Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Mira:

Anong nababalitaan kong kasama mo si Troy ngayon? Pokpok ka! Papunta na kami ni Vina sa school!

Napanguso ako sa nabasang text bago minata ang lalaking bumibili ng shawarma para sa amin. He's smiling widely with the vendor na parang aliw na aliw sya sa kwentuhan nila. Tinapik pa sya nito bago sya umalis at naglakad ulit papunta sa akin.

"Magkano?" I asked him.

Nagpapahinga kami ngayon sa bayan dahil natapos na namin ang 10-km run kanina. Hindi ko mahagilap ang mga kaklase ko kaya nang yayain nya akong kumain, hindi na ako tumanggi.

"150, pati 'yung akin."

Sinamaan ko sya ng tingin. Kanina nya pa ako iniinis! Binubunggo nya ako habang naglalakad kami kanina pero bigla akong hahaklitin sa braso kapag madadapa na ako. Parang gago, tamang chansing lang naman!

Naglabas ako ng 75.00 sa wallet ko at iniabot 'yon sa kanya. Nahihiwagaan syang tumingin sa akin.

"Babayaran mo?"

I scoffed. "Ayaw mo?"

He shrugged his shoulders. "Sino bang may ayaw sa pera?"

I gave him a piercing look that earned a heartily laugh from him. Pero kahit namatay na ang tawa nya, nakangiti pa rin sya sa akin.

"Libre ko 'yan sayo para may utang na loob ka na sa akin."

Kung ka-close ko lang 'to ay mababatukan ko talaga sya sa pinagsasasabi nya. Magkatapat lang kami sa maliit na mesa kaya halos magkalapit kami at totoo ngang hindi sya bumabaho! Kahit na hindi pa sya nakakapagpalit ng damit, hindi manlang sya nag-amoy pawis. Dahil kanina ko pa sya kasama, hindi na rin ako masyadong naiilang lalo at napakakulit nya!

Hindi nya tinanggap ang bayad ko kaya ibinalik ko na lang ang pera sa wallet ko. Ilang minuto ang lumipas pero ayoko pa ring galawin ang shawarma na binigay nya.

"What?" mataray na tanong ko nang tumigil sya sa pagkain at tiningnan lang ako.

"Kainin mo, binili ko 'yan, eh. Binola ko pa si Ate para damihan ang karne nung sayo."

Ilang segundo ko syang tinitigan bago ako tuluyang natawa. Kaya pala malaki ang ngiti nya kanina sa nagtitinda! Naiiling kong kinuha ang shawarma at sinimulan nang kainin 'to.

Maliit lang ang shop pero may aircon sa loob. Kami lang ding dalawa ang customer dahil alas nuebe pa lang naman nang umaga. Bukod sa shawarma, may fries, burger, siomai at iba pang tinda rito. Magandang tambayan ng estudyante lalo at mura lang ang bilihin.

"Picture tayo," biglang sabi nya.

"Ayoko nga!"

He pouted like a child. "Pang-icon lang sa twitter."

"Kaya tayo inaasar! Kagaganyan mo!" I hissed as I glare at him.

Ngumiti sya sa akin, may garlic sauce pa sa gilid ng labi. Kinuha nya ang cellphone nya at biglang itinutok sa mukha ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Wag nga!" saad ko habang hinaharangan ang camera ng cellphone nya.

"Picturan mo na lang ako... isa lang."

Iniabot nya sa akin ang cellphone nya at namula ang pisngi ko nang makitang ang profile picture ko sa facebook ang wallpaper nya.

I cleared my throat and opened his camera. Itinutok ko ito sa kanya kaya umayos sya ng upo at sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri nya. I waited for him to strike a pose and when he smiled genuinely, I felt something tugged my heart. Bahagyang naka-tilt ang ulo niya kaya kitang-kita ang guhit ng panga nya.

"Sa camera ka tumingin!" namumulang sabi ko nang mapansing sa akin sya nakatingin.

Lalong lumaki ang ngisi nya kaya mabilisan ko syang pinicturan. Nakanguso ako nang ibalik sa kanya ang cellphone nya dahil sa hindi makatarungang panlalandi nya sa akin... at sa lalong hindi makatarungang pagrereact ng puso ko.

"Tara na sa school," yaya ko sa kanya nang matapos kaming kumain.

"Sinong kasama mo mamayang lunch?"

Pinunasan ko ang labi ko bago sumagot sa kanya. "Sina Vina at Mira, bakit?"

Binasa nya ang pang-ibabang labi nya kaya ang garlic sauce na nasa gilid ay nawala. Sumandal sya sa upuan nya at pinagkrus ang dalawa nyang braso.

"Wala," he smiled. "Tara."

Kumunot ang noo ko pero nang tumayo sya ay tumayo na rin ako. Umuna sya sa akin sa paglalakad at pinagbuksan pa ako ng pinto! Jusko!

Nang makarating sa school ay nagpaalam na rin agad ako sa kanya. Magkaiba kami ng landas dahil sa engineering department sya pupunta samantalang ako ay sa building namin. May continuation ang program pero hindi na lahat required umattend kaya hindi na rin ako pupunta.

"Uy, ayan na 'yung fun run lang pero nakalandi!" sigaw ni Vina.

Walang magtuturong professor ngayon dahil nga sa activities pero bawal pa kaming umuwi dahil ichine-check nila kami lagi. Pasalampak akong umupo sa tabi nilang dalawa ni Mira at nag-inat. That's one hell of a morning.

"Pumasok ako para lang maki-chismis, Chin, wag mo akong bibiguin." Mira said that makes me chuckle.

"Pagpahingahin nyo naman muna ako!"

Tinitigan nila akong dalawa pero hindi ko sila pinansin. Ipinatong ko ang paa sa isang arm chair at bahagyang minasahe ang binti ko. Nakakapagod din pala.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang maalala ang nangyari kanina. I wouldn't deny that I like his humor. Walang dull moment dahil sa mga biro nya. Kahit kaming dalawa ang huling nakatapos ng 10-km-run, parang worth it ang paglalakad namin nang mabagal.

"Naku, tangina, ngumingiti na! Delikado 'to!"

Bumusangot ang mukha ko sa sinabi ni Vina. Lahat na lang talaga napapansin ng bruhang 'to!

"May naalala lang!" ganting pahayag ko kahit na totoo namang si Troy na ang naiisip ko.

"Chin, ngayon ba 'yung pageant?" biglang tanong ni Mira.

I nodded. "Hapon yata. Bakit? Manonood ka?"

"Kasali ex mo ron, ah?"

My forehead knotted. "Sino?" Not that I care.

"Si Joaquin."

Nagkibit-balikat lang ako at pinagpatuloy ang pagmamasahe sa binti ko. Ito ang huli kong ex na at tumagal lang halos ng anim na buwan ang relasyon namin. Hindi naman iyon masyadong big deal. Mutual decision ang break up namin.

Kinulit nila ako tungkol kay Troy kaya sinabi ko sa kanilang 'patutunayan' ng lalaki ang sarili nya sa akin. He didn't directly say he'll court me but... it sounds like it. Masayang-masaya ang dalawa sa akin na parang napakalaking achievement ang nabingwit ko.

I saw Irina on her usual spot and her eyes were on us. Through her thick glasses, I know that she's annoyed. Nagbabasa kasi ito ng libro at mukhang naiingayan yata sya sa amin.

"Shhh!" saway ko sa tili nila. "May nagbabasa, hinaan nyo boses nyo."

Tumingin silang dalawa sa paligid at tumanim ang mata kay Irina na ngayon ay hindi na nakatingin sa pwesto namin. Ngumuso si Vina at parang may gustong sabihin pero hindi na lang sya umimik.

Kakaunti lang ang tao sa room dahil ang iba naming kaklase ay nanonood ng program. Bukas na ang pagpapa-check namin ng chapter 1 at related studies. Sabi ni Irina ay ipapatingin nya sa akin ang part nya pero wala naman syang ginagawa ngayon... nagbabasa lang. Ni hindi ko alam kung anong binabasa nya.

Tumambay lang kami sa room hanggang lunch time. Alas sinco pa ang uwian namin at tamad na tamad na ako. Pero mas gugustuhin ko na rito, no! Mas ayaw kong umuwi.

"Chin, saan tayo kakain?" Mira asked.

"Canteen?" tanong ko.

Nasa labas ng room si Vina at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya sa ibang course. Sasabay sya sa amin mag-lunch kaya kinuha ko na rin ang bag nya para hindi na sya papasok sa loob ng room. Handa na kami ni Mira sa paglabas ng room nang ilitaw ni Vina ang ulo sa pintuan ng room at malakas na sumigaw.

"Chin! May manliligaw ka sa labas!"

Hiyang-hiya akong naglakad papunta sa labas. Nakasunod lang sa akin si Mira at ang mga kaklase ko ay kanya-kanya sa pagsilip kung sinong tinutukoy ni Vina.

Hindi na ako nagulat nang makita si Troy sa tapat ng pinto namin. May dala syang tatlong supot mula sa KFC at seryosong nakatingin sa akin. Matangkad si Vina pero hanggang baba lang din sya ni Troy dahil mataas talaga ang lalaki.

"Lunch?" pa-cute na sabi nya. Kinamot nya batok nya na parang nahihiya sa nangyayari.

Dahil nasa labas kami ng room, maraming nakatingin sa amin kasama na rin ang mga kaibigan ni Vina sa iba't ibang course. Malaki ang ngiti nilang lahat sa akin at kaunting kulbit lang sa mga ito ay mang-aasar na sila.

I cleared my throat and looked at him. Napatuwid sya ng tayo at medyo inayos ang sarili.

"Kasama ko sina Vina at Mira, eh."

Vina immediately reacted. "Hindi na! Jusko! Diet ako!"

Troy bit his lower lip and turned his gaze to her. Parang natitilan si Vina dahil sa atensyon ni Troy at talagang humawak pa sa hamba ng pinto para mabalanse ang sarili. Narinig ko sa likod ang mahinang pagtawa ni Mira. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman namin ang pagkaka-crush nito sa lalaki. Buti nga at hindi ito nagalit nang malamang sa akin interesado si Troy.

"Uh... para sa atin 'to." Troy stated.

"Ha?" gulat na tanong ko.

Muli nyang ibinalik ang atensyon sa akin. I heard Vina releasing a dreamy sigh.

He gave me a small smile. "Binili ko. Sabi mo kasi kanina ay kasama mo sila..." he scratched the back of his head. Namula rin ang kanyang tenga. "Gusto ko sanang sumabay din... kung pwede, Chin."

Mira chuckled. "Pwede, Troy. Kahit wag na natin isabay si Chin. Ikaw na lang."

Nag-apir pa silang dalawa ni Vina kaya napasimangot ako. Muli akong humarap kay Troy at tumango sa kanya. Hindi pa ba ako papayag samantalang may dala na syang pagkain? At hindi lang para sa akin! Para sa mga kaibigan ko rin!

"Dito na lang tayo sa room." I suggested.

Tumango naman si Troy at pumasok na rin kami. We formed a small circle. Katabi ko sa kaliwa si Troy habang sa kanan ay si Mira. Inilabas ng lalaki ang laman ng supot. Ibinigay nya ang para sa dalawa at walanghiya naman nilang tinanggap yon!

Ipinatong nya rin sa arm rest ang para sa akin. Mas malaki ang box nung sa akin kumpara sa iniabot nya sa dalawa kaya nag-init ang pisngi ko.

Vina faked a cough. "Thank you, Troy."

"Yes naman, super hinhin," natatawang asar ni Mira. "Anyway, salamat, Troy. Nagbe-benefit din kami sa landian nyo."

Troy let out a chuckle. "Next time ulit."

Masayang pumalakpak ang dalawa sa sinabi nito. Ikaw ba naman ang makalibre ng pagkain, ewan ko na lang kung hindi ka sumaya. Talagang hindi manlang sila nagpakaplastic na babayaran nila si Troy!

"Wag na, Troy. May pera naman ang mga 'yan." I jokingly said kahit totoo naman! Estudyante pa lang din sya!

We started eating. Hindi ako nagkamali nang makitang iba ang laman ng akin kina Mira at Vina. Sa kanila ay simpleng 1pc chicken with rice lang pero ang akin ay may kasamang hotshots, mushroom soup at mashed potato. Kung normal na araw siguro, makikikuha na sila sa kinakain ko pero dahil medyo nahihiya pa kay Troy, akala mo talaga ay mababait sila.

"Mahilig ka bang tumambay sa library, Troy?" Vina asked.

"What? No!" natatawang sagot nya.

Vina grinned before looking at me. "Sayang, ideal guy kasi ni Chin 'yon. Mahilig sya sa sasamahan sya lagi sa library."

I throw a scowling look at Vina. Stop exposing me!

Umayos ng upo si Troy. "Pero mahilig naman akong magbasa... kahit hindi ako tumatambay don."

Napalingon ako sa kanya. He doesn't look like a bookworm so his revelation kinda shocked me.

"Really? What's your favorite book?" tanong ko.

He gasped. "Uh... mga alamat."

"Alamat ng?"

"Basta alamat, Chin." Ngumuso sya.

Ngumisi ako nang mapagtantong nagbibiro lang sya. I wonder... what does he do in his free time? What are his hobbies?

Abala ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pagkabasag sa gilid. Bahagya akong napaigtad sa gulat bago tingnan kung ano iyon.

It's Irina's cup. Inayos ng babae ang salamin nya bago umupo para simutin ang bubog ng tasa nya. Naramdaman ko ang pagtayo ni Troy at ang paglapit sa pwesto ng babae. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila pero lumayo si Irina at kumuha naman si Troy ng panlinis.

"Taray, helpful." Mira said but with a bit of annoyance.

Hindi ako nagreact. I'm watching Irina closely and I saw how she blushed when Troy smiled at her. Kinakausap nya pa ang lalaki kahit tapos nang linisin ang kalat kaya lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Ipinakita nito ang daliri sa kamay ni Troy na kahit mula sa malayo ay kita kong may dugo.

What's going on?

"Chin, nasaan ang first aid kit nyo?" sabi ni Troy sa akin.

Itinuro ko ang lalagyan kaya mabilis ang pagkilos ng lalaki. He attended to her tiny wound like it's an emergency!

Nang mag-angat ng tingin si Troy sa kanya ay nakita ko ang pagsibol ng ngiti sa labi nya. Kinausap nya pa ito sandali bago namumulang tumalikod at ayusin ang salamin na suot nya.

God, I really don't like her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro