2
Naplasteran ng ngiti ang mga labi ko nang isulat ko ang salitang Wakas sa pinakababa ng draft ko. Ginawa ko ring bold ang mga letra para mabigyan ng emphasis ang pagtatapos noon.
Inipit ko muna ang draft sa isa sa published books ko sabay dumiretso sa higaan. Bukas ko na lang ita-type ang buong chapter sa Wattpad. Nangangalay na rin kasi ang kamay kong pansulat.
Iidlip sana ako nang mapansin kong nagsisimula nang umingay ang paligid. Bahagya kong binuksan ang jalousie ng bintana. Bumungad sa akin ang fireworks na nagpapaliwanag sa madilim na kalangitan.
"10... 9... 8..."
Mag-aalas dose na pala. Kung hindi nagsimulang mag-countdown ang mga kapitbahay ko ay hindi ko malalaman.
"4...3...2...1.."
Hindi ko alam pero biglang bumigat ang talukap ng mga mata ko sa pagkakataong iyon. Bago ako mawalan ng diwa ay narinig ko pa ang sigawan ng mga tao. . .
"Happy New Year!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro