Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19


"Happy Valentine's Day!" malakas na sigaw ni Vina pagkapasok na pagkapasok pa lang ng room. Dumiretso siya sa white board at nag-lettering doon. Ni hindi muna ibinaba ang bag at inuna talaga ang kalokohan.

Sumandal ako sa upuan at pinanood siya. She's swaying her hips na parang may pinakikinggan siyang kanta. Nang matapos sa ginagawa ay humarap siya sa amin.

"I-suggest niyo na dapat ay walang klase!"

Nagtawanan ang iba kong kaklase dahil alam naman naming lahat na imposible 'yon sa mga professors namin ngayon.

"Wala ka namang ka-date, Vina," pang-aasar ni Daniel sa kanya.

"Di ka sure! Ang daming nagyayaya sa akin, 'no!?" Sinimangutan niya ito bago naglakad patungo sa akin. Pasalampak siyang umupo sa tabi ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Nangyari sayo?" natatawang tanong ko.

She made a face. "May lakad ba kayo ni Troy? Tayo na lang ang mag-date."

Napaisip ako. Wala namang sinasabi sa akin ang lalaki kung may plano ba siya o wala. Hindi rin naman ako para mag-plano para sa amin lalo at alam kong busy siya sa pagre-review. Kaunting linggo na lang kasi ang bibilangin at battery exam na nila kaya medyo dumalang din ang pagkikita namin. Still, we text and call each other often.

"Saan naman tayo? May trabaho pa ako sa guidance office."

She grunted. "Gago, oo nga pala."

Hindi na siya nakaimik ulit nang pumasok na ang instructor namin at walang pasubaling nagturo. Bwisit na bwisit pa si Vina dahil ang tanging makukuha niya raw na surpirse ngayong araw ay ang surprise quiz namin sa theories of personality.

It was actually a fun and engaging subject. You'll learn from different school of thoughts down to the most renowned psychologists.

The discussion and activities went on for almost three hours kaya lambot na lambot si Vina nang matapos kami. Maganda naman ang topic ngayon pero dahil diretso ang klase, talagang nakakapuno ng utak.

Kalalabas pa lang namin ng room para kumain ay lumapit sa akin ang isang lalaki mula sa BS Biology. May dala siyang isang long stem red rose kaya naging tumpok ako ng asaran.

"Uh... gusto ko lang ibigay, Chin. S-sana ay tanggapin mo..." aniya habang iniaabot sa akin ang bulaklak.

Nakarinig ako ng tilian sa paligid kaya hiyang-hiya ako sa nangyayari.

"Tanggapin mo, Valentine's naman!" anas ni Vina sa akin.

I looked at the guy and I noticed how red his cheeks were. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha niya sa akin. I gulped. He pulled all his courage together to give it to me. I should accept it. Wala namang masama.

Dahan-dahan ang ginawa kong pag-abot sa bulaklak at kitang-kita ko sa mukha niya na nakahinga siya nang maluwag. Nginitian niya ako habang ang balikat ay halata ang pagtaas-baba.

"Salamat," I said.

Nang makatalikod kami sa kanya ay inulan ulit ako ng tukso ng mga kaklase kong nakakita sa nangyari. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil kung saan-saan kami dumadaan at napapatingin ang iba sa akin.

"Wala, aantayin ko pa rin ang pakulo ni Troy!" natatawang saad ni Vina.

Sinang-ayunan siya ng mga kaklase ko kaya lalo akong namula. I can't imagine him doing that! Ni hindi nga ako umaasa na espesyal ang araw na 'to dahil parehas naman kaming busy.

Naglalakad pa lang kami papunta sa canteen nang harangin kami ni Joaquin. This time, he's holding a bouquet of chocolates! Yes! A freaking bouquet! Diretso ang lakad niya patungo sa akin at bawat hakbang nito ay kinakabahan ako. Please, tell me it's not for me! Ni hindi ko na nga halos kayanin ang pagtanggap sa isang rose, iyan pa kaya?!

"Ang ganda ni Chin talaga!" tilian ulit ng mga kaklase ko nang ilahad sa akin ni Joaquin ang bouquet.

"Huy... Wax... ano 'to?" tanong ko. Pinandilatan ko siya ng mata dahil sobrang nahihiya ako sa nangyayari. We're in the middle of pathway and people were gawking at us!

He smiled shyly, bagay na hindi ko nakita sa kanya noon. Tangina, this can't be happening! We're friends!

"Para sayo 'to, Chin," he replied. "Binili ko lang kasi hindi kita nabigyan ng ganyan noon."

I glanced at Vina to ask for her help but she's just grinning at me! Impakta!

"H-hindi naman na kailangan, Wax... ano ka ba!" kinakabahang saad ko na lang.

He scratched the back of his head. "Please?"

Dahil sa tuksuhan, napilitan akong abutin ang bouquet. Nanalangin ako na sana ay hindi niya isipin na gusto ko siya dahil lang sa tinanggap ko ang regalo niya. Tuwang-tuwa siya nang umalis sa harap namin. Ako naman ay parang natanga lang dahil sa hawak na isang pirasong bulaklak and isang kumpon ng mga tsokolate.

This is insane.

"Mahihirapan si Troy sa pagtalo sa mga may gusto kay Chin!" Vina cheered in delight.

Mich giggled. "Ginandahan masyado!"

Habang kumakain kami ay iyon pa rin ang pinag-uusapan nila. Kanya-kanya pa sila sa pagkuha ng iba't ibang chocolate sa bouquet habang inaasar ako. Gusto kong mapatawa dahil halatang binobola nila ako para lang makahingi ng chocolate.

Nang matapos ang pagkain ay tumayo na rin ako at nagpaalam sa kanila. Dalawang oras ang vacant namin at may trabaho rin ako sa guidance office. Hindi ko na napaki-suyuan si Vina na dalhin ang mga gamit ko sa room dahil may gagamit pala ng room namin. Tuloy ay bitbit ko ang mga abubot sa office.

"Wow, ang aga pa lang, may nga nagbigay na!" tukso ni Ma'am Celeste, ang guidance counselor ng school.

Nahihiyang tumungo ako bago inilapag ang gamit ko sa mesa. "Ano pong mga gagawin ngayon?" I asked to divert the topic.

Mukhang nakuha naman niya ang nais kong iparating dahil itinuro niya agad sa akin ang isang pile ng mga papel. Ngumiwi ako dahil sa dami noon. This will be tiring.

Umupo na ako at sinimulan ang gagawin. I arranged the papers alphabetically and assess their category. Matapos iyon ay may ipina-encode pa sa akin si Ma'am Celeste kaya gamit na gamit ang tatlong oras kong vacant.

Ipinagpasalamat ko na natanggap ako rito. Ngayon sem kasi ay wala masyadong applicant kaya hindi na naging mabusisi ang pagkuha ng student assistant. Linggo-linggo ang sahod ko rito kaya kahit papaano ay nakakaya naman. Hindi ko lang alam kapag nag-ojt na ako dahil siguradong magagastos ko ang ibinigay ni Papa.

I want to take my pride with me but in my situation, I know I needed his money.

Kumunot ang noo ko nang dumungaw sa pinto ng office si Vina at malaki ang ngiting iginawad sa akin.

"Bakit?" I mouthed.

Dahil wala si Ma'am Celeste sa loob, walang habas siyang pumasok at umupo sa tapat ko. Ni hindi niya binalingan ng tingin ang mataas na papel na natapos ko.

"May program sa baba. Wala raw ulit klase!" ligayang-ligayang pahayag niya.

I grinned. "Good, edi magta-trabaho na lang ako."

Her forehead creased. "Isasarado ang guidance office at registrar!"

Truth be told, Ma'am Celeste entered the office and her eyes darted on me. She told me what Vina has said kaya tumango na lang ako at inayos ang gamit ko.

Papasok na kami si Vina sa hall nang may lumapit sa amin na isa sa mga kasamahan kong student assistant. He towered over us kaya naman natigilan kami ni Vina sa paglalakad. He's holding a huge teddy bear and a bouquet of red roses.

Agad na dinaga ang dibdib ko. There are people around us and their stares were putting me in shame! Inilahad ng lalaki sa akin ang bitbit niya at ilang beses akong napamura sa utak ko.

I didn't know I have a lot of admirers! Damn!

"S-sorry... I don't think I can accept that..." nanghihinang saad ko. Bitbit ko pa rin ang bouquet ng chocolates at isang mahabang rose sa kamay ko. Kung tatanggapin ko iyon, wala na akong paglalagyan! Isa pa, ni hindi ko nga siya ka-close tapos bibigyan niya ako nang ganito?!

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Vina pero hindi ko siya tiningnan. Don't tell me to accept that! Masyado na 'yan!

Lumungkot ang mukha ng lalaki. "Wala naman akong ibang plano, Chin. Gusto ko lang talagang ibigay sayo 'to kasi hinahangaan kita..."

I muttered a curse and looked around. May mga kumukuha ng picture sa amin!

"Inipon ko ang pambili nito mula sa pagiging S.A. ko... sana ay tanggapin mo."

Palihim akong hinampas ni Vina sa braso kaya napapikit ako. Kung tatanggapin ko, nahihiya ako dahil baka makarating ito kay Troy! Baka kung ano pang isipin niya! Kung hindi ko naman tatanggapin, paniguradong magiging tumpok ng asaran ang lalaki at masasabihan pa akong feeling maganda!

I groaned inwardly. I should just explain to Troy kung ganoon man ang mangyayari.

I slowly reach for his gifts. He let out a sigh of relief and thanked me. Pagkatanggap na pagkatanggap ko pa lang noon ay tumalikod na siya. Ni hindi manlang ako hinayaang magpasalamat.

"Shit, ibang klase ang ganda!" parang tangang pahayag ni Vina. She helped me carry the gifts until we reach our chair.

Dumiretso ang tingin ko sa unahan dahil ramdam ko ang titig sa akin ng ilang estudyante. Ganoon na lang ang mangha ko nang malamang ang agenda pala ng program ay sa announcement ng bagong university president!

"Girl, anak ng university president ang manliligaw mo," bulong sa akin ni Vina nang magsimula ang program.

I was about to answer her when I saw Troy making his way up to the stage. He assissted his mother as we started listening to Ma'am Victoria's speech. Basang-basa ko ang saya sa mukha ni Ma'am. Of course, she will be handling the five universities! It's a huge responsibility but it's worthwhile!

After her speech, she gave the mic to the emcee but the emcee gave the mic to Troy! My forehead knotted when I notice something in him. Bakit ang lungkot ng mga mata niya? Kahit malayo ay pansin ko ang kakaibang ngiti niya.

"Sound check," Troy said in the microphone.

Kinabahan ako nang humarap siya sa mga estudyante. Ang iniisip tungkol sa kaniya ay mabilis na nawala. Nakarinig agad ako ng mga impit na tili lalo at kitang-kita ang pasimple niyang pagsusuklay gamit ang daliri niya. Good heavens, he's beyond beautiful! Kahit na mag-isa lang sa stage ay parang sakop na sakop niya pa rin ito dahil sa presensya niya! Nang bahagyang bumaling ito sa kanan ay napansin agad ang magandang hubog ng panga niya.

"Tangina, Chin, kung ako 'yan, nagpa-virgin na ako," manghang-manghang saad ni Vina.

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya hindi na ako nakapag-kumento. Muling humarap si Troy sa amin at itinapat ang mic sa bibig.

"May announcement lang..." malalim ang boses na saad niya.

I heard my classmates' dreamy sighs. Kung hindi pa OA, sumandal si Mich sa upuan na parang nanlamot sa sinabi ni Troy. God, help these girls!

"First of all, I want to thank you for supporting my mother," he said.

Tumawa si Ma'am Victoria sa gilid. Her eyes glistened with happiness. Ibang-iba ang aura niya ngayon. Parang hindi siya ang mataray na nakilala ko. I don't know. She just looks refreshing.

"Pero bakit niyo naman nilalandi si Chin?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ko. What the fuck?! People gazed at me and right on the spot, I wanted to get lost! Masama ang titig na iginawad ko kay Troy kahit na hindi naman niya ako nakikita mula sa inuupuan ko.

Ma'am Victoria laughed kaya lalo akong namula. Hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Troy.

"Kidding," he chuckled. "Maganda 'yon, eh. Alam kong maraming nagkakagusto sa kanya." Muli siyang tumawa. "Buti na lang ako ang pinakagwapo sa inyo."

Nagmistulang comedy bar ang hall. Lahat ay nakikinig lang kay Troy at syempre, sa akin nakatingin! I can't even smile at his joke! Ano bang pinaggagagawa niya?! Nakakahiya na nga ang ginawa ng mga lalaki tapos ngayon ay sa mic niya talaga ini-announce ang mga gusto niyang sabihin?!

"Kaya sayo ako, eh!" sigaw ni Vina.

Malakas ang pagkakasigaw niya kaya napatingin sa kanya si Troy. Mabilis na nagtama ang mata namin at nakita ko kung paanong dahan-dahang sumilay ang magandang ngiti sa labi niya kaya parang may kabayong nanakbo sa puso ko. Oh, Chin, you're sick in the head! Naiinis ka dapat! You don't like much attention!

"Ayoko na nga, ang sama na naman ng tingin," natatawang saad niya. "Anyway, wala naman talaga akong gustong sabihin. Ibinigay lang sa akin 'yung mic kaya sinabi ko na rin ang sama ng loob ko."

Hanggang sa matapos ang program ay hiyang-hiya ako sa mga tao. I texted Troy not to go near me because I'm not really comfortable with their gazes! Para nila akong binabasa!

"Friend, winner ka ngayon."

I grunted. "Shut up, Vina!"

She laughed at my misery. Habang nag-aantay ng jeep ay iniiwasan kong mapatingin sa mga tao. Bitbit ko ang mga regalong natanggap at nahihiya ako kahit na hindi lang naman ako ang may ganoon. Pakiramdam ko kasi ay narinig ng lahat ang ginawang pakulo ni Troy sa hall!

Paakyat na ako sa jeep nang mag-ring ang cellphone ko. Speaking of the devil!

Sinagot ko ang tawag at handa na siyang bungangaan ngunit hindi ko naituloy nang bigla siyang nagsalita.

"Nasaan ka? KFC tayo," he uttered using his low baritone voice. I don't know if my ears are fooling me but he sounded so lonely.

I gulped. "A-at bakit?!" Favorite ko ang KFC pero hindi ba siya nauumay?!

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa mula sa kabilang linya. "I missed you today."

Nung nag-ulan ng karupukan ang Diyos, nasa gitna siguro ako ng daan at nagsasasayaw dahil nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng KFC habang naglalakad patungo sa direksyon ni Troy. Hindi gaya ko, nakapagpalit na siya ng damit at mukhang bagong ligo pa.

Ang masayang mukha niya ay nagbago nang makita ang mga dala ko pero nang humarap siya uli sa akin ay malaki na ang ngiti niya.

"Mag drive thru na lang tayo," he uttered.

Kumunot ang noo ko. "Wala naman tayong sasakyan."

Napakamot siya sa batok. "Oo nga, 'no? Bakit hindi ko naisip 'yon?"

Malakas ko siyang hinampas sa balikat kaya malakas ang ginawa niyang pagtawa. Why is he so good at making me feel loved yet he also has the best ability to annoy me?!

Nang humupa ang tawa ay tinitigan niya ako. "Dala ko ang kotse ni Papa. Sabi ko may date kami ng sugar mommy ko."

Nakanguso ako nang marating namin ang parking lot. As expected from a movie director, his car looks luxurious! It's my first time seeing a ford mustang in our province!

Troy opened the door for me with a sweet smile on his lips. He even holds my left arm to support me.

Sumakay na rin siya at agad na pumunta sa drive thru. He ordered a bucket of chicken and a lot of side dishes for us! Sana ay sa loob na lang kami umorder dahil talagang natagalan ang crew sa pag-aasikaso ng orders namin!

He drove to a nearby seashore before opening the door for me. Kahit na gabi ay kita pa rin namin ang dagat. The moon and the lamp posts made it easier for me to see him. Nakita kong naglabas siya ng malaking blanket at gitara mula sa compartment ng sasakyan niya.

Inilatag niya ang tela sa buhangin at inilagay doon ang mga pagkain namin. I was just watching his serious face. Parang hindi siya ang kaasaran ko kanina. Parang hindi siya ang lalaking nagloloko kanina sa stage dahil sa ekspresyon niya ngayon.

I stared at him for a very long time and let peace embraced my being. Behind him is the dark vast ocean and the bright full moon. Hawak niya ang gitara sa kaliwang kamay at nang matapos sa ginagawa ay tumingin siya sa akin.

My heart pounded loudly against my chest. His dark eyes were looking at me with adoration and love. Kahit na seryoso ang mukha niya ay basang-basa ko roon ang pagmamahal... para sa akin.

No one ever looked at me that way. Siya lang. Parang sa mga mata niya, kamahal-mahal ako... bagay na matagal nang ipinagkait ng mga magulang ko sa'kin.

Umupo ako sa tapat niya. The night feels so serene.

"Prepared ka, ha?" nang-aasar na saad ko para kalmahin ang sarili.

"Nakakatakot ang mga nanliligaw sayo. Baka matalo nila 'ko," seryosong pahayag niya.

I chuckled. "Hindi naman nanliligaw ang mga 'yon!"

He smiled but the supposed happiness didn't reach his eyes. Tumitig siya sa dagat at sumakit ang puso ko nang makita ang lungkot sa mata niya. It reminded me of the time when we accidentally met at a convenience store. Ganoon na ganoon ang itsura niya ngayon.

Kumapit ako sa suot kong jacket. Ang puting uniform ko ay hinayaan ko nang marumihan ng buhangin.

"Birthday ko ngayon."

Pinigilan kong mag-react sa sinabi niya. He just celebrated his birthday last November!

"And I always hate this day..." he chuckled before looking at me. "Wala lang, share ko lang," saad niya bago muling tumawa.

But I didn't. Kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang mag-kunwaring ayos lang siya.

"Ilang taon ka na?" mahinahong tanong ko.

His eyes twinkled. "20... I turned 20 today."

For the first time since I met him, I reached for his hand and smile. "Happy birthday."

He bit his lower lip. "I'm nervous, Chin... hell, I'm agitated..." he whispered. "I have to pass the battery exam. I have to prove my worth to my parents..."

Parang may sumuntok sa puso ko. Only if I could take all his pain away. I can't imagine the pressure he's feeling.

Ang nakapatong na kamay ko sa kanya ay hinawakan niya. He squeezed it lightly before staring at me.

"I'm sorry for ruining your day... I just had a tough one... pero mahaba pa naman ang oras. I can make it up to you... napaaga ang pagda-drama ko!" he chuckled.

No, Troy, tell me all your secrets and I'll keep them in my pockets. Binitawan niya ang kamay ko at muling humarap sa dagat. We started eating and talking as if nothing happened. Kahit na basa ko sa mukha niya ang lungkot, may kaunting saya rin na pilit sumisilay sa mata niya.

"Troy," I called him.

"Hmm?" he hummed without looking at me.

Dahan-dahan kong inabot ang gitara sa gilid kaya napatingin siya sa akin.

"Marunong ka?"

I smiled before strumming the guitar. I played the intro of the song flawlessly and looked at his eyes.

"Lift your head, baby, don't be scared..." I started.

"Of the things that could go wrong along the way... you'll get by... with a smile... you can't win at everything but you can try," I sang with all my heart.

Napansin ko ang panunubig ng mga mata niya pero pinagpatuloy ko ang pagkanta.

"Baby, you don't have to worry. 'Cause there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way... when they're closing all their doors, and they don't want you anymore, it sounds funny but I'll say it anyway..." I continued.

"Boy, I'll stay... through the bad times... even if I have to fetch you everyday. We'll get by with a smile. You can never be too happy in this life..."

I stopped singing when tears started pooling his eyes. He immediately blinked and bit his lower lip. Pumikit siya na parang hirap na hirap bago muling tumingin sa akin.

"Bakit? Pangit ba ang boses ko?" nangingiting tanong ko sa kanya.

He held my hand tightly. Sa titig niya ay para akong natutunaw. It's just too intense... too heavy... too passionate.

"I love you..." he uttered. "I love you... so much."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro