Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

"Mira, tag mo nga 'yung friend mong solid magmaganda," natatawang asar ni Vina.

"Uhm... sa letrang C?! Chin?!" sagot naman ni Mira.

"Tangina nyo, tigilan nyo nga ako!"

Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Kahapon pa nila ako inaasar! Akala mo naman talaga ay hindi nila naisip na ibinibigay sa akin ni Troy ang frappe na yon. Sila pa nga ang naunang kiligin kaysa sa akin!

"Chin, legit 'yung pagkapahiya mo ron." Vina added.

I squinted my eyes on her. "Wag mong ipaalala sa akin at ayoko nang isipin."

"May pa-I don't like coffee ka pang nalalaman!" si Mira na hindi rin matahimik.

Pinagtawanan nila akong dalawa kaya nakabusangot lang ako sa upuan ko. Ang laking tulong pa na P.E. ang last subject namin at may malaking chance na makita ko ulit si Troy!

Sa dami rami ba naman kasi ng tao sa department namin, bakit sa akin nya pa iniabot?! Isa pa, bakit hindi na lang sya ang kusang nagbigay kay Sir?

I groaned inwardly. Kahapon ay si Mira na ang kumuha ng paper cup sa lalaki dahil hindi agad ako nakakilos. Alam kong namula ang pisngi ko sa harap ng lalaki at gusto ko syang sakmalin dahil doon!

Feeling close ampota.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako roon... at napasimangot nang makita ang message ni Mama.

Mother Lion:

May cell group mmya. Pnta ka sa church. Patay ka sakn kapag ndi ka pmunta!

Everyday sa simbahan pero walang nagbabago sa ugali, ah? Very nice.

Hindi na ako nagreply dahil wala naman akong choice. Puputakan na naman ako noon ng kung ano-ano kapag hindi ako pumunta at ayokong marindi. Wag na lang sana syang magagalit kung magsusuot ako ng earphones sa loob.

Wala pang teacher sa room kaya maingay pa ang mga kaklase ko. Majority sa amin ay mga babae at may kanya-kanyang grupo. Kaclose ko naman sila halos lahat pero sina Vina at Mira talaga ang pinakakadikit ko.

Natahimik kaming lahat nang sumilip si Dean sa room namin.

"Sinong class president?" tanong nya, nasa labas pa rin.

Itinaas ko ang kamay ko at tumayo.

"Ako po, Ma'am. Bakit po?"

She smiled. "May meeting. Sumama ka sa akin."

I nodded. Kinuha ko lang ang cellphone at wallet ko bago lumabas. Ipinagpasalamat ko 'yon dahil hindi ko na kayang pakinggan ang tuloy-tuloy na pang-aasar ng dalawa.

I have no idea about the agenda dahil biglaan lang ito. Ni hindi nga ako nakapag-excuse sa prof ko!

We entered her huge office. Pinaupo nya ako kasama ang ibang president ng bawat class. Marami nang naroon pero nag-antay pa kami ng ilang sandali bago magsimula sa meeting.

"Our campus director, Mrs. Victoria Dela Paz, was nominated as the university president."

Dahan-dahan akong tumango. Our state university has five branches in Isabela. Itong pinapasukan ko ngayon ang main campus at hindi naman din nakakagulat na magiging presidente ng limang campus na iyon si Mrs. Dela Paz.

"Two weeks from now, magkakaroon ng malawakang paglilinis sa buong campus," our dean added.

"Ma'am, paano po ang klase?" tanong ng isa roon.

"Walang klase sa araw na 'yon pero maasahan ko ba kayo na maglilinis at hindi nyo hahayaan ang mga kaklase nyo na hindi pumasok? May attendance pa rin yon."

"Yes, Ma'am." We uttered in chorus.

"Good. Also, magkakaroon din tayo ng fund raising gaya ng fun run, pageants and other extracurricular activities... para sa pagpapa-extend ng school canteen."

Tumango lang ako kahit may tanong sa isip ko. Mag-eexert kami ng effort at gagastos ang mga estudyante para sa candidacy ni Mrs. Dela Paz? That doesn't sound right.

Our dean let out a sigh. "This will help our campus in admitting more students. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa inyo. Our campus director will have her speech. Sigurado naman akong magbe-benefit ang mga estudyante rito..."

Mataman lang akong nakikinig sa kanya nang tumunog ang pintuan ng office nya. Sumulyap kaming lahat doon at inatake ng kaba ang puso ko nang makita roon si Troy. Oh, God, give me a break!

"Good afternoon, Ma'am."

His baritone voice immediately filled the entire room. Iniwasan kong mabuting mapabaling ang tingin sa kanya.

"Troy, what brings you here?" Umalis sa harap namin si Dean para daluhan ang lalaki.

"Pinapakuha po ni Mrs. Dela Paz ang notarized papers..."

Mrs. Dela Paz? It's his mother. What's with the honorific?

"Ah, follow me."

Nang mawala ang dalawa ay nag-ingay ang ibang president na naiwan sa loob kasama ko. Magkakaclose pa ata sila dahil nakaka-relate sila sa isa't isa.

"Kita n'yo tweet ni Troy kagabi?" tanong ng babae. I can see that she's a chemistry major dahil sa suot na uniporme.

"Hindi ako nakapag-twitter, anong sabi?"

I fight the urge to roll my eyes. Lahat ba ng nasa department namin ay follower ng lalaki?

"50 likes daw, aamin sya sa crush nya."

The girls gasped. Ang ibang lalaki naman ay tahimik lang, ang iba ay nagce-cellphone.

"Halos 7k ang followers nya! Napakabilis non!"

"Kaya nga sampung minuto pa lang ay mahigit isang daang likes na... nae-excite ako!"

Napaisip ako. Alam kaya nina Mira at Vina ito? Bakit hindi sila nag-iingay tungkol dito kanina?

"Sabi ay nasa department natin! First time. Laging sa allied health at hospitality management namimili 'yon, eh!"

"Pati, dalawang sem na syang single... ikatlo ngayon."

Kinuha ko na lang ang cellphone ko para ignorahin ang pag-uusap nila. They're talking loudly and I have to stop myself from listening more... lalo at hindi ko naman ito concern.

I almost thank the heavens when the Dean arrived. Hindi na nya kasama si Troy kaya lalo akong nakahinga nang malalim. Mabuti at hindi nya ako napansin kanina dahil hindi ko pa kayang humarap sa kanya matapos ang nangyari kahapon!

Pagbalik sa room ay in-announce ko agad sa mga kaklase ko ang napag-meetingan. Masaya ang response nila sa clean-up drive dahil makakaiwas sa klase pero nang sabihin ko ang extracurricular activities ay sabay-sabay silang nagreklamo.

Umupo ako sa upuan ko at nagpahinga. Well, that's too much interaction for today.

Naalala ko pa ang cell group mamaya sa church kaya lalong nangulubot ang mukha ko. I don't want to go! Nakakapagod makipag-plastikan sa mga taong 'yon!

"Chin, nabasa mo 'yung tweet ni Troy?!"

Arghhh, Troy, Troy, Troy! Rinding-rindi na ako sa pangalan na 'yan!

I scoffed. "Hindi ko ifinofollow 'yon pero kung tungkol 'yan sa like like na crush, oo, alam ko na."

"Gago, di mo finofollow?" gulat na tanong ni Vina.

"Required ba?"

"Ang boring ng buhay mo!"

I closed my eyes and rested my head on the arm rest. Hindi ko alam kung nasaan ang mga instructors namin dahil kanina pa kami vacant. Parang P.E. lang ang ipapasok namin!

"Aabangan ko ang update ni Troy. Malakas ang kutob kong ako yon." Vina uttered.

"Desamero, wag kang parang kaladkaring babae," natatawang saway ni Mira.

Nakasubsob ako pero rinig ko ang usapan nila dahil hindi naman ako makatulog. Naiinis na nga ako at kanina ko pa naririnig ang pangalan ng lalaki. Parang lahat ng babae sa department namin ay gustong-gusto sya samantalang wala namang espesyal sa kanya!

"Excuse me? Hindi ako kaladkarin dahil kusa akong sumasama!"

Napangiti lang ako sa sagot ni Vina dahil wala na akong energy para tumawa. I heard Mira's giggles... at alam ko na agad ang pinag-uusapan ng dalawa... their sexcapades!

"Ex mo talaga si Kali, no? Tanga mo, daming red flags non. Jinowa mo pa!"

Natawa si Vina. "Wala, binigyan ako ng bulaklak, eh. Binigay ko rin tuloy flower ko."

I fought the urge to laugh.

"Paano mo dinilaan etits non?" tanong ni Mira sa babae.

"Bleh!"

Mira let out a loud laugh. "Tangina ka, Vina!"

Nag-angat ako ng tingin sa kanila, bahagyang natatawa na pero pilit pinipigilan ang sarili.

"Kadiri ka! Di ako makatulog nang maayos!"

She jokingly rolled her eyes. "Ayos lang na kadiri ako, basta hindi ako ilusyunada!"

I groaned. Muli akong bumalik sa pagkakasubsob dahil alam kong susunod-sunurin ako ng dalawa.

At hindi nga ako nagkamali. Pinagtulungan nila ako habang wala akong magawa. They're too loud! Hinayaan ko lang sila hanggang sa dumating ang oras ng pagbibihis namin ng P.E. uniform.

"Ang gago, ito lang talaga ipinasok natin ngayon," ani Mira habang naglalakad kami palabas ng restroom sa building namin.

Vina scoffed. "Kaya nga, 5 hours vacant, dapat pala umuwi muna tayo."

"Hindi ako papayag na wala akong makikitang gwapo!" desididong saad ni Mira.

As usual, nakasunod lang ako sa kanila. My legs are shorter so I can't keep up with their pace. Ang mga ito naman ay hindi talaga ako inaantay!

"Vina, nakikita mo ba ang nakikita ko?"

Nakaharang ang katawan nilang dalawa sa akin kaya hindi ko alam kung anong nakikita nila.

"Oo, Mira... grabe, Thank You, Lord! Ang bilis non!"

"Totoo ang Diyos!"

Hindi ako nakatiis at pumantay ako sa kanila. Tiningnan ko ang minamata nila at nakita ang ilan sa mga engineering students... at naroon na naman si Troy.

Bakit ba lagi na lang syang nasa paligid?! I'm so tired of seeing his face! His mere presence is too much for me to handle!

Kasama nito ang dalawang engineering student din na kilala sa paaralan namin. Sina Sol at Duke. They're laughing while Duke's arms are on Sol's shoulders.

Si Troy ay nakangisi lang na pinapanood ang dalawa. His jaw line is visible even from the distance.

"Huy! Bilisan nyo at baka magalit si Coach!" sigaw ni Daniel sa amin.

Para akong natauhan at nakita kong ganoon din ang reaksyon ng dalawa kong kasama. Napamura ako sa nangyari. Ano at nahahawa na ako sa dalawang 'to?!

"Ang sarap sa mata ni Troy at Duke, kaya lang ay kasama si Sol... may kaagaw."

I scoffed. "Kahit wala si Sol, hindi kayo papansinin nyan."

"Ang bantot ng ugali mo. Maging rectal thermometer ka sana sa susunod mong buhay." Vina teased me.

Hindi namin madadaanan ang magkakabarkada dahil liliko na kami. Si Mira ay tawa nang tawa sa pang-aasar ni Vina habang ako ay nanatili ang mata kina Troy.

Bago tuluyang umiba ng landas, our eyes met and I quickly diverted my gaze. Nagmadali ako paglalakad para makasabay kina Mira at Vina.

I sighed inwardly. I should get myself together! Masyado ko nang napapansin ang lalaki dahil sa ingay ng pangalan nya sa department namin!

"Wag na tayong umattend ng P.E., narito pala sa building natin ang mga papi." Narinig kong saad ni Vina kay Mira.

"G?"

Of course it didn't happen. Puro ganoon lang naman ang dalawa pero ang totoo, takot na takot silang bumagsak!

Naglakad kami patungo sa engineering department. I have to breathe properly to bring my heartbeat down to a bearable pace. I have to shake my thoughts about him! Masyado na syang nagtatagal sa utak ko!

Dahil first meeting namin sa P.E., hindi muna kami pinagsayaw. Next meeting pa raw kami magsstart at mas mabuti pang magkakilanlan muna ngayon.

Nasa malaking dance studio kami sa last floor ng building ng engineering. The floor and the ceiling are wooden while the huge door is clear glass. Ang mga dingding ay purong salamin, maliwanag din ang mga puting ilaw at sa ngayon ay bukas ang aircon dahil orientation pa lang naman muna.

Mula sa malaki at mahabang glass door, tanaw namin ang magandang basketball court. It's not tinted so I'm sure people can see us from there.

Mas malaki ang building ng engineering kaysa sa amin dahil dito naman talaga maraming estudyante. Heto nga at may basketball court pa sila sa loob mismo ng building.

"Hi, Coach Jeff, I'm Almira Moreno. Lap dance lang po ang kaya kong sayawin."

Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Mira. Sanay na kami sa kanya pero si coach, hindi! Hindi manlang talaga nahiya! Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa tawa ng mga kaklase ko. Mira, ang dumi-dumi!

Sunod na tumayo si Vina dahil magkakatabi naman kami. Sya ang pinakamahusay na mananayaw sa section namin. She has joined a lot of contests and she choreographed multiple dances.

Nahihiya itong tumingin kay Coach Jeff.

"Hi, po. I'm Rovina Desamero... I don't dance po, eh..."

Muling nagtawanan ang mga kaklase ko. For goodness' sake! Alam naming lahat na sumasayaw sya!

"Ang arte, Vina!" pang-aasar nila. "Gusto mo lang mapuri, eh!"

Ngumiti rin si coach, mukhang naintindihan ang nangyayari. His legs were crossed while sitting. Mukhang aliw na aliw ito sa section namin.

Dahil ako na ang magpapakilala, tumayo na rin ako.

"Wait," he told me.

Nakatingin sya sa court kaya tumingin din ako roon. Hindi kagaya kanina, may mga mangilan-ngilan nang players ang nagpapractice doon.

I nodded.

He went out of the dance studio and I saw him talking to the players. I looked away and squinted my eyes on my reflection. Nakakaganda rito dahil sa ilaw!

I subtly smiled. My eyes were round but a bit chinky. Maliit ang ilong ko at sakto lang ang kapal ng labi. It complemented my small teeth. My rosy cheeks are also a bit chubby. Maraming nagsasabi sa akin na mukha raw akong kpop idol... but I don't know any of them kaya hindi ako makasang-ayon.

Busy ako sa pagtingin sa repleksyon ko nang pumasok si coach... and fuck it, he's not alone!

"Dito na kayo mag-antay, Troy, Calvin..." he said.

I heard my classmates' dreamy sighs samantalang ako ay namutla yata. Naramdaman ko ang pagsuntok ni Vina sa binti ko dahil nakatayo pa rin ako pero hindi ko sya nagawang tingnan.

Troy glanced a little at me before sitting on the chair provided by Coach Jeff.

Nasa gilid ko lang ang dalawang lalaki. Si Calvin ay kinuha na ang cellphone nya habang si Troy ay nakatingin lang sa amin, parang manonood!

Coach cleared his throat. "Continue."

I swallowed hard before pursing my lips. Gusto ko lang naman ng payapang araw. Lord, ang hina ko talaga Sayo! Aattend na akong cell group mamaya!

"I'm... E-Elora Chin Valencia..." dahan-dahan kong saad. "I don't dance but I promise to comply po..."

"Wow, Chin, bakit nabubulol?!" eksaharadang saad ni Mira. Right at this moment, I want to strangle her!

"Nahihiya ata sa mga bagong dating na boys!" dagdag pa ni Vina.

I groaned inwardly. Lord, please! Sisimba na nga po ako mamaya!

Tumawa si coach at ang mga kaklase ko. I feel a slight blush crept up to my neck.

"Totoo ba, Ms. Valencia?" natatawang tanong nya.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling, hindi makabaling sa mga lalaki sa gilid ko. From my peripheral vision, Troy's gaze is stabbing me.

Umupo ako at inignora ang pang-aasar ng mga kaklase ko. Nagtuloy ang pagpapakilala ng mga kaklase ko pero hindi na ako ulit nakasabay sa tawanan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro