Kabanata 12
I buzzed the doorbell of Creed's condo and waited for a few seconds before the door finally opened.
Bumungad sa akin ang isang batang babae. She's wearing a pink dress and her hair is in a ponytail. Agad itong ngumiti nang makita ako.
"Hello po! Friend din po ba kayo ni Daddy?" She asked but no words came out of my mouth. Because first, I don't know how to answer and second, I don't know, I fell my tears forming on my eyes as I looked at the kid.
Lumuhod ako upang mapantayan ko siya. Napilitan ako na ibaba ang dala dahil sa kagustuhan na mahawakan ang bata.
I remember my baby. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naalala ang aking anak, maybe because this little girl is Creed's daughter.
Inabot ko ang dalawang kamay nito. "What is your name?"
"I'm Crizzette Ferron but you can call me Crizzy po." She smiled.
"Okay, Crizzy po."
Her mouth fell open. Nang makuha ang aking sinabi ay bahagya itong napatawa. "You can call me Crizzy po, I mean Crizzy lang."
Hindi na ako nakasagot dito dahil narinig ko ang papalapit na boses ni Creed.
"Crizzy is that your Mommy?"
Kinuha ko ang aking dala bago tumayo. Kasabay noon ang paglabas ng bulto ni Creed.
"No, Daddy! She's--oh! I forgot to ask your name. What's your name po?" She asked in a cute manner. Her eyes looks so innocent and herr cheeks looks so fluffy though hindi masyadong mataba ang katawan nito, siguro ay sakto lang sa kanyang edad.
"I am Lirae Verania Amherst, you can call me Tita Vinia po." I smiled. Namilog ang mga mata nito na ipinagtaka ko.
"Ms. Amherst, what are you doing here?" Bungad ni Creed nang makita ako.
I was about to answer ngunit naunahan ako ako ni Crizzy. "Daddy! Her name sounds like Mommy Mirae's name! Her name is Lirae then Mommy is Mirae! Are they twins?"
Nangatal ang aking mga labi sa sinambit nito. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Creed ngunit agad ding sumagod. "No they're not. Your Mommy Mirae is a Lozano."
Crizzy nodded her head. "And Tita Vinia is an Amherst."
Mommy Mirae? Paano? I mean, it can't be.
"M-Mirae is your Mom?" I stammered. I thought she's Cerys' daughter. I mean, I thought they already found her and it's Crizzy.
"Yes po, I have two Moms. Mommy Mirae and Mommy Astrid," Masiglang sagot nito na lalo ko lang ikinalito. What the fuck? How about Cerys?
"Anyway, come in Tita Vinia," Anyaya niyo.
I hesitated because of Creed. Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipan pumunta rito. Good thing na narito sila. It's Sunday today kaya nagbakasakali ako na puntahan ang dating condo ni Creed, hanggang ngayon pala ay dito pa rin sila nakatira.
"Come in," Sambit ni Creed ngunit tila ba napilitan lang dahil na rin sa anak. Nilakihan nito ang bukas ng pinto upang makapasok ako.
I looked around and everything feels so familiar, walang nabago sa condo niya. From the couches, center table, and the furnitures are still the same.
"Tita Vinia, why are you smiling yet your eyes looks sad." Natigilan ako sa sinabi ni Crizzy. Hindi ko namalayan na mayroon ng ngiti sa aking mga labi.
"Nothing, it's just that..." I shook my head. "Nothing." Napaisip ako at napagdesisyonan na huwag na lang sabihin ang totoong dahilan. Crizzy's too young for this while Creed can't remember me. Kaya wala namang makakaintindi sa akin kung hindi ang sarili ko lang kahit na sabihin ko pa ito sa kanila.
"Crizzy, stay here. I'll talk to your Tita Vinia for a while," Napalingon ako kay Creed nang sabihin niya iyon. Dumiretso ito papunta sa dining room na agad ko namang sinundan.
Nang makarating kami roon ay agad akong hinarap ni Creed. Both of his hands were in his waist. Nahuli ko pa ang pagigting ng panga nito. Mapait akong napangiti sa reaksyon ni Creed. Ganoon ba niya kaayaw ang presensya ko?
Minutes passed, there was a deafening silence between the two of us. I thought hindi na siya magsasalita ngunit mali ako.
I heard him sighed heavily. "What are you doing here?" He asked in a cold firm way. Ramdam ko ang pagtarak ng bawat salita niya sa aking puso.
He loves you, Lavinia. Hindi ka niya maalala kaya niya nasasabi ang mga iyon. Paalala ko sa sarili.
Pinilit ko na ngumiti at isawalang bahala ang tono ni Creed. "I'm visiting," Pinasigla ko ang aking boses kasabay ng noon ay ipinakita ko sa kanya ang aking dala. "I cooked Sinigang, your favorite."
Bahagyang tumagal ang titig niya sa aking dala, matapos ay mariing pumikit. I placed the container with Sinigang on the table and stand straight like an obedient kindergarten.
"What are you up to?" Nawala ang aking pilit na ngiti dahil sa sinabi niya.
"What are you talking about?" I tilted my head at kunwari ng inilibot ang tingin at itinuon ang pansin sa paligid.
"I'm not a fool, Ms. Amherst."
"Just call me Vinia, you know sayang sa laway ang Ms. Amherst," Biro ko at para na rin ibahin ang usapan.
He looked at me as he pressed his lips together. Tila ba pinapahaba nito ang pasensya.
"You know what I want, I want you back," I muttered using a serious tone 'cause it looks like he's in a bad mood.
He sighed exasperatedly. "I have a girlfriend."
"Break up with her then. Ang dali lang pinoproblema mo pa."
Tinignan ako nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman kasi, lagi niyang sagot sa akin na may girlfriend siya. If they broke up tapos ang problema.
"I love her," He answered and my mouth fell open. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ngunit hindi ko iyon binigyang pansin.
Ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang salita na lumabas doon. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang bigyan siya ng ngiti.
I nodded my head while my smile's still intact. "Alright, ma-mauna na 'ko. I forgot that I still have a meeting." Maybe I need to rest for a while. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam kapag kay Creed mismo nanggaling na mahal niya si Cerys. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at agad ng tumalikod para umalis.
"Lavinia," Tawag niya sa akin ngunit hindi ako natinag at nagpatuloy sa paglakad.
Nakakailang hakbang pa lamang ay agad akong natigilan nang marinig ang boses ni Creed. "Hey, I wanna taste you." Huminto ako ngunit hindi ako lumingon. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa narinig.
"Fuck." I heard him cursed. Bulong ni Creed sa sarili ngunit sapat iyon upang aking marinig.
Nilingon ko si Creed at naabutan ko na gulat din ito sa nasabi.
He cleared his throat. "I mean, I want to taste your Sinigang. Let's have a lunch. But if you still have a meeting you can...go." I don't know if I'm just imagining things but the way he said the last word ay parang labag ito sa kanyang loob.
I bit my lower lip to suppress a smile slowly forming in my lips. "I forgot, Sunday ngayon wala akong meeting. I'll just call Crizzy." Paalam ko kay Creed at agad nang tumalikod para puntahan si Crizzy dahil hindi ko na mapigilan ang sarili na hindi mapangiti.
What the fuck, Lavinia? Kanina lang maiiyak ka na tapos isang let's have a lunch lang galing kay Creed okay ka na? Sambit ko sa aking sarili.
"Crizzy," I called while smiling widely. Naabutan ko ito na nagpipipindot sa phone niya. Hindi ko alam kung bakit may phone na ang anak ni Creed dahil sa tingin ko ay wala pa nga itong pitong taong gulang. I want to tell Creed that Crizzy's too young for her to have a phone, ngunit ayaw ko na isipin nito na nanghihimasok ako sa pagpapalaki ng anak niya.
She tilted her head in my direction. "Yes po, Tita?"
"Let's eat."
Agad naman itong tumayo sa couch at binitawan ang phone.
"How old are you, Crizzy?" I asked while we're heading to the dining room.
"I think I'm already five years old, turning six." Natigilan ako sa sinagot nito at mapait na napangiti. If only my baby is alive, sana ay anim na taong gulang na ito ngayon.
"Bakit sabi mo I think? You're not sure?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Yes po, hindi po alam ni Daddy kung ilang buwan na akong pinanganak nang may nagiwan sa'kin sa front ng door ng condo niya. Kaya kung anong araw niya ako nakita sa front ng door niya, 'yon na po yung birthday ko. Kaya hindi talaga si Daddy yung totoo kong Daddy." What the fuck? Namilog ang aking mga mata sa isinagot niya. It can't be, first look and I can tell that she is Creed's daughter. She looks like a girl version of Creed kaya paanong ganoon ang nangyari?
Hindi na ako nakasagot dahil naunahan ako ni Creed. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito. "Crizzy, don't say that. You're my daughter."
"I understand, you already explained it to me, Daddy. That's why I have two mommies, Mommy Mirae and Mommy Astrid. That's also why you told me that Tito Archer and Tito Dash can be my Daddy too if I want." Mahabang litanya nito habang inaayos ang sarili sa harap ng hapag.
"You are my daughter, end of discussion," Mariing sambit ni Creed at nagkibit balikat lang si Crizzy doon.
Sa kabisera umupo si Creed habang si Crizzy naman ay sa tabi ni Creed. I sat down on the chair next to Crizzy, tila wala ako sa sarili dahil sa nalaman. Imposible naman na hindi anak ni Creed si Crizzy dahil magkamukha sila, unless may kakambal si Creed na alam ko naman na wala.
Natapos kaming kumain na lutang ang aking isip. Crizzy keeps on talking about her homeschooling ngunit hindi roon nakatuon ang isip ko kung hindi sa nalaman. Kung hindi anak ni Cerys si Crizzy, don't tell me may nabuntis pa na iba si Creed that time? What the fuck lang diba? Does it mean na tatlo ang nabuntis niya at buwan lang pagitan? Imposible 'yon mangyari.
I volunteered to wash the dishes ngunit pinigilan ako ni Creed at mukhang pagaawayan pa namin kung hindi ako magpapapigil.
"Can I..." I hesitated. "Stay for a while? For Crizzy." Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Crizzy dahil na rin siguro na anak siya ni Creed. Siguro ay nakikita ko ang anak ko sa kanya. At hindi naman ako baliw para magalit sa bata dahil lang nabuntis ni Creed ang kung sino mang ina niya.
"Can I?" Paguulit ko dahil nanatili lang itong nakatingin sa akin at hindi sumagot sa unang tanong ko.
Creed nodded his head, kasabay noon ang pagtunog ng doorbell ng condo niya.
"Ako na," Sambit ko dahil abala si Creed sa pagliligpit na dapat ay ako ang gagawa ngunit tinanggihan niya. Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at dumiretso na sa pinto ng condo ni Creed.
I opened it at bumungad sa akin si Dasher at Archer. Archer's eyes widened as his jaw fell opened when our eyes met.
"Vinia, my dear! You're here!" It was Archer and I rolled my eyes because of his reaction. Gulat na sambit nito kaya naman napataas ang boses niya at alam ko na rinig iyon mula sa loob.
"Woah, I missed that rolling eyes of yours." Idinipa nito ang mga kamay na at hinintay ako na lumapit sa kanya na hindi ko ginawa. I just raised my brow up on him and I heard Dasher chuckled.
"Panira ka," Supladong sambit nito bago ibinaba ang mga kamay.
"What's happening?" I heard Creed's familiar voice, hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala siya.
"Nothing. I just missed Vinia, my dear," Makahulugang sambit nito kay Creed na ikinakunot ng aking noo.
"Stop creating illusions, Archer," Sambit ni Dash na nasa likuran ni Archer. "Are you back for good?" Baling sa akin ni Dash.
"Can't tell," I shrugged. "Anyway, congratulations, Dr. Alterio." Bahagya itong ngumiti at tumango.
"Looks like you all know each other, personally." Umatras ako para makapasok ang dalawa, ganoon din ang ginawa ni Creed.
"Of course!" Si Archer ang sumagot sa tanong ni Creed matapos nitong walang habas na umupo sa couch. Dasher sat in a one seater sofa while I sat down next to Archer ngunit nagbigay ako ng sapat na espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Where's Crizzy?"
"In her room, I'll call her." We're all looking at Creed as he vanished from our sight.
"Buti naman hindi niyo kasama si Mirae?" Walang prenong sambit ko. I admire their strong bond, silang lima. They all took a different path, but look at them, ngayon ay magkakasama pa rin sila.
"I sensed that you're here and we know that there's something between the two of you. May nangyari ba sa inyo at ganoon na lang pagkamuhi niyo sa isa't isa? Hindi naman siguro dahil lang sa Co-"
Hindi natapos ni Archer ang sasabihin dahil agad itong pinutol ni Dash. "Arch." They looked at each other na parang naguusap sila gamit ang mga mata.
"Wala ka talagang preno," Sarkastikong sambit ni Dasher.
"Syempre wala akong preno. Sasakyan ba 'ko?"
Nagsimula na naman ang sarkastikong sagutan ng dalawa at walang balak magpatalo sa kanila. Napailing ako sa aking sarili. I thought Dasher's attitude matured because he's already a doctor, as well as Archer 'cause he's already a CEO of their company but I was wrong. Sa tingin ko ay mas lalo lang silang lumala.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro