Chapter 12
"Sembreak na!" Vina screamed at the top of her lungs. Dalawang linggong pahinga lang naman iyon pero malaking bagay na talaga para sa amin.
"Puntahan muna natin si Mira. Apat na araw nang hindi pumapasok 'yon." I suggested.
Nagte-text naman ito na aabsent sya pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo at hindi naman talaga sya pala-absent. Mas madalas pa nga si Vina na mawala kumpara rito. Sabi nya kasi ay attendance na lang ang maghihigit ng grade nya.
"Oh, akala ko ba may lakad kayo ni Troy?"
I shrugged. "I can cancel it. Para makapag-review na rin sya. Halos limang buwan na lang ay exam na nila."
"Girlfriend na girlfriend, ah?"
I jokingly rolled my eyes. Ang isang beses na paglabas dapat namin ni Troy ay naging sunod-sunod. Lunch date man ito, merienda o simpleng paghahatid nya sa akin pauwi. It's pleasing and kind of fulfilling. I don't know. Whenever I'm with him, I can be my usual self... hindi nga lang maiwasan minsan na mailang ako dahil pakiramdam ko ay minamata ako ng iba lalo at hindi naman ako ganoon kaganda.
Sya ang nanliligaw pero pakiramdam ko ay sya ang lugi.
Nag-aantay kami ngayon ni Vina ng masasakyang jeep kasama ang ibang estudyante na malalaki rin ang ngiti. Syempre, who wouldn't want a two-week-break, right? Ako lang yata ang hindi masaya dahil mabubulok na naman ako sa bahay.
"Huy, 'yung gwapong nurse!"
Lumingon ako sa itinuro ni Vina at nakita ang maitsurang nurse sa red cross. Halos tatlong buwan na kaming member doon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang pangalan nya.
Napakunot ang noo ko nang makita itong pinayungan si Irina at pinasakay sa isang pulang kotse. Magkakilala pala sila?
Mabilis din namang nawala sa isipan ko ang dalawa dahil sa dumating na jeep.
"Okay lang bang ma-late ka ng uwi, Chin?"
Natitilan ako sa tanong nya. "Bakit naman tayo mala-late?"
She smirked. "Inom."
"Umiinom ba ako?" Kunot-noong tanong ko.
"Basta, yayain natin si Mira. Sa Booze lang naman tayo... saka hanggang 9pm lang."
Tumango na lang ako sa kanya kahit na may agam-agam sa akin. Kadalasan pag mag-iinom sila ay yakult o pineapple juice lang ang sa akin at minsan ay sa bahay lang kami nina Vina. Kung sa Booze naman kami mag-iinom, lagi kaming malakihang grupo.
Mabilis naming narating ang bahay nina Mira. Nasa labas ang dalawa nyang bunsong kapatid kaya roon kami lumapit.
"Hi, Kevin, nasaan ang ate mo?" tanong ko sa bunso nila.
"Nasa loob po, Ate Chin. May bisita po kasi si Tatay."
Nagkatinginan kami ni Vina, iniisip kung paano kukumustahin ang kaibigan. Kung abala ito, pwede naman sigurong sa ibang araw na lang kami bumisita.
"Tawagin mo, Kevin. Sabihin mo narito ang mga kaibigan nya," utos sa kanya ng Ate Juanee nya.
"Ayoko, hindi ko gusto ang kasama nya, Ate. Ikaw na lang."
"Bibig mo, Kevin!"
Kumunot ang noo ko sa pagtatalo ng magkapatid pero nang humingi ng paumanhin si Juanee at bahagyang ngumiti sa amin ay hinayaan ko na sila. Pinanood ko ang pagpasok nya sa bahay nila at wala pang ilang minuto ay lumabas mula roon si Mira na gulat na gulat.
"Anong ginagawa nyo rito?!" she asked, ridiculed by the fact that we're here.
Mahinang tumawa si Vina. "Panget mo magulat."
I chuckled with her but Mira didn't. Seryoso lang ito at parang kinakabahan habang nakatingin sa amin. There are beads of sweats on her forehead and her lips were kinda pale.
"Magtatagal ba kayo? May... bisita kasi si Tatay!" natatarantang aniya.
Kumunot ang noo ko. "Hindi naman namin pakekealaman ang bisita ng Tatay mo. Ichineck ka lang namin at ang tagal mo nang di pumapasok."
She swallowed hard. "T-tara na nga lang! Saan nyo ba balak pang pumunta?"
"Sa Booze." Vina replied. "Girl, okay ka lang ba?"
Sunod-sunod ang ginawa nyang pagtango. Lumingon sya sa dalawang kapatid at pinapasok sila sa loob ng bahay. Nang tumalima ang mga ito ay muli syang tumingin sa amin.
"Tara na," aniya sa mas kalmado nang boses.
My brows furrowed. "Hindi ka magbibihis?"
"H-hindi na!" she said as she chuckled nervously.
I squinted my eyes on her, trying to decipher her reaction. She's too worried and tensed! Wala naman kaming ginagawa.
Inignora ko na lang iyon at hinayaan sya. Sooner or later, she'll tell us what's going on. Siguro sa ngayon ay may problema ang pamilya nila kaya sya ganoon kataranta.
We arrived at Booze and Vina immediately find a seat for us. Mabuti at hindi kami naka-uniform kanina dahil hindi ko naman inexpect na talagang didiretso kami rito!
"Inom ka, Chin. Isang tower lang tayo. Wala naman nang pasok bukas!" Vina said.
"Ayoko, maamoy pa ako ni Papa, madadali ako non."
"Bilis na! Hindi naman maamoy 'yan!"
Inirapan ko lang sya habang sumasandal ako sa couch. Parang malaking inuman session lang ang Booze. Maraming mesa kaya maingay ang lugar. May live band din na nagpeperform. I immediately recognized the vocalist. It's Mitzie, Troy's friend.
"Ikaw? Mira?" tanong ni Vina.
She smiled, nawala na ang kaba sa mukha. "Go lang ako."
Nagsimula silang uminom. Yamanin pa nga yata si Mira ngayon at sya pa ang sumagot ng pulutan. Sa alak naman ay nag-ambagan kami kahit hindi naman ako iinom. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napansin ko ang grupo ng mga broadcasting students. Maingay sila habang mahinhin lang na tumatawa si Iris.
Looks like they're here to celebrate the two-week break too.
Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay bahagyang kinabahan ako sa pag-aakalang si Mama o Papa iyon. I let out a sigh of relief when I saw Troy's name on my screen.
Troy:
I miss you.
"Tangina, halos tatlong buwan ka nang nilalandi ni Troy, nagba-blush ka pa rin?!"
Agad kong binato ng tissue si Vina sa malakas nyang sigaw. Sinamaan ko sya ng tingin bago hawakan ang kaliwang pisngi ko at napagtanto ko nga na mainit ito. Damn him!
Me:
Magkasama talaga tayo kahapon, Troy.
Hindi ko na inantay ang reply nya at ibinulsa na lang ulit ang cellphone. Three words and he's got me mesmerized! I hate how my heart reacts to every small thing he does!
Inisang inom ko ang basong nasa tapat ko at napangiwi. Narinig ko ang tawa ng dalawa kong kasama dahil pansamantalang nawala sa isip ko na umiinom sila.
Ilang minuto pa akong natulala. Naramdaman ko ulit na nagreply si Troy pero hindi ko na chineck ang phone ko. I should focus here with my friends, hindi 'yung sya na lang lagi ang iniisip ko. Hindi pa kami nito, ha!
"Anong timpla yan? Parang medyo masarap," tanong ko sa dalawa nang mawala ang after taste ng alak sa dila ko.
Vina grinned. "Adios motherfucker."
I winced at the name but shrugged my shoulders off. I think it tastes good. Kulay berde iyon at lasang juice lang... kahit pa sinabi nilang dalawa kanina na malakas ang tama non.
Hindi na ulit ako tumikim non at nilunod ko na lang ang sarili sa pineapple juice.
"Magkanin ka na rin, Chin, nahiya ka pa! Pulutan 'yan, hindi ulam!
Malakas akong tumawa sa nakabusangot na mukha ni Vina. Kanina ko pa kasi kinakain ang pulutan nila at ikatlong order na ito ni Mira. Tumawa na lang din si Mira at tahimik lang na uminom.
"Teka, iihi muna ako. Samahan nyo 'ko." I said.
"Ano ka, kinder?" Mira uttered in disbelief. "Ayan lang ang banyo!"
Sinamaan ko sila ng tingin bago tumayo at magtungo sa restroom. Pinasadahan ko ng ilang suklay ang bagsak na bagsak kong buhok habang nakatingin sa salamin. Matapos iyon ay pumasok na ako sa isang cubicle. Inilabas ko rin ang cellphone ko dahil hindi ko rin matiis na hindi basahin ang message ni Troy.
Troy:
you still owe me a date
I grinned as I typed a reply.
Me:
What? Anong tawag mo sa mga labas natin? Meeting?
Kinapitan ko na lang ang cellphone ko at hindi na umasa ulit ng reply kay Troy dahil isang oras na rin ang nakalipas bago ako nakapag-reply. I was about to fix myself when I heard girls coming in.
"Pupunta ba, Ris?"
"Oo naman, malakas ako ron."
Nasa loob pa rin ako ng cubicle pero hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagtu-tuck ng damit ko sa pantalon.
"Nilalandi ka ba? Akala ko nililigawan non 'yung sa psychology? Nandito, ah? Si Elora?"
I stopped for a while when I heard my name. Agad na pumasok sa utak ko na si Troy ang pinag-uusapan nila dahil ito lang naman ang nanliligaw sa akin.
"Let's bet," the other girl replied, sa palagay ko ay si Iris iyon. "Kapag pumunta si Troy ngayon, you'll see that he isn't serious with her... kasi, duh? Landian ang mangyayari mamaya. Kapag hindi, edi congrats sa kanila," she chuckled.
"Okay. I trust you, Ris. Malakas din kasi ang kutob ko na naglalaro lang si Troy... you know, trying some plain meal bago mapunta sayo... the full course."
Iris chuckled. "I know, right? Feel na feel din naman ni Chin. Akala mo talaga maganda."
Wow... that's one good way to ruin one's self-esteem. Matagal silang nanatili sa loob ng banyo kaya hindi agad ako nakalabas. It would be a wack if I get out but my feelings were slightly hurt. Isa pa, ayoko ng gulo.
Nang marinig silang lumabas ay saka lang din ako umalis sa loob ng cubicle. Agad na bumungad sa akin ang malaking salamin kaya nakita ko ang itsura ko.
Totoong simple lang ang mukha ko. 'Yung tipo ng babae na hindi ka mapapalingon ulit... but it's never my insecurity. Matagal ko nang tinanggap na ito ang itsura ko at para sa akin ay maganda ako. I like my face. I like my round chinky eyes and slightly thin but well-shaped brows. I don't see anything wrong with my small nose and a bit pouty lips. Marami na rin nagsabi sa akin na maganda ako ngumiti at isa iyon sa asset ko.
Kahit kailan, hindi ko kinuwestyon ang itsura ko.
Not until today.
As I stare at myself in the mirror, I saw how imperfect my face is. May mangilan-ngilan akong pimple marks sa baba. May sugat din ang aking labi dahil ugali kong kagatin ito kapag kinakabahan. There are also black bags under my eyes and compared to Iris, I look like a piece of shit.
Huminga ako nang malalim at nginitian ang sarili.
You're beautiful, Chin. Don't let other people's opinion tell you otherwise. You may not fit in to society's standards of beauty but with your principles and morals, you will stand out.
I sighed and breathe. Positive psychology, Chin, positive psychology.
Isa pa, I know Troy. He may be a humorous guy but I know he won't play with my feelings. Lagi iyong may update sa akin kapag aalis sya. Sinasabi nya pa sa akin kung sinong mga kasama nya kahit hindi naman na kailangan.
"Ang tagal mo! Tumae ka, 'no?"
I glared at Vina before sipping on my beverage. Her eyes were fixed on me as I fix my hair.
"What are you looking at?"
She shrugged. "Lasing na ako, ang ganda mo na, eh."
Ang hanggang alas nuebe na inuman namin ay umabot hanggang alas onse. Susuray-suray na si Mira dahil mas mababa naman talaga ang alcohol tolerance nito kumpara kay Vina. Maya't maya ang tingin ko sa entrance ng Booze dahil inaabangan ko kung darating ba si Troy... and thankfully, he didn't.
Marami syang text sa akin at ang huli ay sinabi nyang magbabasa-basa sya ng reviewer dahil kinakabahan sya sa nanay nya.
Pansin ko ang paglingon ng mga kaibigan ni Iris sa table namin. I just ignored them. Toxic circle!
Nakainom din ako pero hindi lalampas sa sampung shot kaya hindi naman ako nangamoy. Hindi ako masyadong nahihilo hindi gaya ni Mira na talagang tumba na. Gutom kasi yata sa alak!
"Ako na maghahatid kay Mira. Umuwi ka na at mayayari ka na sa Papa mo."
Doon dinaga ang puso ko. Wala pa namang text ang mga magulang ko pero hindi ko maiwasang kabahan lalo at hindi naman ako nagpaalam na gagabihin ako! Mabilis akong tumayo habang inaalalayan namin si Mira palabas ng Booze.
Dahil gabi na ay alam kong mahihirapan kami pagsakay. Hindi pa nakatulong na magkakaiba kami ng daan! Myghad, bakit ba ako hindi nagpaalam? I should've texted Papa earlier!
"Kalma, pagagalitan ka rin naman kahit anong mangyari. I-enjoy mo na lang."
"Fuck you."
Tumawa si Vina. "Wag po, bata pa ako."
Inirapan ko na lang sya habang natataranta ako dahil walang dumadaang jeep. Nasa tapat pa rin kami ng Booze at hawak si Mira na patay na yata.
After almost twenty minutes of waiting, lumabas si Iris kasama ang mga kabarkada nya. Agad ang pagpako ng tingin nya sa akin kaya itinaas ko ang noo ko. Ha, bitch, I won!
Or so I thought.
Ang kanina pa naming inaantay na jeep ay tumigil sa tapat nina Iris at akmang lalapit na ako nang bumaba si Troy mula roon. I was sure it was him because I recognized his built and posture. Diretso ang hakbang nya papunta kay Iris kaya nagtilian ang mga kasama nila.
"Gago, si Troy 'yon?"
I wasn't able to answer Vina. Nakangiti lang si Troy habang tinatanggap ang pang-aasar sa kanila ni Iris. Madilim sa pwesto namin kaya alam kong hindi nya ako makikita. Iris held his arms and lean on his chest dahil sa panunukso. Hinaplos lang ni Troy ang ulo nito habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nila.
The way he caressed her hair is so natural, parang matagal na nilang ginagawa, parang saulo na nila ang isa't isa. Hindi gaya namin na kaunting pagdadampi lang ng balat ay umiiwas na agad sya.
I swallowed the lump in my throat before looking away. Lord, sana pinauwi mo na lang muna ako bago ko nakita 'to... kasi hindi pa ako handang sirain ang imahe ni Troy sa akin... kasi hindi pa ako handang alisin sya sa buhay ko.
Is this Your way of saying 'no' to us?
"Chin." Vina called me but I didn't look at her. I don't want her to see me hurting.
She inwardly groaned. "Tangina, umiiyak ka ba? Gago! Hawakan mo si Mira at susugurin ko 'yung putanginang 'yon!"
"Shh... Vina." I tell her. "Hindi ako umiiyak. Hayaan mo na sila."
Mabilis ang paghinga nya habang nakatingin sa akin. Her eyes were filled with concern and care. Parang isang sabi ko lang ay susugurin nya talaga ang mga 'yon kahit na halos nasa sampu sila.
But Vina is Vina.
"Manong!" sobrang lakas na sigaw nya habang nakatingin sa jeep. "Sasakay pa ho si Chin!" mas malakas na sigaw nya ulit.
Kahit kinakabahan ay napatingin ako sa kabilang grupo at hindi na ako nagulat nang nagtama ang mata namin ni Troy.
Nakasandal pa rin sa kanya si Iris pero ang kamay nyang nasa ulo nito ay unti-unting dumulas patungo sa gilid nya. Hindi naitago sa mukha nya ang labis na gulat at kita ko kung paano sya na-estatwa ngunit nangingiting umiling lang ako bago nag-iwas ng tingin.
Sumakay na ako ng jeep at nang medyo nakalayo na ay saka ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Tangina, talo pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro