Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Talk 44

04-25-19
11:11 a.m.

Les:
I'M SPEECHLESS, UNO
GRABE YUNG KAHANGINAN MO SA KATAWAN
ANG DAMI MO LAGING BAON NA OXYGEN AH

Seen 12:24 p.m.

12:27 p.m.

Uno:
Don't tell me kakagising mo lang nung 11:11?
And what's with you today? Bakit ka naka-capslock?
Hindi ka naman gigil, ano? 😂

Seen 12:43 p.m.

12:45 p.m.

Les:
Tinatanong mo pa talaga sa akin 'yan ngayon ha? 😏

Uno:
Wala naman kasi akong ideya 🤷🏻‍♂️

Les:
Lul, wag nga ako

Uno:
HAHAHAHAHA

Seen 12:48 p.m.

12:50 p.m.

Uno:
Nag-lunch ka na?
Ay breakfast pala? Kasi kakagising mo lang diba?
Kumain ka na kung di ka pa kumakain ah

12:55 p.m.

Uno:
Teka, nag-loading ako sa construction ko ng sentence na yon ah HAHAHAHA
Pero 'yon nga wag kang papalipas ng gutom
Eat well, Les 😙

01:00 p.m.

Uno:
Nga pala, mamayang gabi na lang ulit tayo mag-usap kasi nagpapasama yung pinsan ko eh
Talk to you later, Les!

Seen 03:50 p.m.

04:00 p.m.

Les:
What wrong with you, Mr. Uno?
Kung hindi ka hyper, napakalandi mo naman!
Hindi ko sinasabing nilalandi mo ko ah
O di kaya nagpapalandi ako
Hindi ko rin sinasabing apektado ako or what
Pero kasi yung mga linyahan mo . . . pa-fall!
Again, hindi ako apektado. Sinasabi ko lang

Seen 05:34 p.m.

05:35 p.m.

Uno:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Ikaw na mismo nagsabi niyan. Walang bawian 😜

Seen 07:26 p.m.

07:30 p.m.

Les:
Ano raw?
Gaano ba kataas 'yang sense of humor mo at parang hindi ko maabot?
Saka seryoso ka bang ChemEng student ka? Parang taga-kanto ka lang talaga 🤐
No hard feelings ah ✌🏻

Uno:
Ouch 💔
Nasaktan ako ro'n ah

Les:
Saan? Sa tanong ko kung seryosong ChemEng student ka?

Uno:
Hindi
Sa sinabi mong "parang taga-kanto lang talaga" ako ☹️
'Yon ba talaga tingin mo sa akin, Les?
Ganyan ba talaga kayong mga writer, mapanghusga?

Les:
Hala siya . . .
Nagdrama na naman

Uno:
Nakakasakit ka na ng damdamin kung hindi mo naitatanong

Les:
Hoy, Uno!
Parang baliw naman 'to
Nagbibiro lang naman ako
Hindi ko na kasi masabayan mga trip mo sa buhay, masyado mo kong binibigla eh

Uno is typing...

07:54 p.m.

Les:
Uy, sorry na
Hindi ko sinasadya
Galit ka ba?

Seen 07:55 p.m.

07:56 p.m.

Uno:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
WTF LES HAHAHAHAHA

Les:
Punyeta

Uno:
I was kidding, okay? 🤣
Bakit ba kasi ang dali mong utuin?
I mean, ang dali mong mapaniwala sa mga bagay-bagay!

Les:
Punyeta talaga

Uno:
Sorry HAHAHAHAHA peace na tayo ✌🏽

Les:
Nakakatuwa 'yon, Uno? 😒

Uno:
Medyo 🤭
Ay takte
Parang ang bading ng emoji HAHAHAHAHA

Les:
Bwisit ka talaga!

Uno:
I love you too, Les 😂

Seen 08:17 p.m.

11:11 p.m.

Uno:
Hoy
LEEEEEEEEEEEEES
Yuhoo
Nasaan ka na?
Bakit di ka online?
Heeeeeeeello!!!

11:16 p.m.

Uno:
Masyado mo bang dinibdib yung pagsabi ko sayo ng "I love you too"? 🤔
Eh wala ka namang dibdib diba?
Ops HAHAHAHAHAHAHA

11:20 p.m.

Uno:
Uy, nagbibiro lang ako ah
Baka mapikon ka na 😂
Pero seryoso, nasaan ka na?
Pinag-iisipan mo ba kung paano tayo ikakasal?

Seen 11:25 p.m.

11:26 p.m.

Les:
Bwisit ka!
Pinag-iisipan ko kung paano kita papatayin sa istorya ko
Kahit do'n man lang makaganti ako

Uno:
Ay grabe siya sa akin
Sayang naman ang kapogian ko kung papatayin mo lang ako ng gano'n

Les:
Walang masasayang dahil wala ka naman non

Uno:
Saka papatayin mo na agad ako nang hindi mo man lang ako natitikman?

Les:
WTF
Ang baboy mo, Uno!

Uno:
HAHAHAHAHAHA joke lang, ikaw talaga

Les:
Nasaan na ba yung Uno na nagse-send ng jokes sa akin? Nasaan na yung Uno na hobby ang i-seen ako? O minsan i-ignore pa? Nasaan na 'yon?

Uno:
Les, wag mo nang hanapin yung wala
Sabi nga sa kanta ni Taylor Swift:
"The old Uno can't come to the phone right now."
"Why?"
"'Cause he's dead!"

Les:
🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️

Uno:
Ibang Uno na ang kaharap mo ngayon
Ang Uno na mangunguna diyan sa puso mo
Boom!

Les:
Next time, kung gagawa ka ng punchline sana may rhyme naman para may dating
Pati pa naman punchlines mo corny?

Uno:
Ang galing mo ring mangbasag ng trip

Seen 11:53 p.m.

12:00 a.m.

Les:
Matutulog na ko

Uno:
Ang aga pa!

Les:
Anong ang aga PA?!
Baka ang aga NA

Uno:
Ay alas-dose na pala HAHAHAHAHA
Sige, matulog ka na
Bukas na lang tayo maglalaro

Les:
Maglalaro? Ng?

Uno:
Basta!
Explain ko na lang bukas
Ay mamaya na pala

Les:
K

Seen 12:11 a.m.

12:15 a.m.

Uno:
Mornight, Les

Seen 12:17 a.m.

12:18 a.m.

Les:
Mornight

Uno:
Akala ko ba matutulog ka na? 🤨

Les:
Hahaha ito na nga
😴😴😴

Seen 12:20 a.m.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro