Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

A lot of people sees night as a darkness. No matter how stars glimmered in the night sky. No matter how luminous the moon is, the dark is still conquering the wide skies at night.

Night. I'm always fascinated at it until it turns into something strong, love. I'm inlove with the night ever since I can't remember. Coz why not? Who wouldn't?

If I'll compare night to anything, It'll be life, maybe? Sometimes it's a starry night but most of the time it is a stormy one. A night without a star, a night full of darkness.

Umihip ang malamig na hangin at bahagya akong nangatal sa pagdampi noon sa aking balat. I hate the moody climate of the Philippines. Kanina lang ay napakainit, ngayon naman ay malamig at tila luluha ang kalangitan.

Naisipan ko na bumalik sa loob ng restaurant dahil sa lamig ngunit sa huli ay wala sa sariling umiling at isinantabi ang naisip.

I would rather die here than go back inside that restaurant. I'm sure I won't die just because of a cold night.

Wala sa sariling itinaas ko ang aking kamay na para bang maaabot nito ang maitim na kalangitan. Walang bakas ng mga bituin, tanging ang liwanag ng buwan ang nakakapagbigay buhay sa madilim na gabi.

Sa huli ay iniyukom ko ang palad at napangiti ng ibaba ang aking kamay.

An overspeeding car stopped in front of me. I was about to utter complaints when the window of the car beside the driver's seat opened and I heard a familiar voice.

"Mukha kang luka dyan!" I rolled my eyes as I heard Lucille.

Umikot ako papunta sa passenger seat upang sumakay doon.

She maneuvered the car the moment I entered.

"Where's your fiance?" She asked and I shrugged my shoulders off as an answer.

"Iniwan mo na naman? How is he?" She dramatically asked. Para bang alalang alala. Sandali niya pa akong binalinggan ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa daan.

"I don't like him, what do you want me to do?"

"I thought he'll be your last fiance?" Her brow arched. I thought so. Napangisi ako ng maalala ang nangyari kanina. Well, everything went fine until I saw something.

"I don't like him as a fiance." Mariing sambit ko kaya't muli itong napalingon sa akin.

Pinanliitan ako nito ng mga mata at unti unting nabuo ang ngisi sa kanyang labi. "You don't like him or you saw something you don't like?"

I remember the reason why I'm so fucking irritated.

Nang nakuha ang order namin ni Adriel ay iniwan na kami ng waiter.

Tuwid ang aking pagkakaupo at pinananatiling pulido ang mga galaw.

Nagtagal and aking titig sa mukha ni Adriel. He looks so manly! His eyes, his pointed nose and those lips looks so kissable! But I won't try it.

Sa lahat ng naging fiance ko ay siya ang sa tingin ko ay maari kong pakasalan. Sa tingin ko ay siya yung tipo ng lalaki na pormal at hindi eskandaloso. What I mean is, hahayaan ako sa kung anong gusto ko at hindi seloso. Lalo na at hindi ko naman maipapangako na magiging butihing asawa ako.

Naalala ko ang fiance ko noong nakaraang linggo. I forgot the name. Nakita lang na may lalaking nakatingin sa akin ay agad na nitong sinugod at kinompronta. Muntik pa kaming mag-away ni Mommy dahil sinampal ko ang lalaking ipinapares niya sa akin.

I met Adriel's eyes and he caught me staring at him. Fuck! I gave him a smile. Sana lang ay hindi awkward ang pagkakangiti ko.

Igting ng panga ang isinukli niya sa aking ngiti. His squared jaw!

"What are you planning to get rid of me?" He asked using a manly voice. Nauwi sa ngiwi ang aking ngiti dahil sa tanong niya.

"What are you talking about?" I asked, pretending that I didn't know what he's pointing. Siguro ay narinig niya kung ano ang nangyari sa mga nauna kong fiance.

"Don't do something stupid. Huwag kang magalala, kusa akong tatanggi sa kasal."

"Huh?" Iyon lang ang naisagot ko sa kanya.

"You're not my type, Miss. I won't marry you." Diretso at pinal na sambit nito. The audacity of this man! Siguro ay man girlfriend siya kaya't ayaw magpakasal. Poor girl, sa akin ipinagkasundo si Adriel.

"E-excuse me?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Sa tingin niya ba ay gusto ko siyang pakasalan? Napipilitan lang ding ako!

"Do I need to repeat it?" Aroganteng sambit nito. So, may girlfriend siya? Napangisi ako sa naisip na kalokohan.

Pinaglandas ko ang aking paa pataas sa kanyang binti ngunit malamig na titig lang ang ibibigay niya sa akin. Sa huli ay inilibot ko ang tingin sa paligid at nang makita ang waiter na malapit sa amin ay agad kong kinuha ang atensyon nito.

I rose up when the waiter walked towards our direction.

"Can you please move my chair beside him?" Utos ko ng makalapit ang waiter sa amin. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Adriel ngunit hindi ko na iyon pinansin. Agad namang tumalima ang waiter at bahagyang yumuko matapos akong sundin.

"Thank you." I muttered bago ito makalayo sa aming table.

I comfortably sat down on the chair beside Adriel. Hindi pa ako nakakaayos ay dumating na ang order namin.

Ipinatong ko ang aking kamay sa ibabaw ng hita ni Adriel at mariin itong napamura kaya naman bahagyang tumingin sa amin ang waiter na naglalagay ng aking order.

"What are you doing?" Mariing sambit nito. Ngumisi ako at marahang pinisil ang kanyang hita.

"Fuck off." Baling nito sa akin nang kaming dalawa nalang ang naiwan sa table.

Binabalewala ko na ang naisip ko kanina because I want to pissed him. Mabilis akong lumapit sa kanya upang pagdikitin ang aming mga labi. Agad akong lumayo dahil ramdam ko ang paninigas ng katawan ni Adriel dahil sa aking ginawa.

"Yuck!" He shrieked. Ganoon nalang ang pamimilog ng aking mga mata ng pumilantik ang boses nito. Marahas na pinunasan nito ang kanyang labi na para bang nandidiri. Inilibot ko ang tingin sa paligid para makita kung may nakatingin sa amin at laking pasalamat ko ng wala.

"The f-fuck?" I stammered.

"Bakit mo 'ko hinalikan?!" Pagalit na sambit nito ngunit sa malambot at maarteng tono.

Ilang beses akong kumurap ngunit ayaw tanggapin ng utak ko ang narinig.

"A-Adriel," I muttered. Is he....

"Kadiri ka, Bakla!" Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa sinabi at itinawag niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala na kanina lang pinagpapantasyahan ko siya not knowing that he is.... Oh my God!

"Anong tinitingin tingin mo-" Naputol ang kanyang sasabihin. Para bang na tauhan ito. He cleared his throat and shifted in his seat. "You saw nothing." His voice is back in cold and manly tone.

"Oh my God, Adriel?" I have nothing against them but I'm just shocked because of what I just saw and heard.

"Shut up!" His voice thundered.

I gave him a mischievous smirk. "Now I know why I am not your type." I leaned on his ear and whispered. "Parehas pala tayo ng gusto."

"Fuck off." Mariing sambit nito. Malamig ang mga titig at umiigting ang panga.

"Don't worry, I won't tell anyone." Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi bago hinarap ang pagkain. I heard him cursed and saw him glaring at me through my peripheral vision.

Ilang sandali ay nagpaalam ako kay Adriel para pumunta sa powder room. I still can't believe that Adriel is a1 gay. I'm not against it nor supporting it, let's just say, I'm not really minding it. It's their life anyway, I have no say on that.

But Adriel looks so manly! Sayang! Napailing ako sa aking naisip.

I frowned when I saw the powder room's door locked.

I was about to go back to our table when the door opened. Lumabas doon ang dalawang pamilyar na pigura ng tao.

"Ms. Amherst," Creed muttered when our eyes met. Sumikip ang aking dibdib ng bumaba ang tingin ko sa kamay niya na nakapulupot sa baywang ni Cerys.

Agad na nanliit ang mga mata ko sa kanyang kamay ngunit agad ding nabawi ang atensyon doon.

"Babe," I heard Cerys muttered.

Creed was about to utter something when I spoke. "Excuse me." Sambit ko bago dumiretso sa loob ng powder room at iniwan sila roon.

"Lirae!" I went back to reality when I heard Lucille's voice.

Marahas na bumaling ako sa kanya at matalim siyang tinignan. "Don't call me using that name."

"Kasi naman, bigla ka nalang natulala!" She dramatically rolled her eyes. "As I was saying, you saw something you don't like, no?" Pangungulit nito.

"I don't want to marry my fiance, that's it." Iyon na lamang ang sinabi ko dahil alam ko na marami pa itong itatanong kung sasabihin ko kung ano ang nakita ko.

Lucille sighed before opening a new topic. Tila ba hindi ito nauubusan ng mga salita. "Bilib din ako kay Tita Ladia. Ang galing humanap ng mapapangasawa mo! Pangilang fiance mo na nga?"

I shrugged. "Hindi ko na binibilang." Hindi ko rin alam kay Mommy kung bakit hindi siya tumitigil kakahanap ng mapapangasawa ko kahit alam naman niya na hindi ko sineseryoso ang mga ipinapares niya sa akin. Alam din niya ang mga ginagawa ko para lang kusang tumanggi ang lalaki.

I remember Adriel asking "What are you planning to get rid of me?".

Kaya siguro ganoon ang reaksyon ni Adriel kanina. Alam niya ang mga ginawa ko sa dati kong fiance. I remember the time that Mommy set a dinner date for me and my second fiance.

Umuwi ang fiance ko na basa dahil sa wine at galit na galit. Sinigawan nito ang waiter kaya naman inamin ko na inutos ko iyon.

I know that was an immature move but I just want to know his reaction. I want to know how is he going to handle the situation. Gusto kong malaman kung magagalit siya sa waiter o hahayaan at palalampasin lang ang nangyari.

Well, laging ganoon ang nangyayari after ng dinner date sa mga naging fiance ko. Either uuwi na galit ang aking fiance or iiwan ko ito dahil hindi ko gusto ang ugali. Ngayon siguro ang pinakamatiwasay na paguwi matapos makipagkita sa bagong ipinapares sa akin ni Mommy.

Mariin akong napapikit ng maalala na hindi ako nakapagpaalam kay Adriel. Hindi ko alam kung nakita niya ako na lumabas kanina. I don't have his number so I don't know how would I contact him.

Mabagal ang galaw ng mga sasakyan dahil sa traffic. My God! Anong nangyari sa Pilipinas?

Wala sa sariling napatingin ako sa labas ng kotse. Bright lights from the cars are dominating the whole city. Dumako ang aking tingin sa pamilyar na gusali. Matayog ito at agaw pansin kumpara sa mga katabing gusali. Sa harapan ng gusali ay ang pangalan nito na nasa malalaking letra na may eleganteng istilo.

"Miss mo yung kapatid mo?" Sa una ay hindi ko nakuha ang tanong ni Lucille ngunit agad napaismid ng makuha ang sinabi niya.

"Grabe kasi yung titig mo sa building niya. Inggit ka?" Mapanuyang tanong nito. Alam ko na isa lamang iyon sa kanyang mga biro ngunit hindi ko maiwasan na mapait na mapangiti. Sa akin dapat ang gusaling iyon. Lahat ng mayroon si Mirae ay sa akin ngunit hindi pinakasalan si Mommy kahit na nabuntis ito. Pinili ng aking ama ang ina ni Mirae.

"Kapag nalugi ang kompanya ni Daddy ay doon ako magtatrabaho. Strikta raw ang kapatid mo ngunit maganda ang pamamalakad." Inis na binalingan ko siya.

"Bakit hindi sa kompanya namin?"

"Duh! Sawa na ako sa mukha mo. Kung sa kompanya niyo ako magtatrabaho, panigurado araw-araw kitang makikita." She even rolled her eyes.

"Anyway, may naalala ako. Noong nakaraan ay pinapunta ako ni Daddy sa kompanya ng mga Ferron at hindi ka maniniwala sa nakita ko." Sa pagkakataong ito ay ako ang napairap dahil sa kadaldalan niya. Hindi kaya napapagod ang panga niya?

"What did you saw?" I asked nonchalantly.

"Cerys is alive! At sekretarya siya ni Creed!" I frowned as I turned to her. What is she talking about? Of course Cerys is alive. Pero sekretarya ni Creed?

"What?"

"Pero sabi niya ay hindi raw siya si Cerys." I frowned. Sinabi niya iyon? Sigurado ako sa nakita ko. Si Cerys ang kasama ni Creed kanina at nasisiguro ko na iyon din ang tinutukoy ni Lucille. Bakit siya magsisinungaling na hindi siya si Cerys?

__________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro