Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


I didn't know how I managed to go home. The revelation is too much for me to digest. It's true that his popularity boosted not only because of his physical features but also because he's the campus director's son.

Imbes na ang pagkaisipin ko ay ang nangyaring defense, mas tumambay ang utak ko sa itsura ni Troy kanina. He's almost pleading me to believe him!

"Nasaan ang Mama mo, Chin?"

Naagaw ni Papa ang atensyon ko. Mula sa binabasang libro ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ko alam, Pa. Kauuwi ko lang."

Kumunot ang noo nya bago sumandal sa sofa. I watched him as he squinted his eyes on the bible. Matapos iyon ay wala sa sariling tumayo sya at umakyat sa kwarto. Muli kong binalik ang mata sa binabasa pero kahit anong gawin ko ay lumilipad ang utak ko papunta kay Troy.

What if he's just lying?

But... it's not something to be taken lightly! Hindi naman siguro?

I groaned and rested my head on the sofa. If Iris is his cousin, bakit parang may gusto sa kanya ang babae? Nahihibang na ba sya?! Incest?! Really?

I let myself drown in my thoughts all night kaya kinabukasan ay pupungay-pungay ang mata ko habang bumababa ng hagdan.

Umaga pa lang ay masama na ang timpla ni Papa dahil hindi raw umuwi si Mama kaya kahit hindi ko gustuhin ay para akong nagising. This is her first time!

"Na-contact mo ba, Pa?"

Tumango sya. "Oo, pauwi na raw. Hindi manlang inisip na may mag-aalala sa kanya rito sa bahay!"

Nakahinga ako nang maluwag. At least, she's safe.

Dahil tapos na ang research defense, final exam na lang ang aasikasuhin namin at Christmas break na. Hindi ko alam kung anong plano ng pamilya ko sa pasko gayong wala si Ate Heather na laging nagyaya sa South Luzon.

I went to school earlier than expected. Mag-isa pa lang ako sa room at nang madaanan ko ang silya ni Irina ay bahagya akong naawa sa babae. She has a bad attitude hut no one deserves to be sick. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero siguradong bagsak na sya sa experimental psychology.

"Achi!"

Napakunot ako ng noo sa tumawag sa akin. Tanging mga kaibigan ko lang nung highschool ang tumatawag sa akin noon! Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang nakasilip sa pintuan ng room si Joaquin.

"Bakit?" I asked when I go near him.

Umayos sya ng tayo at ngumiti sa akin. "'Yung year end party next week, ha? Pwedeng mag-invite. Mas marami, mas okay."

"Akala ko batch lang natin?" I pouted.

"Hayaan mo na para malaking party!" he giggled.

Tumitig ako sa kanya at napaisip. Ghad, ex-boyfriend ko ba talaga 'to? Ni hindi na nahiyang humagikgik sa harap ko samantalang noong kami pa, akala mo sobrang hinhin!

Nagulat ako nang pitikin nya ang noo ko. "I know what you're thinking, Achi. Sama ng ugali mo!" nakabusangot na saad nya.

Napatawa na lang ako sa kanya. Sumandal ako hamba ng pintuan at pinagkrus ang braso. Sa pagkakatanda ko ay anim na buwan lang din naman kami. We've decided to became just friends after that. None of our batchmates believe it, though.

"'Yun lang ba ang ipinunta mo? Pwede mo namang i-chat na lang, Wax."

He grinned. "Ayoko, baka pahabain mo pa ang convo natin kapag iminessage kita."

I gave him a disgusted look. "Ako pa talaga ang bubuhay sa convo? Ikaw 'tong react nang react sa story ko!"

"Oh, bakit umaasa ka?" he laughed.

Malakas ko syang pinalo sa balikat at sinamaan ng tingin. The audacity! I saw his shoulders shaking because of his heartily laugh kaya napatawa na rin ako. If there's one thing I liked about him, it's his contagious laughs. Kahit noong highschool, madalas nya akong patawanin kapag may problema ako sa bahay. I really found a friend in him.

I was dumbfounded when Troy stood on his back, towering him. His brows were furrowed and his lips are in a grim line. Parang kaunting kulbit pa sa kanya ay magiging bayolente sya. Walang ideya si Joaquin ngunit sa nakitang reaksyon sa akin ay agad syang tumingin sa likod nya.

"Can I talk to Chin?" malalim ang boses na tanong nya kay Joaquin.

"Sure, bro," he replied before returning his gaze on me. "Una na ako, Achi! 'Yung sinabi ko, ha?"

I nodded and watched him as he makes his way to the hallway. Nang tumikhim si Troy ay saka lang ako bumaling sa kanya.

"Bro..." he slightly snorted.

Kumunot ang noo ko at tinapatan ang naiinis nyang mukha. Ang aga aga, galit agad! Wala naman akong ginagawa!

"Anong kailangan mo?" mataray kong tanong, pinipigilan ang sarili na maawa sa kanya dahil sa naalalang rebelasyon kahapon.

"Bakit Achi ang tawag sayo non?" out-of-context nyang tanong.

My brows shot up. "That's Joaquin. He has a name, Troy."

"Troy din naman ang pangalan ko pero tinawag nya akong bro. Bakit hindi mo pinagalitan?" pagrarason nya na parang bata.

Napatanga ako nang ilang sandali sa kanya. Is he being serious?!

"Just tell me why you're here... dami mong sinasabi."

He pursed his lips at lalong lumalim ang gitla sa noo nya. Tinagilid nya nang bahagya ang ulo at kinagat ang labi. May kataasan na ang tirik ng araw kaya ang sinag ay tumatama sa pigura nya. He's looking intensely at me while he's posing sexily as if he's a model fresh from an adult magazine.

I gulped and looked away. Tangina, Chin, hindi dahil gwapo sya ay matutunaw ka na! You shouldn't trust him again! Test him! Wag kang mahulog agad, deputa ka!

"Tatawagin din kitang Achi," he informed me.

I scoffed but I didn't look back at him. Not when he's as perfect as the morning! Baka kung ano pang maramdaman kong hindi tama! For Pete's sake, kaaayos lang namin!

"Only my highschool friends can call me that, Troy."

Sa gulat ko ay iniharang nito ang katawan sa tinitingnan ko kaya napilitan akong iangat ang mata sa kanya. My glaring eyes immediately met his brooding ones.

"Bakit ganyan ka makatingin?!" nanlilisik ang matang tanong ko.

Pumikit sya nang mariin at ilang segundo lang ay nagmulat na ulit sya. This time,
his eyes were light and calm. I fought the urge to laugh. Ang bilis non, ah?

"Mas nakakatakot ka kay Sol," nangingiting saad nya. Hindi nya pinansin ang mas nanggagalaiti kong tingin dahil lumaki ang ngisi nya. "Ano palang itatawag ko sayo?"

"Anong itatawag mo sa akin?" ulit ko sa tanong nya. I don't get him.

He slightly pouted. "Gusto ko ng... c-call sign."

Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi nya. Call sign?! Ano 'to? 2012?! Kita ko ang lalong pag-nguso nya dahil sa tawa ko. I cleared my throat. Alam kong may bakas pa rin ng ngiti sa mukha ko dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa. Call sign daw, eh.

"Anong gusto mo? Yhats? Fudgee bar ko? Whatta tops? Choco lahat?" tawang-tawang tanong ko.

"Wag mo akong tawanan, bilog."

Napatigil ako sa pagtawa sa itinawag nya sa akin. Ngayon, sya ang naaaliw! I'm always calm pero tangina nito, ah?! No one called me bilog before!

"What did you just say?!"

He shrugged. "I spit spicy words, Chin."

I crossed my arms, challenging him. "Sample nga," mataray na tanong ko.

Sa oras na ulitin nya ang pang-aasar sa akin ay hindi ko pipigilan ang sariling bombahin sya!

He stared at me longer than usual and smiled.

"Ganda mo."

"Ho! Ho! Tama na ang landian, napakaaga!" sigaw ni Vina bago pa man ako makapag-react.

My face is getting hotter and for the first time in my life, I thanked Vina's tackless mouth. Tumabi sya sa akin at tiningnan din si Troy kaya dalawa na kaming nakaharang sa daan.

"Anong kailangan mo sa kaibigan ko, Mr. Dela Paz?" she fired.

"Uh... gusto ko lang ibigay 'to," he handed me a tupperware of brownies and cookies. "Pinaluto ko kay Sol... sabi ko para kay Chin."

Naramdaman ko ang mahinang pagkurot ni Vina sa braso ko pero hindi ko sya nagawang tingnan. Lumunok na lang ako nang ilang beses bago tanggapin ang nakalahad na tupperware.

"Oh, tatanggapin mo?!"

Napalingon ako sa kanya. "Hindi ba dapat?" I whispered.

"Tanga ka, baka sugurin ka ni Iris. Wag ka nang gumawa ng gulo," paalala nya sa akin bago sumulyap sa tupperware. "Pero... parang masarap, no? Sige, kunin mo na. Ako na ang bahala kay Iris."

I bit my lower lip to suppress a laugh. Napa-buntong hininga si Troy nang tuluyan kong tanggapin ko ang ibinigay nya.

"Pasabi kay Sol, salamat."

He nodded. "Sige, papasok na rin ako. Itetext na lang kita, Chin." Ngumiti rin sya kay Vina bago tuluyang umalis.

Namumula ang pisngi ko nang pumasok kami sa room. Putak nang putak si Vina sa tabi ko pero nakatulala lang ako habang paulit-ulit na naaalala ang sinabi ni Troy. Maganda ako?! I mean, I know, right? Bakit ba ako affected?

Our class went on normally. Bukod sa maya't mayang pagte-text ni Troy na bihira kong replyan, wala namang nangyari sa araw na 'yon. Mira is unusually tensed. Kahit noong mag-uwian kami ay tahimik lang syang sumusunod. Vina noticed it too but we didn't ask her. Alam kong magsasabi rin 'to. We know each other for years.

Ngunit lumipas ang mga araw ay hindi pa rin sya nagsasabi. Kahit madalas namin syang kasama, parang nakatingin lang sya sa malayo at nag-iisip. Ni hindi ko nga alam kung paanong ayos lang sa kanya na bagsak ang resulta ng final exams nya dahil aminado syang hindi nag-review. I'm getting worried. She isn't her usual self.

Last day bago ang Christmas break, I talked to her.

"Ayos ka lang?"

She nodded, like it's a rehearsed reflex. "Kailan nga ulit 'yung party?"

I sighed. She's diverting the topic and I don't have the heart to ask her things she's not comfortable with.

"Sa Linggo. Sasama ka?"

Tumango lang sya at maliit na ngumiti. Kung normal na araw ay nabatukan ko na ito pero dahil mukhang may pinoproblema,  hinayaan ko na lang sya. Nang lumapit si Vina sa pwesto namin ay saka ako tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong nya. "Kararating ko lang! Bakit mo ako iniiwasan? Crush mo ba ako?!"

"Gago, kadiri ka," I laughed. "Tinext ako ni Troy. Sa KFC daw kami."

"Ayun, rumupok din agad. Mahina ka, Chin!"

I chuckled. Okay po, edi mahina.

Nang makarating sa KFC ay agad din namang umorder si Troy. Kanina pa sya nagkukwento sa akin tungkol sa biglaang quiz nila kanina kahit last day na. Wala raw tuloy syang score!

"Nakakainis nga, si Duke, wala rin namang review pero perfect!" busangot ang mukhang kwento nya habang kumakain kami.

Parang walang nangyaring Iris sa aming dalawa. Hindi ko na ulit sya tinanong tungkol sa pamilya nya kaya ang salita nya lang ang pinanghahawakan ko ngayon. I feel like it's enough... kahit pa hindi pa rin ako sobrang kampante.

Alam kong kaunting tulak na lang sa akin ay mahuhulog na ako sa lalaki dahil kahit naman noong nalaman ko ang issue sa kanila ni Iris noon, umaasa pa rin ako! But this time, I wouldn't show him my real feelings kaya lagi ko rin syang tinatayaran. It's my defense mechanism, I guess.

"Mag-advance reading ka kasi," pangaral ko sa kanya.

He shook his head. "Back read lang sa convo natin ang kaya ko."

Yumuko ako at itinuon ang pansin sa manok. Jusko, huwag kang tatawa, Chin! Baka akalain nya ay masaya kang kasama sya!

"Kaya ka bumabagsak, eh. Deserve mo."

He squinted his eyes on me. "Pinipilit mo ba akong mag-aral, Chin?"

I grinned as I look at him. "Oo."

"Magdadate tayo o mag-aaral ako? Mamili ka," tanong nya.

"Alam mo..." I trailed off. "Ang ideal ng mga lalaking nags-strive para maabot ang pangarap nila," ngumisi ako dahil sa pang-aasar.

Binasa nya ang pang-ibabang labi. "Kaya nga kita nililigawan, eh. Anong strive pa ba, Chin?"

"That's not what I mean!" kunot noong pahayag ko.

"Gustong-gusto ko nang pormal na magpakilala sa mga magulang mo bilang manliligaw mo..." he whispered. "Para isang iyakan na lang."

"Punta ka sa Linggo," I said.

Nanlalaki ang mata nyang tumingin sa akin.

"Totoo?!"

I smiled. "Oo, wala kami sa bahay non, eh."

Sinamaan nya ako ng tingin kaya napatawa ako. I'm kidding, come on! Matagal na rin naman kaming magkakilala at tingin ko ay pwede na rin syang ipakilala kina Mama... isa pa ay nakasama naman na nila ito sa simbahan.

Sumeryoso ako. "Pumunta ka. Sasabihan ko na rin sila."

His eyes glistened in joy.

"Pero... may party ka non, diba?" he asked.

I nodded. "Kaya magdala ka ng damit kung gusto mong sumama."

"Ah ah, Chin!" he said, almost helplessly.

"Ano?!"

"May mga kaibigan ka roon tapos isasama mo ako?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Ano naman?"

Umiling sya, may malaking ngiti sa labi. "Mukhang mapapa-shopping ako, ah?"

Inihatid nya ulit ako hanggang sa labas ng bahay namin nang matapos kaming kumain. Kanina ko pa napapansin ang pamumula ng tenga at leeg nya. Hindi rin nabubura ang ngiti sa mukha. Kaunti na lang ay aakalain ko nang nasisiraan sya ng bait. Is he that happy?

"Bakit ka nakatingin? Mahal mo na ba ako?"

Halos masamid ako sa tanong nya. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit seryoso lang ang mukha nyang nakatitig sa akin.

"Aantayin ko lang maging akin ka, Chin. Patay ka talaga sa akin."

Oh.

Exciting.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro