Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Chin, nasa labas ulit si Troy." Mira informed me.

Isinandal ko ang ulo sa pader at tumitig kay Irina na tumigil sa pagta-type sa laptop nya para tingnan ni Mira. Kumunot ang noo ko at inagaw sa kanya ang laptop para ipagpatuloy ang chapter 5 ng research namin.

"Huy, anong sasabihin ko?" Mira bothered me again.

Napairap ako. "Baka si Iris ang inaantay nyan, Mira. Hayaan mo sya, busy ako." Tuloy-tuloy kong saad.

She groaned. "Ako ang namomroblema sa lovelife mo!"

Paalis na sya sa harap ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Vina sa labas.

"Bawal ang pangit dito sa tapat ng room namin! Kahit anak pa ng kung sino, basta pangit, bawal!" pagpaparinig nya kay Troy.

Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang paggawa ng research. I don't know why people assume that he's here for me. Naging klaro naman na ang huling pag-uusap namin noong nakaraang buwan kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagpupunta pa rin ito sa building namin.

Of course it's for Iris, Chin.

"Uh... hindi mo ba lalabasin si Troy?" tanong ni Irina sa akin.

I threw a glance at her. "Bakit? Ako ba ang ipinunta nya?"

She pursed her lips and gulped. Mukhang may sasabihin sya pero hindi nya naman itinuloy kaya hinayaan ko na lang. Kaunting pagtitiis na lang at hindi ko na sya kailangang kausapin araw-araw!

Pumasok sa room si Vina na nakabusangot bago tumabi sa akin. Hindi ko alam kung tapos na ang research nila ni Mira dahil parang wala silang ginagawa.

"Ayokong kakausapin mo 'yon, Chin. Huwag mong kalilimutan ang ginawa nya sa Booze," paalala nito sa akin.

I let out a faint smile. I know.

Umayos ako ng upo at tiningnan sya. "Tapos na ba kayo sa research nyo?"

"Proofreading na lang," she shrugged her shoulders and leaned against the chair.

After a while, dumating din naman si Sir Will at nagsimula na ang normal na discussion. He reminded us our upcoming defense which makes me nervous. Natatakot ako na baka hindi umayos si Irina.

Lumabas kami ng room noong lunch na. Wala akong dalang pagkain kaya kailangan ko pang pumunta sa canteen hindi gaya nina Mira at Vina. Kasama ko naman ang ibang kaklase kaya ayos lang.

"Si Ma'am Victoria ang isa sa panel natin sa defense, ah?" Mich uttered.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. "Totoo?!"

"Yup. Kaya nga aral na aral kami ni Daniel."

Mas lalo akong kinabahan sa narinig. I hope Irina won't screw things up! Confident naman ako sa research namin pero natatakot pa rin talaga ako na baka gisahin kami!

Nasa hagdan kami nang makita ko sa dulo si Troy na nakasandal sa railings kasama ang mga kaibigan sa ibang kurso. Mabilis na nagtama ang mata namin kaya umayos sya ng tayo. He was laughing with his friends earlier but when he saw us, he sported his serious looking face.

I looked away and ignored him. Balik sya sa dating gawi. Lagi syang nasa department namin at hindi gaya noon, hindi ko na talaga sya pinapansin. Hindi na rin naman kami inaasar dahil wala nang pasaring ang lalaki sa twitter. Isa pa, bali-balita ring sila ni Iris kaya nawalan na ako ng gana.

"Kung hindi lang sila ni Iris, iisipin kong ikaw pa rin ang ipinupunta nyan sa department natin," Mich stated but I failed to react.

Nang maka-order ay mag-isa na lang akong bumalik sa building namin dahil sa canteen kakain ang mga kasama ko.

I muttered a curse when I noticed that Troy was still there. This time, he's alone. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga kasama nya o kung bakit hindi pa sya naglulunch pero hindi ko na concern iyon.

I was about to walk past him when he came near me. He immediately towered over me, and I had to fight the urge to scowl at him. 

"Excuse me," I said, sounding as calmly as possible.

Tumingin ako sa kanya at nasalubong ko ang mata nya. There's no trace of humor in his face. The cold breeze of December sent shivers down my spine.

"Kumusta?" he asked nervously.

I shifted my weight and slightly tilted my head. Sinigurado ko rin na mukha akong tinatamad makipag-usap sa kanya. Mangungumusta sa gitna ng daan? Ni hindi pa ako kumakain!

"Okay lang ako, Troy."

He nodded and gave me a half-hearted smile. Nilampasan ko rin sya matapos iyon at tahimik na kumain sa room. Hindi ko na sinabi kina Vina ang nangyari dahil baka mag-alburoto lang ito lalo at malaki ang inis nya sa lalaki.

Natawa na lang sya nang sabihin ko sa kanya ang rason ni Troy na pinsan nya si Iris. She traced their family's roots and they aren't related in any way! Talagang inakala nya lang na maniniwala ako!

"Ganda ng bagong relo, Mira!" pansin ni Vina sa babae.

I took a glimpse at her watch and my jaw dropped when I saw that it's rolex! Palihim nya itong itinago sa amin bago ngumiti.

"Regalo ni Tatay," she stated.

Lumaki ang ngiti ko sa kanya. I'm glad that they are kind of moving forward. Saksi naman kasi ako sa paghihirap ng pamilya nila. After everything they've been through, deserve nila ang magandang buhay.

Bago mag-uwian ay nakita ko ulit si Troy sa labas ng department namin. He's with Sol, Duke and Mitzie at mukhang may lakad ang mga ito. He's smiling with them and I have to avert my gaze because my heart isn't reacting well with his bright beam.

Ganoon ulit ang nangyari sa mga sumunod na araw. Palagi naming naantabayanan si Troy sa labas ng department namin. Minsan ay nakikita ko itong nagre-review pero imbes na sa library ay sa mesa sa labas ng room namin! Nasaulo ko na ang routine nya. Hindi sya pumupunta kapag Miyerkules at Biyernes pero sa mga natirang araw, halos buong hapon syang nakatambay doon.

I never once saw him with Iris. Kahit pa kumakalat na magkasintahan sila, hindi ko nakikitang nilalapitan sya ng babae. Inactive na rin sya sa twitter. His last tweet was dated from over a month and a half ago.

"Oh, liptint, namumutla ka," ani Mira.

She handed me a peripera tint na maluwag ko namang tinanggap.

"Bago 'to?" tanong ko habang naglalagay nang kaunti sa labi ko.

Tumango sya bago naglakad patungo kay Vina. Nakita kong nag-usap sila at nag-practice para sa defense.

Maya't maya ang tingin ko sa pintuan ng room dahil wala pa rin si Irina. Isang oras na lang ay magsisimula na ang defense at nakabihis na lahat ng kaklase ko! Kami ang pangalawa sa magpe-present kaya dapat ay narito na sya!

Hindi ko na bilang kung ilang beses ko syang pinadalhan ng text. Nakailang tawag na rin ako pero hindi sya sumasagot. My heart is beating loudly against my chest each passing second. Ako na lang ang walang ka-partner.

"Chin, ano? Wala pa rin?!" tanong ni Vina, labing limang minuto bago magsimula.

I gulped and shook my head nervously. Nag-aayos na ang unang magpe-present sa kabilang room. Kumpleto na rin ang panels kaya kaunti na lang ay maiiyak na ako.

I lose my hope when the first pair finished and Irina didn't show up. Lumabas ako nang mag-isa, bitbit ang laptop at kinakabahang isinet-up ang projector.

Nag-angat ako ng tingin sa mga panel at ang mata ni Ma'am Victoria ang sumalubong sa akin.

"Where's your partner?" she asked.

I put my hands on my side and stood properly before answering her.

"I can't contact her po, Ma'am."

Kumunot ang noo nya at bumaling sa ibang panel din. Kahit nakasuot ako ng coat ay ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko. Damn, I'm really agitated!

"Aren't you going to wait for her?" tanong naman ni Sir George.

I gulped. "Is it okay po? I mean... we're next on the list."

"Of course, hija. However, you should present today. If not, wala kayong magiging grade... to think na rito yata kukunin ang 50% ng requirements nyo, tama?"

I nodded, still nervous as wreck.

"What if my partner doesn't show up po?" Ipinatong ko ang kamay sa mesa para suportahan ang sarili.

Ma'am Victoria crossed her arms as her eyebrows shot up. "Then, you will fail this subject, Ms. Valencia. You're partners. You're responsible for each other."

I swallowed hard before nodding. My hands were shaking because of too much tension. I can't retake this subject just because my partner is being irresponsible!

Nangangatal pa rin ako nang palabasin nila ako. Sumalang na ang susunod na magkapares at natulala na lang ako sa labas ng room namin. I sit on a chair in front of a huge table and take all my feelings in. I want to cry. Isang sem kong pinaghirapan ang research na 'to. I can't afford having a failing grade. I'm a consistent dean's lister and I can't imagine my mother's reaction once she finds out!

Two hours passed. Alam ko nang hindi pupunta si Irina at mahigit kalahati na sa mga kaklase ko ang tapos mag-present. Ngayon ay sina Mira at Vina ang nakasalang. I didn't bother going inside our room. Ayokong makarinig ng research-related ngayon. I tried talking to Sir Will but he said it's not his decision to make.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko. Takot na takot akong bumagsak! Ako lang ang babagsak sa amin!

Nakayuko ako nang maramdamang may umupo sa tapat ko. Mabilis kong pinalis ang luha sa pisngi ko at nag-angat ng tingin.

My heart beats faster when I saw Troy. His eyes were reading me intensely. Miyerkules ngayon at wala dapat sya rito! Nag-iwas ako ng tingin bago kinagat nang madiin ang labi ko.

"May problema ba?" mahinang tanong nya sa akin.

Umiling agad ako kahit alam kong nakita nya ang pag-iyak ko. Mahigpit ang kapit ko sa kamay ko dahil sa halo-halong emosyon. I want to cry! Hapon na at hindi pa ako nakakapag-present.

"Chin, tell me," he pleaded.

I shook my head again. "Ayos lang ako."

He sighed. "Hindi ba naging maayos ang defense nyo? It's okay... I'm sure makakabawi ka," pag-aalo pa nya sa akin.

Hindi ako sumagot. Pinanatili ko ang mata sa mga dumadaang estudyante na minsan ay napapatingin din sa amin.

"Have you eaten? You like KFC, right? Ibibili kita. Gusto mo ba?" sunod-sunod na tanong nya.

Doon ako napatingin sa kanya. Nagulat pa sya sa pagtatama ng mata namin kaya bahagya syang natigilan. His eyes looked like they wanted to comfort me.

I breathe heavily. "Wala kang dapat gawin, Troy... mabuti pa ay puntahan mo na ang dinayo mo talaga rito... I can't talk to you right now. Hmm?" malumanay kong saad dahil lokohin ko man ang sarili ko o hindi, I appreciate him. I appreciate that he's trying his best to make me feel better.

"Kaya nga ako nandito, Chin. I'm here for you..." he replied.

"Look, Troy-"

He sighed, cutting me off. "No, Chin. Kung ipipilit mo na si Iris ang rason kung bakit ako narito, ayokong marinig 'yan."

"Ayoko ng gulo," tanging nasabi ko.

"Hindi ka nya magugulo dahil hindi ko hahayaan 'yon."

Hindi ako nakasagot dahil sa seryosong boses nya. Kumapit ako sa silyang kinauupuan ko, parang humihingi ng suporta dahil nanlalambot ako.

Bumalik ang lamlam ng mata nya habang nakatingin sa akin.

"Now, tell me... what's making you sad?"

I was hypnotized by his concern eyes and soft baritone voice. His full attention was drawn to me.

"I..." I trailed off. "I will fail, T-Troy... hindi ako pwedeng mag-present kasi wala si Irina."

He was shocked for a second. Alam nya kung gaano ka-importante ang research na 'to sa akin dahil noong mga panahon na nagkakausap kami ay sinasamahan nya pa akong magpuyat.

"Do you know where she lives?"

Malungkot na umiling ako sa kanya. I have no hope left. Kailangan ko na lang tanggapin na hindi ako makakapag-present ngayon... at malaki ang tsansa na bumagsak ako.

Tumayo si Troy kaya sinundan ng mata ko ang mukha nya.

"Si Mama ang isa sa panel nyo, diba?" he asked.

Dinaga ang dibdib ko sa tanong nya at napatayo na rin.

"Don't even think of doing something, Troy!" natatarantang saad ko.

"I can try, Chin. Makikiusap ako sa kanila. Hindi ko alam kung pagbibigyan ako... pero hindi ko kayang panoorin ka lang na ganyan kahit alam ko naman na may pwede akong gawin."

Umiling ako. "That's not fair, Troy..."

I saw him gulped but his eyes have already decided. Tumitig sya sa akin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ilang oras pa ang mayroon ka?"

"Troy!" I uttered helplessly.

"Answer me."

I closed my eyes tightly. "T-three..."

"Wag ka nang mag-alala, Chin. I will help you, okay?" malambing ang boses na saad nya.

Nakayuko akong tumango. I'm hopeless. I shouldn't let him help me. I know I shouldn't even talk to him! I ignored him for weeks tapos ay lalapit lang ako dahil kailangan ko?

Napabuntong-hininga na lang ako nang umalis sya sa harap ko. Matagal pa syang tumitig sa akin pero dahil wala na masyadong oras ay nagpaalam na sya sa akin. I don't know his plans. Alam kong hindi papayag si Ma'am na hindi ko kasama ang partner ko sa pagpe-present.

When Vina and Mira finished presenting their study, they went to me. Ramdam ko ang pagpapapasaya nila sa akin ngunit dahil nag-aalala ako ay hindi ko manlang nagawang ngumiti. They noticed it too.

"Sasabunutan ko talaga ang impaktitang 'yon!" naiinis na saad ni Vina. "Ako ang magbibigay ng grade sa P.E. at ibabagsak ko sya!"

I pursed my lips. "Ako ang unang sasampal sa kanya kapag nakita ko sya."

She grinned and rested her head on Mira's shoulders. "Hayaan mo, kapag bumagsak ka sa rito dahil sa kanya, I will not let it pass, Chin."

Tumango si Mira sa sinabi nito. "And let's face it, wala naman talaga syang naitulong. You spent days editing her shit of work!"

Another hour passed and I'm slowly losing hope. Panghuli na ang nagpe-present at kami na dapat ang susunod pero hindi talaga pwede. Napapikit na lang ako at muling umakyat ang kaba sa dibdib ko nang lumabas sina Mich at Daniel dahil tapos na silang mag-present.

"Chin, dito lang kami!" sigaw ni Vina.

Nasa tapat na ako ng pintuan. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko kaya huminga ako nang malalim.

Calmness under pressure, Chin. Breathe in. Breathe out.

I entered the room confidently. Nakataas ang noo ko at may maliit na ngiti sa labi, hindi gaya kanina na halatang kabado ako. I put my laptop on the table as slowly as possible and fixed the projector.

"Nasaan ang ka-partner mo?"

Mukhang hindi rin kinaya ni Troy ang pakikipag-usap dahil si Ma'am Victoria ang nagtanong noon. I looked at all the instructors inside the room and prayed silently.

And this time, parang malakas ako kay Lord dahil biglang pumasok si Troy. His eyes were immediately at me. Hindi ko alam kung anong mayroon pero para akong nakahanap ng pag-asa sa siguradong hakbang nya palapit sa mga panel.

"Uhm... her partner, Irina, is in the hospital."

My jaw dropped.

"Troy!" Ma'am Victoria stated, shocked.

Hindi ako nakaimik. What happened to Irina? And how the hell did he find that out?!

"Chin has to present her research, Ma'am," he said as he glanced at me.

"You have no say on this, Troy. May ka-partner dapat ang lahat ng magde-defend!" sagot ng ina nya.

Dumaan ang inis sa mata ni Troy. Binalingan nya si Ma'am at halata rin sa mukha nito na naiinis sya sa pangengealam ng anak.

"Ma'am, ang unfair naman ata para kay Chin? Hindi naman nya kasalanan na nasa hospital ang research partner nya," giit pa nito.

Lumapit ako kay Troy at bahagyang hinila ang braso nya. Nakita kong bumaba ang tingin ni Ma'am doon kaya mabilis ko rin na binawi ang kamay ko.

"O-okay lang, Troy..." I whispered.

I saw Sir George watching us closely. He squinted his eyes on Troy before reading my printed materials.

I gulped. "K-kung hindi po talaga pwede, baka naman po pwedeng makahingi ng consideration?"

Ma'am Victoria grunted. "Ngayon lang kami available, Will," pagpaparinig nya pa kay Sir.

Ramdam ko ang tingin ni Troy sa akin ngunit alam kong parehas kaming walang magagawa. Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Sir George.

"Wait," he uttered. "Her study is actually quite intriguing."

I was sure my eyes twinkled when he said that! He appreciates it!

Mabilis na binuklat ng dalawa pang panel member ang sample paper ko. Tumango-tango sila bago tumingin sa akin.

"Talaga? The color of the paper has something to do with the students' memorization? Wow!"

My heart warmed.

"Can you present it alone?" tanong ng isa pa sa kanila. "I mean, nasa ospital naman ang ka-partner mo. This must be taken in consideration."

I nodded aggressively. Napatingin ako kay Troy na nakangiti sa akin kaya nahawa ako sa ngiti nya.

"I'll help you. Ako na ang bahala sa powerpoint mo," he said.

I gave him a genuine smile. "Salamat, Troy."

"I believe in you."

Nag-init ang dalawang sulok ng mata ko sa sinabi nya. I don't know how he finds out that Irina is in the hospital but with his efforts, napayagan akong mag-present!

Dahil medyo sanay na sa reporting, mabilis kong natapos ang defense. Walang naging technical problem at maayos din ang paglilipat ni Troy ng slides. Inedit ko rin ang video na sa akin din halos naka-focus pero hindi naman nahalata ng panel members.

I let out a deep breath when they applaud. Kahit si Ma'am Victoria!

Madiin ang tingin nya sa anak pero mukha naman syang natuwa sa research ko! I glanced at Troy and he's smiling proudly at me. Kahit noong tumigil na ang iba sa pagpalakpak ay pumapalakpak pa rin ito.

"Troy!" tawag ni Ma'am Victoria sa kanya.

Lumingon ang lalaki rito. "Bakit, Ma'am?"

"Tumigil ka na kakapalakpak mo at tapos na! Para kang proud boyfriend d'yan!"

Namula ang pisngi ko habang inaayos ang laptop ko dahil sa narinig.

"Proud lang, Ma'am... hindi pa boyfriend."

Bulong lang iyon pero dahil kulong kami ay sigurado akong narinig iyon ng lahat! Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napansin ko ang pamumula ng tenga nya at pagiging malikot ng mata.

"What?" gulat na tanong ni Ma'am.

Pinandilatan ko ng mata si Troy pero ngumiti lang ang walanghiya!

"Nanliligaw pa lang po ako."

"Troy!" I shouted, hiyang-hiya sa mga nakarinig.

Narinig ko ang tawanan nila Sir George at Sir Will. Miski ang dalawa pang panel members ay malaki rin ang ngiti sa akin. Of course, they saw how heroic Troy is! Kung alam lang nito ang pagiging babaero ng lalaki, sigurado akong hindi nila ako ngingitian nang ganyan!

"Ni hindi kita pinapayagan!" mariing bulong ko sa kanya pagkalabas namin sa room.

Natanaw ko agad ang mga kaklase ko na hindi makalapit sa akin dahil nag-uusap kami ni Troy.

He sighed. "Hindi ko na kayang panoorin ka lang, Chin."

"You have a girlfriend!" I replied.

"Sinabi ko nang hindi ko sya girlfriend. Ikaw ang gusto ko... paano ako magkakaroon ng girlfriend na hindi ikaw?"

I swallowed to clear my throat. "Thankful ako sayo ngayong araw pero please, tumigil ka na. We ignored each other for almost two months. Anong point?"

"I didn't ignore you, Chin..." nanghihinang saad nya. "I was asking myself if this is worth it."

"Ano?" takang tanong ko.

"I will be sharing to you a part of me that no one knows. T-this is hard for me, too, pero... mas mahirap para sa akin na hindi kita makausap."

"I don't understand you, Troy! Just get straight to the point!" hindi napigilang sagot ko.

Yumuko sya at malungkot na umiling. "You all know me as the campus director's son... but I'm an illegitimate child, Chin."

Para akong nadurog sa sinabi nya. Napakahina noon pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat katagang binitawan nya.

"P-please, maniwala ka na walang namamagitan sa amin ni Iris. It's you that I like..."

I gasped. "W-why are you saying this to me, Troy?

He looked at me and for a moment, it's just him and me, in the middle of the hallway.

"Dahil tapos na akong tanungin ang sarili ko kung sapat ba ang nararamdaman ko para sabihin ang sikreto ng pamilya ko sayo, Chin..."

He went closer to me and whispered, "Siguro naman ngayon, alam mo na ang sagot."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro