Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21


Trigger Warning: Self-harm

A lot of things happened after that. Troy lost his friends, Duke, Mitzie and Sol. He was beyond mad at Duke. Pero dahil kasama na niya ako, kahit papaano raw ay sumaya siya.

"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung bakit naga-apartment ka?" pangungulit niya.

Nakaupo siya sa sahig sa gitna ng binti ko habang ako ay nasa sofa. I'm playing with his thick and shiny hair while we're watching a psychological movie.

I laughed. "Sinabi ko na sayo, ah? Trip ko lang."

Hinawakan niya ang kamay kong naglalaro sa buhok niya at marahang hinaplos iyon. Pinasadahan niya ng hawak ang bawat daliri ko at tumigil sa palasingsingan ko.

"Someday, I'll put a ring here," out-of-context niyang saad.

I blushed and giggled like a freaking teenager. Well, I'm 19! I'm still a teenager! Ang isang kamay ko ay tumigil sa paglalaro sa buhok niya at hinawakan nang buo ang kamay niya.

Humarap siya sa akin at matamis na ngumiti. Iniangat niya ang sarili at mabilis na hinalikan ako. It's just a peck. Gaya ng lagi niyang ginagawa. Matapos iyon ay muli siyang bumalik sa pwesto niya at nilaro na lang ang daliri ko na parang hindi ako natanga sa ginawa niya.

When we finished watching the movie, I cooked sinigang for us. Sinabihan ko siya na wag na muna kaming lumabas nang lumabas dahil nag-iipon ako. Thesis na naman next school year at kahit pa sabihing may trabaho ako, kailangan ko ng malaking pera para sa materials and papers. I reminded myself not to get Irina as my partner. This time, si Vina ang magiging kapartner ko dahil wala naman na si Mira.

I sighed at the sudden recollection. We haven't talk to each other ever since. Ang huling kita ko na rin sa kanya ay noong nasa guidance office.

"Ang tagal naman," reklamo ni Troy sa likod ko pero matapos ang litanya niya ay ipinaikot niya ang braso sa bewang ko at ipinahinga ang ulo sa kaliwang balikat ko.

"Pawis ako," saad ko at bahagyang umiwas.

He chuckled. "Gusto mo inumin ko pa 'yan."

Wala akong nagawa kung hindi tumawa sa kanya. Inayos ko ang maliit na mesa at ang dalawang upuan. Binili niya ang isa dahil siya lang naman daw ang uupo roon at hinayaan akong bayaran ang isa. Alam kong dinadaan niya lang sa biro pero it's his way to help me.

"Ang sarap talagang magluto!"

Inirapan ko siya. Lahat naman ay masarap sa kanya! Matakaw ako pero tumba ako sa kanya basta sa palakasan sa pagkain! Siya ang naghugas ng pinggan kaya muli akong dumiretso sa sala at doon siya hinintay.

Buong araw lang kaming nandoon sa loob ng apartment ko. Marami na ring estudyante mula sa university namin ang nakakita sa kanya rito kaya hindi na rin bago ang mga chismis tungkol sa "sex life" daw namin. We will just laugh it off. People are just so quick to judge.

Alas siete siya umuwi dahil may ipapagawa raw sa kanya si Ma'am Victoria.

"I-lock mo ang pinto, ha? Isarado mo rin ang mga bintana mo. Mag-iwan ka ng bukas na ilaw kasi sa madaling araw, alam kong nagtitimpla ka pa ng gatas. I-check mo ang mga appliances. Siguraduhin mo ring patay ang gasul mo kung ayaw mong masunog ka rito. Ihahabilin kita sa mga nag-iikot na tanod dito," mahabang litanya niya noong nasa pintuan ng apartment.

I nodded. "Ingat ka rin pag-uwi."

He sighed. Lumapit pa siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hinalikan niya rin ang noo ko bago tuluyang umalis.

Nang mag-isa sa apartment ay tiningnan ko ang social media accounts ko. Updated na ang relationship status namin ni Troy sa facebook. Ang icon na rin namin sa twitter ay ang picture naming dalawa. Hindi ko alam na gagawin ko 'to! I mean, I'm not much into publicity! But then, I want the world to know how grateful I am to have him.

Nagpatuloy ako sa pag-scroll. Marami ang bumabati sa amin. I even see comments from the varsity players of our school! Kahit ang mga sumusubaybay sa love story namin ay tuwang-tuwa nang malamang kami na.

Napatigil ako nang makita ang pangalan ni Mira sa news feed ko. It's her selfie. Nakasuot siya ng uniform mula sa SEU at may maliit na ngiti sa labi. Maganda siya noon pero mas lalo siyang gumanda ngayon. Her skin is blooming, bahagyang pumusyaw.

I clicked her name only to regret it instantly.

May mga naka-tag sa kanyang pictures... a family picture. Malaki ang ngiti ni Tito Herman at Mama habang nasa harap ang magkakapatid. It was taken on a studio. Wala pa silang isang taon sa bahay pero may ganoon na sila. Samantalang ako ay doon lumaki pero kahit isa, wala kaming picture ni Mama.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

I dig deeper. I know it's gonna hurt me but I want to see how happy they are without me.

My hands turn cold when I saw another picture. This time, it was just her and my mother. Parehas sila ng suot na bikini at nasa likod nila ang magandang dagat. It hurt me. Ako dapat 'yon. Nanay ko 'yon, eh. Kami dapat ang ganoon.

My heart clenched in pain when the next pictures revealed Ate Heather. Masaya rin siyang nakangiti sa camera at nakikipaglaro sa mga batang kapatid ni Mira.

"Family," my voice cracked when I read the caption.

Halos magdugo ang labi ko sa pagkagat ko roon. Ang sakit sakit. Akala ko ayos na ako. Akala ko wala na silang multo sa akin. Pero kahit anong gawin kong pagtalikod, ang sakit pa rin. They abandoned me for them. They treat me like a garbage while they bow upon Mira's feet. Ako ang kadugo pero hindi ako ang ginusto nilang makasama.

I looked at my ceiling and tried to think of some happy thoughts.

Troy.

Vina.

Top student.

Red cross.

Classmates.

KFC.

I tried hard. But it wasn't enough. It wasn't fucking enough! Pilit bumabalik ang utak ko sa mga ginawa nila sa akin. Ang pananakit ni Mama, pagtataboy ni Papa, pagiging unfair ni Ate Heather... lahat! Binasura ako ng sarili kong pamilya na dapat ay unang kakalinga sa akin.

Mabilis ang tibok ng puso ko at nangangatal ang kamay nang abutin ulit ang cellphone at buksan ang facebook account ni Papa. I don't know. His face just popped on my head.

At kung akala ko ay tama na ang sakit, nakita ko ang bagong upload na picture nito kasama si Tita Gloria sa isang simbahan sa Cebu. He looks happy and contented... bagay na kahit kailan ay hindi niya naipakita sa pamilya namin.

I wonder, are they thinking of me?

Kapag mag-isa ba sila, naiisip ba nila ako?

I'm good at school. I never disrespect them. I was just an unplanned child... but is it my fault?

Vivid images started flashing on my head. Mabilis at nakakaliyo. Sunod-sunod ang pagbalik ng mga ala-ala. Mga sampal, masasakit na salita at hindi tamang pagtrato. Lahat ay bumalik sa akin.

I grabbed a handful of my hair and pulled it. With tears all over my face, I screamed like a wounded animal. I'm so fucking useless. People are going to be happy without me because I don't have much importance to them. Heck, they're happier without me! They are better off without me!

Ganoon din ba si Troy? Napipilitan lang din ba siyang samahan ako? Is he sick of my childish tactics? Does he realize how underserving I am of his love?

Pinipigilan ko ang sarili na tumingin sa gilid ko dahil alam ko! Putangina, alam ko! May matalas na gunting doon at hindi tama ang naiisip ko. I can't do that again. Troy will get sad. My precious Troy will not like it.

But my mind are louder than my screams. Hindi ko alam kung naririnig na ako ng mga nakatira rin sa apartment dahil wala na akong pakealam. I'm hurt! My family has hurt me! They didn't care how miserable I am! Isinilang lang ako para basurahin! They throw me out!

I cut my wrist and watch how blood goes out of the wound.

Iyak ako nang iyak. Mabilis din ang aking paghinga. I know that this will not kill me. I just want to see blood. I just want to feel alive. My mind is telling me to stop but my body isn't responding! Tumigil ako sa pagsigaw at hinawakan ang duguan kong pulso.

Hindi pa rin ako magaling. Hindi pa rin pala ako ayos. Kahit na maraming nagmamahal sa akin, hindi pa rin pala ako okay. I'm still in my own built prison and I think that God put me here for a life sentence. I will never get out of my mind. Kahit anong gawin ko, habambuhay akong ikukulong ng sarili kong utak.

Napatigil ako sa ginagawa nang may malakas na kalabog ang nanggaling sa pintuan ng apartment. Hindi ako tumayo. Wala akong pakealam kung magnanakaw iyon o ano. Mabuti pa nga ay patayin na lang niya ako para masaya ang lahat.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at nagulat ako nang bumungad sa akin si Troy.

"Chin!" sigaw niya bago mabilis na lumapit sa akin. "C-Chin!" mas garalgal ang boses na saad niya.

Inagaw niya ang gunting sa akin at itinapon iyon sa kung saan. Mabilis ang naging pagkilos niya. Ramdam kong nangangatal ang kamay niya habang hinahawakan ako. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

He's crying.

Hinawakan niya ang pulso ko at gamit ang panyo niya ay pinunasan niya ang dugong tumutulo sa sugat ko. Hindi naman iyon malalim. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha sa mata niya habang ako ay inaayos niya. Nasa sahig kami pareho. He combed my hair using his fingers. Nababasa na ng luha niya ang damit ko pero wala akong pakealam.

"I'm sorry, baby... I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..." paulit-ulit niyang sabi.

He carried me to my bed and gently places the blanket over my shoulders. He sat down next to me, tears are still forming on his eyes.

"D-don't cry," paos ang boses na saad ko bago abutin ang pisngi niya at palisin ang luha roon.

I made him cry. I'm a terrible woman.

Pumikit siya at umiling. Lalong naging sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit na hinalikan iyon.

"I'm here," he assured me.

I nodded and closed my eyes.

Masakit ang buong katawan ko kinaumagahan. Para akong binugbog. My head also throbs, marahil sa pagsabunot ko kagabi sa buhok ko. Umupo ako sa kama at tiningnan ang bintana. Maliwanag na.

Nagulat ako nang pumasok si Troy sa kwarto ko at may dala siyang pagkain para sa akin. Nang makitang gising na ako ay inalis niya ang kumot ko at tiniklop iyon. Umupo siya sa gilid at kinuha ang pagkain bago itapat sa bibig ko ang kutsara.

"K-kaya kong kumain," nahihiyang saad ko.

He sighed. Inilapag niya ang kutsara sa pinggan at hinarap ako. Handang-handa na ako sa sigaw at pagalit niya dahil alam kong napakalaking abala ng ginawa ko.

He stared at me. Ang ilang hibla ng buhok ko ay inilagay niya rin sa likod ng tenga ko.

"Anong nararamdaman mo? May masakit ba?" punong-puno ang boses niya ng lambing.

I bit my lower lip. Agad kong naramdaman ang panunubig ng mata ko at parang batang itinuro sa kanya ang noo at pulso ko. He holds my face and kisses my forehead. Matapos iyon ay hinalikan niya rin ang pulso ko, malapit sa sugat.

"Gusto mo bang sabihin sa akin ang nangyari? Makikinig ako, Chin... pero kung ayaw mo, tandaan mong nandito lang ako, ha?" his voice cracked. "D-don't hurt yourself... please..."

Hindi ko napigilan ang sarili at yumakap agad ako sa kanya. He hugged me tightly, too. Iyak ako nang iyak sa balikat niya. I can only imagine his pain while seeing me breaking down. He even spent the night here para lang bantayan ako.

"T-they throw me out, T-Troy..." sumbong ko sa kanya. "A-ayaw nila Mama at Papa sa akin. May mga sarili na silang pamilya ngayon. Iniwan na nila ako!" iyak ko.

Humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko rin ang paghaplos niya sa likod ko.

"I'm an unwanted child! All throughout my life, ipinaramdam nila sa akin 'yon! They didn't enroll me to a prestigious school. They don't celebrate my birthday. I've never received any gifts from them! I'm useless, Troy! Ilang ulit nilang sinabi sa akin na hindi ako magtatagumpay sa buhay dahil umpisa pa lang, wala nang ginustong ipanganak ako!"

I continued talking, almost shouting. Paos na paos na ako pero hinayaan niya lang ako. Niyakap niya lang ako habang ikinukwento ko sa kanya ang lahat ng dinala kong sakit.

He knows how to comfort me. For a person who's in the midst of a breakdown, ang tanging importante lang ay ang assurance na may nakikinig sa kanila. I don't need him to tell me that he loves me. Yakap, puso at tenga niya lang, ayos na.

He danced with my demons and embraced my shadows as if it's a gentle part of his skin. I showed him all my vulnerabilities and handed him my waves of darkness but he didn't run.

Instead, he made me feel the most beautiful feeling. The sensation I've been searching for almost all my life.

Home.

We spent the remaining days of summer looking after each other. He enrolled me in some online webinars regarding self-love and self-growth. Sabay kaming nakikinig doon. Imbes na movies ang panoorin namin, mas nag-invest kami sa pagmamahal sa sarili namin. We're like watering each other for our own development.

Araw-araw ang pagpunta niya sa apartment. Kahit kapag nasa red cross ako, pag-uwi ko ay may pagkain na dahil nagluluto siya. Uuwi na lang siya kapag sinabihan ko o hindi kaya ay kapag tulog na ako.

We took care of each other's physical and mental health. And I'm telling you, it is the best relationship a person could ever have.

"Gusto mo bang magpa-check sa psychiatrist? May mga kilala si Mama. Sasamahan kita," he suggested.

Napatingin ako sa kanya. It warmed my heart. No one ever asked me that. Ayaw nina Mama na ipatingin ako dahil iniisip nilang nag-iinarte lang ako. Isa pa, parusa raw iyon sa akin ng Diyos dahil hindi ako palasimba.

His question is just so tear-jerking. As a future mental health practitioner, I appreciate his awareness about it.

"I will, Troy. In time," I promised him.

I'm getting better each day. Alam kong tama ang sinabi niya na magpatingin ako pero pakiramdam ko naman ay ayos lang ako. I can still get through it. With my willpower, I know I can stay strong for myself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro