Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Suffer


"Ma'am, someone wanted to see you."

Mula sa binabasang papeles, dumako ang tingin ko sa intercom ng marinig ang boses ni Jenny.

"Wala siyang appointment pero nagmamatigas na pumasok. Should I let her in?"

Humilig ako sa swivel chair bago minasahe and sintido. Ano naman kaya ang kailangan niya?

"Open the door for her, Jenny. And please give us something to drink. Thank you," I answered.

Right after that, I heard the sound of the door opening. Nagtagpo ang tingin namin at nakita ko ang ngisi niya.

"Ang loyal pa rin ng secretary mo. Sa sobrang katapatan sa'yo, nakakairita na! Imagine, kanina pa ako nasa labas at hindi man lang ako pinapasok?!" she ranted.

Dumiretso siya sa couches na nasa gitnang bahagi ng opisina ko at doon sumalampak ng upo.

"Hell! She made me wait for ten minutes! My time is gold but because of your stupid secretary—"

"If you want to be entertained right away, make sure you have set an appointment prior to your visit."

Pagputol ko sa sasabihin niya. I don't want to hear her trash talk Jenny. Hindi magandang pakinggan.

"Naiisturbo mo ang trabaho ko. Pinalagpas ko lang ito sa ngayon pero sa susunod na pupunta ka rito at ganyan ang asal mo, I'll let the guard escort you out of my office."

She looked at me, glaring.

"Boastful,"

I nodded my head calmly.

"Yes, I am boastful. Kaya kung ayaw mong mas lalong mayabangan sa'kin, sabihin mo ang pakay mo. I don't have much time to waste with you Miss Navarro."

Inilahad ko ang kamay sa mga papeles na nakalatag sa lamesa para ipakitang marami pa akong gagawin. Yes, she's Attorney Navarro. The one who's always have a bitter perspective of me. Na hindi ko alam kung bakit at paano nagsimula.

She glanced at my table and her lips formed into a sneering smile.

"Isuko mo ang kasong hinahawakan mo. Kahit anong gawin mo, hindi ka mananalo."

Kumunot ang noo ko.

"Come again?"

"I want you to drop the case of my client against Ryan Valencio."

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago natawa. Her brow's meet and I can already feel her agitation.

"Is that all?" I asked.

"We both know the real stand of your client. A rapist and a crazy stalker. Siya ang magpapalaglag sa'yo kaya hangga't hindi ka pa napapahiya, sumuko ka na." she said with a ghost of smirk.

Bumuntonghininga ako.

"Thanks for the concern but I wouldn't mind the humiliation I'd get.. as long as I fought fairly."

Tumayo siya saka ako nilapitan.

"Just drop the fucking case! You don't know who your enemies are!"

I tilted my head.

"Mali ka riyan. I know very well who they are and that includes you. Now, kung wala kang magandang sasabihin, bukas ang pinto ko makakaalis ka na." I motioned my hand at the door.

Her jaw clenched. "Kung hindi ka makukuha sa matinong usapan, fine then. Name your price and we will gladly pay you. Triple pa."

"Are you that desperate to win against me, Miss Navarro?" patuya kong tanong. I folded both of my arms on the table and leaned against my palm. "Natalo pa lang kita nang nakaraan, kaya ba gagamitin mo na ngayon ang pera para lang.. masabing nanalo ka laban sa akin?"

"Bitch," she murmured, eyes looking bloodshot.
I can't help but to laugh sarcastically.

"Again, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa security, leave my office. As you can see, I have tons of work to do. I need to study the case I'm handling."

"Tama, pag-aralan mo 'yang mabuti dahil sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko! You'll surely pay for this!" Miss Navarro snapped angerly.

I gave her a sweet smile despite of her threat. "Salamat sa pagbisita." pahayag ko pa.

She glared before storming out of my office with a heavy heart. Napailing ako. Seriously that woman, kailangan pa talagang pumunta rito para lang sabihin iyon. And she thought I will agree..

"Ma'am, hindi na ako nag-abalang dalhin ang hinihingi mo dahil alam ko rin namang hindi siya magtatagal."

Muli akong nag-angat ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"It's fine,"

"Ako ang na stress kay Miss Navarro, may panahon pa talaga siyang bulabugin ka. Hindi halatang bothered na ikaw ang kalaban!"

"I already gave her a warning. Next time, huwag mo nang papasukin kung wala namang appointment." I said as I peered at my documents.

"'Yon talaga ang gagawin ko. Nababanas na ako sa pagmumukha niya 'no!" Jenny rolled her eyes.

I nodded my head. "That's good,"

"Aaalis na ako, sabihin niyo lang kung may kailangan kayo."

Napansin niya siguro ang pabalik-balik ng tingin ko sa mga dokumentong nasa harapan. When she was gone from sight, I resumed from working. It was five in the afternoon when mom appeared in my office.

"Anak,"

Napatayo ako at agad siyang nilapitan. I hold her into a tight embrace. Marami akong gustong sabihin sa kaniya.. gusto kong ikwento ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Chaz pero..

"Is there something wrong, dear? May problema ba?"

"Wala naman po, na miss lang kita." I shook my head and hugged her more.

Maybe someday.. I will be able to tell her stories about my marriage. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon.

"I miss you too," Mom distanced herself from me and scanned my face. "Dear, why do you looked so stressed?"

I sighed and closed my eyes.

"Mommy, ganito po lagi ang itsura ko. Pangit na po ba?"

"Anong pangit?" she asked, as if horrified. "Pinapagod mo ang sarili mo, that's what I meant. Hindi iyong pumapangit ka na dahil walang pangit sa angkan natin, anak!"

I chuckled nonchalantly. "Hindi naman po sa gano'n, Mom."

"Kung hindi bakit ka pa narito? This is supposed to be your out schedule, why are you still here?" tanong pa niya, pinaningkitan ako ng mga mata.

"OT Mom, may bagong kaso kami ngayon at kailangan pag-aralan ng mabuti."

"Bagong kaso?" kumunot ang kaniyang noo.

"It was broadcast in the news, the alleged rape of Miss Lavigne. I am the prosecutor in charge, Mommy."

I walked to my table and sat at the edge. Si Mommy naman ay piniling tumayo sa aking harapan.

"Ah yes, I think I've seen that in the television."

"Uh-huh, it was all over the news."

I heard her release a deep breath.

"This is a big case. I'm worried but since I know you have your husband, kahit papaano'y panatag ako."

I didn't have the time to answer her because her eyes widen, as if an idea pop in her head.

"Are you waiting for him, anak?"

Nakatingin lang ako sa mukha niyang maaliwalas tingnan. And it took me a while to finally understood her statements. I gnaw on my lower lip. I wonder what Chaz has done to make them trust him. Knowing my mother, mahirap makuha ang tiwala niya ng kung sino lang.

"You mean, Chaz mommy?"

"Bakit, may ibang tao ka pang inaasahang susundo sa'yo?"

Natatawa akong umiling.

"Hindi niya ako susunduin ngayon, may sarili naman po akong kotse kaya hindi bale na."

Nawala ang kislap sa mata niya. Bigla naman akong nakonsensya. Pero sa kabilang banda, ayaw ko rin namang magsinungaling sa kaniya.

"I'll try to talk to him, anak. Ngayon na may asawa ka na, hindi ka dapat umuuwing mag-isa lalo pa't may bagong kaso kang hinahawakan.

I instantly shook my head in disapproval.

"Huwag na, Mom. Marami lang talaga siyang pinagkakaabalahan ngayon kaya hindi ako masundo."

Katulad ko'y umiling din siya.

"The reason why we marry you off with him is because of this. We want you secured. Hindi naman ito abala para kay Chaz dahil napag-usapan na namin ito."

I sighed in defeat. Looking at how stern she is, I know I couldn't convince her not to. Bukod kasi sa kaya ko naman ang sarili ko, inaalala ko rin sila Chaz. Hindi niya gugustuhing ihatid sundo ako. Kanina pa nga lang ay galit na siya.

"Iniisip ko lang po na baka.. hindi magustuhan ni Chaz ang paghatid sundo sa akin."

Bumuntonghininga si Mommy.

"I've known your husband long enough to say that he's a good person. Alam kong hindi siya magagalit kung ihatid sundo ka sa trabaho. Mas magugustuhan pa nga niya iyon bilang asawa mo."

Napanguso ako. Bumalik sa alalala ko ang mga binitiwang salita bi Chaz sa akin kanina bago kami maghiwalay.

"Kayo na lang ang bahala, Mommy. Basta pinaalalahanan na po kita sa maaring maging reaksyon niya."

Muli siyang ngumiti. "Very well, anak. Just trust me with this one."

Hindi umalis ng opisina ang ina ko hangga't hindi ako umuuwi. Kaya ang nangyari, sa halip na mag overtime ay sa bahay ko nalang ulit tinuloy ang trabaho.

Wala si Chaz nang makarating ako sa bahay. I didn't bother seeking for his whereabouts. He might still be on his office. But, there is also a higher chance of him being with Harry.

Pagkatapos magpalit ng damit, pinagsilbihan ko ang sarili sa kusina. May stock ang ref pero dahil kailangan ko pang mag trabaho ulit, I once again settled for the cup noddles.

Ang sariling kwarto ko na rin ang ginawa kong opisina. I work again after eating my meal until I didn't notice the fast change of time. It was 11 in the evening when I heard that familiar sound of car's engine. Hinawi ko ang kurtina sa sliding glass window at doon nakita si Chaz na kakababa lang ng kaniyang kotse.

Sa baba ng kwarto ko ay ang garahe.
Iyon nga lang, medyo madilim kaya hindi ko masiyadong maaninag ang kaniyang ginagawa.

Bakit ngayon lang siya?

I silently watched him until he was gone from my sight. Napailing ako bago umalis sa kinatatayuan at tinungo ang lamesa. I was contemplating to go out and asked how his day went. Sa kabilang banda, nararandaman kong hindi magiging maganda ang resulta kong ipagpapatuloy ko ang sigaw ng isip ko.

Sighing, I started arranging my things. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaayos ng makarinig ng katok sa pinto. My chest thudded. From the papers in front of me, I lifted my gaze at the door. As if I can see him through it.

Iniwan ko ang ginagawa at nilakad ang distansya ng pinto pero hindi ko pa rin iyon binuksan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto.

"Bakit?" mahinahon kong tanong.

Mabilis kong pinasadahan nang tingin ang kabuuan niya. Tanging long sleeves at slacks na lang ang kaniyang suot habang ang coat ay nakasampay sa kanang balikat. His hair was disheveled.

Lumagpas sa akin ang tingin ni Chaz, at dahil malaki ang pagkakaawang ng pinto sigurado akong nakita niya ang nasa loob ng kwarto ko.

"What are you doing?"

"Bakit?" pag-uulit ko.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay na para bang hindi nagustuhan ang naging sagot ko.

"Anong bakit? I'm asking you a question, woman."

"Bakit mo naitanong?"

Bahagya kong tinulak ang pinto pasara dahil napansin kong may kung ano siyang tinitignan sa kwarto ko. He raised a brow when he noticed my action.

"It's late, matulog ka na."

Pinigilan kong mapanguso. Nag mistulang ibang tao ang kaharap ko ngayon at hindi ang aruganteng pinakasalan ko.

"Akala ko ba, walang mangingialam sa buhay ng bawat isa sa atin? Bakit ngayon parang... pinagbabawalan mo na akong magpuyat?" mapagbiro kong sagot, nangingiti.

"Your mother called me to check on you, cuz if not I wouldn't care even if you end up getting sick with stress and lack of sleep."

"Si Mommy?" gulantang kong tinuran.

His lips pursed.

"Hmm.. don't assume things easily, Miss Perez. You're not worthy of my care and attention."

I blinked, rapidly. My chest tightened but I instantly disregarded the heavy feeling with his words. Tumikhim ako saka umayos ng tayo.

"Well then, don't bother checking on me. Sabihin mo nalang na nagawa mo na ang mga dapat mong gawin. I got your back, hubby."

Chaz cocked his head sideways.

"I have sinned my enter life. Wala akong planong pahabain pa ang listahan nga mga kasalanan ko. Unlike you who is a great lier, I can't fool your parents."

Doon nabura ang ngisi ko sa labi.

"Huwag kang magmalinis, sinungaling ka rin!"

"I will not deny that. That's why I try to somehow lessen my sins. Not to fuel them more."

"I was suggesting for you to pretend, Chaz! Ang a—"

"When you pretend, you're also fooling the person involved."

I pressed my lips together. Siya na nga itong tinutulungan ko, siya pa ang maraming sinasabi!

"Ano ngayon ang gusto mong iparating, huh?"

Nagkibit balikat si Chaz.

"Simple lang, gawin mo kung ano ang sasabihin ko. Sinusunod ko lang din naman ang utos ng mga magulang mo."

I mentally rolled my eyes.

"You want me to be your slave? Are insane?"

It was his turn to chuckle.

"Call it whatever you please, woman. Slave is not a bad term in the first place."

Naningkit ang mata ko. Bakit pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako? Sa paraan ng pagbuka ng kaniyang bibig para magsalita, malakas ang pakiramdam kong may mali.

"I don't want to have a negative impression with your parents. Mas mabuting sumunod ka nalang." he added.

I intently stared at him. From his face, my eyes narrowed at his neck. I noticed a smudge on the lower part of his neck, just near his collarbone.

"You only care about yourself." I murmured in the air.

Mukhang hindi niya iyon narinig dahil wala siyang naging reklamo.

"Kung iyon ang gusto mo, sige papayag ako. But it won't end with just me, following you around. Kung ngayon may karapatan ka nang panghimasukan ang bawat galaw ko, I
will also do the same. Hindi lang ako ang dapat maghirap, Chaz. You will suffer with me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro