Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(07)

Dalawang taon, dalawang taon tayong magkasama.
Magkasama sa bawat kwento, luha, galit at saya
Lahat ng 'to nalagpasan natin diba?
Pero ngunit bakit ngayon ako'y ipagpapalit mo sa iba?

Naging masaya tayo, mga gusto natin palaging magkakasundo
Bawat uwi ko, ngiti mo ay hindi padin nagbabago
Hindi nawawala sa iyong mga mata na nagsasabing masaya ka na nagkita tayo.

Ngunit dumating na sa point of satiation, sabi nga ng ekonomiya
Satiation? Baka naman hindi mo pa naiintindihan
Punto ng pagkasawa, para lang iyong malaman.
Ang gusto mo'y nakuha mo na kaya ako'y iiwanan mo na
Pati ekonomiks naisama ko na, ganito ba pag nababaliw na talaga?

Nakuha kong tiisin lahat ng sakit
Nagawa kong mag bulag-bulagan
Ibinaba ko rin ang mga pader na ilang taon kong pilit gawin
Lahat ng iyon iyo rin palang sisirain.

Mahirap din pala noh? Yung magmukhang tanga haha
Yung lumalaban sa isang digmaan na walang dalang sandata.
Kung sana pala sa simula'y alam ko na,
Ipagdadasal ko nalang na sana'y hindi kita nakilala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro