Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20


"Troy..."

He smiled. "Bakit gulat na gulat ka? Hindi mo ba alam?"

My heart is throbbing in happiness. Para akong isinayaw sa hangin ng salita niya. Iyon ang unang beses na sinabi niya ang mga katagang 'yon sa akin. Minsan ay pabiro niyang sinasabi kaya hindi ko sineseryoso... but now, it feels different. It feels so surreal.

"Baka maging busy ako sa mga susunod na araw, Chin... kailangan ko talagang mag-review na."

"Do what you need to do, Troy. Hindi naman ako mawawala. Basta, naniniwala akong makakapasa ka. You might not notice it about yourself but you're quite smart. Loko loko ka lang," mahabang sagot ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at alam kong mapula ang pisngi ko pero hindi niya iyon pinansin.

He shook his head with a small smile on his lips. "After twenty years, ngayon lang ako sumaya sa mismong birthday ko."

Mag-iinit na sana ang puso ko pero Troy, being Troy, he bursted my bubbles of hope again!

"Ang sarap kasi ng chicken. Akala mo dahil sayo?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya malakas siyang tumawa. Ang lungkot sa mata ay tuluyan nang nawala dahil sa nakabusangot kong mukha.

We spent hours talking about our lives, dreams, fears, and goals. Pakiramdam ko ay lalo ko siyang nakilala... at lalo lang akong nahulog sa kanya.

"Tell me a weird fact about yourself," he said while plucking the strings of his guitar. He's not singing, though.

I pursed my lips. Nakatingin ako sa dagat habang siya ay nakaharap sa akin. Itinuon ko ang kamay sa blanket at sinulyapan siya.

"Kapag namatay ako, gusto ko nakasuot ako ng red dress," I replied nonchalantly, slightly chuckling.

He gasped. "Wow... that's really weird."

Tumawa lang ako at pinanood ang mahinahong hampas ng alon.

"Bakit red?" he asked.

I shrugged. "Wala lang. Feeling ko lang bagay sa akin... how about you? What's a weird fact about you?"

Sumeryoso ang mukha niya. Inilapag niya ang gitara sa gilid at ginaya ang pwesto ko. Humarap din siya sa dagat at sabay naming tiningnan ang bilog na buwan. It's peaceful and nice. Ito 'yung bagay na alam mong iisipin mo pa bago ka matulog.

"I hate cheaters," he whispered.

I chuckled. "Hindi naman weird 'yon."

Tumawa rin siya. "Then, I guess, there's no weird fact about me."

Umayos ako ng upo at palihim na sinulyapan siya. Nagulat pa ako nang makitang nasa akin din ang mga mata niya. I gulped and avoided his gaze. Tuluyang nawala ang mga tanong ko tungkol sa pamilya niya. Naramdaman kong muli niyang kinuha ang gitara at tumugtog.

"Kanta ka," I uttered.

He shook his head. Talagang tumugtog lang siya at hindi kumanta o nag hum man lang! Umuwi kami noong hatinggabi na. He dropped me by my apartment. Kahit may tanong sa mukha ay hindi naman siya nagsalita. I know, sooner or late, I'll have to tell it to him.

Totoo ngang naging abala siya ng mga sumunod na linggo dahil naging sobrang dalang ng pag-uusap namin. Minsan ay makikita ko siyang nagbabasa sa library kasama ang mga kaibigan. Minsan naman ay sinasabihan niya ako na na kina Duke sila at doon nag-aaral.

I busied myself with my studies and work. Tuwing Sabado at Linggo ay nasa red cross ako at kapag weekdays naman ay sa guidance office ako. Hindi ko rin naman pinroblema si Vina dahil marami itong kaibigan.

Slowly, I get used to my life. Papasok ako nang maaga at uuwi nang late. My breakdowns and panic attacks lessen. Hindi ko na nga maalala ang huli. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nagiging ayos.

"Congratulations, Ms. Elora Chin Valencia! Ikaw ang top student ng buong department natin!" Sir Will informed us. "First time na sa psychology nanggaling!"

A lot of people congratulated me. Pinigilan ko ang sarili na umiyak. Vina was so happy for me she could even throw a party. I only met her this college but her support is always overflowing. Kahit ang mga kaklase ko ay masaya para sa akin. I worked so hard for this... I want my mother to be proud of me... even though I know she will never be.

I've learned that when a person you want to impress isn't proud of you, you should be fucking proud of yourself. And I only realize it now. Habang nakatingin sa mga kaklase kong malalaki ang ngiti sa akin, napagtanto kong marami ang naniniwala sa kakayanan ko. Maraming palihim na sumusuporta sa akin. It's more than enough.

The day before Troy's battery exam, he went to my apartment, almost 8 in the evening. He's wearing a lazy outfit but he still looks magnificently handsome. His eyes were tired but when he saw me, walking towards him, his eyes beamed with joy.

"Good luck bukas," I uttered softly.

Huminga siya nang malalim at tumingala. I reached for his hand and play with his long and slender fingers. I missed him. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin pero hindi ko na siya tiningnan dahil nasa kamay niya ang atensyon ko.

"Dapat nagpapahinga ka na ngayon. Maaga pa ang exam niyo bukas," I whispered.

The night is tranquil and quiet. Nasa labas lang kami ng apartment at walang ibang tao kaya malaya kong gawin ang simpleng paghawak sa kanya.

He leaned closer to me kaya napatingala ako sa kanya. His face is close to me but I didn't move an inch. I like him this close.

"Top student ka ng CAS?" he asked softly.

I smiled and nodded happily. Siguro ay ngayon niya lang narinig ang balita. Bihira na kasi talaga kaming magkita o magka-usap. Ayokong abalahin siya sa pagre-review niya.

Nagulat ako ng lumapit siya sa noo ko at pinatakan niya iyon ng halik. Parang tumigil ang mundo ko. He extended his arms and embraced me. Ang mukha ko ay nasa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang mabilis na pintig nito... halos kasabay lang noong akin.

"Ipapasa ko ang battery exam..." he whispered.

Dahan-dahan kong iniangat ang braso ko at ipinulupot iyon sa bewang niya. Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. This feels like... home. I know I haven't felt that ever since... but it feels familiar... so nostalgic.

"Makakapasa ka," I assured him. "Kung hindi... KFC na lang tayo," mahinang tawa ko.

"Pag nakapasa?"

I leaned to his chest more. "KFC pa rin."

Mahina siyang tumawa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Sa kabilang parte ng utak ko ay naririnig ko ang pang-aasar ni Vina kaya lalo akong napapangiti.

"I will pass it... my baby is a top student... I should be a man who deserves you."

I'm not a religious person but that night, I cried and prayed for hours. I hope He'll guide Troy because this exam means so much to him.

We didn't see each other again for the next weeks. I was busy with my work while he's making new memories with his friends. Sabi niya ay marami ang mahuhulog sa exam kaya sinusulit na nila ang mga panahong magkakasama sila. I let him enjoy. He also told me some things about Sol. He's very worried of her. Ito kasi ang pinakamalapit niyang babaeng kaibigan. Isa pa, ito rin ang madalas nagbibigay ng pastries kay Troy. And it's delicious! She would make a name someday!

Kalagitnaan ng gabi nang tumawag siya sa akin. Pupungay-pungay pa ang mata ko nang maalimpungatan sa tawag niya.

"Chin! Nakapasa ako!"

It made me the happiest. Para akong hinehele habang naririnig ang masayang tawa niya. I silently prayed and thanked Him. My Troy deserves it.

The next day, I wear a baby blue dress. Inayos ko ang hanggang bewang kong buhok at halos paliguan ang sarili ng pabango. Nag-apply din ako ng light make-up bago napangiti sa repleksyon ko.

Tumingin ako sa kalendaryo at napangiti. April 14... two months after his birthday.

Sinundo ako ni Troy sa apartment bago kami pumunta sa Sweets and Treats kung saan nagtatrabaho si Sol. Isang tingin ko pa lang sa babae, pansin ko agad ang lungkot ng mata niya. She's so transparent.

"Sol, beb!" tawag ni Troy sa kanya.

Napangiti ako. Cute.

"Si Chin."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nahihiyang tumingin sa kanya. She's popular at school!

"I'm Solene."

Naging mabilis lang ang pagpapakilala sa amin dahil may trabaho pa ito. Humarap ako kay Troy at napansin kong nakatingin siya kay Sol. His eyes looked worried.

"May problema ba?" I asked.

He sighed and stared at me. Para akong sinuntok nang mapagtanto ang nangyari. Wala pa siyang sinasabi pero alam ko na. Magkakasama sila kagabi at sabay-sabay nilang tiningnan ang resulta.

Nagsimula kaming kumain. Bumalik ang aura ni Troy at nariyan na naman at nang-aasar. Hindi na ako nasanay at talagang napipikon niya pa rin ako!

"Anong plano mo?" tanong ko habang kumakain kami.

He pursed his lips. "Mapa-oo ka. 'Yun na lang."

Pabiro ko siyang inirapan. Halos isang oras lang kaming nagtagal sa Sweets and Treats dahil niyaya ko na agad siya sa KFC. Yes, we'll eat again.

"Hay, favorite shape ko talaga ang circle."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya at hinaklit na lang ang kamay niya. Tuloy ay magkahugpong ang kamay namin habang pumapasok sa KFC. My hands feel so small against him. Pinaupo niya ako sa usual seat namin at umorder ng pagkain. Sinabi kong kaunti lang ang orderin niya dahil kakakain lang namin.

"Kain na naman kasi. Pwede namang ako na lang... masarap din naman."

"Troy!" asik ko.

Tawa siya nang tawa kahit habang nakapila. Nanlaki lang ang mata niya nang bigla akong tumayo. Akala yata ay aalis ako. I pointed the direction towards the rest room kaya napahinga siya nang malalim.

Nang nasa banyo na ako ay kinuha ko ang parihabang kahon at isinuot ang kwintas. My heart warmed when I looked at my reflection. It suits me. He suits me. Inayos ko ilang sandali ang sarili bago bumalik sa upuan na parang walang nangyari kahit ang totoo ay mabilis ang tibok ng puso ko.

Exposed ang leeg at braso ko kaya alam kong makikita niya rin agad ito.

Nang umupo siya sa harap ko ay mabilis niyang inayos ang pagkain namin. But I don't think I can eat! Parang sasabog ang puso ko!

"Kain na. Baka mamayat ka," tawa niya.

I glared at him. Hindi niya pa rin napapansin ang nasa leeg ko. I started eating the fries pero hindi ko na malasahan dahil sa kaba. Hindi ko alam kung gugustuhin ko bang makita niya o hindi!

Pinanood ko siyang kumain at napagtanto ko na siya na talaga. Siya na ang gusto kong makasabay sa pagkain. Siya na ang gusto kong makasama sa lahat ng hirap at saya ng buhay.

I bit my lower lip. Damn, it's not like we're getting married!

Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-aangat ng tingin sa akin at handa na sanang mang-asar nang bumagsak ang mata niya sa leeg ko.

I fought the urge to gulp. He stared at my neck for a long time to the extent that I feel my hands shaking. Kabadong-kabado ako sa ginagawa niyang pagtitig!

Inilapag niya ang fries at tumingin sa mga mata ko.

"Labas," tanging nasabi niya.

"Ha?"

He gulped and stood. Pigil na pigil ang ekspresyon niya. His lips are on a grim line and his jaws were clenching. Muling dinaga ang dibdib ko. Hindi niya ba... gusto?

Tumayo rin ako at nagsimula na siyang maglakad. I followed him. Negative thoughts flooded my mind. He looks like he doesn't like what he saw. Dapat ko bang tanggalin? Pero... gusto ko na siyang sagutin. Gusto ko na siyang bigyan ng karapatan sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ayaw niya na ba? Dahil ba masyado akong matagal? Halos isang taon na niya akong gusto. Nagsawa na ba siya?

Walang tao sa parking lot nang makarating kami roon. I'm so close to crying. I feel like I fail him.

"Chin," he called me, seryosong-seryoso ang tinig.

I can't bring myself to look at him. I'm damn scared. Maybe he's not ready for me yet. Baka sa tagal ko ay tuluyan na niya akong inayawan.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya pero iniiwas ko lang ang mata ko. Tangina. Sasabog na yata ang puso ko sa kaba.

"Baby, look at me... please..." malambing na pahayag niya.

Nabuhayan ako ng loob sa itinawag niya sa akin. I breathe heavily before looking at his dark beautiful eyes. They were looking for something. Parang tinitingnan sa mga mata ko ang isang pakiramdam.

"M-mahal mo na ba ako, Chin?" hirap na saad niya.

I bit my lower lip and nodded. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita kong bahagyan nagtubig ang mata niya.

"Say it, please..."

Tinitigan ko siya. I can't believe we'll reach this far. Nagsimula lang naman siya sa pagtingin-tingin niya sa akin sa bintana ng room at pagtambay sa department namin. He didn't get my attention at first because I didn't like men like him. Masyado siyang mataas at kilala. Maraming nagmamahal at humahanga sa kanya kaya noong nagparamdam siya sa akin ay marami akong agam-agam.

But he proved himself. He showered me love and attention I never thought I needed. He made me feel like I could accomplish greater things. Pag kasama ko siya, para akong mataas din... parang marami ring nagmamahal sa akin.

Because his love is too great. Ni hindi ko na kailangan ng pagmamahal ng iba.

"I love you, Troy."

Idinikit niya ang noo sa akin habang ang mga kamay ko ay inilagay ko sa bewang niya. I never felt this love before.

"T-troy..."

He cleared his throat. "Hmm?"

"Ayaw mo ba? I mean," I trailed off. "Why did you drag me here?"

Muli niyang ibinalik ang hawak sa pisngi ko at pinagkatitigan ang mata ko. He's smiling sweetly, parang tinutunaw ako. Bumaba ang kamay niya sa kwintas na suot ko at pinaglaruan ang pendant noon.

"Because I can't kiss you there, Chin."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Napaiwas ulit ako ng tingin pero mahina lang siyang tumawa.

"P-parang sira," mahinang saad ko, nakahawak pa rin ang kamay sa bewang niya.

"Ihh... inaantay niya..."

Malakas ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin. Ghad, hindi ba pwedeng magseryoso kahit isang oras lang?! We're having our moment, eh!

Nakangiti siya nang muling lumapit sa akin pero gusot na ang mukha ko.

"Galit agad," natatawang saad niya.

I was ready to shout at him when he leaned closer and gave my lips a peck. Isang segundo lang 'yon pero tangina, para akong naestatwa! Fuck! He kissed me! He freaking kissed me! Gusto kong magsisigaw pero napako talaga ako sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko na alam kung may ibang tao sa parking lot!

"Thank you for trusting me, Chin," he uttered lowly. "We'll live a beautiful life together."

As I stare at him, I knew, indeed, I will live.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro