
Chapter 11
The days passed by like a wind. Natapos ang midterms at talagang nagsunog ako ng kilay sa pagre-review. Chapter 3 na ang gagawin namin ngayon sa research kaya kailangan namin ng participants mula sa engineering department.
Tuloy-tuloy na rin ang pag-uusap namin ni Troy. Parang nawala ang awkwardness namin sa isa't isa lalo at madalas na kaming magkasama. Kahit kasama ko sina Vina at Mira, pumupunta sya sa akin kaya naka-close nya na rin ang dalawa.
Today is one of my most hated days dahil tatlong oras ko na namang makakasama si Irina. Thirty participants lang ang kailangan namin dahil experimental naman ang study namin. Our goal is to find out if colors have something to do with people's memorization.
Nang papunta na kami sa engineering department ay nakatanggap ako ng text mula kay Troy.
Troy:
nasaan ka?
I immediately typed a reply to him. I was actually thinking if he could help us. Wala kasi ako masyadong kilala sa engineering at sigurado akong wala ring kilala ang kasama ko.
Me:
Papuntang department nyo. May ginagawa ka ba?
I waited for his reply but it didn't come. Nakarating kami sa building nila at halos ma-estatwa ako nang makitang ang mga estudyante ay nasa labas ng rooms. Ang dami nila!
"Irina, ikaw ang magvi-video, ha?"
"Bakit ako?" reklamo nya sa mahinang boses.
"Ako na ang maghahanap ng participants at magco-conduct ng experiment. Pero kung gusto mong ikaw, ayos lang din naman."
She pouted before nodding. Inilibot ko ang tingin sa mga estudyante pero nakakatakot silang lapitan dahil grupo-grupo sila!
Paakyat na sana kami sa second floor nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito nang makitang si Troy ang tumatawag.
"Hi, nandito ka na?" bungad nya sa akin.
"Oo, paakyat sa floor nyo. Busy ka ba?"
Nakita ko ang pagtigil ni Irina sa paglalakad kaya napatigil din ako. Sinabihan ko syang tumuloy sa pag-akyat pero hindi sya sumunod kaya nauna na ako.
"Hindi. Salubungin na kita."
I chuckled before ending the call. Wala pang ilang minuto ay natanaw ko na syang nananalamin sa glass door ng office ng dean at nag-aayos ng buhok. Inayos nya rin ang uniporme nya bago humarap sa akin.
Mukha syang nagulat nung una pero agad ding ngumiti.
"Chin!" natutuwang saad nya bago ako lapitan.
Kinuha nya agad sa akin ang dala kong folders na naglalaman ng materials namin para sa data gathering.
"Wala kayong klase?" tanong ko.
Umiling sya. "Wala. Half day lang kami ngayon."
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
He scoffed. "Sabi ko ihahatid kita, ah? Nakalimutan mo?"
Tinawanan ko lang sya kaya lalo syang napasimangot. Binati nya ang babae sa likod ko bago kami naglakad papunta sa mga possible participants namin.
"Kailangan nyo ng room, diba? Nakiusap na ako kay dean. Pwede nyong gamitin ang room namin."
His thoughtfulness brings comfort in my heart. Iginiya nya kami patungo sa bakante nilang kwarto at ipinatong sa mesa ang gamit ko.
"Tatawagin ko na ang participants nyo."
My eyes widened. "May nakuha ka na?"
"Oo, kanina. Kinausap ko na sila," he uttered while slightly nodding.
Nagpaalam ito saglit bago lumabas ng room. Naiwan kaming dalawa ni Irina sa loob kaya pumunta ako sa table para ihanda ang materials ng gagawin namin. Ang isa naman ay inayos na ang mga upuan.
Shortly after that, Troy with his battalion of friends came in. Mukhang brusko ang mga ito kaya napansin ko kung paanong umilag si Irina sa kanila na parang takot na takot. I, on the other hand, smiled at them. Kami ang may kailangan kaya dapat approachable kami.
Nasa pinakadulo si Troy habang ako naman ay nasa harapan. Nakangiti sya sa akin na parang proud na proud sya sa ginawa nya.
I gave him a thumbs up and grinned.
"Good afternoon, I'm Elora Chin from BS Psychology. First and foremost, I would like to thank all of you for helping us in our research." I stated.
Lumingon ako kay Irina dahil turn nya na para magpakilala pero dumikit lang ito sa gilid at yumuko. I breathe heavily and faced the boys again.
"She's Irina Garofil, my partner, and we will be the ones to conduct the experiment."
Muli akong tumingin kay Troy na nakangiti pa rin ngayon sa akin. I explained to them what the research is all about before starting. Halata sa mukha nilang gusto nilang mang-asar pero wala namang umimik sa kanila kaya mabilis din kaming natapos.
Halos sampung minuto lang ang tinagal non at nang isa-isa silang maglabasan ay tibapik pa nila si Troy sa balikat. Nangingiti na lang ako dahil mas mababait sila sa mga kaklase kong wala nang ibang ginawa kung hindi asarin ako kay Troy.
"Tapos na? May klase pa kayo?" tanong nya nang makalapit sa pwesto ko.
I smiled. "Wala na. Ita-tally lang namin ang result tapos gagawa ng methodology. Isang oras lang yon."
"Sa computer lab kayo?"
"Yup. Sama ka?"
He shifted his weight and smirked. "Pwede?"
Pabiro ko syang inirapan bago bumaling kay Irina na kanina pa tahimik. Nakamasid lang sya sa amin ni Troy at hindi ko na alam ang gagawing pagre-react sa kanya.
"Tara na," yaya ni Troy matapos bitbitin ang gamit ko.
Sumunod ako sa kanya paglabas hanggang sa makarating kami sa computer lab sa department namin. Nagkukwentuhan lang kami na parang matagal nang magkaibigan habang nasa likod namin si Irina na akala mo'y takot na takot sa amin.
Maybe she isn't really comfortable being surrounded with other people. She's an introvert and she really prefers to be alone. Gustuhin ko mang kaibiganin sya noong una, hindi ko nagustuhan ang tabil ng bibig nya. Dumagdag pa ang sunod-sunod naming pagsasama na lagi syang sala sa hulog.
We reached the computer lab in twenty minutes. Agad akong nagbukas ng pc at ganoon din ang ginawa ni Irina. Troy, on the other hand, pulled a chair and sit beside me.
"Wag mo akong tingnan, Troy." I said as I encode the data.
He chuckled. "Yes, boss."
I gave him a side glance before continuing. Mabilis lang din naman iyon lalo at ang nakuha naming data ay sumuporta sa hypthesis namin.
"Irina, nasaan ang video? Ie-edit ko na rin para wala na tayong problema." I told her.
"I wasn't able to film it," she answered, sounding like it's my fault.
"Tell me you're joking." I said, a bit nervous. Kung hindi nya na-videohan, we'll have to do it again! Ni-require ni Sir na mag-film kami habang on-going ang experiment!
She snorted. "Totoo, Chin, hindi ko na-videohan."
I gulped as I fight the urge to strangle her neck.
"So..." I trailed off. "Habang nage-experiment tayo kanina, nakatanga ka lang?"
Naramdaman ko ang paghawak ni Troy sa palapulsuhan ko. Alam kong nakikita nyang naiinis na ako at ang babaeng 'to, wala manlang pakealam!
"Follow me outside, Irina."
Her brows furrowed. "What? Why?"
Tumayo ako para magpigil ng galit. I looked at Troy and signaled him to bring the ugly twat outside. Napahinga ako nang malalim nang tumango sya. Lumabas ako ng computer lab at bahagyang pinakalma ang sarili dahil nanggagalaiti ako sa inis.
I waited for them outside. Nakatingin nang seryoso sa akin si Troy habang nasa likod nya si Irina. I gulped as I realized how awkward it is for him. Tinulungan nya na nga kami, mawi-witness nya pa ang pagtatalo namin.
"Bakit hindi mo kinuhanan, Irina? May usapan tayo, diba?" I asked calmly. Walang namang mangyayari kung makikipag-bangayan ako.
Medyo lumayo sa amin si Troy, siguro para bigyan kami ng privacy. I saw how Irina's eyes linger on him.
"Wala ka rin namang ginagawa, Chin, ah? Bakit hindi ikaw?"
I filled my lungs with air. God, give me patience.
"Sino bang nag-conduct ng experiment? Sino bang nagpaliwanag ng research sa participants?" I asked, slightly accusing her.
"Si Troy ang naghanap ng participants! Sya ang gumawa non!" nanunumbat nya ring saad sakin.
I groaned. "You don't realize what you did, 'no? You don't realize that we have to repeat the experiment. Documentation lang ang hinihingi ko sayo, Irina!"
She massaged the bridge of her nose. "Parang wala akong ibang naitutulong, ah? Samantalang, si Troy naman ang dapat talagang bigyan ng credit! He's the one who gathered the participants."
"And I'm the one who conducted the experiment!"
Naramdaman ko ang presensya ni Troy sa likod ko ngunit hindi ko sya binalingan ng tingin. I'm a very calm person but this woman is testing my patience!
"Chin..." he whispered.
I crossed my arms. "At isa pa, Irina, Troy is courting me."
She gasped, parang nagulat sa sinabi ko kahit alam na naman nilang nanliligaw ang lalaki.
"Sa akin credited ang ginawa nya! If he helps us, that's because of me! Tingin mo ba tutulungan ka nya kung ikaw lang mag-isa?" I uttered with pure annoyance.
"Chin, that's enough..." he said softly.
"Bitch." Irina whispered.
"What did you just say?" pigil na pigil ang boses na saad ko pero hinawakan lang ni Troy ang palapulsuhan ko at bahagyang dinala ako sa likod nya.
"Irina," he called her. "You're obviously at fault. From what I saw, she's the one who did all the work. Isa pa, totoong tinulungan ko kayo dahil gusto kong magpa-impress kay Chin... so don't speak ill of her. Hindi ko mapapayagan 'yon."
I gulped all his words like it's my favorite drink. I can't believe I find it so soothing!
"S-sorry, Troy..."
Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Troy at pinaharap sya sa akin. I gave him a small smile but his brows are still furrowed. His efforts became utterly useless because of what Irina has done. Kailangan naming ulitin ang experiment at hindi ako sigurado kung may estudyante pa sa engineering department. Isa pa, we need new materials.
"Umuna ka na ng uwi. We have to repeat the experiment... at baka matagalan kami."
He shook his head. "I actually have a video and some pictures earlier... kung para sa documentation lang."
My eyes widened. "Really? Can I see it?"
His ears turned red. Mula sa bulsa ng suot nyang slacks, nilabas nya ang cellphone nya. Ibinigay nya iyon sa akin bago tumingin sa malayo.
Namula ang pisngi ko nang makitang fifty seven pictures iyon pero lahat ay ako! Kita naman ang ibang participant pero sa akin naka-focus ang camera at medyo blurry ang iba. I have a smiling photo na mukhang hindi stolen dahil nakatingin ako sa kanya. I didn't even realize he's taking pictures! Ni wala si Irina sa frame!
"Uhh... pwede ba 'yan, Chin?"
"Y-yeah..."
Tiningnan ko rin ang nag-iisang video na kinuha nya na tumagal ng dalawang minuto. I played it and my cheeks turn hotter!
"Ganda," rinig kong saad nya mula sa video habang nakatutok sa akin ang camera. Ipinakita nya ang participants pero muli ring ibinalik sa akin.
"Come on, isang ngiti pa, Chin..." mahinang aniya ulit sa video. It didn't take a while before I smiled at narinig ko ang mahinang pag-yes nya.
Nang matapos ang video ay pulang-pula ang mukha kong humarap sa kanya. Namumula pa rin ang tenga nya na parang nahihiya sa nangyari.
Tama, Troy, mahiya ka! Halatang patay na patay ka sa akin!
Habang iniaabot sa kanya ang cellphone ay may malaking ngiti sa labi ko, nanunudyo sa kanya. He frowned more when he saw my reaction.
"I-send mo na lang sa akin. Salamat." I uttered, bahagyang nang-aasar ang tinig.
Nakangusong tumango lang sya dahil nabisto ang mga kalokohan nya. I smiled as I let my heart be at ease with him. Troy is really something.
Bumaling ako kay Irina na ngayon ay nakayuko na. Buti pa kay Troy nag-sorry ka, samantalang sa akin, hindi!
"Uuwi na kami." I informed her.
Nang tumango sya ay naglakad na kami ni Troy paalis. Tahimik pa rin ang lalaki at hindi ako sanay na ganoon sya kaya maya't maya ang tingin ko sa kanya.
"Are you okay?" I asked him.
"N-nahihiya ako, Chin... wag mo muna akong aasarin."
I laughed. Akala ko naman kung ano! Sumakay kami ng jeep na malaki pa rin ang ngiti ko, parang hindi nairita kanina kay Irina. Tatlong barangay ang layo ng subdivision nila sa amin pero pag may pagkakataon ay lagi nya akong inihahatid. Swertihan nga at laging walang nakakakita sa amin dahil kung hindi, mahabang paliwanagan 'yon kina Mama at Papa.
These days, madalas na wala si Mama sa bahay. Uuwi sya kapag gabing-gabi na at tulog na si Papa. Siguro ay abala talaga sya sa trabaho lalo at wala si Ate Heather sa bahay. Araw-araw nyang tinatawagan ito pero minsan lang din kasing sumagot si Ate.
"Wag ka nang bumaba. Ako na lang ang maglalakad simula kanto namin hanggang sa bahay. Malapit lang naman," saad ko kay Troy.
"Hindi na. Ihahatid kita hanggang sa inyo, Chin... saka matagal ko na rin kasing pinag-iisipan na magpakilala sa mga magulang mo."
"Ha?!" gulat na tanong ko. He can't be serious!
"Kung pwede lang naman. Ayaw kong ligawan ka nang hindi nila alam... pero kung hindi ka komportable, pwede namang hindi, Chin. Sayo pa rin ang desisyon," seryosong sabi nya.
I gulped as I realized that he's really serious with me.
"P-pwede naman, Troy... pero pag-iisipan ko muna, ha?"
Tumango sya. "Take your time."
Para akong nakalutang nang humilata sa kama ko. Hindi naman ako pinagbabawalan sa mga ganoon pero kung magkakataon, sya ang unang lalaking ipapakilala ko kina Mama. Ang mga naging ex ko naman noon, hindi ko dinala sa bahay dahil bukod sa mga bata pa kami, hindi rin naman ganoon kaseryoso iyon.
My phone beeped and my heart jumped when I saw Troy's name. Nagchat sya sa messenger!
Troy Jefferson Dela Paz: may ginagawa ka ba?
Me: Wala. Bakit?
Troy Jeffreson Dela Paz: video call tayo?
Tumayo ako at agad na nagsalamin. Tinanggal ko ang mga kung ano-anong muta at nagpulbo na rin dahil medyo oily ako.
And when I wore my red liptint on just to look good in front of him, that's when I knew I was in danger.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro