Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(08)

Mahal, sa pagkakataong ito, gusto ko sanang humingi ng tawad.

Patawad dahil ang ating relasyon ay naging napakabilis.
Mabilis na pagkakakilala, kasiyahan at pag-alis

Mahal, hindi ko sinasadyang saktan ka.
Hindi ko ginusto na paasahin ka.

Pero sana mahal, maintindihan mo
Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang katapusan ng mga kwento.

Ang iba'y maaaring maging makabuluhan ngunit ito'y mayroon pading dulo't wakas.
Gusto kong malaman mo na ako'y napagod at nawalan ng lakas.

Mahal, wala kang ginawang mali.
Minahal mo ako ng tapat kahit sandali.
Ibinigay mo ang lahat ng nararapat
Pero ako 'tong hindi nakuntento, hindi padin sapat.

Mahal, nakakilala ako ng iba.
Nagkakilala kami at nagkaunawaan.
Pinilit kong ibaling ang tingin sa iba
Pero mahal, iniibig ko na.

Alam kong mali, alam kong mali.
Hindi tama ang magmahal ng ganito kadali.
Kaya mas pinili kong bitawan ang ating relasyong munti.
Kasi kung mahal talaga kita, hindi na 'ko makakakita ng iba pang muli.

Ngayo'y nagsimula nang maghalo ang lahat ng emosyon.
Ang pagmamahal na 'tila nagsimula sa "ambon"
Ay lumakas ng lumakas at naging bagyong dumudumog sa aking mga emosyon.

Hindi madali ang pagbitaw sa'yo mahal.
Pero sana malaman mo na alam ko sa sarili 'kong hindi kita mahal.
Nagmadali ako, oo nagmadali.
Nagkamali din, aaminin ko nagkamali.

Ang pagmamahal na ito'y nakakabaliw,
patawad dahil pati ika'y idinamay ko pa sa panandaliang "aliw"

Patawad mahal, patawad.
Ang dati nating "ulan" ngayo'y naglaho na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro