Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

Pain

“Anak, maawa ka naman sa asawa mo. Baka pwedeng papasukin natin?” Bungad ni Mommy pagkapasok sa kwarto ko.

“Hayaan mo siya, My. Aalis din ‘yan.” I said, my eyes fixated on the screen of my laptop, watching kdrama.

“Dear, don’t you think this is too much? I get that you have grudge due to the accident, but he already apologized. I saw it in my own eyes how devastated he is while you’re lying in the hospital bed, unconscious.”

I sighed as I remembered it again. Because of the accident, I stayed in the hospital for a week. Dahil sa dinugo ako, naging maselan ang pagbubuntis ko lalo pa at kambal. The doctor advice me to have a complete bedrest, to which I did for two weeks. Isang lingong pananatili sa hospital at nang ma discharged ay sa bahay ng mga magulang ako tumuloy.

One of the major don’ts is stress.

And me, being with Chaz under the same roof, I don’t think I can avoid experiencing that.

“It’s his own decision. Hindi ko naman po sinabi sa kaniyang maghintay siya sa labas ng bahay natin na parang tanga.”

“Words, Sofia. You don’t talk to your husband that way.”

I heard her approaching steps, but I didn’t falter. Hinaplos ko ang sariling tiyan habang nanonood pa rin sa palabas.

“Kaya rin naman siya naroon sa labas dahil ayaw mong papasukin. If only you’ll allow him to come and visit you, he will leave peacefully.”

“I don’t want to see him, Mommy.” I said simply.

“But it’s been a week. Hindi ka ba naawa sa asawa mo? Siguradong may trabahong naantala ang batang iyon.” Lumubog ang kama sa tabi ko dahil sa pag-upo niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“That’s no longer my concern, Mommy. I was clear of not wanting to see him. I want some space, pero kahit iyon hindi niya magawang ibigay.” I closed my eyes as I felt the familiar warmth from my own mother—my hero.

“Mom, nasasaktan pa rin ako. It hurts to see his face, and I am trying to survive here. Seeing him will only torment me."

“I get your point here, anak. Wala akong balak pangunahan ka sa desisyon mo. But don’t forget the value I am always telling you and your siblings.. masama ang magtanim ng sama ng loob sa ating kapwa. Lalo pa sa iyong kapareha.”

I opened my eyes and saw her staring at me intently.

"You are grown enough. You know what's best and not. Remember that at the end of the day, he's still your husband. Your other half.."

Nagyuko ako ng ulo at hindi nakasagot.

“He’s a good guy, you know..” I heard her chuckles.

My heart wrenched. Good guy?

I mentally laughed at the adjective she used to describe him. He’s the real definition of an asshole. Keeping me by his side, and yet having an affair.

Funny that despite everything, I am keeping mum of his real identity. Of how he is as a person, and as a husband. Hindi ko pa rin magawang magsalita sa mga nangyari sa loob ng bahay na iyon. Every time I think about it, I can’t help but to pity myself. Enduring his infidelity, settling for less.

"Every relationship is flawed, the same goes with your husband. Nagkamali siya, at tanggap ang kamaliang iyon. Why not talk to him and settle this misunderstanding?"

"I can't, Mommy.." I said, blowing a loud breath. "I'm sorry but I can't face him. Not today.."

My days went on like that. Si Chaz ay nanatili pa rin kahit anong pagpaparinig ni Mommy sa akin tungkol sa lalaki, nag bibingibingihan ako.

Today, I decided to take a walked. I wore a black leggings and a white oversized shirt, suited for my body. I tied my hair in a messy bun and gather my towel before walking out of my room. It is still early, quarter to five. I don’t know what’s up with me that when I woke up, I have this feeling of seeing the view outside.

Ilang araw na rin akong puro hilata lang kaya magandang mag lakad-lakad.

“Senyorita!” Emma exclaimed seeing me descending the stairs.

I gave her a faint smile and eyed the curtain she's holding.

“Magpapalit sana ako ng kurtina sa kwarto mo, Senyorita."

“Ang aga pa, Emma. Ipagpahinga mo na lang muna ‘yan.” I said.

“Ayos lang Senyorita! Mabuti kasi kung ngayon ko gagawin para hindi maka-isturbo sa’yo mamaya. Ang akala ko tulog pa kayo, eh.”

“I’m going out. You can have my room, be my guest.” I smiled at her and resumed on walking.

"Mag-iingat kayo, Senyorita!" sigaw niya.

I waved my hand in the air and go directly to the main door. I was stretching my arms as I made my way out. Binati ako ng dalawang nagbabantay sa gate. I greeted them back and my eyes flew directly to the black car that is parked across the street.

Nagtagal ang tingin ko roon. He’s probably sleeping in it. Ewan ko kung may tao o wala dahil tinted naman ang sasakyan. I shrugged my shoulder and started doing my walk.

Minutes passed with just me walking at the side of the road, passing with trees and extravagant houses.  Kampante akong walang gagalaw sa akin dito. This is a high end subdivision.

I saw a kids playground. It seems that my feet has a mind of its own that I find myself sitting at the bench made of stone. Ako lang ang tao sa buong lugar, tahimik at payapa. There were swings, slides, climbers and more that will entertain kids.

No matter how tempting the swing is, I can’t risk sitting in there. Baka hindi kayanan ang bigat naming tatlo.
Nanatili ako roon ng halos sampung minuto bago tumayo para umuwi.

Saktong pag-ikot ko, ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Chaz. Nakatayo ilang metro ang layo mula sa akin. He’s wearing a gray hoodie and a short.

I felt how my heart reacted when Chaz started crossing our distance. Samantalang ako ay hindi nakagalaw, pinagmamasdan siyang unti-unting kinain ang distansya naming dalawa.

“Good morning..” he said with his raspy voice.

Chaz eyed my face before it shifted down.. on my tummy perhaps.

“Are you following me?” agad na tanong ko.

Dahan-dahan itong umiling. “I was having my morning run when I saw you. I.. just think you need this,” itinaas nito ang kanang kamay na may dalang bottled mineral.

I leered and started to walked away. Gusto ko ngang uminom pero matitiis ko pa naman hanggang sa makauwi.

“Have you eaten? I saw a restaurant nearby, let’s have our breakfast. I know the twins are starving . They liked foods very much.” He laughed, as if impress. “Then we can talk about their names. I remember you telling me last time, Mommy Regine has recommendations. Though, I’m good with whatever names you prefer for them. They’ll be carrying my last name anyway.”

Tumigil ako saka siya nilingon.

“Sinabi ko bang sundan mo ako?”

The smiled on his face vanished.

“Pauwi na rin naman ako, Grace. Sasamahan na kita.”

“I know the way back, and I don’t need you. Huwag mo akong gawing bata.”

“Pero may dinadala kang mga bata…”

I was quick to glare at him. His lips then twisted.

“Mga batang muntik nang mawala nang dahil sa’yo.” I trailed off. “Ngayon kung gusto mo pang makita ang mga batang ‘to, huwag na huwag mo akong susunduan. O, mabuti pang umuwi ka na lang. Sinisira mo lang ang magandang disposisyon ko."

His face become stern. He took a step forward, never minding my deadly glares.

"Gusto ko lang siguraduhing ligtas kang makakauwi, Grace. Kahit hindi mo na ako kausapin, sasamahan lang kita."

"Your presence alone is enough to put me in danger. So please do me a favor and get lost.”

Pinagsawalang bahala ko ang nakitang sakit sa mata niya at tumalikod. I didn’t looked back to see if he’s still tailing me. Hindi ko rin naman ramdam ang presensya niya kaya siguro.. hindi nga niya ako sinundan.

I disregarded the churn I felt in my stomach remembering his pained expression. Tama naman itong ginagawa ko diba?

Hangga’t magkasama kami, masasaktan na naman ako. Mahihirapan na naman ako sa tuwing aalis siya at ang pagbabalewala sa presensya ko. Kailangan kong unahin ang mga anak ko bago ang lahat.

Tunog mula sa telepono ang gumising sa akin kinabukasan. Wala sana akong balak tignan iyon at magpatuloy sa pagtulog nang maalalang kailangan kong mag ehersisyo ngayon. The first thing that I checked was the time, and it says eight twenty-five in the morning.

Naagaw ang atensyon ko sa notification bar. There was a text from Chaz, which is honestly not new to me. Ever since I decided to stay with my parents, and him waiting outside the gate, he would always send me a text message. Constant iyon, at walang palya.

From: Old Man
I went for a jog and saw some fresh mangoes. There was also a pastry shop outside the subdivision. They sell cakes with raisin filling, and I remember you craving for such. If you want, I’ll asked the guards to lend you some.

From: Old Man
Do not forget to eat your meal. Say hi to my babies for me. Good morning by the way!

Binaba ko ang cellphone saka nilingon ang bintana. I’ll be a hypocrite if I say his offer aren’t tempting. In fact, I am already salivating with the thought of having mangoes, and cakes. Ilang araw na rin akong hindi nakakain nang ganoong klaseng pagkain. I am more on vegetables.

After what felts like eternity just looking at the window, I have finally decided. Mabilis akong naligo saka sinuot ang kulay kremang maternity dress na bili ni Mommy nang nakaraan. Nilugay ko lang ang buhok ko at doon ko napagtantong mahaba na ito. Maybe, I’ll cut it after I gave birth.

Nang makuntento, bumaba ako. I found Emma changing the beddings of the sofa in the living room. She stood straight when she saw me.

“Magandang umaga, Senyorita.” She smiled.

“Magandan umaga rin.” I smiled at her too. “You’re so pretty, Emma.”

Her cheeks went scarlet and bowed her head. “Salama po, Pero mas maganda pa rin kayo Senyorita.”

I chuckled. “Ikaw talaga, sinabi ko nang tigilan mo ako sa kaka-senyorita mo diba? Sofia na lang kasi.”

“Ay hindi po! Amo ko po kayo, hindi maganda kung tatawagin ko lang kayo sa inyong pangalan.”

“Silly, it’s fine. My parents are not obliging you to call me that. You won’t get fired either,”

Desidong umiling si Emma. “Kahit na po, Senyorita.” She answered timidly.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago nilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Emma being Emma, is hard as rock to convince.

“As you wish, Emma. Oh, where’s my parents?”

Emma was about to answer when her mother appeared.

“Hija, mag umagahan ka na. Natimplahan na kita ng gatas at iyong vitamins mo’y nasa hapag na rin katabi lang nito.” She said, coming out from the dining room. “Kung may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang at igagawa kita.” Dagdag niya.

I nodded at her. “Babalikan ko na lang po at may kukunin lang sa labas.” I said, as I began my strides towards the door.

I wonder if he doesn’t have a work to attend to? The last time I checked, halos gawing bahay na niya ang opisina sa dami ng kailanga gawin, ayon sa kaniya.

Pero ngayon, akala mo walang trabaho.

“Good morning, Senyorita!” bati sa akin ni June, ang hardinero nila Mommy.

“Morning, June.” I responded.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa gate. Now, I hate having a long pathway. Ang haba ng lalakaran makapunta lang sa labas. Noon ay hindi ito problema sa akin dahil may kotse akong ginagamit. Ngayon ay umabot yata ng  halos beinte minutos ang paglalakad ko.

On the other side, this is also helpful. Since according to the elders and my doctor, exercise if a must for pregnant woman. Kahit hindi mga buntis, maiiging mag ehersesyo. Since exercise has a lot of benefits to offer.

Ilang metro na lang ang layo ko mula sa gate, namataan ko na si Chaz na nakatayo sa harapan ng kaniyang sasakyan, arms crossed. The brute is even wearing a shade! Pambihira!

I gritted my teeth as I felt myself being affected with his visual. Simpleng puting t-shirt at ragged pants lang naman ang suot niya. Pero bakit, nang-aakit?

I slapped my face.

Maghunos dili ka, Sofia. Galit ka sa kaniya. Hindi ka marupok. Pagkain ang sadya mo. Literal na pagkain. Hindi siya ang kakainin.

Saglit akong huminto. Pumikit saka huming nang malalim. I opened my eyes and was about to take a steps when a white car pulled over. It parked behind Chaz’, and what shocked me more is the person who came out of the driver seat.

Kumunot ang noo ko nang bumaba si Miss Navarro. She strides to where Chaz is and the latter, even straighten his posture. Binilisan ko ang lakad hanggang sa tuluyan kong marating ang gate. The guard greeted me but I was too focused on the two. Nakita kong may inilahad na paper bag si Miss Navarro kay Chaz. The latter’s lips moved, indicating they are conversing.

Wala akong marinig dahil na rin sa pagitan naming tatlo, kaya naman umabante pa ako hanggang sa ilang dipa na lang ang layo ko sa dalawa.

“It’s different from yesterday's. Kami ni Harry ang gumawa niyan, kaya lang.. ako na ang nagdala. Busy din kasi siya sa hotel niyo.” I heard her says.

Napako ang tingin ni Chaz sa akin. Tinanggal nito ang salamin sa mata baga ako nilapitan. My eyes then narrowed at his frame’s approaching.

“Theo, where are you go—"

Miss Navarro stopped as she turned her body around, seeing me.

“Grace,” ani Chaz, bakas ang ginhawa sa mukha.

Humakbang si Miss Navarro hanggang sa magkasinghanay silang dalawa.

“Hindi ko alam na may batang hamog na rin pa lang kasama itong..” I crossed my arms over my chest and arched them a brow. “Palaboy na ‘to.”

I saw how Miss Navarro’s lips parted, as if insulted. I smirked. What is she doing here anyway? Giving Chaz breakfast? Oh wow, impressive.

“Sinong batang hamog ang pinaparatangan mo? Is it me?”

“Well..” I shrugged my shoulders. 

Mas umawang ang labi niya. Namula ang mukha na batid kong dahil sa galit. Umirap ako rito saka binalingan si Chaz na parang timang na nakatulala lang sa akin.

“I am not here for you, ‘no! G-Gusto ko lang ibigay itong pagkain kay, Theo!” I heard Miss Navarro. She handed the paper bag once again, and my blood boils at how she caress his arm. “I’ll get going. Ayaw kong patulan ang pagiging isip bata ng.. asawa mo. Enjoy eating, hmm? Babalik na lang ulit ako.”

She leered at me first before stomping her feet to walked away. Hinatid ko ito ng tingin paalis bago nilingon ang lalaki na wala pa ring imik at nakatitig lang sa mukha ko.

“Give me the foods.” I said glaring at him.

Oh so, this is not the first time she went here, huh. May yesterday pa raw, at itong lalaki. Aba, hindi man lang umangal at tinanggap pa talaga ang pagkaing iyon?

And here I thought he’s redeeming himself..

“Give it to me and leave. Wala kang mapapala sa pag tambay dito.”

He didn’t answer me, like he didn’t hear my voice. Uminit ang ulo ko, lalo pa nang makita ang paper bag na nasa kamay nito.

“Chaz Theo!” sigaw ko.

He blinked, as if startled by my voice.

“Yes, yes! I’m here!”

Pinigilan ko ang matawa nang mabakas ang taranta sa mukha nito. Pilit kong kinunot ang noo habang pinagmamasdan siyang tumalikod, pero agad ding bumalik sa harapan ko.

“Do you mean this one?” tinaas nito ang bigay sa kaniya ni Miss Navarro.

“Hindi ‘yan! Anong gagawin ko riyan, ha? I know how to cook!”

Umawang ang labi niya. Kumamot sa batok bago patakbong binalikan ang kotse. While I stood there, waiting for him.

Mabilis itong bumalilk dala ang isang supot at box na batid kong naglalaman ng cake. I craved immediately seeing the two.

“Have your breakfast first before taking these. Also, don’t forget to drink plenty of water. Ilang buwan na lang at manga—“

“Stop bossing around.” Mabilis kong inagaw ang dala-dala niya, sanhi para tumigil siya sa kaniyang litanya. “I know better, Chaz Theo. Leave now. I don’t want to see the face of that lady hovering around like a stray cat.”

“Uuwi lang ako kapag kasama kita, Grace. I’ll be here until you decided to come with me.” he said, shaking his head.

“I told you I want a break from all of your bullshit. Unlike you, I am not selfish not to think of my own children. Gusto ko pang masilayan ang mga anak ko at magagawa ko lang ‘yon kapag wala ka sa tabi ko. Now go home and stop bothering me!”

I saw his adams apple moved. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya pero hindi ako nag paapekto.

“I’ll wait, Grace. I won’t force you to go with me. Dito lang ako, hihintayin ka kung kailan mo na gustong umuwi.”

“Oh.. no, no. You leave now, Chaz. Ako ang lumalabas na masama sa ating dalawa dahil lang ayaw kitang harapin."

“You can’t make me leave with that. I know my mistake and I am very sorry. Handa akong maghintay hanggang sa balikan mo ako. Just don’t.. asked me to go. Doon ako sa kung nasaan ka.”

“You’re funny. Now that I am no longer in your life, you’ll beg me to take you back. Nasaan ang pinagmamalaki mong Harry? Bakit hindi ka sa kaniya pumunta?” I chuckled.

“Give me a chance, Grace. Allow me to make up with my wrongdoings.” He said, looking at me with determined expression. “Just this one, Grace.. hayaan mong bumawi ako sa inyo."

"I’ve been there with your babawi. Nakakarindi na, sa totoo lang.” I sarcastically laughed. "Umuwi ka na. Hindi ako sasama sa'yo."

I hate myself that despite everything, you owned half of me. I want him to learn and feel the pain I’ve experience, but every time I’ll see the sadness in his eyes.. I felt like I’m dying too. Nasasaktan din ako. Na sa kabila nang naranasan ko, may parte pa rin sa puso ko ang umaasa at maniniwala sa salita niya.

“Emma, umuulan ba sa labas?” binaba ko ang binabasang libro bago binalingan ng tingin ang bintana ng kwarto.

The gray curtains blocked my sight to see whether it is raining or not. Gabi na at si Emma ay kakapasok lang sa silid ko para ihatid ang pagkain ko. My parents isn’t here yet, and I find it boring to eat in a long dining table alone.

“Opo, Senyorita. Malakas nga po ang ulan, parang bagyo na..”

From my peripheral vision, she put the tray full of foods in the center table.

“May bagyo?” kuryuso kong tanong, binalingan siya ng tingin.

She glanced at me and proceeded to arrange the foods.

“Napanood ko kanina sa balita, pero malayo sa atin huwag po kayong mag-alala.”

Right. Hindi na dapat ako mag-alala. I’m sure Chaz left already since I told him to go. Wala na ‘yon sa labas.

I sighed and focused my attention to eating. The rain was unstoppable. That even after an hour, it is still pouring heavily.

Lumilipad sa ibang dimension ang utak ko, sanhi para hindi ako makatulog ng maayos. I kept on convincing myself that he’s gone. Wala na siya sa labas.

I don’t know how I managed to sleep last night, that when I opened my eyes, the sun is already at its peak. Feeling energized, I started my morning routine. Nag exercise ako sa loob lamang ng kwarto. It took me thirty minutes and right after it, I felt dehydrated that I went out of my room to drink water.

“What the hell are you doing here, Chaz Theo?!” I shouted, bewildered seeing Chaz in the receiving area.

He’s with daddy, drinking his coffee and it seemed that the two are in serious conversation.

“Oh, you’re awake na anak. Come here, your daddy wants to talk to you.” Mom said walking towards the two with a cup on her hand.

“Mommy, anong ginagawa niyan dito?” I ranted as I take the last staircase.

Nakita ko ang pag ngiwi ng ina ko. While dad has a poker face. Chaz on the other hand is looking at me, with emotion I don’t want to name.

“I didn’t tell you to be here, Chaz Theo! Huh, ang kapal naman ng mukha mong tumuntong sa pamamahay na ‘to. Get the fuck out!” I reiterated, gritting my teeth in annoyance.

Nakalapit na ako sa tatlo at akmang lalapitan si Chaz ng bigla akong hawakan ni Mommy.

“Dear, did you jogged?” she suddenly asked, eyeing my whole body with wide eyes.

My brows creased. “Yes?”

She gasped and put me behind her frame, as if hiding me from the two.

“Mom, I have to shoo that man away! He’s not supposed to be here, damn it!”

Sa inis ko’y hindi ko na mipigilang magmura. Mas lumala pa nang makitang tila hindi ito apektado.

“Anong tinitingin-tingin mo riyan? Umalis ka sabi, eh! Get lost, Chaz Theo! I don’t want to see you, asshole!” my voice thundered in the whole manor.

I was breathing heavily, throwing Chaz daggers while my mom was holding my arm, trying to calm me down.

“Oh god, your mouth anak. Patawarin ka ni Lord sa kalapastanganang iyan.” Mommy said. “Bago ka mag tatalak, pwede bang magpalit ka muna sa taas anak? Don’t showcase your massive bump, you looked like Winnie the Pooh. The evil one since you kept on cursing.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mommy. I peered at my own body, and to my horror, I was still wearing my black sports bra ang a short! Litaw na litaw ang malaki kong tiyan sa harap nila!

Ramdam ko ang pagkalat ng init sa mukha ko patungo sa batok. Tinapunan ko ng tingin si Chaz na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin, lalo na sa aking tiyan.

“Go to your room and take a quick shower first, anak. We’ll talk over breakfast.” Si Mommy.

Pero bakit ako mahihiya? They are my parents, and Chaz.. well, he even saw me naked, ito pa kayang tiyan lang?

From my tummy, his eyes drifted to my face and our gaze automatically locked.

“P-Paalisin niyo muna siya, Mommy.. hindi ako kakain kung kasama siya.” patuloy ko, habang nakikipagitasan ng titig sa lalaki.

“Pero, anak. Hindi naman ako ang nag papasok sa kaniya.” She said.

“You gate crashed then? I told the guards not to let you in. Kung hindi utos ni Mommy, ibig sabihin nag over the bakod ka, huh Chaz Theo?” I asked, in an accusing tone of voice.

I saw how the corner of his lips twitched. He shook his head before glancing at my father.

“I want to see you, yes. But I’ll never resort to gate crashing, Grace.” aniya, sa namamos na tinig.

“Sinungaling! Iyon lang ang nakikita kong paraan kung bakit narito ka ngayon. What now, huh? Nasaan ang sinasabi mong maghihintay ka hanggang sa balikan kita?” sarkastiko akong natawa. “You are really a disappointment. As your wife, ikinahihiya kita.”

Narinig ko ang singhap ni Mommy. Samantalang nanatili ang mariin kong titig kay Chaz. I saw how pain crossed his eyes. He clenched his jaw and looked away, like I hit a button.

“You know the way out. When I come back, I want you gone, Chaz Theo. Ayaw kong—”

“Enough, Sofia Grace.”

I stopped when daddy interfered. Nilingon ko siya, at ang dating palangiti nitong mukha ay walang bakas ng tuwa.

“No, dad. Ayaw ko siya rito—namin ng mga apo mo.” I trailed off, looking at him seriously. “No one even wanted him to be here, with us! Paalisin niyo siya!"

“Ako ang nag papasok sa kaniya." aniya, sanhi para matigilan ako.

“What?” tanong ko, nanlalaki ang mata. “Dad, bakit mo naman pinapasok? May kasalanan pa ‘yan sa amin!” puno ng hinanakit kong sigaw.

"This is my house." He uttered full of authority.

Suminghap ako. Hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"I don’t like how you’re coping with the situation. He’s been there for more than a week and I heard, you’re not giving him even foods to fill his stomach."

"Why would I if there is someone who's providing him with it? Sayang lang din!"

My head hurt remembering Miss Navarro. Bakit pa nga ba kung mayroon namang nagbibigay sa kaniya?

"This is just a misunderstanding, anak.
You are my daughter, and I want nothing but the best for you. However, you are no longer a child here, Sofa Grace. We don't turn our backs and run away from our problems. Settle this issue in a more matured way.

Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Kung alam niyo lang, dad. Hindi lang ‘yon ang dahilan kung bakit ko ‘to ginagawa. Parte ‘yon, oo ngunit may mas malaking rason ang dahilan ng pagmamatigas ko.

"Dad.. nasaktan ako. I want to breathe and only I can do that if he's out of my sight."

His eyes softened.

“I am not invalidating your pain, anak. Kung ayaw mo siyang kausapin, huwag mong kausapin. He knows what to do. Kagabi ay umuulan, nag-alala kami. I let him in and offer the guest room for the night."

"What the hell?" awang ang labi kong tinuran.

He was here all night! Pero hindi ko man lang alam!

 

---
Happy 100k reads TMRH! Hala grabe, hindi ko 'to inaasahan. Super thank you sa pag subaybay at suporta kay Sofia at Chaz! Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko 'to maabot. Para pa rin akong nanaginip. Huhuhu🥺

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro