Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Talk



Like what he instructed, I washed the utensils I’ve used. Marunong naman ako ng ilan sa mga gawaing bahay since I am living independently. Sa tuwing umuuwi lang ako ng mansyon hindi nakakapag-trabaho dahil sa mga katulong.

Pagkatapos, tinungo ko ang second floor ng bahay. I knock three times on the master's bedroom. Not long after, the door opened revealing Chaz. Hindi sinasadyang napagawi ang tingin ko sa loob ng silid at nakita ang bulto ng isang tao na nakahiga sa kama. Pero saglit lang iyon dahil agad na sinara ni Chaz ang pinto.

He peered at me with his usual blank face. Ngumiti ako saka pinagsalikop ang dalawang palad.

"Kailangan ko kasing magpunta ng opisina, hindi ba talaga ako pwedeng umalis?" agad kong tanong.

My smile were genuine, hoping that my charms will work but to my dismay..

“No,” supladong sagot niya.

That's when my smile faded.

"Pero may trabaho ako Chaz," Pinigilan ko ang akma nitong pagpasok sa loob.

"May trabaho rin ako Miss Perez, hindi lang ikaw ang atat na atat na umalis.”

I heaved a deep breath. “If that is the case then let me go. We both have business to attend to, bakit hindi nalang natin hayaan ang isa’t-isa. You’ll do yours and I’ll stick my own nose to mine.” tugon ko. “Besides, our parents knew the real score between us. Maiintindihan naman siguro nilang, hindi agad tayo uh..”

Huminto ako ng pagtaasaan niya ako ng kilay. “Magkakasundo..” nag-iwas ako ng tingin saka tumikhim.

Sumandal siya sa pinto, ang mga kamay ay pinag-krus sa ilalim ng dibdib.

I swallowed hard before glancing back at his face. “Kaya.. hayaan mo na akong umalis.”

His green eyes examined my face. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo nang mapagawi ang titig niya sa bandang leeg ko. I unconsciously caress my neck, my fingers came in contact with the necklace Drake gave me.

Gusto ko na sana itong tanggalin at itapon, pero hindi ko mahanap ang lakas para gawin ang binabalak. This is the remaining treasure that reminds me of him. Naitapon ko na ang ilan sa mga bagay na bigay niya, I also deleted all of our photographs together, but this. It’s as if a part of my being is holding onto this gift.

“Still no, Miss Perez. You are to stay at this house until tomorrow.” malalim ang boses na aniya. “Ito ang gusto ng magulang mo, dahil kung ako lang I’ll let you do whatever the fuck you pleas. But for now, it’s a no. Hayaan mo munang lumipas ang araw na ito bago mo gawin ang anumang gusto mo.” he added with a hint of annoyance.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na siya napigilan ng tumalikod saka pumasok sa kwarto. I pressed my lips together as I watch the closed door. So my parents have to do with this. Ano naman kaya ang gagawin ko sa buong magdamag kung hindi ako pwedeng umalis?

I’m certain Harry won’t stay still whenever I’m around. Mabuti sana kung maayos niya akong pakitunguhan pero hindi. Kahit matino ang tanong ko, palagi siyang may paraan para barahin ang bawat salitang lumalabs sa akin.

Nanghihina akong naglakad patungo sa sariling silid. I looked for my phone and called Jenny. Kung hindi ako makakapunta sa trabaho, trabaho nalang ang dadalhin ko rito.

That is what makes me occupied in the next hours. Nanatili ako sa kwarto, nakaupo sa center table kaharap ang laptop at doon ginawa ang mga trabaho hanggang sa hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Alas singko y medya ng magkaroon ako ng pagkakataong makapagpahinga.

Tumayo ako saka nag-inat bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si Harry at Chaz na nasa sala. Tutok ang dalawa sa panonood na hindi ko alam kung naramdaman ba nilang narito ako o hindi.

Pinagkibit balikat ko na lang iyon at dumiretso sa kusina para uminom. Pagkatapos, bumalik din agad ako saka pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

When the clock strikes seven, I once again went downstairs to find something to eat. Magluluto nalang siguro ako since may nakita akong pwedeng maluto sa ref kanina. I didn’t see them in the living room, perhaps in other part of the mansion.

Adobong manok ang napagdesisyunan kong lutuin. I prepared the ingredients and utensils. Sa kalagitnaan ng pagluluto, nagsalubong ang kilay ko ng makarinig ng kakaibang ingay. Hindi ko na sana ito papansinin pero sa halip na mawala ay mas lumakas  pa.

Dala ng kuryusidad, tinigil ko ang paghahalo ng manok saka lumabas ng kusina. The lights were dimmed, pero hindi iyon naging hadlang para makita ko ang bulto ng dalawang tao na nasa pinto— the main door.

Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko ng mapagsino ang mga taong nakikita ko. I hastily turned my heels around and with fast pace, went back to the kitchen. Isinara ko ang pinto na windang sa nasaksihan. My breathing were heavy.

Sure, it’s normal for them to that kind of thing.. but, witnessing it right before my eyes..

Mahina akong napasinghap. Normal lang iyon dahil magkasintahan naman sila.. pero hindi ba nila inaalalang may kasama silang iba?

Bigla ay nawalan ako ng gana. I was starving earlier, but right after what I saw.. it’s as if my hunger dissipated. Hindi ko makuha ang lakas na kumain lalo pa’t hanggang ngayon naririnig ko pa ang tunog na nililikha nila..

Nanatili ako roon hanggang sa tumahimik ang sala. Hindi ko nagawang galawin ang adobong niluto at agad dumiretso sa kwarto. Biglang nag-iba ang paningin ko sa pinto ng dahil sa nasaksihan.

I didn’t eat anything that night.

The next day, I decided to talk to them about the set-up. Hindi ko gustong bigla nalang akong magugulat sa mga galaw nila. Iyong tipong kahit saang banda ng bahay nalang sila aabutin…

“Chaz, can we talk?” I promptly asked when I saw him descending down the stair Harry is not with him.

Nauna akong magising sa kanilang dalawa, nakabihis na rin ako at handa nang tumulak sa trabaho.

“Talk about what?” malamig niya akong tinitigan.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali. Mas mainam siguro na silang dalawa ang makakausap ko para sa ikakatahimk ko. Huminga ako ng malalim.

"Gusto ko sana na kasama si Harry, tulog pa ba siya? Hintayin nalang natin.” malumalay na ani ko.

Kumunot ang noo niya na parang hindi naiintindihan ang sinabi ko.

“Mas mabuti kasi kung tayong tatlo ang magkakaharap-harap, to clear things out.” nakangiting dagdag ko.

He tilted his head. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin ngayon, wala akong oras mamaya.” He walked passed me and went to the kitchen.

Bumuntonghininga ako saka siya sinundan. “Mas mainam kasi kung maririnig din niya ang pag-uusapan natin. Hindi rin naman ito magtatagal.” giit ko.

Nagpunta siya sa coffee machine saka doon gumawa ng kape. Sumandal siya sa lamesa habang nanatili akong nasa bungad ng pinto, pinagmamasdan siya. Nahagip ng paningin ko ang pagkaing niluto sa lamesa.

Tumikhim ako. “Ano pala, may niluto na ako riyan. Kumain nalang kayo.”

He arched a brow before lifting his eyes on me.

“Naisip ko kasi.. bayad ‘yan sa tira niyong pagkain kahapon.” I added.

Mula sa akin, bumaling siya sa lamesa kung nasaan ang pagkaing sinasabi ko. He didn’t say anything and continued to stare at the food.

“Is it safe?” maya-maya ay tanong niya.

My brows furrowed in confusion. “O’o naman, galing’yan sa stock mo sa ref.” naguguluhan kong sagot.

Mariin siyang tumitig sa akin na parang hindi kumbensado.

“Niluto ko yan kanina, iyan din ang pinag-almusal ko. Hind—” I stopped midway when I realized what his words meant.

I looked at him dumbfounded. “You think I will put unnecessary chemicals on the foods? What for? To poison you?” sunod-sunod kong tanong.

“I didn’t say that, Miss Perez. Nagtatanong lang ako.”

“Pero iyon ang pinupunto mo,” I counter back.

Nagkibit balikat siya saka umayos ng tayo.

“If you think I poisoned that food, then leave it on the table. Magluto nalang kayo nang sa sarili niyo.” pigil ang inis kong singhal.

He looked at me firmly. I didn’t back down and gazed at him with the same intensity.

“I’ll wait for the both of you in the living room to discuss my concerns. I wouldn’t talk unless Harry is with us, at huwag kang mag-alala para sa kapanan nating tatlo ang gusto kong pag-usapan.” mariin kong tinuran.

Also for my peace of mind..

Hindi ko na siya hinintay na magsalita at agad na tumalikod. Sa loob-loob ko ay malaking pagkadismaya ang nararamdaman. Ako na nga itong nagmamalasakit, pagduduhan pa niya.

Kung alam ko lang, ‘di sana inubos ko nalang lahat ng iyon! Hindi pa naman ako nakakakin kagabi, all because of them!

Nanatili akong nakaupo sa leather couch habang hinihintay sila. After a while, sporting on a gray muscle tee and white short, Harry descended the grand staircase beaming as if he just woke up on the right side of the bed.

Maganda talaga ang tulog niya.. samantalang ako, halos bangungotin sa nakita. Nang sandaling dumako ang paningin niya sa akin, nagbago ang timpla ng kaniyang mukha.

“Tang ina, sira na ang araw ko dahil sayo! Pwede ba, mag-effort ka namang itago ‘yang mukha mo habang narito ako!" his high pitched voice echoed.

My lips parted. “That’s impossible. We live on the same roof it’s inevitable not to see each other’s face.” sagot ko.

Umirap siya. “Bitch nakakainis ka talaga kahit kailan! Ang simple lang ng hinihingi ko sayo pero ang dami mo ng sinabi!”

“But that’s the truth, Harry. I can—”

“Oh my gosh, stop!” patiling pagputol niya sa pagsasalita ko.

I peered at him in dazed. Tila may sinabi akong nakakadiri sa paraan ng pagkakagusot ng kaniyang mukha.

“Huwag mong babanggitin ang pangalan ko. You were tainting my name with your unpleasant voice! Pumapangit ang pangalan ko!”

I stared at him in disbelief. Diring-diri siyang tumitig pabalik sa akin saka muling umirap. Saglit na umawang ang labi ko. Naghintay akong bawiin niya ang sinabi niya pero lumipas na lang ang segundo, tanging pag-rolyo ng mata ang ginawa niya.

“Perhaps your name is already ugly as it is. Naghahanap ka lang talaga ng mapagbubuntunan ng sisi.” I answered in annoyance.

Trip ba nilang dalwa na I-bully ako? Umagang-umaga sira na rin ang araw ko dahil sa kanilang dalawa.

“You!” he pointed his forefinger at my direction, as if pissed with my statement.

I released a deep breath. “Look, Harry. I’m trying to be civil to you despite the fact that you judged and wronged me from the first time we met. Inunawa kita. But girl, my patience is wearing thin. Hindi ako papayag na tapakan mo ang pagkatao ko.” I uttered seriously. “Your offensive words are enough, Harry. Kung nagagalit ka dahil sa kasal na ito, galit din ako.”

“Bitch shut up!” Humakbang siya patungo sa kinaroonan ko, pero nagpatuloy ako.

“You made me do this. Kayo ang nag-udypok sa akin na pumayag sa kasal na ito, kaya wala kang karapatang magalit sa akin. Spare me with your wrath and focus on your lover.” matamaan kong sinabi.

Bumalik sa alaala ko ang masakit na salitang narinig ko mula sa kanilang dalawa. Wala naman akong naalang ginawang masama sa kaniya, pero kung makapagsalita siya ay parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya ng galit sa akin.

“Kung talagang mahal ka niya, bakit pa siya pumayag maitali sa iba? Instead of fighting for your relationship, bakit ka niya itinatago?”

Namula ang kaniyang mukha, siguro sa galit.

“Baka kasi hindi sapat ang pagmamahal na sinasabi niya para ipakilala ka sa mga magulang niya. Hindi sapat para ipagsigawan sa buong mundo na mahal ka niya.”

I believe if you love a specific person, you have no reason to hide your relationship from everyone. Kahit sa tunay na magulang pa.

Wala sana akong balak sabihin ang lahat ng iyon, pero hindi ko na kaya ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Ever since, he would always make it a point to insult me every time he got the chance.

At hindi ko gusto ‘yon.

His face become livid. With heavy and determined feet, he strides to where I was sitting but before he could do any violence, a deep and baritone voice halted him.

“Are you done?”

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok ng marinig ang boses na iyon.
Dinaga ang dibdib ko sa kaba ng maramdamang nakatitig siya sa akin. Malamig.. nakakakilabot.

Para akong napipi.

“I can’t believe this woman, babe! Wala namang masama sa mga sinabi ko, pero narinig mo naman ang mga binatong salita niya sa akin, sa’yo! She has the nerve to question your love for me, when clearly she doesn’t know a shit about us!” nangangalaiting sigaw ni Harry bago linapitan si Chaz.

Nagbaba ako ng tingin ng mapagtantong hindi man lang kumurap si Chaz.

“Is that what you want to talk about, Miss Perez?” kalmado ngunit kababatiran ng lamig na aniya.

Napalunok ako. “No,” I whispered, as if a scared kitten.

I heard Harry scoffed. “You heard it babe, she’s damn arrogant and wicked. I didn’t see the point why mama choose her to be your bride. She have no class at all.” pang-iinsulto pa niya.

My hands balled into fist. Porque nagsalita ako para sa sarili ko, masama na ang ugali ko?

Why do people tend to classify one’s attitude merely because they are being honest?

I am only defending myself, since no one else will do in this household. I couldn’t even count the number of insults I’ve swallowed by them, tapos ngayon..

“To think that I’m going to live with her from now, gosh hindi ko kaya!” maarteng pahayag niya. Pinulupot nito ang kamay sa braso ni Chaz.

I pressed my lips together. “Hindi ko rin naman gustong makasama ka sa iisang bubong, Harry.” hindi ko mapigilang sagot.

It’s as if he was taken aback with my response. Namilog ang kaniyang mata, at kung hindi dahil kay Chaz baka sinugod na niya ako.

I don’t know if my eyes were playing a trick with me, that I saw a ghost of smirk on Chaz lips.

“Ito ang rason kung bakit, gusto ko kayong makausap ng masinsinan. I want to set my rules in—"

“Who are you to do that, huh? Nakikitira ka na nga lang ikaw pa ‘tong maarte.” Harry cuts me off.

Huminga ako ng malalim.
“If that’s the case, then sa condo nalang ako tutuloy. Is it fine with you, Chaz?” I gazed at him, hoping for a positive response.

Mas pabor nga sa akin kung hindi ako dito tutuloy. Dahil kung araw-araw ko lang din namang makakasalamuha si Harry na puro panlalait lang ang natatanggap ko, mas gugustuhin ko pang matulog nalang sa daan.

“Mas mabuti kung gano’n, hindi na—"

Hindi natapos ang sasabihin ni Harry ng magsalita si Chaz.

“That’s not necessary, any time our parents might visit us unannounced. Especially your mother, I suggest you lower your ground and try to be nice. Makisama ka, Miss Perez.” he said, authoritatively. His face were blank while grazing straight to my orbs.

“Yes, I know and you don’t have to tell me what to do! Sinusubukan ko namang pakisamahan kayo, but the guy on your side.. is really testing my patience.” mariin kong pinukol ng tingin si Harry.

“You witch, ikaw it—”

“See? Sino ngayon ang hindi nakikisama?” I asked flatly.

Ramdam ko ang masamang tingin na pinupukol sa akin ni Harry, habang si Chaz ay nanatili ang malamig na titig sa akin.

“Respeto nalang sana mula sa inyo ang hihingin ko and I’ll do the same. Just please, stop the cursing.” I trailed.

I am not against same sex relationship. Wala rin akong karapatang husgahan si Harry patungkol sa kasarian niya. It’s not a big deal to me, in fact I am proud he has the courage to be true to himself.

Pilit akong ngumiti sa kanila. “If it’s difficult in your part to be civil, then don’t dare converse with me. Hindi nakaka-gwapo ang pagmumura sa kapwa tao.”

A menacing smile appeared on Chaz lips while Harry was probably killing me in the head now.

“Iyon lang sana ang gusto ko mula sa inyo. And also, can you work your desires in a more private place? Huwag niyo naman akong bibiglain.” I chuckled.

It’s like a heavy feeling was lift on my chest when those words slipped in my mouth. The scene from last night is bothering me to the point that the vivid picture of them on that door hunted me..

Chaz smirked. “Ano pa?” he asked.

“Anong ano pa?” naguguluhan kong tanong.

“Iyong mga gusto mo.. is that all?”

Napakurap-kurap ako. My eyes drifted to Harry and he leered. Bumalik ang  tingin ko kay Chaz na nag-aabang ng sagot ko. Pilit kong hinahanap ang pagbibiro sa mga mata niya, pero bigo ako.

“Yes, that’s all.” sagot ko.

“Consider it done, woman. We’ll do whatever you pleas, just don’t leave the house. Mahihirapan tayong gampanan ang mga dapat gawin kung sa ibang bahay ka titira.” 

I nodded my head. Mahirap nga iyon lalo pa kung laging nakabantay si mommy sa akin.

“That would also be suspicious for the public. And your parents wouldn’t favor that idea.” pagpapatuloy niya. Hindi nito pinansin ang pagsalubong ng kilay ni Harry.

"Also, about the cursing.."

I looked at him, waiting for his next words.

"That's hard.. but I'll try. Isang bagay lang ang hihingin ko mula sa’yo, Miss Perez. Iyon ay ang umuwi ka dito. Neither  in your parent’s mansion, or your pad.” 


My heartbeats doubled.


“Sa akin ka uuwi.” he continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro