Chapter 5
Inihatid si Aira ng mga magulang niya sa Mall pagkatapos ng Sunday Mass dahil kailangan niyang bumili ng materials para sa isang subject niya. Nagulat siya nang makita si Ayder sa bukana ng store kung saan siya bibili. May hawak itong palumpon ng bulaklak. Kaya pala tinanong nito kung ano ang gagagawin niya ngayong araw nang magkausap sila nang nagdaang gabi.
He smiled and immediately moved closer.
"How are you, my sweet Aira," he mumbled as he embraced her and kissed her hair.
"I'm fine. Kagagaling lang magsimba," tugon niya. Her heart beats faster and faster on his embrace. Iniabot nito ang bulaklak nang humiwalay sa yakap niya.
"Thanks," she said with a shy smile. Natatawa naman itong tumitig at ngumiti sa kanya.
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.
"I'm just happy." Ayder smiled widely.
"Bakit nga?" naguguluhan niya pa ring usisa. Tumitig ito sa kanya nang mapanudyo.
"Parang kailan lang problemado ka kung saan dadalhin ang mga bulaklak na ibinibigay sa 'yo. Now, you are willing to accept it." He smiled.
"Sus, para 'yon lang kinikilig ka na?" biro niya rito. Ayder chuckled. His dimple appeared as his eyes slanted. Ang guwapo lang nito tingnan.
"Baka 'pag tinawag kitang sweetie pie, honey pie, pineapple pie, buko pie, tuna pie, magtatalon ka na diyan sa tuwa," dagdag biro niya. Mas lalo naman itong natawa.
"Dami mong alam! Bilisan mo na ngang bumili ng kailangan mo, may pupuntahan pa tayo." Inakbayan siya nito at iginiya sa loob pero abot-tenga pa rin ang ngiti.
"Okay na sa akin 'yung tuna pie," he jested. Pati siya ay natawa na rin. She didn't know why her heart felt light seeing him that happy. She must've fell for him. Huminga siya nang malalim para payapain ang eksaheradang bilis ng tibok ng puso.
Ilang minuto lang itinagal nila sa loob ng store bago lumabas dala ang mga pinamili niya. He guided her towards his car.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito nang nasa sasakyan na sila. Hindi naman ito nagsalita at ngumiti lang.
Her heart raced faster when his car entered the most exclusive village in the metro. Awtomatikong bumukas ang gate ng bahay nang iliko ni Ayder ang sasakyan patungo rito. Bumulaga sa kanya ang anim na mamahaling sasakyan sa garahe ng bahay na pinasukan nila. She used to seeing those kind of cars but to see them in one garage spoke of too much wealth. Pero hindi iyon ang nagpamangha sa kanya kundi ang isiping nasa loob sila ng family residence ni Ayder.
Nag-alangan pa siyang bumaba ng sasakyan nang pagbuksan siya nito pero kalaunan ay naglakas-loob ding lumabas.
Her eyes were met by a wide living room with a high ceiling when they entered the house.
"Ate Bel, nasaan sila?" tanong ni Ayder sa maid na sumalubong sa kanila.
"Nasa likod na sila, hinihintay kayo." Ngumiti ito sa kanila na parang kinikilig. Tiningnan pa nito ang kamay nilang magkahawak. Mukhang nasa late twenties pa lang ito kaya siguro parang bata pa na kinikilig.
"Ba't ganyan ang ngiti mo?" biro pa ni Ayder. Mas lalo namang ngumiti ang babae.
"Ganda," tugon naman nito kay Ayder at nag-thumbs up pa.
"Ate Bel, talaga!" naiiling namang saad ni Ayder bago siya hinila paalis. Mas lalo siyang humanga na ganoon kakumportable ang maid sa pakikkitungo kay Ayder. It really shows how humble he is. Kapag kasi kasing-yaman nila kadalasan aloof ang mga katulong sa kanila.
Kulang na lang ay hilahin niya ang kamay ni Ayder nang magtungo sila sa likod ng bahay ng mga ito. Tanaw kasi niya ang pamilya nito na nasa pool area. There was a table set for lunch beside the pool. Malawak ang lawn at may mga nakalinyang puno ng mangga sa gilid ng pader kung kaya't maaliwalas at mahangin sa buong lugar.
"Mom, dad!" Lumapit si Ayder mga magulang nito na tumayo nang makita sila. He kissed them on the cheek. Tumayo rin ang magandang babae na katabi ng mga ito na kanina pa nakatingin sa kanila ni Ayder. May dalawang teenagers din na lumalangoy sa pool. Naka-tent ang buong pool area kaya hindi mainit.
"You must be Aira, I'm glad to finally meet you. I'm Vander, Ayder's dad," the man said offering his hand for a handshake. Pinakawalan naman ni Ayder ang kamay niyang kanina pa nito hawak. He doesn't look like Ayder's dad. Ang bata nito tingnan at kung gaano kaguwapo si Ayder parang mas guwapo pa ito. He has western features and his eyes were green.
"I'm happy to meet you rin po," magalang niyang tugon. Inabot niya ang kamay nito at nagmano sa halip na makipag-shake hands.
"Now, I like you more," Ayder's dad smiled when she looked at him.
"I'm Ayder's mom and I like you, too," natatawa namang sambit ng babaeng katabi nito. Yumakap ito sa kanya at nagbeso. She also looked young and immaculate. Dito pala namana ni Ayder ang korean features nito.
Nakahinga siya nang maluwag sa kabaitang nakikita sa mga magulang nito. Napatingin siya sa dalagang tumikhim.
"I'm Desiry, Ayder's sister and I'll yet have to find out what they like about you." Nakataas-kilay nitong sambit sabay abot ng kamay. Matatakot sana siya kung hindi lang nagtawanan ang mga magulang nito.
Nakipagkamay siya rito at ngumiti na lamang.
"Hey, kiddos! Ate Aira is here!" tawag ni Vander sa mga nagsu-swimming sa pool area. Umahon ang dalawang teenagers. The girl is also as beautiful as Desiry. The boy on the other hand looked well-built lalo na't naka-boxers lang ito. Pareho sila ng features ng ama nito at parang halos kasing edad na ni Ayder kung titingnan.
"Kapatid ko 'yan." Nagulat pa siya nang biglang magsalita si Ayder at tinakpan ang mga mata niya ng palad nito.
"Mag-towel ka nga muna, Dirran!" utos nito sa kapatid. Nagtawanan ang mga magulang ng binata sa ginawa nito. Nahiya tuloy siya. Hindi na lamang niya ito pinansin.
"Hello, ate!" Mabilis na lumapit sa kanya ang babae at humawak sa kamay niya.
"She's Deshima, you can call her Shim or shimshimy if you like," sambit ni Ayder.
"Kuyaaa!" agad namang saway ni Deshima.
"Just call me Shim, ate! Don't mind kuya," irap naman nito kay Ayder na ikinatawa ng binata.
"Magbihis na muna kayong dalawa para makapag-lunch na tayo," utos ng mommy nila. Tumalima naman ang dalawa. They sat around the dining table set for lunch. Kaswal na nagkuwentuhan ang mga ito. Vander has a lot to say about Ayder. Sila naman ay nakinig lang. Mahiyain daw ito at hindi masalita na taliwas naman kapag kasama niya ang binata. Mapagbiro ito at pala-salita.
"I told you, dad!" komento ni Desiry nang masabi niya iyon. Tinawanan naman siya ng mga magulang nito. Their conversation went on like she has been a part of their family for a long time. Hindi siya nakaramdam ng kahit na anong pagka-out of place. They seem to be nice people. Kahit si Desiry na minsan ay nagsusungit, halatang mabait din.
Nang makabalik ang dalawang kapatid ni Ayder ay saka sila nag-lunch. It was a lavish lunch. Hindi pa niya namalayang nakakain ng marami. Deshima sat beside her. Magana itong kumain at talagang iniimpluwensyahan pa siya kahit na sinasaway ni Ayder.
"You don't have to eat everything she offers baka masira ang figure mo," bulong pa ni Ayder sa kanya na ikinatawa niya nang mahina. She had naturally fast metabolism kaya wala siyang sinusunod na diet. She just eats healthy most of the time.
"Bakit kapag nasira ang figure ko, ayaw mo na sa akin?" biro niya rio. Ayder only laughed and pinched her nose. They were only cut short when Dirran faked a cough. Hindi ito masalita pero mukha namang mabait at approachable.
"Inggit ka?" Ayder joked at him. Pinangunutan naman nito ang kapatid. Naikuwento na ni Ayder sa kanya ang tungkol sa late maturity ng kapatid nito. He said they were glad that he has overcomed it and is now in a regular Senior High School. Hindi naman halata rito ang napagdaanang sitwasyon. He seemed as normal as everyone, no extra gestures or manerisms.
"I'll have one when I found one. Nothing to be jealous about," seryoso nitong sagot na ikinatawa nilang lahat.
Their lunch went well.
Niyaya pa siya ni Deshima sa Science room nito nang malamang magaling siya sa science. Sumunod naman si Ayder para bawiin siya kuno. They spent an hour inside before they went to their cinema room and watched a movie with the whole family while munching popcorns.
All in all, she felt comfortable and at home with them. Ayaw pa sana siyang payagang umuwi nang bandang hapon pero sinabi niyang inaasahan siya ng parents niya nang dinner time.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro