Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(06)


Nakakabaliw din pala na isipin
na dalawang taon ang hinintay para ika'y tawaging akin
Distansiya, panahon at oras, lahat ay pinilit nating tahakin

Nakakatuwa rin pala noh?
Na isipin yung mga pagkakataong akala mo kampi satin ang mundo
Sa mga oras na pinapahalagahan natin ang bawat mga segundo
Kasi alam mong mahihirapan na kong bumalik dito.

Bawat araw, pinilit nating kausapin ang isa't isa
Kahit alam mong nahihirapan na kong mag-aral dito ng mag-isa
Lahat ng iyon tiniis nating dalawa, para lang makita ang ngiti nating masasaya.

Ngunit bakit tila ang lahat ay naglaho?
Bawat reply mo ay tila nakakapanibago.
Nagsimula iyon ng makilala ko ang babaeng pilit mong itinatago
"Kalma ka lang, siya yung kaibigan ko"

Ako 'tong si tanga, naniwala sa lahat  ng sinabi mong kasinungalingan
Hindi nagtagal, nawala na rin ang tinatawag nilang "pagmamahalan"

Ngunit sa simula pa lamang ay nagkaroon na ako ng pag-aalinlangan.
Meron nga bang naganap na "pagmamahalan"?

Dumating siya ng wala sa oras, isang matangkad, tisoy at maangas.
Sa unang tingin, siguradong lahat ay nahuhumaling
Pati ata ako'y nahulog na rin.

Nagkakilala kami at nagkausapan, maya maya'y kwentuhan ng walang katapusan.

Ngunit bakit pakiramdam ko'y mali ang makipag-usap sa kanyang muli.
Bakit tila ako'y natatakot at nagbabakasakali?

Nagsimula akong magtanong sa mga kaibigan ko.
Ano nga bang dapat kong gawin kung wala namang tayo?
Nakakabaliw kung isipin, nakakasakit rin sa damdamin.
Mas pinahahalagahan ko pa ang walang pakialam sakin.

Sabi nila, iwanan na kita.
Kasi kahit kailanman ay hindi mo na nakita ang tunay kong halaga.
Bawat araw, oras at pagkakataong ibinuhos ko sa'yo
Talaga bang hindi na matutupad ang salitang "tayo?"

Ano nga bang dapat kong bitawan? Kung sa simula palang, wala na 'kong laban
Isa lang ako sa mga babaeng naging koleksyon mo.
Teka, pang-ilan ba 'ko sa listahan mo?

Alam kong hindi ako dapat nagpapatanga
"Tama na iha, matalino ka di'ba?"
Araw araw nilang sinabi, araw araw akong sinermonan.
Iwanan mo na yan, kahit kailan ay hindi ka niyan pahahalagahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro