Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(02)


Dapat pala sinabi ko sayo
Kung pa'no ako nagmahal ng totoo.
Sa bawat araw na ika'y malayo
Nararapat lamang na lahat ng ito'y sinabi ko sa'yo.

Dapat sinabi ko sayo
Na sa bawat sulyap ng iyong mga mata
ay nagising ang aking diwa
na ika'y mahal ko na

Dapat sinabi ko sayo
Na ang ngiti mo ang nakakapagpabuo sa aking mundo
Dapat sinabi ko sayo
Na mahal na mahal kita kahit wala namang tayo

Ngunit ngayon ay nahuli na ang lahat
Na ang una'y ikaw at ako na ngayon ay hindi na nararapat

Dahil ikaw ay nagmahal ng iba
At ako'y nagparaya na.

Lahat ng ito'y hanggang sa isip at puso ko naiwan
Dahil dapat sinabi ko ang lahat ng ito bago ka pa lumisan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro