relatives niya and they're all kind! May chef pa silang pinsan kaya ang sarap ng mga pagkain!

Nasa tapat kami ng dagat, hinayaang mabasa nang kaunti ang yapak naming paa.

Iniikot ko ang braso sa leeg niya at awtomatikong humawak siya sa bewang ko. I drowned in his deep eyes. Slowly, he embraced me. Hinalikan niya ang buhok ko at sa hawak niya sa akin, parang anong oras lang ay mawawala ako.

"Happy new year, babe." I replied.

Wala kaming naging matinding away. We always compromise with each other. Kapag exam days, sa apartment ko siya tatambay para mag-aral at kasama namin si Vina roon. He also took his studies seriously. Kahit noong midterm at finals ay matataas ang nakuha niyang score. He showed me some of his projects and I've never been so proud of someone. He'll make it someday and I can't wait to be with him in every step of the way.

"Oh, kakanta ako, ha? Chin, makinig ka!" sabi niya sa mic.

Natawa ako kasabay ng mga pinsan niya ngunit agad din akong napasimangot nang makita kung ano ang kakantahin niya.

"And I'd give up forever to touch you. 'Cause I know that you feel me somehow..." he sang.

"Gago, bro, nakasimangot na si Chin!" sigaw ni Kuya Eric.

Lalong nagtawanan ang mga pinsan niya. Itinutulak pa ako nina Ate Janice at Gertrude dahil sa pang-aasar. Of course, they know my issue about that girl!

"Hala, bakit nagagalit?" tigil niya agad sa pagkanta. He has a nice voice but for Pete's sake, he should've chosen another song!

"Tanga ka, anong title ng kinakanta mo?" sigaw naman ni Kuya Louis.

"Iris." Kumunot ang noo niya. "Oops... oo nga 'no?"

Nakasimangot ako sa kanya pero bahagyang natatawa. Mabilis siyang lumapit sa akin at nag-alisan din naman ang mga pinsan niya sa tabi ko. Ang sarap din talagang yamutin ni Troy!

"Chin, kung ako 'yan, di ako papayag. Biruin mo, dedicated sayo yung kanta pero Iris ang title!" pang-aasar nila.

Tinakpan ni Troy ang tenga ko para hindi ko sila marinig pero sa lakas ng tawanan nila ay parang magigiba ang cottage. Paano ay ang lakas mang-alaska ni Troy! Siya tuloy ngayon ang pinagtitripan!

"Don't listen to them. Dinidemonyo ka lang nila," he convinced me.

Natawa na lang ako. Buong araw kaming nasa cottage habang ang mga tita, tito at mga magulang ni Troy ay nasa villa at doon nagpapahinga. Dahil mga youth naman kaming nandito, mas marami kaming energy sa kanila. Pinanood ko si Troy na nakikipagtawanan sa mga pinsan niyang lalaki. Nag-iinom sila at tawang-tawa ako dahil kada labinglimang minuto ay tumitingin ito sa pwesto namin.

"Ilang buwan na kayo ni Tj?" tanong ni Gertrude habang nag-iihaw kami ng barbecue.

Ngumiti ako bago sumagot. "Almost 9 months."

"Last year, bukambibig ka nyan," she chuckled. "Gusto na raw umuwi kasi hindi ka sumasagot sa tawag niya. Lungkot na lungkot tuloy ang baby boy."

I laughed with her. I can imagine him frowning! Lumapit sa amin sina Ate Janice at Ate Ludy. Tinulungan nila kami sa pag-iihaw. Dahil sa ginagawa, pakiramdam ko ay amoy usok na ang suot kong floral dress.

"Night swimming daw. May bikini ka?" maya-maya'y tanong ni Ate Ludy.

I pursed my lips. "Oo, Ate. Binili ni Troy."

Magkakasama kaming nagbihis sa villa. Walang mapaglagyan ang saya ko. Iilang beses pa lang kaming nagkasama pero lahat sila ay mababait sa akin. They treat me like a family!

Nang bumaba kami ay agad na sinipat ako ni Troy. He smiled and whistled.

"Wow, girlfriend ko 'yan," he said when he walked towards me.

Ipinulupot niya ang kamay sa bewang ko. I was wearing a black one-piece na pinili niya personally. Buti nga at hindi ako naa-awkwardan!

Malalim na ang gabi pero nasa dalampasigan pa rin kami. Maigi na lang at may mga poste kaya may ilaw din. We laughed and ate the whole night.

"Magpakasal na kayo!" pang-aasar ni Kuya Eric kay Troy dahil hindi lumalayo sa akin ang lalaki.

He grinned like a fool. "Saka na kapag engineer na ako at psychologist na si Chin."

My cheeks flushed. Hindi naman bago sa akin ang pag-usapan namin ang ganoon. But hell, he really includes me in his plans! Sabay pa kaming gagraduate dahil 4 years lang naman ang course ko samantalang sa kanya ay lima!

"Chin, pwede ka pang umatras. Ang daming babae niyan!"

Napatawa ako. "Isang huli lang talaga, babye na!"

Troy embraced me while I'm laughing with his cousins. Chansing ah!

"Safe!" he said.

Matagal pa kaming nagkwentuhan. Kadalasan ay tungkol lang sa trabaho dahil may work naman na ang ilan sa kanila. Nang pumatak ang alas dose ay isa-isa nang umakyat ang mga pinsan ni Troy. Pauwi na rin kasi agad kami bukas kaya ayaw nilang magpuyat.

"Hindi pa tayo aakyat?" tanong ko nang kami na lang dalawa ang matira sa cottage.

Inihilig ko ang ulo sa hubad niyang dibdib. Agad na ipinulupot niya sa balikat ko ang braso niya at sumandal sa inuupuan namin. His breathing is deep and calm kahit na rinig ko ang pintig ng puso niya. Medyo basa pa ang buhok ko dahil sa paliligo kanina.

"Gusto mo na ba? Inaantok ka na?" he asked softly.

Umiling ako at lalo pang humilig sa kanya. Bigla kong naalala ang dinala ko para sa kanya. "I have a gift for you," I confessed.

Napalayo siya sa akin. His eyes suddenly looked attentive. Parang ina-anticipate ang ibibigay ko.

"Where?" he asked exaggeratedly.

Inirapan ko siya bago tumayo. Sinabi ko sa kanyang kukunin ko muna sa taas at hindi rin naman siya nagpumilit na sumama para raw ma-surprise siya. Natawa na lang ako. Ang baby.

Kinalkal ko ang gamit ko nang tahimik dahil natutulog na si Getrude. Nang makita ang box ay kinuha ko ito. Nagpa-customize ako ng music box noong isang linggo dahil nga plano kong ibigay ito sa kanya ngayong bagong taon. I just hope he'd like it.

Para siyang tuta na naghihintay sa amo nang bumaba ako sa kanya. Ala-una na nang madaling araw pero nasa labas pa rin kami. Nagsuot na rin ako ng cover-up dahil medyo giniginaw na. I also got him a shirt.

I handed him my gift at kahit hindi niya pa nabubuksan ay napakasaya na niyang tingnan. He opened the paperbag ang smiled even wider when he saw the music box. Inilabas niya iyon at pinagtugtog.

I blushed when he looked at me. Tumutugtog pa rin ang instrumental ng With A Smile ng Eraserheads. That song always reminds me of him because he really did stay with me even in my darkest days.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinalikan ang labi ko. Unlike our usual kiss, this was deeper and more passionate. Kumapit ako sa braso niya habang inaanggulo niya ang mukha ko para mahalikan ako nang maayos.

Iniangat niya ako at inilagay sa hita niya. We were still kissing at dinig na dinig ko ang mahihinang daing ko. Inalisan na ako ng wisyo para mahiya! He was touching my body like it's a part of his possession. He sucked on my lower lip for the last time before letting me go.

"I can't wait to marry you, Chin," hinihingal na saad niya.

Muli kong pinatakan ng halik ang labi niya.

I smiled. "Yes... five years from now..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro