(01)
Bakit sa panahong kailangan kita nawawala ka?
Bakit sa mga pagkakataong nahihirapan ako wala ka?
Bakit sa iba may panahon ka pero sa'kin wala?
Bakit wala akong magawa lalo na pag may kasama kang iba?
Bakit may mga pagkakataong hindi na ko makapag-isip ng tama?
Bakit ikaw pa?
Bakit ako nananakit ng iba para mapasaya ka?
Bakit ako umaasa kahit parang tayo'y wala?
Bakit ba ko bigay ng bigay kahit walang kapalit?
Bakit ikaw pa?
Bakit hindi ko makita yung pagkakamali mo?
Bakit hanggang ngayon wala parin akong alam tungkol sayo?
Bakit hanggang ngayon di ko parin alam kung ano tayo?
Bakit ako nahuhulog sa'yo kahit wala akong kasiguraduhang nahuhulog ka rin sakin?
Bakit ako umaasang may namamagitan satin?
Bakit nga ba?
Bakit umaasa ng may malaking pangamba?
Bakit nagmamahal kung hindi naman masaya?
Bakit nagtitiis? Bakit nagtitiyaga?
Bakit nagmamahal?
Bakit nagpapakatanga?
Bakit nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro