Talk 59
05-11-19
06:23 p.m.
Les:
Uno
Uno:
Yo
Aga mo nag-chat ah
Miss mo na ako?
Les:
Oo eh
Uno:
SHIT. SERYOSO KA?
Les:
Syempre hindi 🙄
Uno:
HAHAHAHAHA
Oh anong meron kung hindi mo ko miss?
Les:
Napanood ko kasi ulit yung trailer ng Frozen 2 tapos bumalik na naman lahat ng feels ko no'ng unang beses kong napanood yung Frozen last 2013
Uno:
You're not alone, Les
Les:
Wait. Wait. Wait.
What?!
Nanonood ka rin ng mga gano'n?
Uno:
Hahaha yes of course
May pambili kaya ako ng cinema ticket at blu-ray DVD 😂
Les:
Seryoso kasi! I thought Marvels stuff lang ang pinapanood ng mga katulad mo
Uno:
Stereotyping huh
Les:
Hindi naman
Nagulat lang ako
Kasi halos lahat ng kakilala kong lalaki, hindi mahilig sa animated movie
Uno:
Parang ang dami mo naman atang "kakilala" na lalaki. Ilan ba 'yang kakilala mo?
Les:
Fine! You win. Grabe ka talaga!
Uno:
Oh, what did I do? I'm just asking kung ilan ba ang mga kakilala na sinasabi mo 😂
Les:
Che! Ewan ko sayo. Panira ka lagi ng mood
Uno:
Hahaha ang bilis mo kasi laging maasar
Les:
Ang galing mo kasing mambwisit
✓ Seen 06:32 p.m.
06:35 p.m.
Les:
Laro na lang tayo
Categories
Uno:
Categories?
Les:
Yep! Madali lang siya. Wait copy-paste ko yung mechanics.
Uno:
Sige
Les:
Mechanics: Decide on a topic and the first person will name something within the category. Choose a category that will give you and the other player a lot of options. Taking turns naming things within a category that doesn't have much to it will end the game quickly.
Gets?
Uno:
Medyo
Les:
Pwede namang sabihing hindi 😒
Uno:
Gets ko naman kasi kahit papaano hahaha
Les:
Oh sige, start na tayo
Uno:
Wala bang example?
Les:
Sabi ko na nga ba eh
Kahit kailan ka talaga Uno
Bwisit ka!
Uno:
Uy, na-miss ko yung 'bwisit' mo hahaha
Les:
Hindi ka niya raw miss
Anyway, kunwari ako muna pipili ng unang category.
Example: the topic is types of dinosaurs
Tapos ako mauunang sasagot, sunod ikaw. Palitan lang hanggang sa hindi na makasagot ang isa. Kapag nangyari 'yon, change topic or category na.
Uno:
Oh okay okay
Gets ko na hehe
Les:
Bawal mag-google ah
Pabilisan dapat ng sagot
Uno:
Don't underestimate my skills, Les
Les:
Mukha mo! Ang yabang mo na naman
Uno:
Hahaha game na nang magkaalaman na kung sinong mas maraming alam sa bagay-bagay 😏
Les:
K
Ako na mauna magbibigya ng topic
Uno:
Wait lang
Paano pala natin malalaman na totoo yung sagot ng isa't isa?
Les:
May gusto ka bang iparating, Uno?
Uno:
Oh, kalma! Nagtatanong lang ako 😂
Les:
Edi nasa sayo na 'yon kung mandadaya ko o hindi
Uno:
Sige, game na!
Les:
Excited masyado?
Uno:
Hindi naman. Medyo lang
Les:
Tsk
First topic is types of flowers that starts with letter C
Uno:
Wow, specific talaga?
Les:
Shut up and answer!
Carnation
Uno:
Clarkia
Les:
Chrysanthemum
Uno:
Crown Imperial
Les:
Cyclamen
Uno:
Calla Lily
Les:
Canna Lily
Uno:
Cattleya
Les:
Cape Primrose
Uno:
Calenfula officinalid
Les:
What?!
Hoy! Anong bulaklak 'yan?
Uno:
Fuck typo
It's CALENDULA OFFICINALIS
Les:
At anong bulaklak naman 'yan? May ganyan ba?
Uno:
Meron syempre, search mo pa
✓ Seen 06:51 p.m.
06:52 p.m.
Uno:
See?
✓ Seen 06:56 p.m.
06:56 p.m.
Les:
Shit. I didn't know na may nag-e-exist na gano'ng bulaklak
Uno:
Told you
Les:
How did you know about its existence?
Uno:
Nakalimutan mo na atang ChemEng ako at marami kaming subject na related diyan
Les:
Ay oo nga pala
Nawala sa isip ko 'yon
Ang daya!
Uno:
How about you? How come na ang dami mong alam na unique flowers?
Les:
Curiosity
Nitong 2nd year ko lang natripang alamin ang iba't ibang klaseng bulaklak
Uno:
Oh I see
So, what's your favorite?
Les:
Flower?
Uno:
Yep
Les:
Carnation. Favorite ko kasi yung mga kulay. White, pink and purple. Saka ang sarap nila sa mata
Ikaw, what's your favorite flower?
Uno:
Me? Wala eh. Gusto ko lahat ng bulaklak
Okay. Ako naman mag-iisip ng topic
Les:
Go ahead
Uno:
'I love you' in different languages
Les:
Bwisit! Umayos ka nga, Uno!
Uno:
Bakit? Maayos naman yung category ko ah. Masusubok kaya kung ilang language ang alam natin 🤷🏻♂️
Les:
😒
Uno:
Sige na! Ikaw nakaisip ng laro na 'to tapos...
Les:
Fine!
Wala ka talaga sa ayos lagi
Uno:
Hahaha ako na una
Mahal kita
✓ Seen 07:07 p.m.
Les is typing...
07:08 p.m.
Uno:
Les, it's just a game. Hindi mo naman kailangan sumagot ng 'mahal din kita'
✓ Seen 07:08 p.m.
07:08 p.m.
Uno:
Joke lang hahahahaha
Uy, nasaan ka na?
Les:
Je t'aime
Uno:
Nag-search pa...
Les:
Shut up at bilisan mo na lang
Uno:
Hahaha okay okay
Te amo
Les:
Ich liebe Dich
Uno:
Wo ai ni
Les:
Aishiteru
Uno:
Saranghae
Les:
Ana bahebak
Uno:
Se agapo
Les:
Ti amo
Uno:
Typo? I already said it in Spanish
Les:
It's not a typo. That's the I love you in Italian
Uno:
Hahaha yeah I know. I'm just teasing you
Les:
Nakakatuwa 'yon?
Ano? Wala ka na bang sagot?
Uno:
Sasagot na ba ko?
Les:
Pinagloloko mo ba ko?
Uno:
Hindi po 😘
Les:
Next category na nga!
Uno:
Sige sige 😂
Les:
Mahilig ka naman manood ng movie diba?
Uno:
Bakit yayayain mo ba ko?
Les:
Asa ka! May alam ka bang Bond movies?
Uno:
Oh 😂 Wrong choice of category, Les. Alam ko lahat ng Bond movies
At in order pa
Les:
Yabang
Anyway, that's our next category
Uno:
Seryoso ka?
Les:
Dr. No (1962)
Uno:
Woah seryoso ka nga 😂
Les:
Tsk. Magsasagot ka ba o ano?
Uno:
Kalma hahaha
From Russia with Love (1963)
Les:
Goldfinger (1964)
Uno:
Thunderball (1965)
Les:
You Only Live Twice (1967)
Uno:
On Her Majesty's Secret Service (1969)
Les:
Diamonds Are Forever (1971)
Uno:
The Man with the Golden Gun (1974)
Les:
What?!
Uno:
Oh shit! Live and Let Die pa pala
Les:
Huh! Yabang mo ah
Uno:
Nakalimutan ko lang
Les:
Wala, panalo ako
Uno:
Fine. Okay, ako naman ngayon pipili ng category
Les:
Uy, ang bilis naman i-accept ng pagkatalo
Uno:
Lol hahaha
Let's go with Disney Films naman
Les:
Ay bumabawi ah hahaha
Uno:
Bakit? Umaatras ka na ba?
Les:
Nope. Nakaupo pa rin naman ako. Relax.
Uno:
Kailangan ko na bang tumawa?
Les:
Later. Kapag natalo ulit kita
Uno:
Lakas hahaha
✓ Seen 07:20 p.m.
07:21 p.m.
Uno:
Okay, I'll start with Dumbo.
Les:
Pinocchio
Uno:
The Reluctant Dragon
Les:
Bambi
Uno:
Peter Pan
Les:
Alice in Wonderland
Uno:
Rascal
Les:
Wait
Are you aware that Disney Films are too many to mention?
Gan'to na lang, lagyan natin ng twist
Uno:
Tsk, panira. Marami na kong nakahanda eh
Les:
Ang dami kayang Disney Films! Baka abutin tayo ng isang oras 🙄
Kaya may naisip ako
✓ Seen 07:27 p.m.
07:29 p.m.
Les:
Maglapag na tayo ng sampu tapos kung kung sinong may pinakamaraming napanood, siya panalo
Uno:
Talo ka na agad
Les:
Wag kang masyadong mayabang
Baka mas marami pa nga kong napanood sayo eh
Uno:
Hahaha okay, sino mauuna?
Les:
Ikaw na. Nakakahiya naman sayo eh
Uno:
Sige 😂 Pag-iisipan kong mabuti ang mga alam kong hindi mo pa napapanood
Les:
Dapat napanood mo na yung ilalapag mo ah. Walang madaya!
✓ Seen 07:34 p.m.
Uno is typing...
07:39 p.m.
Uno:
1) Snow White and the Seven Dwarfs
2) The Little Mermaid
3) Aladdin
4) The Hunchback of Notre Dame
5) Ice Princess
6) Enchanted
7) Tinker Bell
8) The Princess and the Frog
9) Tangled
10) The Muppets
✓ Seen 07:39 p.m.
07:40 p.m.
Les:
WTF
Seriously?
Lalaki ka ba talaga?
Uno:
Oh ilan napanood mo?
Les:
Avoiding my question huh
Uno:
Just answer my question first
Les:
3
Uno:
I knew it! Huh! I won HAHAHAHA
Les:
Say what?
Uno:
The fact that you know ALL the Bonds movies at parang hindi mo talaga binabanggit ang kahit na anong Disney Princess related films, I conclude na hindi mo pa napapanood ang halos lahat ng nilagay ko. And bingo! I was right 🤟🏼
And I won 😎
Les:
ANG DAYA MO PALA!!!
Ugh! I didn't even think na mapapansin mo 'yon. Kainis.
Uno:
And don't judge me. Napilitan lang din akong panoorin ang mga 'yan dahil sa mga pinsan kong babae sa side ni mama. I was babysitting them kaya I had no choice
Les:
So seryosong napanood mo na lahat ng 'yan? Pati yung Snow White?
Uno:
Yep
Les:
Grabe. Hindi kapani-paniwala. I was shookt
Uno:
So bakit nga ba hindi ka nanonood ng mga gano'n?
Les:
Stereotyping alert . . .
Uno:
Hey, I'm not! It's just a simple question out of curiousity yenno
Les:
Actually, hindi ko rin alam. Noong bata kasi ako, hindi ko talaga hilig yung mga disney princesses na pinagkakaguluhan ng mga kalaro ko. No'ng one time nga na sinubukan kong panoorin yung Snow White, inantok agad ako. Siguro, hindi ko lang talaga trip.
Uno:
At ang weird ng taste mo sa movies ah 😂
Les:
Hoy, grabe ka! Mahilig din ako sa romance films, 'no. Kaya nga romance novelist ako eh. Mas trip ko lang talaga yung mga action at mystery/thriller ang genre.
Uno:
Horror?
Les:
Depende. Medyo matatakutin din ako eh
Uno:
But wait
Les:
Ano?
Uno:
You mentioned Frozen earlier right? So ano 'yon?
Les:
Oh diba! Stereotyping at its finest ka talaga
Uno:
Ang kulit mo hahaha nagtatanong lang naman ako
Les:
Ewan ko pero na-hook ako
kay Olaf eh 🤷🏻♀️😂
Uno:
Kay Olaf talaga at hindi kay Elsa?
Les:
🤦🏻♀️
Uno:
Why?
Les:
Wala, Uno. Wala.
Uno:
Uy, anong meron? Hindi ko na gets
Les:
Wag mo nang alamin!
Uno:
May mali ba sa sinabi ko?
Les:
BRB
Kain lang ako
Uno:
Grabe iiwan mo talaga akong nag-iisip
Les:
HAHAHAHAHA wag ka na mag-isip
Kumain ka na lang din
Uno:
Tapos na ko kumain, kanina pa
So sabihan mo na kung anong meron
Paulit-ulit kong binabasa yung part ng kay Olaf. Wala naman akong maling sinabi ah
Les:
Wag mo na nga isipin. Sasakit lang ulo mo 😂
Nga pala, bukas na ulit tayo mag-usap. Nagyayang manood ng movie si Roma eh
✓ Seen 08:00 p.m.
08:01 p.m.
Uno:
Wait, Les!
Les:
Ano 'yon?
Uno:
Kapag yayayain din ba kitang manood ng movie, papayag ka?
✓ Seen 08:03 p.m.
08:03 p.m.
Uno:
C'mon, wag mo kong i-seen. Oo o hindi lang naman eh
Les:
Depende
Ano bang movie?
Uno:
Frozen 2
Les:
😒
Uno:
What?
Les:
Wala pa ngang announcement kung kailan ang release eh. Ano excited lang?
Uno:
May initial date na kaya.
November 22 raw
Les:
At May pa lang ngayon
Uno:
And so? At least nayaya na kita habang maaga pa. Walang bawian ah
Les:
Hindi pa ko sumasagot!
Uno:
See you in our first movie date 😉
Les:
BWISIT KA TALAGA!
Uno:
Bwisit too 😉
Eat well nga pala
And advance good night
✓ Seen 08:11 p.m.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro