(04)
Sana sinabi mo na ako'y mahal mo
Sana sinabi mo bago mo ako iniwan dito
Sana ako'y hindi mo nalang iniwan.
Oo iniwan mo 'ko dito sa gitna ng malakas na ulan
Iniwan ng walang babalang masasaktan
Sana sa bawat patak ng luha sa aking mga mata
Ay sasabihin mong "wag ka ng umiyak, mahal na mahal kita."
Sana'y sinabi mo na ang bawat sigaw at pag-iyak ko'y narinig mo
Sana ako'y iyong linapitan at ipinaramdam mo ang mahigpit na yakap mo
Pero sana sinabi mo na ako'y iiwanan mo
Sana sinabi mo para natanggap ko ang mga pagkakamali ko
Sana sinabi mo para nagkusa na ako
Sana sinabi mong mauna na akong umalis sa manhid mong puso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro