
Chapter 18
My father didn't completely abandon me. Nang malaman nyang pinalayas ako ni Mama ay nagbayad sya ng isang daang libo sa isang apartment ng kasamahan nya sa simbahan at nag-iwan din ng malaking halaga sa bank account ko. Ang huling balita ko pa sa kanya ay tumulak na sya patungo sa Cebu kasama si Tita Gloria.
I can live here for 24 months, tama lang hanggang sa makatapos ako at makahanap ng trabaho.
It was a big scandal. Imagine, a respectable pastor and a public servant, go separate ways to pursue their sinful affairs. Regardless of that, no one asked about me. No one talked about me. It was like my name was nothing but a fossil... entirely forgotten.
I told Vina what happened. Sa kanila muna ako nanatili bago lumipat sa apartment ko ngayon. Sinamahan nya akong mag-ayos ng gamit matapos naming mamili ng mangilan-ngilang appliances noong isang linggo.
"Paano ang allowance mo?" she asked as she arranged my books on a table.
Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo bago sumagot. "I don't know... baka magtrabaho na lang muna ako."
Tumango sya sa akin at muli naming ipinagpatuloy ang paglilinis. I told her the details and as expected, she was furious about everything. Mira knows how much my mother loathes me. She knows how much I've suffered yet she tolerated what happened.
May pasok na bukas at hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. She's my friend for years and I know that it created a huge gap between us. I feel like I lost her, too.
Nag-ring ang cellphone ko at sabay kaming napatingin ni Vina roon. She gave me a nod before leaving the room. Nang tuluyan syang nawala sa paningin ko ay saka ko sinagot ang tawag.
"Hello?" I breathe.
"Pauwi na kami," he chuckled. "Nakakita ako ng kwintas na bagay sayo..."
Napangiti ako sa sinabi nya. Umupo ako sa maliit na kama at hinayaan ang sinag ng araw mula sa bintana na tumama sa aking balat.
"Pero hindi ko binili."
I groaned but after some time, I laughed. Narinig ko rin ang pagtawa nya sa kabilang linya kaya tumigil ako para pakinggan sya. Something tugged my heart. His laughs sounded so comforting.
He has no idea about what happened to my family. Matapos kasi ang bagong taon, pumunta sila sa Batangas ng pamilya nya at doon namalagi sa loob ng dalawang linggo. Kahit mahina ang signal sa private beach resort na pinuntahan nila, maya't maya pa rin ang pagtawag nya sa akin. This time, I answered all his calls, even when I'm in the midst of a breakdown. Marinig ko lang ang boses nya, parang kampante ako na may nagmamahal sa akin.
"See you tomorrow, bilog," pang-aasar nya.
"Troy!"
He chuckled. "Oo na, baby na, nagagalit agad!"
"Just call me by my name!" giit ko pa kahit dahan-dahang sumisilay ang ngiti sa labi ko.
The calls are always like that. Brief but enough to calm me. Hinaplos ko ang palapulsuhan ko at nakita ang tatlong sugat na ginawa ko. They're still fresh and painful.
I sighed and brought my wrist to my lips. I kissed it gently and whispered my apology.
I continued doing my chores only to realize that from this day on, I'll have to live alone. Hindi ko pa alam kung paano ang allowance ko araw-araw pero ang tanging pumapasok sa isip ko ay ang pagiging student assistant sa guidance office.
Narinig ko naman sa ilan na tuwing vacant lang ang pagpasok doon. Mabuti nga at ngayong paparating na sem ay hindi kami full units kaya magkakaroon ako ng oras na magtrabaho roon. The salary is enough for me to eat and live.
"Try ko kayang magtrabaho sa guidance office?" I asked Vina.
"Pero mahirap pumasok do'n," she uttered.
Sumandal ako sa isang sofa na naroon na rin pagdating namin. Katatapos lang namin maglinis at kumain kaya may oras na kami para makapagpahinga.
"Kaya nga, eh. Sigurado pang hindi ako tatanggapin dahil alam sa registrar na kapitana si Mama."
"Magpatulong ka kay Troy, mabilis 'yon," she chuckled.
Umiling ako. Ni hindi nya nga alam ang nangyayari sa akin tapos aabalahin ko pa sya? He doesn't even know my feelings yet. Ang alam nya lang ay hindi ko sya gusto o kung gusto ko man sya ay bilang kasama lang. I like seeing him trying his best to win me... kaya itinatago ko ang nararamdaman ko.
"Matatapos na ang training natin sa red cross, pwede ka rin doon mag-work kapag weekends."
Napangiti ako sa suhestyon ni Vina. She's right. I can work there as a part timer.
Nang mag gabi at naiwan na ulit akong mag-isa sa apartment ay pagod akong ngumiti. Ibang-iba ito sa kinakalakihan ko. But I know, little by little, I will love it here. I can take care of my solitude and peace.
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil bukod sa hindi pa ako sanay, inasikaso ko ang mga papel na dapat ipasa sa guidance office kung gugustuhin kong magtrabaho roon. Pupungay-pungay tuloy ang mata ko habang naglalakad papunta sa office. I'm so sleepy and tired!
Napatuwid na lang ako ng tayo nang makita si Troy na nakikipagtawanan kina Calix at Calvin. Nasa isa sa mga gazebo sila at madadaanan ko ang mga ito sa gilid ko. None of them noticed me at hindi na rin ako nag-abalang tawagin pa si Troy. Isa pa, nakakahiya! He's with his friends!
"Tagal mo nang nanliligaw, hindi ka gusto n'yan!" narinig kong pang-aasar ni Calvin sa kanya.
Even from my distance, I heard Troy's low chuckles. "Hindi nga ako gusto non..."
Napakunot ang noo ko at bahagyang sumulyap sa mukha nya. Hindi nya pa rin ako nakikita kaya malaya kong pinasadahan ang itsura nya. He's smiling but I can sense sadness in his eyes.
"Ho! Inom na!"
Nangingiting umiling si Troy. "Tinamaan talaga ako sa bilog na 'yon, ah? Delikado ako rito."
Namula ang pisngi ko. Napansin ko rin ang pagbagal ng lakad ko dahil sa pakikinig sa usapan nila. They're talking about me! At talagang code name na talaga nya sa akin 'yon?!
Hiyang-hiya ako nang tuluyan akong makalampas sa kanila. Kahit noong nasa tapat na ako sa pintuan ng guidance office ay malakas pa rin ang pintig ng puso ko. Kuhang-kuha na ako ni Troy. I don't think I can swim my way up.
Matapos mag-submit ng application ay dumiretro na rin agad ako sa room. I was ready to see Mira. Sana ay makapag-usap kami nang maayos ngayon.
Habang umaakyat patungo sa roon ay naramdaman ko ang pagvi-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng uniform ko. I smiled almost instantly when I saw that Troy has sent me a message.
Troy:
hay nako kailan kaya magsisimula ang araw ko na may good morning text mula sa crush ko? #gm #bilog
I stopped walking. Bahagya akong napatawa sa message nya kaya nagtipa ako ng reply.
Me:
Good morning. Busy ka? Sabay tayong mag-lunch mamaya?
Naramdaman ko sa tabi ko si Vina kaya nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa room. Magulo na agad ang mga kaklase ko at kanya-kanya agad ng kwentuhan tungkol sa Christmas break.
I don't know if they heard about what happened to my family because no one dared to ask me. Kalat ang balita sa buong Cordon dahil kilala naman sina Mama at Papa. Still, parang walang nangyari... bagay na ikinatuwa ko.
Umilaw ang cellphone ko at nakitang nag-reply na ang lalaki.
Troy:
niyayaya mo ba ako ng date?
I smiled as I typed a reply. He's provoking me!
Me:
Friendly date.
Nagsimula ang klase namin nang hindi pumasok si Mira. I was expecting to see her but she really didn't appear. Tuluyang nadurog ang puso ko nang pumasok si Sir Will sa room namin.
"Nag-transfer sa SEU si Ms. Moreno," he stated.
SEU... the school where my sister graduated. My heart ached. My mother is supporting her, bagay na kailanman ay hindi nya ginawa para sa akin.
I felt Vina's hand on my shoulder. She tapped it before resting her head on it. My heart throbs even more. I hope that Vina won't hurt me the way Mira inflicted pain in me.
"Pupunta akong engineering department," paalam ko sa kanya nang lunch time na.
She nodded. "Kay Troy? Taray, improving!"
Natatawang umiling ako sa kanya bago kunin ang gamit ko. One thing about Vina, she doesn't treat me like I needed help. Kahit alam nya ang pinagdadaanan ko, kahit isang beses ay hindi ko nabasa ang awa sa mukha nya. Pero kahit na ganoon, lagi nya akong tinutulungan. Lagi nyang ipinararamdam na kasama ko sya.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng room ay tinawag na ako ni Anne mula sa pinto.
"May nag-aantay sayo, Chin!"
I chuckled. Naunahan pa rin ako ni Troy, ah? Mabilis ang ginawa kong pagkilos at namataan ko nga agad ang lalaki. He's in his uniform and he immediately welcomed me with a warm smile on his lips.
Mahigit isang buwan kaming hindi nagkita at ngayong nakatingin kami sa isa't isa ay nag-iinit ang puso ko. Bigla ay parang gusto kong umiyak sa kanya. Gusto kong magsumbong. Gusto kong magpayakap.
He walked towards me as I fought the urge to run to him and cry. I know I saw him earlier but seeing him this close makes me want to shiver in happiness. Isang tingin lang sa kanya, parang ayos na ako. Parang kaya ko na ulit.
And he thinks I don't like him. He thinks I'm gonna hurt him. He saved me... a countless of times already. Alam kong dapat ko nang sabihin ang nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay hindi pa oras. I'm broken. I'm afraid he'll get wounded by my sharp edges.
"Makatingin ka naman, parang mahal mo 'ko..." he said softly.
I snorted and breathe to bring my heart back to its normal pace. Hinawakan ko ang suot kong sweater bago mas lalong lumapit sa kanya. Bahagya syang nagulat sa paglapit ko.
"What if I do?" I whispered.
Nagsalubong ang kilay nya at bahagyang lumayo sa akin. His ears were red. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya pero pinipilit nya ang sarili na sumimangot.
"I love you, too..."
Namula ang pisngi ko sa sinabi nya at agad na napalayo.
"As a friend," he immediately added.
I chuckled. "Halika na nga! Kung ano-ano pang sinasabi mo."
Tumabi sya sa akin at nagsimula na kaming maglakad palabas ng building. Some were looking at us. Hindi na nasanay sa amin.
"Hindi mo tanggap? Gusto mo more than friends?" tanong ni Troy, hindi pa rin bumibitaw sa asaran namin. "At saka bakit ka ba naka-sweater? Hindi ka ba naiinitan?"
"Gusto ko lang. Masama?" I fired.
Truth is, I'm hiding my cuts. Baka kapag may nakakita ay matawag pa akong attention-seeker. Isa pa, ayokong kaawaan nila ako. I'll just wait til it fades.
Sa canteen lang kami pumunta kaya marami na namang mata ang nakatuon sa amin. I wasn't able to see his friends, na kadalasan ay kasama nya kapag lunch break. He ordered food for the two of us before settling himself in front of me.
"Kumusta ang pagre-review mo?" I asked.
Napanguso sya. "Ako muna sana ang kinumusta mo."
Naiiling na napatawa ako sa kanya. Nai-imagine ko kapag naging kasintahan ko na sya. Siguro, kahit sa mga panahong napakalungkot ko, mapapasaya nya ako. Kahit ngayon o noong mga nagdaang araw, wala syang ibang ginawa kung hindi kausapin ako kahit na malayo sya sa akin. Sana kapag naging handa na akong mahalin sya nang buo, nariyan pa rin sya.
"Oh, sige, kumusta ka?"
He looked at me, eye to eye, before biting his lower lip. "Hindi ako ayos... isang buwan tayong hindi nagkita... tapos parang ang laki agad ng pinagbago mo."
My eyes widened. "Ha? Ano namang pinagbago ko?"
"Okay ka lang?"
Kung hindi lang ako nakaupo ay baka nanlambot na ako nang tuluyan sa tinig na ginamit nya. Matagal ang ginawa nyang pagtitig sa akin na parang binabasa ang mukha ko.
"B-bakit naman ako hindi magiging okay?" I chuckled nervously.
He smiled but I saw worry passed through his eyes. "Baka dahil miss mo ako?"
I gave him a disgusted look... kahit ang totoo ay na-miss ko nga sya. We continued talking. Madalas ay kwento nya lang tungkol sa bakasyon nila sa Batangas. He seems fascinated with the ocean. He likes surfing and other water activities. Kahit daw inis na inis na sya kay Ma'am Victoria, makita nya lang ang dagat, parang ayos na sya.
"Ah!" he suddenly said. "May pasalubong pala ako sayo!"
Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha sya sa bag ng isang balot ng whatta tops. Malaki ang ngisi sa akin at ang mga mata ay nanunudyo.
"Troy!" reklamo ko.
He laughed before getting another stuff inside his bag. This time, naglabas sya ng isang parihabang kahon at ipinatong iyon sa mesa. Binuksan nya iyon at agad na bumungad sa akin ang isang silver necklace. Ang pendant nito ay letrang T kaya napangiti ako. Ito ba 'yung sinasabi nyang bagay sa akin?
Akmang kukunin ko na ito nang muli nyang isara ang kahon.
"Pwede mo lang 'yang isuot kapag sasagutin mo na ako," nanliliit ang matang sabi nya sa akin.
I sighed. "Osya, sige, akin na," I said.
Nakita ko ang panlalaki ng mata nya. "Totoo?!"
"Oo..." I trailed off. "'Yung whatta tops."
Inihatid nya ako sa room na badtrip na badtrip sa akin. Ako naman ay natatawa lang dahil nakanguso talaga sya na parang bata. For an hour, I forgot the sadness and hatred I felt. He's like a breathe of fresh air and I can't believe I'm slowly getting addicted to it.
I was okay. Kahit noong matapos ang klase at nagpaplano na akong umuwi ay magaan na ang pakiramdam ko.
Itinext ko si Troy na huwag na akong ihatid dahil ayoko munang malaman nya na hindi na ako sa bahay namin nakatira. He agreed. Ang sabi nya ay mag-aaral din daw sila kina Duke at baka gabihin sa pag-uwi.
Ayos na, eh. I thought I could survive this day.
Not until I saw Mama and Mira in the guidance office. Plano ko lang namang i-check ang process ng application ko pero ngayong nasa gilid nila ako ay hindi ko maiwasang madurog.
"Sige na, ang sabi ng registrar ay dito ko makukuha ang ibang requirements ng anak ko para makapag-transfer!"
I was taken aback. She never called me that way. She didn't even accompany me to school.
"Tita... ayos lang," malumanay na saad ni Mira kay Mama.
"No. You shouldn't be in this school, Almira. Ang tagal ko nang gustong gawin 'to para sa pamilya nyo. Let me, okay?"
I hold onto my bag tightly, trying to grasp some strength from it. Mira is just beside her... wearing my goddamn shirt.
I looked away and turned my back. So much for wanting an explanation from Mira... she clearly enjoys my life... while I suffer.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro