Kabanata 8
"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses na naitanong ni Mommy sa akin ang tanong na iyon. Isa lang isinasagot ko sa kanya at mananatiling iyon ang sagot ko.
"Yes, Mommy." I answered as I smiled at her, I wonder if it reached my eyes.
"Kaya mo ba? I mean, wala ako roon para gabayan ka, Lavinia."
"I'll be okay. I'll be back maybe after my college graduation."
She sighed. "We'll visit you once a month."
I nodded. Nang lumabas si Mommy sa aking kwarto ay mapait akong napangiti nang maalala ang nangyari kay Creed at sa anak ko. Creed's memory was triggered the time that I told him that he's the father on my child. Habang ang anak ko ay namatay sa loob ng aking sinapupunan.
That day, I woke up hoping that everything was just a bad dream. That my baby is still alive and nothing bad happened to Creed at hindi ako nabura sa memorya nito. Pero kahit anong gawin ko ay ginigising ako ng katotohanan na hindi isang panaginip ang mga nangyari.
Hindi ko na namalayan ang bilis ng paglipas ng mga araw. Its been five years since that accident happened ngunit malinaw pa ang lahat sa akin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
It has been five years since I left because I don't know how face Creed after what happened to our child. Kasalanan ko ang ano mang nangyari sa anak namin. Wala akong maaaring sisihin kung hindi ang sarili ko. They were always telling me to take care of my self for the baby but I didn't listen.
Wala akong balita tungkol kay Creed sa loob ng limang taon at hindi ko alam kung may karapatan pa ako para makibalita. Hindi ko alam kung bumalik na ba ang memorya niya ngunit gusto kong hilingin na sana ay hindi pa. Dahil ang sakit isipin na hindi niya ako hinanap kung bumalik na ako sa memorya niya. Si Cerys naman ay hindi pa rin nahahanap. Walang may alam kung buhay pa ito kung ano ang nangyari rito.
It's been five years and I already graduated. Wala akong balak umuwi ng Pilipinas kung hindi lang dahil sa magulang ko at kay Lolo.
Si Lolo ay kinukulit na ako tungkol sa Amherst. Mom and Dad keeps on telling me that they want a grandchild. Hindi na raw sila bumabata ni Daddy.
Mommy told me that I have a fiance at kaylangan ko raw makipagkita rito kaya pinauwi ako nila Mommy. I have no problem with that but I hope she's not expecting me to marry whoever that fiance she's talking about. I don't have a plan to marry anyone if it isn't Creed.
It's been a year, sabi ko sa sarili ko ay babalik ako sa States matapos ang pakikipagkita ko sa fiance na nahanap ni Mommy para sa akin. Taon na ang nakalipas ngunit hindi pa ito nauubusan ng ipapares sa akin kaya hindi na ako nakabalik. Hindi ko na mabilang kung ilang ang naging fiance ko na hindi ko naman sineryoso. Sinusunod ko lang ang gusto ni Mommy ngunit wala akong balak seryosohin ang mga iyon dahil isa lang ang gusto kong pakasalan. Lalo't hindi ko nagugustuhan ang ugali ng iba.
Sa isang taon na pamamalagi sa Pilipinas ay wala pa rin akong lakas para harapin si Creed. Minsan ko ring nakita si Cerys ngunit wala akong balak na kausapin o lapitan man lang ito. Hindi ko alam kung kailan siya nahanap at wala na rin naman akong pakealam doon.
After six years I saw him again. I saw Creed, his arms were encircled around Cerys' waist at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko roon.
Hindi ko alam kung nakakaalala na si Creed ngunit siguro ay bumalik na ang memorya nito dahil natatandaan ko na tinawag niya ang pangalan ko.
Maybe Creed's not for me. Maybe he's meant for Cerys at isa lang akong hadlang sa kanilang dalawa.
Its been six years. He moved on at ganoon na rin dapat ako. I need to move forward.
I sashayed to Vynz Devaughne's executive office. Agad kong naabutan ang sekretarya ni Vynz sa labas ng opisina niya.
"Hi! Where is your boss? Is he inside?" Nakangiting sambit ko sa sekretarya ni Vynz.
"Good afternoon, Ma'am. Do you have an appointment?"
"No, but we have something to talk about business and I'm his girlfriend. Is he busy?" Vynz Devaughne is a stockholder in our company and Daddy's planning for a new business with Vynz. We once had a lunch meeting at iyon ang una naming pagkikita. Si Daddy ang dapat na kameeting niya ngunit ako ang pumalit kay Dad dahil natagalan ang pakikipagusap niy sa isang company sa ibang bansa kaya natagalan itong umuwi kaya ako ang nakipagkita kay Vynz.
I lied when I said that I'm his girlfriend. Sinabi ko lang iyon para papasukin ako ng sekretarya niya. Hindi ko alam kung sino ang babae nito ngayon ngunit wala akong balak alamin. May kumakalat na balita na si Mirae raw ang bagong babae nito ngunit hindi ako naniniwala. I know that Mirae is a wise woman. Hindi nito papatulan si Vynz lalo na at kilala ang huli na papalit palit ng babae. I need Vynz, kahit isang araw lang dahil alam ko na hindi ito naguulit ng babae.
"No, he isn't, Ma'am. You can come in." Magiliw na sagot nito sa akin. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso sa loob ng opisina ni Vynz.
I stopped in front of Vynz's table. "Vynz." I called when I met his cold eyes.
"Miss Amherst, do we have an appointment?" Vynz casually asked.
"Nothing, but are you busy?"
Bahagyang kununot ang noo nito ngunit agad ding sumagot. "No, what can I do for you, Miss Amherst?"
Hindi pa ako nakakasagot nang nagsalita ang sekretarya niya sa intercom. "Sir, a certain Mirae Lozano is outside."
After hearing Mirae's name ay dumiretso ako sa mismong harapan ni Vynz. "Let her in." Matapos nitong sumagot sa sekretarya ay agad akong umupo sa kandungan nito.
"The fuck is your problem, Lavinia?!" Nakakatakot ang malamig at mariing tono niya ngunit hindi ko ito inalintana. Akmang aalisin ako ni Vynz sa kanyang kandungan nang agad kong inangkla ang mga braso sa batok niya at pinagdikit ang aming mga labi. Kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Vynz.
"Stop it, Lavinia!" Vynz muttered in a firm way. Inilayo ako nito sa kanya at napatingin sa aking likuran. Mukhang ngayon niya lang napansin na bumukas ang pinto ng opisina niya.
Vynz rose up kaya naman pwersahan din akong napatayo. Tama ako ng hinala kung sino ang pumasok sa opisina ni Vynz.
I smirked when I met Mirae's eyes. Puno ng sakit ang mga mata nito ngunit agad ding naitago. So, the rumor is true. Mirae is Vynz's current woman. I thought she's wise? Hindi ko alam kung ilang araw na sila ngunit alam kong hindi magtatagal iyon. Knowing Vynz and his reputation? Hah!
Bakas ang gulat sa mukha ni Vynz ng makita si Mirae ngunit agad din namang nakabawi. "Mirae, let me explain." Vynz muttered at akmang lalapitan nito si Mirae ngunit agad itong pinigilan ng huli.
"Don't come near me." Mirae warned.
Tumunog ang telepono ni Vynz kaya naman iyon ang binalinggan ni Mirae.
"Answer your phone." She ordered. Palipat lipat ang tingin ko sa dalawa para masundan ang reaksyon ng isa't isa. Wala sa sariling napangisi ako at marahang napailing.
I saw Vynz hesitated but he immediately obeyed when he saw Mirae's cold expression.
I walked towards Mirae with a mocking face. "I won for the second time. What now, Mirae?" Sambit ko ng tumapat ako sa kanya.
She smirked before answering. "Kung nanalo ka nung una, sana wala ka rito. What now, Lavinia." Mirae muttered before eyeing me from head to toe.
My chest tightened after hearing Mirae's words. That's why I hate her so much. Hindi ko matanggap na naaalala siya ni Creed habang ako ay hindi.
Nang muling magtama ang aking mga ang aming mga tingin ay binigyan ako nito ng mapangasar na ngiti. "Whoring your self again?" She added. Bahagyang akong natigilan sa sinabi nito. What is she talking about? Nang maalala ko ang sagot ay mariin ko siyang tinitigan bago ngumisi at tuluyang lumabas ng opisina ni Vynz.
Naabutan ko sa labas ang sekretarya ni Vynz at hinarang ako nito.
"Ma'am, sorry po. Hindi ko talaga papapasukin yung babae kaya lang si Sir ang nagutos na papasukin." Salubong niya sa akin.
"It's okay." Sambit ko na may pilit na ngiti. I must say that Vynz's secretary is a fool. She didn't even know that I lied.
"Sorry po talaga ma'am." Ulit pa nito na tinanguan ko na lang. I was about to leave when Mirae came out of Vynz's office. She rose her brow up on me when our eyes met. Dumiretso ito sa elevator at hindi pinansin ang tawag ni Vynz.
Susundan na sana ni Vynz si Mirae ngunit agad kong hinila ang braso nito para mapigilan. "Hey, Vynz."
"Fuck off, Lavinia." Mariing sambit nito bago inalis ang aking kamay sa kanyang braso.
I smirked when I saw the elevator closing.
"Fuck!" Vynz cursed nang hindi niya abutan si Mirae.
"What a scene." Wala sa sariling sambit ko at napailing habang nakangisi.
"What the hell have you done?!" Lucille leaned forward as her eyes widened after hearing what I've done. "Hinalikan mo si Vynz?"
"Yes, and the rumor is true. Looks like Mirae is Vynz's new girl." I muttered as I sat down and leaned on my swivel chair. I was the one who's managing our company since I went back to the Philippines. Daddy's busy with his new venture so I have no choice.
"Wow! Nagpauto si Mirae kay Vynz?! I mean, wala namang tatanggi kay Vynz. Ang sakin lang, even Mirae?" Hindi makapaniwalang sambit nito.
"Hmmm."
"Balik tayo sa hinalikan mo si Vynz. Ano na naman ang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?" She crossed her legs and raised her brow up on me.
"I want to forget Creed."
Lucille didn't uttered anything but by seeing her facial expressions, it was like hearing her saying what the fuck!
"What kind of fuckery is that?" Natatawang sagot nito matapos ang ilang minuto.
I rolled my eyes and turned to the documents in my table.
"You know what, Vinia? Ayan ka na naman! Ang tanga mo! Real talk, Sis." Makabagbag damdaming sambit nito. I turned to Lucille as I pressed my lips together.
"Kasi naman, anong sinabi mo? You want to forget Creed? At bakit?" Puno ng sarkasmo ang mga salita nito.
I shrugged. "I think he moved on."
"Paano mo nasabi?" She even rose her brow up on me. Bahagyang nakabukas ang mga labi niya na nakadagdag sa mapangasar na ekspresyon nito.
"I saw him with Cerys."
"Nakalimutan mo na ba? Cerys is Creed's secretary. Of course there's a chance that you'll see them together."
"Hindi ako tanga. Creed's arm was around Cerys' waist when I saw them. Maybe he already moved on."
"Oh? hindi ba?"
"Lucille." Mariing sambit ko kaya naman napaayos ito ng upo at sumeryoso.
"Nagkausap na ba kayo ni Creed? Sinabi niya ba na hindi ka na niya mahal at Cerys ang mahal niya? Kung ganoon ang sinabi niya, sana hindi mo nakakalimutan na may amnesia si Creed?"
"Hindi pa kami nagkakausap." Sambit ko bago pinirmahan ang dokumentong kaharap ko.
"Ayon naman pala! Tapos bigla ka nalang manghahalik ng ibang lalaki at sasabihin mo sa'kin na gusto mo ng kalimutan si Creed? Luka ka ba? Ayan ka na naman sa bait baitan mo, hindi bagay sa'yo. Hindi ko alam kung ilang beses ko dapat sabihin sa'yo 'to pero isusuko mo nalang ba si Creed? Tandaan mo na ikaw ang mahal niya at kayo ang magpapakasal. Get him! Bago ba mahuli ang lahat." Mahabang litanya nito. She even motioned her hands para ipaintindi sa akin ang gusto niyang iparating.
I was about to answer when we heard a knock on my office's door.
"Come in." I shifted on my seat as I muttered.
My secretary entered my office. "Ma'am, a certain Adriel Cervantes is waiting for you outside. He said that the two of you needs to talk."
I frowned. "Wala akong kilalang-" Napatigil ako at unti unting namilog ang mga mata. Fuck! He's my current fiance and I forgot to inform him the last time that I already went home.
"Let him in." Agad namang tumalima ang aking sekretarya.
"Who's that Adriel? Don't tell me..." Sinadya nitong bitinin ang sasabihin at puno ng malisyang tumingin sa akin.
"He's my fiance, nakalimutan mo na?"
"That Adriel is your fiance. Why does the two of you needs to talk?"
I shrugged. I don't know either.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro