Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(03)


Mag usap naman tayo,

Sabihin mo sa'kin yung mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo

Kahit simpleng kinain mo kanina kasama ang mga kaibigan mo

Sabihin mo sa'kin ang mga ginagawa mo

Dahil minsan gusto ko ring maramdaman na may halaga ako sa'yo.

Mag usap naman tayo,
Sabihin mo sa'kin yung mga pangarap mo sa buhay

Sabihin mo yung mga kwento mo kahit minsa'y wala ng saysay

Sabihin mo sakin ang hilig mo at akong ibibigay

Sabihin mo sa'kin kasi minamahal na ata kitang tunay.

Mag usap naman tayo,
Sabihin mo sa'kin kung anong nararamdaman mo

Sabihin mo sa'kin kung ano tayo

Sabihin mo sa'kin, mahalaga ba 'ko sa'yo?

Sabihin mo sa'kin kasi napapagod na rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro