Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Trevor Justice


"Trevor, bakit ngayon ka lang?"

I stopped walking and muttered a scathing curse when I heard my mom's voice in the dark.

"Group project, mommy," I said with my well-rehearsed answer.

She turned on the lights, and right there, I realized that it was too late for me to try to run to my room to get away from her because I had already been caught.

Fuck. Patay na naman ako nito.

"Really?"

I almost forgot how to breathe when she started walking toward me. My mom was kind and caring overall, but she could be a real stick in the mud when she wanted to be. Ayan nga at nagbabantay siya sa akin gayong alas tres na ng madaling araw.

God, she should be sound asleep next to Dad now!

"Alcohol is a sure sign of a group project, isn't it?" panunuya niya.

Tumikhim ako. Of course, she would notice I'd had a few drinks. Nang manalamin ako sa side mirror ng kotse kanina ay nakita kong namumula ang mukha ko. I might even smell like liquor.

"Haven't you seen the time, Trevor? Ni hindi ka nagte-text kung nasaan ka. Tingin mo ba ay walang magulang na mag-aalala sa 'yo sa bahay?" litanya niya.

I took a long, deep sigh. "Bukas na tayo mag-usap, mommy. Matulog k—"

"How can I sleep knowing that my child isn't home yet?" Her voice was full of worry. "Tapos uuwi kang nakainom..."

Pinili kong manahimik na lang. She was mad. Hindi ko dapat iyon sabayan. Isa pa, hindi naman bago sa akin ang mapagalitan dahil dito.

I'd always enjoyed my freedom, but it wasn't until I turned 15 two years ago that I really got to go out and have fun with my friends. You only live once, ika nga. I didn't want to throw away all the good in the world. I'd take everything seriously at the right time. Not now, though. I was still having fun being young.

My dad ran the family business and was a chief engineer. My mother, on the other hand, was a prominent psychologist who operated a chain of mental health facilities throughout the country along with her best friend.

My whole life had been laid out before me. Kapag nakatapos ng pag-aaral ay mawawalan na ako ng oras na makapagliwaliw.

"Chin?"

Napapikit ako sa inis nang makita si Daddy na bumababa ng hagdan. Pupungas-pungas ito, pero nang makita kami ni Mommy ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

"Troy, ang anak mo..."

"My naman," I almost pleaded. Magsusumbong pa!

"Bakit?" Lumapit sa amin si Daddy. "Bakit nakabihis ka pa rin Trevor? 'Wag mong sabihing kauuwi mo lang?"

Kitang-kita ko ang paghawak ni Mommy sa braso niya, para bang nakahanap ng kakampi.

Good grief. It was dawn! Hindi ba puwedeng mamaya na lang nila ako sermunan?

"Pagsabihan mo nga. Hindi nakikinig sa 'kin," sabi pa ni Mommy.

Bumaba ang tingin sa kanya ni Daddy kaya pairap akong ibinaling na lang ang atensyon sa pintuan ng silid ko. Kaya ko naman kasi ang sarili ko. Hindi nila kailangang mag-alala. In a few months, I'll turn 18!

"Magpahinga na muna tayo sa taas," utos ni Daddy. "Hindi pa tayo tapos, Trevor. Grabeng stress na ang binibigay mo sa 'min ng Mommy mo. Hindi puwedeng gan'yan ka na lang lagi."

Isang beses akong tumango. Please, just let me rest.

"Hindi ka pa natutulog?" malambing na tanong ni Daddy kay Mommy.

"I'll go to my room now," anunsiyo ko.

Napatingin sa akin si Mommy, puno ng lungkot ang mukha.

"Aakyatan kita ng gatas, gusto mo?"

Umiling ako. "Hindi na, my. Magpapahinga na 'ko."

"Magpalit ka muna ng damit bago mahiga, Trevor. Huwag mong dudumihan ang kama mo," saad naman ni Daddy.

Madami pa silang habilin bago ako tuluyang pakawalan. Nang makaakyat sa silid ay parang nawala ang kaunting tama ko. Patay ako panigurado mamaya kay Daddy. He told me before that if I caused Mom one more problem, I'd be dead.

I jumped in the shower for a few minutes before flinging myself onto my bed. Bahala na bukas.


Lorenzo Gael Sanders:

Mom was mad. Haha.


Napangisi ako sa nabasang message ng kaibigan. He was the son of Ninong Duke and Ninang Solene. We'd known each other since we were kids because our families were so close. Even if I were two years his senior, he had become a part of my inner circle. Hindi niya hilig ang makihalubilo sa mga ka-edad niya. Paano ay mga isip-bata pa raw. I could only laugh at that.


Trevor Justice Dela Paz:

August invited us to his house party later.

Dunno how I'll sneak out.

Lorenzo Gael Sanders:

I don't know either.

Might not come.

Mom was really furious.

Trevor Justice Dela Paz:

Good luck dealing with that then. Hahaha.

Lorenzo Gael Sanders:

Wish I didn't have a nagging mom like yours. Lol.


Naiiling na ibinaba ko nalang ang phone. Ninang Solene was a pretty cool mom. She was funny and easy to get along with. She baked really well, too. Kaya lang, gaya ni Mommy, may pagka-strikita ito. Minsan ay pinuntahan niya pa si Lorenzo sa club kung saan kami nag-iinom. Hindi man niya ito pinahiya ay nagkusang-loob na si Lorenzo na umuwi. Paano ay nakiupo pa si Ninang at balak pa yatang sumali sa inuman namin.

My phone beeped, so I reached for it again.


Lorenzo Gael Sanders:

My twin dozed off on my study table again.


Mula sa pagkakahiga ay sumandal ako sa headboard ng kama ko.


Trevor Justice Dela Paz:

Patingin.


I waited for him to send me a picture of his twin sister, and when he did, a grin touched my lips.

Selene Sanders looked like she'd been swept away in a dream, with her naturally brown hair cascading all over her face. Around her were a bunch of crumpled papers and some highlighter pens. Bahagya pang nakanguso ang mamula-mula at nangingintab na mga labi niya.


Trevor Justice Dela Paz:

Bakit d'yan natulog?

It's summer.

What the hell is she studying?

Lorenzo Gael Sanders:

Idk.

I'll just carry her to her bed.

She has a study area in her room.

For sure, nagtago na naman kina Dad 'to

Kaya nandito sa 'kin.

Trevor Justice Dela Paz:

Remove her glasses.

She doesn't like sleeping on it.


I sighed before putting my phone back on my bedside table.

Unlike Lorenzo, his twin sister was prim and proper. Walang bisyo at hindi rin mahilig makipagkaibigan. She had always been quiet and withdrawn. With a book in her hand, she could make it through a gathering. I remember my parents buying her an iPad because she advanced a grade level. Imbes tuloy na kaklase nito ang kakambal ay nauna siya ng isang taon dito.

May nakababata pa silang kapatid, si Sierra. Makulit naman ito kagaya ni Ninang Sol, at madalas ay kaasaran nito si Thunder, ang bunsong kapatid ko.

Our families were very close, so meeting Selene every now and then wasn't unusual for me. Still, I always felt like there was a barrier between us. Hindi gaya nina Lorenzo at Sierra na kaswal kong nakakausap, hirap na hirap ako sa kanya. I didn't have the nerve to approach her or ask idle questions about her. Ni hindi ko nga siya na-congratulate nang magtapos siya ng grade 10 bilang class valedictorian.

I stretched out on my bed and used my forearm as a pillow. I stared at the ceiling. Thoughts were wandering around her.

Selene has always been beautiful and mysterious to me. Sa dami ng mga nakikilala at nakakasalamuha kong babae ay walang nakakuha ng atensiyon ko sa paraang kagaya niya. It was as if she lived in a parallel universe from mine, one that I could never hope to get into.

"We'll reduce your allowance next school year, Trevor."

Napatigil ako sa pagkain nang sabihin iyon ni Daddy. I couldn't process the words right away.

"By 70%," he added.

Doon na napaawang ang labi ko.

"Wait..." I chuckled nervously. "Hold up, daddy. I don't think I heard you right."

"You heard me right, little boy. We'll reduce your allowance by 70%."

Umiling ako nang dahan-dahan. "That's too much..."

"At ang laging pagtawag ng guidance counselor kay Chin, hindi "too much"? Ang pag-uwi mo ng madaling-araw at pag-iinom nang hindi nagpapaalam? Hindi "too much"?"

"Mommy..." pagmamakaawa ko sabay tingin kay Mommy.

Nagtatampo lang nitong ibinaba ang tingin sa pinggan niya.

"Simula no'ng nag-summer break ay halos gabi-gabi ka naming nakikitang tumatakas. Babalik ka lang kapag madaling-araw na. Before 5 a.m., to be exact. Kasi alam mong gising na kami ng Mommy mo no'n, tama?"

I heaved a sigh. This couldn't be happening.

"Hindi na mauulit, daddy," I said, trying to convince him.

Tahimik lang si Thunder sa hapagkainan. Malamang, ayaw niyang madamay.

"You need to learn your lesson, Trevor. Hindi porke't hinahayaan ka naming mag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo ay hahayaan ka na namin na laging gan'yan."

Huminga ako nang malalim. "Not 70%, daddy, please... that's a huge cut."

"Saka, papasok ka na ng grade 12, Trevor. If you want to get into your dream school, you have to be serious with your studies," sabi ni Mommy. "Have you seen your transcript of records? May almost failing mark ka. Bakit hindi ka nagsasabi? Hindi ka naman namin pagagalitan."

"Nawala lang po sa isip ko."

Daddy shook his head. "Hindi 'yan magtatanda hangga't hindi natuturuan ng leksyon, Chin."

"Pero hindi ba sobra naman ang 70%, daddy? Pang-gas ko lang 'yon."

"Good point... kaya ako na ang maghahatid sa 'yo araw-araw kung saan ka man pupunta."

"Daddy..." I complained.

"No, anak. Kasama mo ako sa mga biruan, pero hindi na tama ang pagbubulakbol mo. Ayos lang na mapabarkada, pero alam mo pa rin dapat ang mga prioridad mo. You'll turn 18 soon, Trevor. Hindi ka na bata."

"Then, I'll do anything you want me to do. 'Wag lang 'yong cut sa allowance."

Nakita ko ang pagtigil niya, at parang gusto kong bawiin ang sinabi nang unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Anything?" he asked, posing a challenge to me.

I pursed my lips. Ano naman kayang gusto nito?

"Yes."

He put down his spoon and fork as he leaned back against his chair.

"Okay, sige. Hindi natin itutuloy ang pagcu-cut ng allowance mo next school year kung papayag kang magkaroon ng tutor for three months."

Pinigilan ko ang mapamura. Tutor?! Ano ako? Bata?

"Two to three hours session every weekday."

Good fucking grief.

"Monday to Friday?" napapaos na tanong ko.

Tumango siya. "Monday to Friday."

Nagbuntong-hininga ako at pilit na ikinalma ang sarili.

"Fine," pagsuko ko.

It's okay, Trevor. It's better to suffer now than spend the rest of the school year penniless. You can't miss those parties.

"With Selene."

"What?!" I almost yelled.

Pakiramdam ko ay nawalan pa ng kulay ang mukha ko.

"Ano'ng what what?" Pinandilatan ako ni Daddy. "Aba..."

"Daddy, Selene is two years younger than me!" I insisted, sounding defensive. "Sure, sige... sabihin na nating na-accelerate siya kaya isang batch lang ang lamang ko sa kanya, pero mas maraming qualified tutors! Why her?!"

"Parang hindi mo alam kung gaano katalino ang batang 'yon, ah?" Tumawa siya. "I was just talking to Duke about it. Naghahanap lang ako ng tyempo. Selene had been asking him to let her work because she wanted to earn her own money."

"At ano ako? Guinea pig niya?"

Naiiling na ibinaba ni Daddy ang tingin sa pagkain niya.

"Selene is a genius in the making, Trevor. Si Duke na mismo ang nagsasabi sa akin na nagugulat siya minsan sa galing ng anak niya." Ngumiti siya. "Walang nakuha kay Sol kung hindi mukha."

"Troy..." suway ni Mommy.

Natawa lang si Daddy bago hinalikan ang gilid ng ulo niya. "We'll talk to them later about this, okay? Kung may itu-tutor man si Selene, mabuti nang kakilala niya na rin para mapalagay ang loob no'ng mag-asawa."

Hindi ko na naituloy ang pagkain dahil sa sinabi ni Daddy. Parang mas gusto kong mabawasan na lang ang allowance ko kaysa ang maging tutor si Selene!

I kept thinking about that for the rest of the day. Naiinis ako dahil apektadong-apektado ako. I was certain that if my dad offered another person to tutor me, I wouldn't be this worried!

Bakit ba kasi si Selene? I'd been avoiding her at gatherings! Kahit kapag magkasamang magdiwang ng holidays ang mga pamilya namin ay hindi ko manlang siya kinakausap! Miski nga sa social media accounts niya ay hindi ko siya ma-follow!


Justice @trevordpaz

Who the fuck studies during the summer?

7:37 PM · Twitter for iPhone


Matapos i-tweet iyon ay sunod-sunod na ang reply ng mga kabarkada ko. Tanging si Lorenzo lang ang nakaintindi kung tungkol saan iyon. Siguro ay nabanggit na agad sa kanila ni Ninong Duke ang tungkol sa pagtu-tutor sa akin ni Selene. Matapos kasi ang umagahan kanina ay tumulak na sina Mommy at Daddy sa bahay ng mga ito.


Lorenzo @gaelsanders · 5m

My twin's excited about her first job. What a sight to behold. She's finally showing emotions. Lol.

💭46 🔂 19 207


I clicked on Lorenzo's tweet and saw that he'd been replying to his sister. Dahil hindi kami mutuals ni Selene ay hindi ko naman nababasa ang sinasabi niya. Naka-private din kasi ang account niya.

Irritated, I still found myself stalking her private account. Lyrics lang mula sa paborito niyang banda na My Chemical Romance ang nasa header niya. Ang icon naman ay itim na rose lang. She only had 5 following and 88 followers... unlike me and her siblings, who were pretty famous on social media.


Lorenzo @gaelsanders · 2m

Will have to spend the rest of the summer learning how to bake. I have to be productive too because my sister is so "mature and grown up" that I'm starting to look like a child. Hahaha. You are such a pain @selenesanders

💭28 🔂 10 116


Hindi na ako nagulat nang ibalita sa akin nina Daddy nang gabi ring iyon ang tungkol sa tutoring sessions namin ni Selene. He told me that Selene would send me a message... and I couldn't believe I'd been waiting for that! Ni hindi na ako nakatakas para sa party ni August kahihintay sa mensahe niya na ang tagal-tagal namang dumating!

Sa susunod na linggo pa magsisimula ang sessions dahil ihahanda pa raw ng babae ang materials. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga subject na ituturo niya sa akin. She was just an incoming Grade 11! Na-accelerate siya pero... hindi ba't mas advance pa rin ako sa kanya?


Selene Sanders:

Hi, Trevor.


"Tangina," bulaslas ko bago napabangon sa kama.

Fuck! Fuck! Fuck! Selene Sanders just messaged me! For the fourth fucking time since we met! In the first three conversations, she just asked me where Lorenzo was, but now... she said, hi!

"Calm the fuck down, Trevor! It's just a girl!" I muttered to myself.

Paulit-ulit pa akong huminga nang malalim bago nagtipa ng reply sa kanya.


Trevor Justice Dela Paz:

Just send me the syllabus.


Lumitaw agad ang tatlong tuldok, indikasyon na nagtitipa rin siya ng chat sa akin.

Oh, God, give me strength.


Selene Sanders:

What's your email?

Trevor Justice Dela Paz:

trevordelapaz.edu

What subjects are we gonna cover?

Selene Sanders:

You'll take BS Medical Technology for college, right?


Napahawak ako sa labi ko sa nabasa, bahagyang napangiti. I didn't know she'd... remember that. Noong mga bata kasi kami ay madalas kaming maglaro, at sa bawat paglalaro namin ay kami ang magkatambal. Ako ang doctor at siya naman ang nurse. Ang mga kapatid naman namin ang pasyente naming dalawa. I even sat with her and watched science discovery channels because she was always interested in them.

We were close before, so I didn't know why we stopped talking to each other over time. Iniisip ko na lang na normal iyon sa magkaibigang babae at lalaki. Hindi ko kasi matanggap ang dalawang rason na nasa isip ko.

Kung bigla na lang ba siyang nagbago... o bigla ko na lang napagtanto na iba na ang nararamdaman ko.


Trevor Justice Dela Paz:

Yeah.

Selene Sanders:

We can start with human anatomy and physiology, then.

Thank you for choosing me as your tutor.

I'll see you next week.

Trevor Justice Dela Paz:

Choosing?

Selene Sanders:

Ninong Troy told me about it.

Trevor Justice Dela Paz:

I didn't choose you, Selene.

I'm just being punished.


Ilang minuto ang nagdaan at hindi siya nag-reply. Nabasa niya ang message ko pero sineen niya lang! Did I say something wrong? Hindi ko naman talaga siya pinili... at kung pipiliin ko man siya, sigurado akong hindi bilang tutor ko!


Selene Sanders:

Okay.


Umarko ang kilay ko. Okay?! 'Yon na 'yon?! Ten minutes tapos okay lang?! Huh! Hindi ako magre-reply! Nagbalik-tanaw pa naman ako sa mga panahong close kami tapos gan'yan lang ang isasagot niya sa akin? Ayan ang sagot Trevor! Kaya kayo tumigil mag-usap ay dahil boring na siya!

Buong linggo akong sumpong dahil doon. I felt rejected even though I didn't even propose anything. Bilang ganti ay hindi ko rin sinagot ang email niya nang i-send niya sa 'kin ang course syllabus ng mga pag-aaralan namin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit alam niya agad ang mga bagay na 'yon!

"Selene, good afternoon, hija."

Pinigilan ko ang mag-angat ng tingin nang marinig ang pagbati ni Mommy kay Selene. She was here in our house now! God... it was really, really happening! Dapat pala ay tinanggap ko na lang ang kaltas na 70% sa allowance ko!

"Hi, Sel! Nasaan si Sierra?" tanong ni Thunder.

"Nasa ballet class pa..."

Napahinga ako nang malalim sa malamyos na tunog ng boses niya. Pilit akong nagkunwaring nasa phone ang atensiyon ko kahit na kanina pa hinihigit ni Selene ang mga mata ko.

"Trevor, nandito na ang tutor mo," natatawang sabi ni Daddy.

Malakas akong nagbuntong-hininga. He was teasing me. Alam na alam niyang ayaw ko sa nangyayari. Hindi naman sana malaking-malaking bagay ito sa akin kung hindi si Selene ang kinuha niya!

Pinadaplisan ko lang ng tingin ang babae. Kumalabog agad ang puso ko sa mabilis na pagtatama ng mga mata namin. Tumalikod naman ako para magmartsa na papuntang study room.

Nakakairita. Nakakawala ng inis ang ganda niya.

"I'll bring you snacks later!" excited na sigaw ni Mommy.

"Huwag i-lock ang pinto, ha?"

Napabuga ako ng hangin. "Daddy!"

Tumawa siya. "Nagpapaalala lang. Masyado kang tumatapang."

I opened the door to the study room, where everything was already set up. Good ventilation, ample lighting, bookshelves for ambiance, and four computers tucked away in discreet alcoves.

Ramdam ko ang tahimik na pagsunod sa akin ng babae. I glanced at her again and saw that she was already arranging her things on a table. Itim na oversized T-shirt at wide-leg pants lang ang suot nito. Nakataas ang buhok niya habang ang manipis na bangs ay tinatakpan ang noo at kaunting parte ng pisngi niya. Hindi niya suot ang salamin niya kaya kapansin-pansin din ang haba ng pilikmata niya. She wasn't wearing any makeup, either, but her natural beauty was over the top.

Nang tumingin siya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

Tangina talaga.

"Shall we start?"

Isang beses lang akong tumango. I made her sit in one of the swivel chairs around the table while I settled myself in another. Magkatapat lang kami pero pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa kaba.

We'd known each other since we were kids... but aside from being playmates before, we never really interacted as the years went by. She had always been stiff and reserved. Parang hindi puwedeng lapitan.

I was the life of the party—very friendly. But when it came to her, I just kept stumbling over my tongue because I couldn't find the right words to say.

I wasn't naive. I knew what this was. Pinipigilan ko lang ang sarili dahil alam kong hindi siya puwede. Our families were friends. Baka... hindi ako payagan ni Ninong Duke kung manliligaw ako. Isa pa, hindi naman ako ang tipo ni Selene. I couldn't imagine celebrating the holidays with her if she rejected me.

"We'll study homeostasis today," she said in a formal tone.

Tumikhim ako. "I already learned about it in my biology class."

Kumibot ang natural na mapupulang labi niya bago itinuon ang buong atensiyon sa libro.

"If that's the case..." she trailed off. "Tell me about it."

Tahimik akong napamura. It was in my textbook. Bakit ko naman sasauluhin kung nasa aklat naman na?

"Can we have something more challenging?" I replied, trying to intimidate her.

She nodded as she flipped through the pages. "Cellular respiration? Krebs Cycle? Fundamentals of Neuroscience? Applied Anatomy of the Locomotor System?"

Dire-diretso ang pagsasalita niya, ni hindi ako makasunod. Who in the hell cared about those stupid topics?

"What do you want to study, Trevor?"

I clenched my fist when she looked up at me. How would I focus when she was this pretty?! Ni wala nga akong naintindihan sa sinasabi niya!

Nagkibit-balikat ako. "Up to you."

She chuckled cutely... and I realized that these tutoring sessions were a bad idea.

"Homeostasis, then."

Hindi ko alam kung tumakbo ang oras na nakikinig lang ako sa kanya. She was talking like a real pro. Alam kong naituro na sa amin ito, pero parang mas naintindihan ko noong siya na ang nagsasabi. She explained the topic in a way I could easily understand. I even had to keep my stern expression every time she smiled. Mukhang tuwang-tuwa siya sa ginagawa habang natutulala ako sa ganda niya.

Tangina, bakit ba kasi hindi siya puwede?

"Homeostasis... balance, equilibrium. Our body temperature is the best example of this," she said. "Sweating, to be exact. Kapag umiinit, nagpapawis tayo. This sweat, when it evaporates, helps to cool down the body, which in turn brings down the increased temperature."

Oh, that was why I'd been sweating bullets ever since she arrived.

"Kapag naman malamig, nagshi-shiver 'yong katawan natin. It's your body's way of trying to compensate for the heat it's losing to the cold air outside by making extra heat."

Tahimik lang ako habang nagtuturo siya. Hindi ko alam kung may pumapasok sa isip ko dahil maya't maya ay napapatunganga lang ako sa kanya. Mabuti nga at hindi niya iyon napapansin. Kapag kasi nahuhuli niya ang mga mata ko ay tinataasan ko siya ng kilay o kinukunutan ng noo.

Nang hatidan kami ng pagkain ni Mommy ay saktong tapos na kami. Umakyat agad ako sa kwarto ko para hindi na patagalin pa ang pagtitiis kasama si Selene.

From the window of my room, I saw Ninong Duke picking her up. Hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo ng babae na tila ba bilib siya sa ginawa ng anak.

I sighed and climbed into bed. I then opened my Twitter account on my phone.


Justice @trevordpaz

Ganda mo.

5: 16 PM · Twitter for iPhone


A @agustofelix

↪️ Replying to @trevordpaz

Bago na naman 'yan, ah?

19


Lorenzo @gaelsanders

↪️ Replying to @trevordpaz

Who's this?

💭11 🔂 4 52


kulog @thunderdpaz

↪️ Replying to @trevordpaz

kuya?! 👀

💭7 🔂 2 35


Sierra Venice @svsanders

↪️ Replying to @thunderdpaz

hoy sino hahahaha

💭5 🔂 4 29


Nikolai @nikdejesus

↪️ Replying to @thunderdpaz

Why do I feel like it's that model? Hahahaha.

💭10 🔂 7 81


A @agustofelix

↪️ Replying to @nikdejesus

Bro, he didn't give her his number.

54


Nikolai @nikdejesus

↪️ Replying to @agustofelix

But they're interacting on IG!

101


Wala akong sinagot sa dami ng nag-reply pa roon. Nikolai and August were just two of my high school friends. Ang tinutukoy naman nilang model ay dati ko nang fling. We just happened to run into each other again the last time we went to a party at Rampage, but I didn't do much to entertain her. 'Yong interaction namin sa IG ay dati lang din. Nakita ko pang nagtanong din doon sina Kenji at Keanu, mga anak ni Tito Calvin.

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Selene. Wala pa man ay hindi ko na alam kung paano ko malalagpasan ang mga susunod na buwan na makikita ko siya limang beses sa isang linggo, gayong unang araw palang ay nababalisa na ako.

Nang mga sumunod na araw ay pinilit kong umaktong normal. Tuwing alas tres ng hapon pumupunta si Selene sa bahay at minsan ay dito na rin siya naghahapunan. Kapag ganoon ang nangyayari ay nagpapaalam akong hindi muna ako kakakain... o magdadahilan na busog.

Kagaya ngayon.

"Trevor, eat with us! Nagluto ako ng lasagna. Bibisita rin ang Ninong Duke mo kasama si Sol!"

Tumigil ako sa pag-akyat sa kwarto ko. Tumingin ako sa baba ng hagdan at imbes na dumiretso ang tingin kay Mommy ay nakuha na naman ni Selene ang atensiyon ko. She was also looking at me, but there was no emotion in her eyes.

Iritable kong inalis ang tingin sa kanya.

"Hindi na, my," saad ko. "Busog pa 'ko."

If it wasn't obvious, that was nothing but a lie. Ilang beses nang nangyari iyon. Nahuhuli kong nakatingin ang malamig niyang mga mata sa akin tuwing niyayaya ako ni Mommy na sabayan na sila sa pagkain. Iisa naman lagi ang sagot ko... at hangga't nasa iisang espasyo kami ni Selene ay hindi magbabago iyon. I didn't want to have more time to spend with her. Sapat na ang dalawang hanggang tatlong oras na nakakulong kami sa study room.

Isang beses ay si Selene na mismo ang kusang nagsasabi kay Mommy na hindi siya sasabay. Nakokonsensya man ay alam ko sa loob-loob ko na mas mabuti na iyon.

Sa mga sumunod na linggo ay tahimik lang siya gaya ng nakasanayan ko. Bukod sa pagtuturo sa akin ay wala siyang tinatanong tungkol sa personal na buhay ko. Not that I was expecting it. Napagtanto ko lang na talagang hindi siya interesado sa akin.

"Thank you."

"Yeah, thank you, too."

Araw-araw ay ganoon lang ang palitan ng pagbati namin. We were so awkward. Hindi ko alam kung nararamdaman niya iyon o hindi.

"Matatapos na ba? May lakad pa 'ko..." sabi ko sa kanya nang magtagal ang discussion namin, halos isa't kalahating buwan simula nang turuan niya ako.

Kita ko ang pagpa-panic sa itsura niya.

"Yeah, wait!" she said. "Sorry. Ang dami kong naisingit na hindi relevant. This is my favorite topic, that's why."

Hindi na ako sumagot. She likes nucleic acids and protein synthesis? Parang wala namang interesting tungkol doon.

But if that was her favorite topic, should I learn more about it?

"Bilisan mo na," I told her instead.

She chuckled nervously. "Oo... sige."

I looked away when she dropped her highlighter on the floor. Aligagang-aligaga siya. Nakaka-guilty tuloy.

She cleared her throat. "Ang mabuti pa, bukas na lang. I didn't know you had a plan for tonight." She stood up. "I'm sorry for taking too much of your time."

Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya. It was true. I had a party to attend. Mamaya pa naman iyon... pero masyado nang matagal ang pagsasama namin. Hindi ako natutuwa.


Selene Sanders:

I'm sorry.


Bihis na ako nang matanggap iyon mula sa kanya. Napaupo ako sa kama at pinakatitigan ang mensahe. What was she apologizing about?


Selene Sanders:

You can take the day off tomorrow.

I'll tell Ninong Troy I have a fever.

Don't worry. We'll keep it a secret.

Trevor Justice Dela Paz:

What are you saying?


Hindi na siya nag-reply. Tumuloy ako sa party pero isang oras lang ang tinagal ko roon dahil nababahala ako sa messages niya.

Kinabukasan, alas tres ng hapon, ay walang Selene na dumating. Kahit na sinabi naman sa akin ni Daddy noong umaga na nilalagnat daw si Selene ay umasa pa rin akong hindi niya itutuloy ang pinaplano. Weekend pa naman bukas. Dalawang araw ko siyang hindi makikita... idagdag pa ang ngayon.

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Thunder. "Magba-basketball kami nina Lorenzo. Hindi ka sasama?"

"Kayo na lang," sagot ko bago dumiretso sa study room.

Something in my heart felt heavy. Nababagabag ako. Sana ay hindi ko na lang sinabi sa kanyang paalis ako. She looked like she was enjoying our topic yesterday. Pinutol ko lang.

Ah, bahala na. Hindi dapat ako nalulungkot dahil wala siya. Mabuti nga 'yon dahil makakapagpahinga ako.

Hindi ako sumunod sa kapatid ko kahit pa bagot na bagot ako sa bahay. May mga nagyaya naman ng pag-iinom pero tumanggi lang ako at nagdahilan. Magkukulong na sana ako sa kwarto ko nang mapadaan sa kwarto ni Thunder. Bukas ang pinto noon at kita kong may ilaw pa ang computer niya. Nakalimutan na namang patayin.

Sighing, I went inside to turn the PC off. Kaya lang, nang igalaw ko ang mouse ay lumiwanag ang screen at bumungad sa akin ang homepage niya sa Twitter.

I didn't know what had gotten into me so much that I sat on his gaming chair to check the account of... someone. Sa pagkakaalam ko kasi ay mutuals sila. Lalo't nakikita kong ka-replyan niya iyon sa mga tweets niya.


Sel 🔒

@selenesanders Follows you

Named after the Greek goddess of the moon. Was ugly and boring, though. In pursuit of high self-esteem.

5 Following · 88 Followers


I scrolled down to see her tweets. I knew it was wrong to do this... but I was curious. I wanted to know what she was up to.


📍Pinned Tweet

Sel 🔒 @selenesanders

Hustisya. Para sa bayan. Para sa akin.

14


Sel 🔒 @selenesanders

Maybe you'll talk to me.


Sel 🔒 @selenesanders

I wish I could enjoy parties too.

2


Hindi ko alam kung bakit may kaunting sipa sa dibdib ko ang nabasang tweet niya kahapon. I knew it wasn't for me... but I felt sad. Selene had never been to parties. Mas gusto niyang mag-isa. Kung gusto niyang mag-party, should I invite her sometimes? Pero hindi naman niya hilig iyon. She'd rather stay at home and sleep... or study. Kaya madalas ay natatawag din siyang killjoy o boring ng ilang kaibigan namin.


Sel 🔒 @selenesanders

I must be so boring to be with. It was all over your face.

9


Kumunot ang noo ko. Who was she referring to? Hindi naman siya nakakatamad kasama. Actually, the more you hear her talk, the more you'll be drawn to her. Paano ay kumikislap ang mga mata niya kapag pinag-uusapan ang mga hilig. Like... yesterday. Kung hindi ko lang sinabing aalis ako.


Sel 🔒 @selenesanders

Dull hours. Distant eyes.

3


Sel 🔒 @selenesanders

Why do you hate me?

5


I couldn't believe what I was seeing. Ganito pala siya ka-active sa Twitter? She didn't look like someone who would be on social media.

Pero sabagay, wala siyang kaibigan. Maliban sa kakambal niya, parang wala namang siyang nakakausap na iba. Kung meron man, mga kaklase lang na nagpapaturo sa kanya.


Sel 🔒 @selenesanders

Wow. I wish I'm pretty too. Hahaha.

💭1 12


"God, Selene... you are!" bulaslas ko sa sarili. "Sino ba 'to?"


Lorenzo @gaelsanders

↪️ Replying to @selenesanders

You are pretty. Who's making you feel ugly? 😡

9


Sel 🔒 @selenesanders

I wonder if your friends know me. My cats had you memorized.

16


Sel 🔒 @selenesanders

You've ruined my homeostasis.

5


Sel 🔒 @selenesanders

I miss the old us.

8


Marami pang tweets si Selene sa ilalim noon pero sapat na iyon para makumpirma kong may pinariringgan siya.

I didn't know she liked... someone. Ikinabahala ko iyon. Base sa mga tweets niya ay hindi siya gusto ng gusto niya. Who was he, and why was he making her feel that way? Kapag kausap niya ako ay parang ang hirap-hirap niyang abutin. Ano'ng karapatan ng lalaking 'yon iparamdam sa kanyang boring siya? He must be nuts! He didn't know what he was missing!

At kaya pala homeostasis ang una naming inaral, huh. He ruined your equilibrium, Selene? You're too young! Hindi ka pa puwedeng magpaligaw!

Naging laman iyon ng isipan ko hanggang Lunes. Gusto kong mabasa lahat ng tweets niya dahil mukhang doon siya naglalabas ng sama ng loob. Ang kaso lang, naka-private ang account niya at nahihiya akong i-follow siya. Ayoko rin namang hiramin ang account ni Thunder. Siguradong magtataka 'yon.

Selene liked someone. May parte sa akin ang... hindi iyon matanggap. It must be someone from her school. Sino naman kaya roon? Wala namang naikukuwento si Lorenzo na ka-close ng kakambal niya.

Ano kayang tipo niya sa lalaki? 'Yon bang mahilig din mag-aral kagaya niya? But... I'd get serious with my studies, too! Hindi naman ako mahinang-mahina sa klase. Tamad lang ako kaya madalas ay napag-iinitan. If Selene favored academically successful men, would this be a good moment to excel in my studies? Matutuwa pa sina Mommy at Daddy.

"Are you listening?"

Naputol ang pag-iisip ko. Dahan-dahan kong binasa ang pang-ibabang labi, palihim na napamura sa tinatahak ng utak. My head was going elsewhere again. Nasa harap ko si Selene pero siya pa rin ang iniisip ko. Kung bakit ko ba kasi binasa pa ang tweets niya. Hindi tuloy mapalagay ang loob ko.

She had a serious crush on someone! The nerve of her. Bata pa siya. Hindi puwede. Isusumbong ko siya kina Tita Sol at Ninong Duke!

"Yeah," mahinang tugon ko, kahit pa hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya.

Sa mga nagdaang araw at linggo ay nagse-self study ako tuwing magpapa-quiz siya. Ayokong mapahiya sa kanya! Kapag nga nagkakamali ako ng tatlo hanggang lima ay nanlulumo ako. I needed to show her what I was capable of. Baka... ma-turn off!

"Repeat what I just said."

Tumikhim ako. "Uhm... well..." Come on, Trevor! Say something!

Hindi ko masundan ang gustong sabihin. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay itanong sa kanya kung sino ang napupusuan niya at kung bakit sa tingin niya ay hindi siya maganda. That guy must be fucking mad. Wala ba siyang mata?

"Do you want us to take a break?"

Napatigil ako. "Huh?"

She touched the ends of her bangs as she pursed her lips. May kaunting takot sa mukha niya ngunit kung hindi mo siya kilala ay hindi mo iyon mapapansin. She looked a lot like Tita Sol, but unlike her, Selene wasn't transparent. Hindi mababasa ang emosyon sa mga mata niya. Makikita mo lang kung... tititig ka.

"Hindi ba ako effective na tutor?" mahinang tanong niya.

Lumunok ako at ibinaba ang tingin sa libro. I couldn't stand her gaze.

"I've been tutoring you for almost two months. Wala ka bang natututunan sa 'kin?"

Akala ko, hanggang sa matapos kami ay hindi kami mag-uusap nang ganito. Akala ko ay tungkol lang lagi sa mga lesson na inihahanda niya. I was okay with that. Magkalapit... pero walang nagbabago. Hindi naman kasi puwedeng may magbago. Kahit gustuhin ko pa.

"Or do you just... hate me?"

Pakiramdam ko ay tumigil ang buong sistema ko. Nag-angat ako ng tingin at unti-unting napatitig sa mukha niya.

There was a veil of sadness in her eyes that only people who really looked at her could see.

Mali si Lorenzo. His twin sister had feelings; she was just keeping them hidden.

Huminga siya nang malalim at itinuon ang dalawang siko sa mesa. She then brought her two closed hands together and rested her chin on her knuckles. Sa simpleng ginawa ay nagwala ang dibdib ko. Hindi ko naalis ang tingin sa maganda at maamong mukha niya... lalo at namumungay ang mga mata niya.

"Hmm? What is it that you hate about me, Trevor?"

Hindi ako makasagot. Parang binabasa niya ang laman ng utak ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

She gave a faint smile. "I'm just asking... hindi naman ako magagalit."

"Where are you coming from?" napapaos na tanong ko.

"You're friendly with my siblings. I'm just wondering why you're so... different... to me," dahan-dahang sagot niya, para bang hindi pa sigurado sa gustong sabihin. "Hindi ko naman sinasabing tratuhin mo rin ako nang gano'n. I'm just... curious. Saka, hindi ako manhid para hindi mapansing ayaw mo sa 'kin."

There was a short flash of pain in her eyes. She didn't seem to feel anything, so I wasn't sure if I was right.

"I know this is just a punishment for you." She pursed her lips and cracked a forced smile. "But can you pretend that being with me isn't so bad?"

Para akong tinamaan ng hiya sa sinabi niya. I always pretended to be cold and not interested in her. Isang tanong, isang sagot. Walang tumatagal na usap.

I didn't want us to grow closer because my heart wasn't safe whenever she was around. Hindi ko naman alam na ganoon na pala ang interpretasyon niya.

"Don't skip dinner just because I'm here. Hindi na ako papayag sa susunod kapag niyaya ako," she continued. "And if you're bored with me, you can just tell Ninong Troy that I'm not an effective tutor. I can take criticism pretty well, Trevor."

"Selene—"

Umiling siya para putulin ako. "Dismiss na kita. Sasabihin ko na lang kay Ninong Troy na masama pa rin ang pakiramdam ko."

Hindi pa ako nakakapag-react ay sinikop niya na ang mga gamit at dumiretso palabas ng study room. Hindi ko alam kung bakit parang... nagtatampo siya. O siguro naiparamdam ko sa kanya na ayaw ko siyang kasama? Isa pa, diretso kong sinabi sa kanya na parusa sa akin ang sessions namin. It must've hurt her. Ang malamang punishment sa isang tao ang bagay na kinahihiligan niya.

"Thunder, pahiram nga ng Twitter account mo..."

Nagsalubong ang kilay ng kapatid ko.

"Aanhin mo naman?"

"'Wag ka nang matanong. May titingnan lang ako."

Nagkibit-balikat siya bago inginuso ang PC niya. "Naka-open d'yan. Ikaw na ang bahala."

I told him to go outside his room, and he marched out, annoyed. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil kating-kati na ang kamay kong malaman kung ano ang problema sa akin ni Selene. It must be in her Twitter account.

Pero paano kapag wala? Baka hindi naman ako ganoon ka-importante para i-tweet niya.


Sel 🔒 @selenesanders

I hope it ends already. I hate his eyes.

3


Napalunok ako. Ako ba 'to? Ayaw niya sa 'kin?


Sel 🔒 @selenesanders

I love my family. They're the only ones who don't find me boring.

6


Sel 🔒 @selenesanders

So close, yet so far.

1


Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lungkot sa dibdib ko. It may be for someone else, but I could relate to her. Baka... heartbroken siya. She was extra sensitive today. Wala naman siyang problema sa malamig na pakikitungo ko sa kanya. Ngayon lang siya nagsalita tungkol doon. Baka dahil iyon sa lalaking napupusuan niya.

"My, aalis ako."

That same night, I told my parents I was going to have a few drinks. Matagal naman na noong huli akong uminom.

"Aba, bago 'yan, ah?" singit ni Daddy. "Nagpapaalam ka?"

Ngumiti sa akin si Mommy. "Sino ang kasama mo?"

"Baka sina August o Keanu," hindi siguradong sagot ko. Wala pa rin naman kasi akong niyayaya.

"Susunduin kita. 'Wag ka nang magdala ng sasakyan," sabi ulit ni Daddy. "'Wag maglasing, ha? Tama na ang ilang bote."

Pinayagan nila ako... surprisingly. Siguro ay dahil sumunod ako sa gusto nila sa loob ng halos dalawang buwan. Tuwing Sabado at Linggo ay ni hindi rin ako lumalabas. Kung aalis man ay babalik din agad ako bago maghapunan.

I ended up drinking alone. Wala akong itinext o tinawagang kaibigan. I just settled myself at the bar counter, ordering whatever drinks I wanted. I was underage, but the owner's son was my friend, so it was easy for me to get in.

Naglalaro sa utak ko si Selene at ang mga tweets niya. She had such low self-esteem. Hindi iyon halata sa paraan ng trato niya sa akin. She looked dauntless and indifferent. Parang walang sinuman ang kayang manakit sa kanya.

But from what I saw in her tweets, she seemed very disturbed. May nakakasama ba siya ngayong summer bukod sa akin? Bakit hindi sinasabi ni Lorenzo sa akin ang tungkol doon?

"Tangina. Bahala na nga."


Trevor Justice Dela Paz:

Are you okay?


Hindi ako mapakali sa inuupuan kong bar stool. I was worried about her. Sigurado akong lungkot ang nabasa ko kanina sa mga mata niya.

Napahawak ako sa labi ko nang makita ang tatlong tuldok sa chat box namin. She was typing a reply. Gising pa siya!


Selene Sanders:

Yeah. Why did you ask?

Trevor Justice Dela Paz:

You're an effective tutor, Selene.

Selene Sanders:

Thanks.

But I know you're bored.

With me.

Eyes don't lie, Trevor. Hahaha.

Trevor Justice Dela Paz:

I'm not bored. You're not boring.

Saan mo ba nakukuha 'yan?

Selene Sanders:

You said I was a punishment.

Don't lie in my face.


Nakuyom ko ang kamao sa nabasa. Wala akong sinabing ganoon! The tutoring sessions were a punishment... but not being with her! Kahit pa ayoko talagang makasama siya! Paano ko gugustuhin kung alam kong delikado lang ang lagay ko sa kanya?


Trevor Justice Dela Paz:

I never said anything like that.

Ayokong mag-aral buong summer.

Hindi ibig sabihin noon ay ayaw ko sa 'yo.

The sessions were the punishment.

Hindi ikaw.

Selene Sanders:

I'll believe that

If I hadn't noticed your attitude toward me.


Diniretso ko ng inom ang alak sa bote. My head was haywire. Alam kong may tama na ako, dahil kung wala ay hindi ko naman siya icha-chat. Mabuti na nga ito. Para malaman ko kung ano bang nangyayari sa kanya. She was hurt... pero bakit parang ako ang nanakit sa kanya? Hindi ko naman siya inaano.


Trevor Justice Dela Paz:

As if you were innocent yourself.

You can't even talk to me.

All these years.

Selene Sanders:

Wow, Trevor. Who leaves first?

Ako ba?

Trevor Justice Dela Paz:

We changed, Selene.

You can't expect us to remain friends.


Not when I like you so much.


Selene Sanders:

I know.

You're different from the Trevy I used to play with.

Growing up has changed you.

Trevor Justice Dela Paz:

It changed you, too.

Selene Sanders:

Well, I hate your changes.


Muli kong tinungga ang iniinom kong alak. Pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko sa galit. Hindi ko alam kung kanino.


Selene Sanders:

Drinking and partying 'til dawn.

Getting almost failing marks.

A happy-go-lucky spoiled brat.

Getting into every hot girl's pants.


"Wow... are you fucking serious now?"


Trevor Justice Dela Paz:

I hate your changes, too.

Boring and withdrawn.

Grade-conscious and all-knowing.

You're like a grumpy old maid.


Sinabunutan ko ang sarili nang makitang sineen niya ang chats ko. I didn't want to say those... but I was offended! Kinukumusta ko lang naman siya dahil pakiramdam ko ay malungkot siya. Bakit kailangan niyang ibunton sa akin ang inis?


Selene Sanders:

I know I'm boring. Thanks for pointing that out.


"Nauna ka naman, ah?" hinang-hinang saad ko sa sarili.


Selene Sanders:

I hate you, Trevor Justice.

Let's just finish the sessions

And never talk to each other again.


Buong gabi akong nag-inom. Masamang-masama ang loob ko sa naging palitan namin ng mensahe. Siya itong nauna. Gusto ko lang naman siyang i-comfort dahil malulungkot ang tweets niya. Tapos ngayon, ako pa ang naging kontrabida para sa kanya.

Hinding-hindi ko talaga siya maiintindihan. I liked her so much that it hurt to know that she hated me and the changes I was making. Magkaibang-magkaiba na kami ngayon. Bakit ko ba siya nagustuhan?

And who was the guy she was tweeting at?! It was all that fuckhead's fault! Ako ang napagbubuntunan ni Selene ng inis dahil sa kanya!

"Fuck, Selene. You're not getting away with this."

My voice was slurred when I clicked the voice call icon on the upper right corner of our chat box. Hindi niya sinagot ang tawag kaya pinindot ko ulit iyon.


Trevor Justice Dela Paz:

Answer the damn call.


Chat ko iyon sa kanya nang ibaba niya ulit ang tawag. I called a few more times before she finally answered.

"What the hell is your problem, Trevor?" bungad niya sa tawag.

I chuckled at the way my heart reacted just by hearing her voice.

"You are my problem, Selene," I replied, still chuckling.

"Lasing ka?"

"Pake mo? Ayaw mo no'n, 'di ba?" Tumawa ulit ako. "Kung makapagsabi ka na nagbago ako, parang walang nagbago sa 'yo, ah? You were even tweeting about boys now!"

"Ano'ng sinasab—"

"You think I hate you?" I asked. "I do! I do hate you!"

"I kno—"

"Shhh!" I cut her off. "You are so hard to reach, Selene. You don't like me drinking and partying? Then, stop me! Pagbawalan mo 'ko! Text me like how you text Lorenzo!"

"As if you'll listen."

"I will!" Isinubsob ko ang mukha sa bar counter. "If you don't like my failing marks, tutor me. If I ace an exam, tell me I did a good job. Hangin lang ako sa 'yo nitong mga nagdaang taon. Why are you saying that you hate me now?"

"You're drunk. Umuwi ka na."

"Not after I tell you everything, Selene. You think I'm cold toward you?" I chuckled. "That's because I don't want you to see how much I like being around you."

Hindi siya nakapagsalita kaya muli akong humalakhak.

"I don't fuck around with girls. I flirt, yes... but I'm not getting into anyone's pants," I said. "The woman I like is off-limits. I'm holding my sanity back to stop liking you."

"Trevo—"

"Stop talking, Sel. I distanced myself from you because I'm beginning to like you. Do you hear me?" paos na tanong ko. "I'm not eating dinner when you're around because I don't want my parents to see how I look at you. And yes, you're boring... but I want to spend all my time with you. Kasi hindi naman ako tinatamad kapag kasama kita. You get me so excited that I had to act tough for you not to notice."

"We should talk when you're sober..." mahinang sabi niya.

Hindi ko siya pinansin.

"You like someone now? I've seen your tweets. Sino'ng nagsasabing pangit ka, Sel?" Umiling ako. "You are beautiful. Ni walang pumapasok sa utak ko kapag nagsasalita ka kasi ang ganda-ganda mo."

I smiled at the thought of her face.

"Please don't fall in love yet. Magpapaalam ako kina Ninong Duke kapag puwede na. Basta... 'wag ka nang gumusto ng iba. I'll change my ways, too. I'm sorry for acting differently. I'm sorry for not talking to you. I didn't do it on purpose. Nawawalan lang talaga ako ng sasabihin kapag kaharap kita," dire-diretsong saad ko. "Selene, I like you. Please don't hate me."

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling alaala ko ay sinundo ako ni Daddy.

Nang magising ako kinabukasan ay masakit na masakit ang ulo ko. Hindi ko agad naisip ang mga pinaggagawa kagabi... kung hindi ko pa nabuksan ang messenger ko.

"What the fuck?!"

Halos marinig sa buong bahay ang sigaw ko. May... voice call kami ni Selene! Six minutes! Tangina! Ano'ng mga sinabi ko?! At may mga chat din kami!

Oh, God. This is bad.

Pumikit akong muli at inalala ang mga katangahang ginawa. Pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko sa init. Did I just confess my feelings to her?! Sinabi ko pa yatang magpapaalam ako kay Ninong Duke! I mean, that was my plan... na alam kong hindi ko magagawa!

She triggered me! Her sad eyes, sad tweets, and angry chats triggered me! My jealousy triggered me!

"Daddy, cut my allowance by 70%," I told my father while we were having lunch. "I don't want Selene to tutor me anymore."

Hindi puwede ito. I kept my feelings for her hidden almost all my life! Nilalayuan ko siya at pilit na iniiwasan! And just because of alcohol... I blew my fucking cover! Paano ko siya haharapin? I even told her to stop liking someone! God! My deepest, darkest, and most shameful thoughts had now surfaced! Ang tanga-tanga ko!

"Bakit? Nag-away kayo?" tanong ni Daddy.

Umiling ako. "Ayoko lang. Nakakaumay."

Natahimik siya bago dahan-dahang tumango.

"Ikaw ang bahala..."

I did my best to forget about what happened the following days. I cringed at the thought that I confessed to her... over a drunk call! Ano na lang iisipin niya? Na hindi seryoso ang mga sinabi ko?

Mabuti nga kung ganoon! Para hindi siya mag-isip!

But... how about the guy she liked? Paano kung maging sila? Kalmado pa ako ngayon dahil walang umaaligid sa kanya. Pero paano kung harap-harapan ko nang makita na may boyfriend siya? How would I react?

May tweet pa siya na "I miss the old us". Ano?! May ex na siya ngayon? Bakit hinahayaan nina Lorenzo at Ninong Duke?! Hindi pa dapat puwede!


Selene Sanders:

It's been two weeks. Can we talk now?


Halos panlamigan ako nang ma-receive ang chat na iyon sa kanya. Hindi na nasundan ang session namin, at hindi naman siya nagtanong tungkol doon. I was so embarrassed to face her. Nalaman niya ang dahilan kung bakit iba ang pakikitungo ko sa kanya.


Selene Sanders:

You can't ignore me forever.

Our families are friends.

We need to talk about this so that things don't get weird.


Hindi agad ako nag-reply. Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko ba siyang kausapin o hindi. Tama naman siya. I couldn't ignore her forever. Magkikita at magkikita kami. Our families had a deep-rooted friendship. Hindi ang nararamdaman ko sa kanya ang makakasira noon.


Trevor Justice Dela Paz:

Okay. 4 PM tomorrow. Café Trinidad.


"Tangina, ano'ng sasabihin ko?" I took a deep breath. "The best way is to deny it... right?"

Kabadong-kabado ako habang nakaupo sa Café Trinidad. Alas tres palang ay nandito na agad ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin gayong ako mismo ang umamin sa kanya. Kapag idineny ko ay mawawalan ako ng tyansa na masabi talaga sa kanya ang nararamdaman ko. Kapag naman sinabi kong totoo iyon ay malaki ang posibilidad na hindi niya ako tanggapin.

Pero... bahala na. We were too young for this. We didn't know what would happen in the future.

Alam kong kung hindi ako lumayo noon kay Selene ay lalaki kaming matalik na magkaibigan gaya namin ni Lorenzo. I'd seen her first cry, her first step, and her first meal by herself. Maaga ko ring nalaman na nagugustuhan ko na siya. Kaya nga ako dumistansya. Hindi rin naman niya ako hinanap-hanap. Ni hindi niya nga ako kinakausap... gaya ng hindi ko pagkausap sa kanya.

Saktong alas kwatro siya dumating. Nakalugay ang hanggang baywang niyang buhok at sa simpleng paghawi niya rito ay hindi ko na naman makalma ang sarili. She looked like an angel, but she didn't even know it.

"Totoo ba lahat ng sinabi mo?"

Those were the first words she said when we sat face-to-face, ten minutes after we ordered.

Hindi ako makatango. Hindi rin ako makailing. I didn't know what to do or say. Natatakot akong matanggihan niya pero natatakot din akong magsinungaling sa kanya gayong huling-huli na ako.

"I'm not expecting anything in return, Selene," tanging nasabi ko.

Nakita ko ang paglunok niya. She sipped her frappe as she licked her bottom lip.

"You like me..." she whispered to herself. "How about the model your friends are talking about?"

Umiling ako, labis na nababalisa sa ginawang pag-amin.

"Ex-fling. She asked for my number when I ran into her because I changed sims. I blocked her in my previous one." Tumikhim ako. I couldn't believe I was explaining! "Paano mo... nalaman?"

Ibinaba niya ang tingin sa kamay. "Twitter."

Bahagya akong natigilan. Was she stalking my account?

"About your tweets... tiningnan ko gamit ang account ni Thunder," saad ko. "I'm sorry. I'm just... curious. Hindi ko alam na may nagugustuhan ka."

She scoffed. "Why didn't you follow me instead?"

My heart skipped a beat.

"Sino 'yon?" pangungusisa ko, hindi pinansin ang sinabi niya.

Namula ang pisngi niya kaya may kung anong pumitik sa sintido ko. Damn. He could even make her blush!

"Selene, sino 'yon?" pag-uulit ko dahil hindi siya sumagot.

Ngumuso siya. Natigilan ako roon.

"I thought you've read my tweets..." she said weakly. "Ba't hindi mo alam?"

Pilit kong ikinunot ang noo. Was I supposed to know? Wala naman siyang sinasabi.

"Do you really like me, Trevor?" tanong niya, ang mga mata ay tutok na tutok sa akin.

I was nervous as fuck. Walang-wala ang pagsusungit ko sa kanya sa nakalipas na mga linggo.

"Sagot," she urged. "Do you like me?"

Binasa ko ang pang-ibabang labi bago unti-unting tumango. Nakakahiya. Nakakatakot. Pero bahala na. Umamin naman na ako. Wala nang atrasan 'to.

Her cheeks flushed.

"You'll talk to Daddy about... it?" She blinked a couple of times, para bang hindi makapaniwala sa itinatanong niya.

Huminga lang ako nang malalim.

"I will." Halos ibulong ko na iyon. "After I do well in school. I'll limit my partying and drinking, too." Ibinagsak ko ang tingin sa kamay niya. "Alam kong... ayaw mo no'n."

It was the first time we'd talk about it, and I could feel my heart bursting at the seams. Gustong-gusto ko si Selene. Not even my mind could fathom how deep my feelings for her were. Kahit tuloy itanggi ko nang itanggi ay iba pa rin ang nananalo sa puso ko.

"Puwede kang pagbawalan?" tanong niya pa.

Muli akong tumango.

"Puwede kang i-chat kapag... may achievement ka? O batiin kapag birthday mo?"

Iniangat ko ang tingin sa kanya. Bahagya siyang nagulat doon.

"Oo, Selene," klarong saad ko.

She pursed her lips. "Will you introduce me to your friends?"

Pakiramdam ko ay namilog ang mga mata ko roon.

"Gusto mo?"

She hesitated a bit. "K-Kung gusto mo lang din."

I nodded. "I'll take note of that. I didn't know you wanted to meet my friends."

Binalot kami ng katahimikan. Unlike our sessions, where there was an uncomfortable silence, this one was different. Rinig ko ang mabibigat na paghinga naming dalawa kahit pa may malamyos na musika naman sa buong café.

"If you like me... bakit hindi mo ako pinapansin o kinakausap?" mahinang tanong niya. "Bakit lagi mo 'kong sinusungitan? You dislike my presence. I don't understand."

I cleared my throat. "Sinabi ko na sa 'yo. I don't want you to know that I like you. Talking to you or being with you..." Umiling ako. "Baka mahalata mo."

"So, you don't really hate me?"

I smiled a little at her. "It's quite the opposite."

"You don't find me boring? But you said I'm boring."

"Interesado ako sa 'yo, Selene. Of course, I don't think you're really boring. I just... said that. Sorry."

Natulala siya.

"The reason why you're distant and indifferent was because you like me," parang sa sarili niya lang sinasabi iyon. "You don't actually hate me after all these years."

I couldn't believe I was really confessing my feelings to her. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.

Natahimik ulit kami. Minsan ay nagkakasabay pa kaming sumimsim sa inorder namin. Pakiramdam ko ay namumula rin ang mukha ko gaya niya. God... I had never been this shy.

"Pwede ko na bang tanungin kung sino ang lalaking gusto mo ngayon?" basag ko sa katahimikan.

She pinched her lips as she averted my gaze.

"It's..." she stalled. "In my pinned tweet."

Kumunot ang noo ko. "There's no name in your pinned tweet."

She looked hesitant, but she got her phone out of her tote bag. Pinanood ko ang kamay niyang magtipa roon hanggang sa iharap niya sa akin ang Twitter account niya.

"Hustisya para sa bayan at para sa akin..." basa ko sa pinned tweet niya. "So?"

She gazed at me hopelessly, a smile protruding from her lips.

"You really need to study, Trevor Justice."

Nangingiting isinilid niya ang telepono sa bag bago tumayo.

Hustisya... Justice? Was it... me?

"You said you're not expecting anything in return..."

Napalunok ako. Wait. I don't undertstand! Ano'ng sinasabi niya?

She gave me a beautiful smile.

"Well, you can expect now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro