Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

I went inside our mansion. Naabutan ko sa sala si Lolo at si Dad na sa tingin ko ay may pinaguusapan. Naroon din si Mommy at Creed na kadarating lang. Narinig ko pa ang pagbati ni Creed sa dalawang nadatnan.

Bakas ang pagtataka sa mukha ni Lolo at Dad dahil sa presensya ni Creed. Dad rose up and tapped Creed's shoulder na tinanguan naman ni Creed. Wala itong sinabi at nanatili lang sa pagkakatayo.

"Hindi nasabi sa atin ni Vinia na nagkabalikan na sila ni Creed," Nahihiwagaang napatingin ako kay Mommy. What the hell is she talking about? I don't know why Creed's not denying what my mom's telling. I want it to happen, ang magkabalikan kami ni Creed pero kasinungalingan ang sinasabi ni Mommy.

Agad namang nagliwanag ang mukha ni Dad sa narinig. Tumayo si Lolo at alertong nakinig sa amin. Oh, God! Alam ko kung ano ang naiisip ni Lolo ngayon.

"Really? That's good then, when is the wedding?" Daddy asked.

I was about to answer ngunit naunahan ako ni Creed.

"We just got back together, we still haven't talk about the wedding, Tito." Muntik na akong mapahilot sa aking sentido dahil sa isinagot ni Creed. Sa ginagawa niya, pinapaasa niya lang sila Daddy. Alam ko na makakarating ito kila Tita Merida. Mommy got close to her since I don't know. One day I just woke up and they're already that close. As in close, iyong tipo na wala na silang naitatago sa isa't isa.

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa sagot na iyon ni Creed. What were you thinking, Creed? Mommy's lying na sinabayan naman ni Creed. Paano kapag nalaman ito ng pamilya ni Adriel? I mean, they thought I am Adriel's fiancee then malalaman nila ang relasyon ko kay Creed? Fuck! Ngayon ko lang na-realized na ang laking gulo ng pinasok namin ni Adriel.

"Lavinia, I want to talk to you privately," Lolo muttered using a firm voice kaya't hindi na ako nakaanggal sa gusto nito.

Wala sa sariling napatingin ako kay Creed at nahuli ko ito na nakatingin din sa akin, tumango ito na para bang pinapayagan akong sumama kay Lolo kahit na hindi naman ako nagpapaalam.

Lolo started walking, hindi ko alam kung saan ito pupunta kaya naman napasunod na lang ako rito.

Matapos ang ilang minuto ay natanto ko na palabas kami ng mansyon.

Lolo turned to me when he reached the center of the garden.

"Good job." I was about to ask kung para saan iyon ng maalala ko ang pinapagawa niya sa akin.

"It's not that, Lolo."

"Then what is it?" He asked using his voice that's full of authority.

"Hindi totoong nagkabalikan kami." At kung magkabalikan man ay hindi ko susundin ang iniuutos ni Lolo. Muntik ko na iyong masabi, mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili.

Napaayos ng tayo si Lolo at mapanuyang tumingin sa akin. "Are you saying that Ladia is lying? As well as that underboss of Cosmos?" He frowned.

I bit my lower lip and sighed. "About me taking over your position at the end of this year, kanino mo sinabi Lolo?" I asked, trying to change our topic and I succeed.

"The Montecillos and the Montenegros, why are you asking?" I saw him straightened.

"I received a threat, saying that I shouldn't take that position."

My Lolo's jaw clenched. "Sinasabi mo ba na isa sa dalawa na pamilyang iyon ang nagpadala sa iyo ng threat na iyon? Imposible ang iniisip mo kung ganoon. Maybe it's the Cosmos." Itinago ko ang aking kamay na yumukom sa aking likod. Imposible talaga iyon sa mga Montecillo pero hindi sa mga Montenegro. And I don't know why Cosmos na naman ang naisip niya na gagawa noon kahit na ang may alam lang noon bukod sa amin ay ang pamilya ng Montecillo at Montenegro.

"Hindi ganoon ang sinasabi ko, Lo--" Hindi ako nito hinayaan makatapos at agad ng nagsalita.

"Then what are you implying?"

"Nothing, I'll go ahead." Sambit ko at agad na tinalikuran ito. Naglakad ako pabalik sa mansyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Lolo. Sino pa ba ang gagawa noon kung hindi ang mga Montenegro lang naman. Maybe they want the Amherst.

Naabutan ko sila Mommy sa living room na nasa ganoong posisyon pa rin. I went towards Mommy and kissed her cheek, ganoon din ang ginawa ko kay Daddy.

"Mom, Dad, I'll go ahead," Paalam ko at sandaling nagtama ang tingin namin ni Creed bago ko nilagpasan ang tatlo. Hindi ko na hinintay ang sagot o kung ano mang tanong pa ni Mommy at agad ng umalis. Fuck, my car!

Laking pasalamat ko nang nakalabas ako ng mansyon at nakasunod sa akin si Creed. Mabuti nalang, kung hindi ay hindi ko alam kung saan ako sasakay. Kakapalan ko na ang mukha ko.

"Can you drive me to my condo?" Nananantyang tanong ko, mahirap na baka tumanggi. I don't want to stay in this mansion for a while.

He nodded and opened the passenger's door of his car. Walang salita nitong pinaandar ang kotse at pinasibad ito. Nagkusa na akong sabihin kung saan ang aking condo na tinanguan lang ulit ni Creed. Problema nito? Bakit ayaw magsalita?

"Bakit hindi mo itinanggi 'yong sinabi ni Mommy?" I asked. Hindi ko na kayang tiisin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

I saw him frowned because of my question. "My Mom's expecting that to happen." Kaswal nitong sambit habang nakakunot ang noo.

"Sana tinanggi mo nalang kung magiging ganyan ka ngayon." Inis na sambit ko dito. Hindi naman siya ganito kanina, sandali ko lamang siya na iniwan kay Mommy at Dad tapos maattitude na siya ngayon?

Inignora nito ang aking sinabi. Wow naman, para akong kumakausap ng hangin.

"If you don't want to drive me to my condo, pwede ka namang tumanggi." Lalo lang lumalim ang gitla sa noo nito dahil sa aking sinabi. Iyon lang ang naisip ko na dahilan para maging ganito siya. Maybe he still have something to do.

"Stop the car," Mariing sambit ko ngunit hindi iyon pinansin ni Creed.

"Ihihinto mo o tatalon ako?!" Mas determinado pa na sambit ko. If he isn't in a good mood, 'wag naman siyang madamay ng ibang tao. Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ko. I think I already told him that some years ago. Fuck! I cursed when I remember when.

He glanced on me and back to the road. "Why would I stop?"

Iritableng tumingin ako sa kanya. "Because you don't want to drive me to my condo. Napipilitan ka lang!" Hindi na napigilan ang sarili na hindi magtaas ng boses.

"Who told you that?" Muntik na akong mapasabunot sa aking buhok dahil sa walang emosyong sambit nito.

"Are you fucking mad at me?" I think of all the possible ways para magalit siya sa akin ngunit wala akong maisip kung hindi iyon lang.

Bahagyang bumagal ang pagpapatakbo niya sa kotse dahil nakatingin na pala sa akin si Creed. "Why would I be mad at you?" He asked. Hindi ako nakasagot doon kaya naman ibinalik nito ang atensyon sa daan.

Totoo nga naman, bakit siya magagalit sa akin. Ano ba ang halaga ko sa kanya para magalit siya? Wala lang naman kaya bakit siya magagalit? Mapait akong napangiti sa aking sarili at tinigilan na ang pagsasalita.

"Let's just pretend that we're back in front of our parents," Sambit ni Creed matapos ang ilang minuto.

Nahihiwagaang napalingon ako sa kanya. "Really? What about Cerys?" Sa tingin niya ba ay matutuwa si Cerys kapag nalaman nito ang sinasabi niya?

Fuck! Ilang minuto akong naghintay sa sagot nito ngunit wala. Para akong kumakausap sa hangin.

"Hindi ka ba sasago--fuck!" I cursed when the car wobbled. I turned to Creed with wide eyes.

His jaw clenched as he glanced on the rear mirror. "Damn," He cursed.

"Hand me my gun." Utos nito sa akin ngunit nagtataka lang akong tumingin kay Creed.

"Where--shit!" I heard a series of bullet hitting the back part of the car, trying to enter. Ngunit wala kahit isang bala ang nakapasok sa aming sasakyan. Fuck! His car is bulletproof.

I can feel my hands shaking. Mariin ko itong ipinatong sa aking mga hita hanggang sa tumigil ang pagtama ng bala sa kotse ni Creed. Creed leaned and opened the glove compartment. Kinuha niya roon ang kanyang baril. He opened the window on his side, inilabas niya roon ang kamay na may hawak ng baril habang ang isa ay nanatili sa manibela.

I looked at the back nang magsimulang magpaputok si Creed habang hati ang atensyon nito sa aming dinadaanan at sa nagpapaputok sa amin sa likod.

My jaw almost fell when I saw how the bullets of his gun went inside the car, na kanina lang ay nagpapaulan ng bala sa amin. What the fuck?! Ang lakas ng loob nila na paulanan kami ng bala tapos yung kotse nila hindi bulletproof? What kind of fuckery is that?

Nabasag ang salamin ng mga ito dahil sa mga bala ni Creed. The car at our back's heavy tinted but the way Creed fired his gun ay tila ba alam na alam niya kung saan tatamaan ang mga nasa loob ng kotseng iyon. The car at our back wobbled.

Namilog ang aking mga mata nang makita ang lalaki muna sa passenger's seat ng kotse sa aming likod. Inilabas nito ang baril at ang kalahati ng katawan. Tinutok nito ang baril sa direksyon ni Creed. Hindi ko alam kung napansin iyon ni Creed dahil wala roon ang atensyon nito.

I was about to tugged Creed's shirt when he pointed his gun on the guy in the passenger's seat and pulled the trigger. Sa bilis ng kilos ni Creed ay hindi na nagawang magpaputok ng lalaki sa kabilang kotse. Hindi ko alam kung saan ito tinamaan ngunit alam ko na sa kritikal na parte iyon dahil basta nalang lumaylay ang katawan ng lalaki sa kotse.

I turned to Creed, nakalabas na ang kalahati ng katawan nito sa kotse habang patuloy na nagpapaputok at ang isang kamay ay nananatili sa manibela.

He returned to his position and closed the window in his side. Muli akong tumingin sa likod at ganoon nalang ang gulat ko nang makita na umuusok at wala na sa tamang linya ang sasakyan sa aming likuran.

He returned his gun on the glove compartment and focused his attention on the road na parang walang nangyari.

"You're taking over the Amherst yet your hands were shaking just because of that," Creed muttered while looking straight on the road.

"That was the first time I experienced that thing." I've received threats but not to the point na papaulanan ako ng bala. If Creed's car weren't bulletproof, siguro ay patay na 'ko ngayon.

"Masanay ka na," He said casually na para bang ang sinabi niya lang ay masanay na akong magluto. What the hell are you expecting, Vinia? He's an underboss of Cosmos and if I'm not mistaken, bata pa lamang ay nagsasanay na ang mga ito sa mga gawaing may kinalaman sa mafia. Well, nagsasanay din naman ako but not to the point na sineseryoso ko.

"You alright?" He asked after a long silence.

"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan."

"You were the one shaking, a while ago."

I bit my lower lip.

"I'm alright. Am I their target?" I asked, pertaining to those na nagpaulan sa amin ng bala.

"We're on my car, probably I am but I'm not sure though there's a possibility that it's you."

I nodded. "Maybe I should accept that there's a possibility that I'd die one of this days." Hindi pa ako ang namamahala sa Amherst ay ganito na ang dinadanas ko. Now I understand why Dad refused that position. What I can't understand is, why does Lolo can't give that mafia to other family. I can't imagine that Lolo survived living his everyday life with those threats for three or four decades.

Hindi ko namalayan na nakahinto na ang sasakyan ni Creed. I looked outside, bakit siya huminto, wala pa kami sa condo ko.

I turned to him and saw Creed looking directly at me with an unreadable emotion. "Why are you saying that?" Kunot noong tanong nito.

"Nagreready lang naman ako, incase 'di ba?" Walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa akin, one of this days. Who knows, one day nasa balita na 'ko with the headline,

Babae natagpuan sa abandonadong bodega na walang buhay.

Oh, that was a creepy one. Why am I even thinking of that?

"I won't let you die," Sambit nito bago muling binuhay ang makina ng sasakyan.

My jaw fell open because of what he have said. Nahihiwagaang napalingon ako kay Creed ngunit hindi ito lumingon sa akin pabalik.

__________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro