vingt-et-un
A/N: Hi guys! So I've decided to continue this novel because some of you showed their interest in it. Akala ko kasi wala nang interesado kasi wala naman akong natatanggap na anumang feedback. lol. Gusto ko na kasing simulan ang story nina Kelly at Stephen sa english books ko pero dahil sa requests niyo, tatapusin ko muna ito bago 'yon.
Para po sa mga 'di pa rin mabasa 'yong chapter dix-neuf kasi private, nilagay ko po siya sa book na Fan covers and mature chapters
NAKANGITING pinagmasdan ni Gaelle ang buong sala. Sa tingin niya ay naging mas maaliwalas ang buong bahay at pati pakiramdam niya ay ganun din. Pinalitan niya ang ayos ng mga gamit pati na rin ang mga kurtina, mga punda ng unan sa mga kwarto, bedsheets at kumot.
Kaninang umaga ay pumasok siya sa isa sa mga kwarto sa taas na hindi nagagamit at nakita niya ang mga iyon na nakatambak lamang roon.
Nang buklatin niya ang mga iyon ay talaga namang nagustuhan niya ang desenyo ng mga 'yon na bulaklakin. Bagay na bagay na dekorasyon sa rest house lalo na at nasa tabing dagat ang kinatatayuan nito.
Kumuha rin siya ng mga bulaklak sa hardin at nilagyan ang tatlong paso at nilagay sa lamesa sa kusina, sa coffee table sa sala at sa kwartong ginagamit nila. 'Di lang 'yon. Talagang naglagay siya ng flower arrangement sa dining table para mas maging maganda ang itsura.
Napatingin siya sa wall clock at napakunot noo ng makitang mag-aalas dose na pala.
"Bakit wala pa 'yon?" Bulong ng dalaga sa sarili.
Umalis si Kellan upang mamili ng food supplies nila. Hindi na siya sumama dahil medyo masama ang pakiramdam niya kaninang umaga. Akala nga niya ay magkakasakit siya kaninang magising pero nawala rin naman.
Pumunta siya sa kusina upang maghanda ng kakainin nila sa tanghalian. Nang matapos na siya at naihain na niya ang mga niluto kanina, ay saka naman niya narinig ang ugong ng sasakyang tumigil sa harap ng bahay.
Excited siyang dumungaw sa bintana at tama siya. SI Kellan nga.
Pagkakita pa lang niya sa binata ay 'di niya mapigilang mangiti. Napaka-gwapo talaga nito. Kahit naka-jogging pants lamang ito at puting t-shirt ay 'di iyon nakabawas sa angking kakisigan nito. Gustong-gusto niyang damhin ang mamasel nitong katawan lalo na kapag niyayakap siya nito.
Nakakaramdam kasi siya ng ibayong kapayapaan kapag nasa bisig siya nito at naririnig niya ang pagtibok ng puso nito. Lalo naman kapag tinitigan na siya nito. Pakiramdam niya ay napaka-espesyal niya rito kasi animo siya na ang pinakamaganda sa buong mundo kung titigan siya ng binata.
Nang makapasok si Kellan sa bahay dala ang mga pinamili nito ay sinalubong niya ito ng yakap at halik.
"Ang tagal mo" She pouted. He put down the grocery bags that he was holding and then pulled her by the waist until their bodies pressed together.
"Did you miss me, chérie?" She rolled her eyes.
"Bakit, ayaw mo ba?" He chuckled and then rained kisses all over her face.
"Syempre, gusto ko. Na-miss din kita, eh" Napangiti si Gaelle.
"Talaga?"
"Of course" Sagot naman nito. Pabirong inirapan niya ito saka kumawala rito. Kinuha niya ang dalawang grocery bags at nauna nang maglakad papunta sa kusina.
"Kukunin ko lang ang mga pang pinamili ko sa kotse" Narinig niyang sabi nito.
"Okay. Sunod ka na lang dito. Our lunch is ready, chéri" Sigaw niya para marinig nito.
Inilapag niya sa kitchen island ang mga dala niyang pinamili nito. Maya-maya pa ay dumating na ito at nilagay sa kitchen island ang mga dala. Akma nitong ilalabas ang laman ng mga pinamili nito upang ilagay sa dapat paglagyan nang pigilan niya ito.
"Hayaan mo na lang diyan. Ayusin ko na lang mamaya" Aniya. Sinunod nito ang sinabi nang walang imik. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya na napapakamot sa ulo.
"Oh,bakit ganyan ka makatingin? You look weird" Ani Gaelle na medyo natatawa sa itsura nito.
"Chérie...Were you the one who did that, I mean, the curtains and stuff" Napangiti siya.
"Yup. Nagustuhan mo ba? The house looks way nicer than before, right?" Hinawakan nito ang mga kamay niya tsaka parang nag-aalangang nagsalita.
"It's nice but...but it's too feminine" Nawala ang ngiti niya sa sinabi nito.
"A-Ayaw mo? 'Di mo ba nagustuhan?"
"Hindi naman sa ganun, chérie. Parang naging garden na kasi---" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tumalikod na siya.
"Sige, aayusin ko mamaya. Kain na tayo" Aniya saka naupo sa hapag-kainan na masama ang loob. Akala pa naman niya ay magugustuhan nito ang ginawa niya at pupuriin siya. 'Yon pala ay kabaliktaran.
At sa 'di maipaliwanag na dahilan ay parang maiiyak na siya. Parang nagiging sensitive at childish naman yata siya ngayon?
"Gaelle...chérie, are you mad at me?"
"Hindi. Kumain na lang tayo para simulan ko nang ibalik mamaya ang lahat sa dati" 'Di niya naitago ang sama ng loob sa tono niya. Narinig niyang bumuntong-hininga ito saka naupo sa tabi niya. Pero imbes na sa pagkain humarap ay siya ang hinarap nito.
"Chérie, look at me" Anito. 'Di niya ito pinansin at naglagay ng pagkain sa plato niya na parang 'di niya ito narinig. Akma niyang sisimulan nang kumain nang kinuha nito ang mga kamay niya.
"Look at me" 'DI pa rin niya ito sinunod. He cupped her face and made her face him. 'Di niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla-bigla ay nagiging sensitive siya sa mga bagay-bagay. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman ang nangyari. Pwede naman niyang ibalik sa dati ang lahat pero masama ang loob niya at parang gusto na nga niyang maiyak.
Pilit niyang pinipigilan ang emosyon niya. Ayaw niyang maging iyakin.
"Sabi mo, hindi ka galit pero halata namang masama ang loob mo. Okay, I'm sorry if I became insensitive. Maganda naman ang ginawa mo sa bahay at na-appreciate ko 'yon. Siguro, umiral lang ang pagiging lalaki ko. I mean, para kasing naging girly ang bahay. But if you want it to be like this, then so be it. Wala namang mawawala sa'kin kahit maging garden pa ang buong bahay basta masaya ka tsaka binili ko naman ang bahay na 'to para sa'yo"
Biglang nag-iba ang mood niya at nagliwanag ang mukha. Para siyang bombilya na pinailaw. Just like that, her sullen mood changed 360 degrees.
"Really?" She said excitedly. He chuckled and then caressed her cheek with the back of his hand.
"Syempre naman. Ayaw ko namang magtampo ka sa'kin tsaka mahirap na baka ma-outside de kulambo ako mamayang gabi" Natawa siya sa sinabi nito at 'di niya napigilang yakapin at hagkan ito.
"Thank you, chéri. You don't know how happy I am" Tumaas ang kilay nito.
"Dahil lang d'on? Hmm...that's weird. Ngayon ka lang 'ata nagkainteres sa mga ganitong bagay. Not to mention I don't remember you loving flowery things before" Tudyo nito.
"Eh, kasi naman, nakakagaan ng pakiramdam kung ganito ang paligid. Can't you feel it?" He shook his head. Inirapan niya ito. Natawa naman si Kellan.
"Sige na. Kain na tayo" Anito saka nilagyan ng pagkain ang plato nito.
"Hmm...Mukhang masarap, ah"
"Syempre naman, luto ko yata 'yan" Buong pagmamalaking sagot naman niya. Nagluto siya ng paella kanina.
Tinikman nito iyon at 'di niya mapigilang tumalon ang puso niya sa tuwa dahil alam niyang nagustuhan nito iyon.
"Is it good?" Tanong niya kahit halata naman. He nodded vigorously.
"You're really a good cook, chérie. Why don't you learn how to cook Filipino foods? I'm sure, masarap rin ang luto mo kapag nagluto ka n'on"
"Bakit? Alam ko namang lutuin ang paborito mong kaldereta, ah" Napatigil ito sa pagsubo at tinitigan siya.
"Alam mo pa ring lutuin 'yon?" Tila 'di makapaniwalang tanong nito.
"Oo naman. Ano'ng tingin mo sa'kin? 'Di naman ako nagka-amnesia para makalimutan ko" Natawa ito sa sagot niya.
"Wow. Talagang mahal mo talaga ako, ah" Puno ng kasiyahang sabi nito.
"Pa'no mo naman nasabi?" Takang tanong niya.
"Eh, kasi lahat ng mga alam mo tungkol sa'kin noon ay 'di mo nakalimutan. Ganun din naman ako sa'yo. Lahat ng mga alam kong bagay tungkol sa'yo gaya ng mga paborito mong pagkain ay kabisado ko pa rin kasi ganun kita kamahal" Tila may dumaang emosyon sa mga mata nito habang sinasabi nito ang mga iyon. Parang tumaba ang puso niya sa narinig na sagot nito at 'di niya napigilang ngumiti ng matamis saka pinanggigilan ang pisngi nito.
"Ganun mo ako kamahal?"
"Oo naman" buong pagmamalaki na sagot nito sabay bayo pa ng kamao sa dibdib nito, sa tapat ng puso.
"Asus. Tamis talaga ng dila natin, ah"
"Uy, 'di ah. I'm just being honest here" She rolled her eyes but deep within her, she's flying with total happiness. Magsisinungaling siya kung 'di niya aamining sobra siyang kinikilig sa mga banat nito. Ito lang talaga ang may kakayahang pasayahin siya ng ganung katindi kaya naman sobra siyang nasaktan sa nangyari noon.
But she doesn't want to think about the past. Ang mahalaga ay magkasama na sila ngayon at masaya sa piling ng isa't-isa.
"Oo na. Sige, kumain na tayo. Nangako kang ipapasyal mo ako mamayang hapon" Pagpapaalala niya rito.
"Oo nga pala. Pero okay na ba ang pakiramdam mo?" May bahid ng pag-aalala na tanong nito.
"I'm fine. Siguro dahil lang 'yon sa puyat" His lips stretched playfully as he grinned boyishly at her.
"Masyado na ba kitang napapagod at napupuyat, chérie?" Nag-init ang mga pisngi niya.
"Tse! Kumain ka na nga. Kung ano na namang kalokohan ang pinagsasabi mo diyan" Tumawa ito ng malakas.
"Bakit? Ayaw mo bang marinig kung paano tayo nagpupuyat gabi-gabi sa---" bago pa nito natapos ang sasabihin ay nasapok na niya ito sa mamasel na braso nito.
"Aray ko naman, chérie" Reklamo nito pero pinandilatan niya ito.
"Kumain ka na nga lang, Kellan, hindi 'yong kung anu-anong bagay ang pinaaalala mo sa'kin"
"Hindi naman kung anu-ano 'lang 'yon, eh"
"Sige, tuloy mo lang at doon ako sa kabilang kwarto matutulog mamayang gabi. 'Wag kang tatabi sa'kin" Banta niya. Nawala ang ngisi nito at nagseryoso.
"Ikaw naman. Nagbibiro lang naman ako, eh. Parang 'di ka na nasanay. Ang init ng ulo mo"
"Eh, pinapainit mo ang ulo ko, eh. Let's just eat. Lalabas pa tayo mamaya" At kumain na nga ito na parang masunuring bata. Parang gusto niyang matawa sa itsura nito pero pinigilan na lamang niya ang sarili at nagsimula na ring sumubo. Hay naku, Kellan...
PARANG 'di pa rin makapaniwala si Kellan sa nagyayari nitong nakaraang halos dalawang linggo. Napakasaya niya at animo nasa isang paraiso sila ni Gaelle kung saan sila lamang na dalawa ang naroon.
Well, sila lang naman talaga ang nasa bahay na 'yon dahil sinabihan niyang 'wag munang pumunta roon ang mga katiwala niya habang naroon sila ng dalaga. Talagang sinadya niya iyon upang masolo si Gaelle.
Bawat araw na magkasama sila ay talaga namang walang katumbas lalong-lalo na kapag ang maganda nitong mukha ang una niya nakikita sa umaga. She really completes him.
Ang mga kahungkagan sa buhay niya nitong mga nakaraang taon ay animo ulap na nawala.
Masyado siyang masaya na dumating na nga sa puntong natatakot siya na baka nananaginip lamang siya at paggising niya ay wala ito sa tabi niya. Pero dahil sa mga yakap at halik nito ay napapawi ang kung ano mang takot na 'yon sa kanyang dibdib. Lalo na kapag nginingitian siya nito at sinasabi nito kung gaano siya nito kamahal.
Nagpapasalamat siya dahil napatawad na rin siya nito at gagawin niya ang lahat upang 'di na maulit pa ang nangyari noon. Kahit hindi nito sabihin kung ano ang dahilan nito upang iwan siya ay alam na niya.
Hindi niya alam kung pa'no nito iyon nalaman o nakita pero 'di na mahalaga iyon dahil sisiguruhin niyang 'di na niya ipaparamdam ang sakit na 'yon sa dalaga.
Kahit alam niya sa sariling 'di niya 'yon sinasadya pero nasaktan niya pa rin ito. Ngayong bumalik na ito sa buhay niya at binigyan siya ng isa pang pagkakataon ay 'di na niya sasayangin iyon dahil mahal na mahal niya ito.
Gagawin niya ang lahat para iparamdam rito ang pagmamahal na iyon. Ngayon nga ay naghanda siya ng isang sorpresa para rito.
"Ano na naman ito, Kellan?" Natatawang tanong ng dalaga habang nakapiring. Inaalalayan niya ito upang hindi ito matapilok o matumba.
"Basta. Just walk and you'll see"
"Hay naku. Ang dami mo talagang alam" Natawa na lamang siya. Maya-maya pa ay nakarating na sila sa garden kung saan niya inihanda ang sorpresa niya rito.
"You can remove your blindfold now, chérie" She complied.
Nang makita nito ang sorpresa niya ay bumakas ang gulat sa magandang mukha nito pero ilang segundo pa ay nagliwanag iyon at parang maiiyak sa tuwa na tumingin sa kanya. Tumalon ang puso niya sa galak dahil alam niyang napasaya niya ito at hindi matatapos ang gabing 'yon na ganun lang dahil sisiguruhin niyang mas sasaya pa ito.
Babalik na sila sa Manila bukas at alam niyang uuwi na si Gaelle sa France kaya naman kailangan na niyang siguraduhin na 'di na siya nito iiwan pa. Ayaw na niyang mawalaya pa rito.
****
Hmm...Ano kaya ang sorpresa ni Kellan? Babalik pa kaya si Gaelle sa France pagkatapos niyon? Ano pa kaya ang mangyayari sa hinaharap nilang dalawa? Matatanggap kaya ng mga pamilya nila ang relasyon nila? Pa'no kung bumalik sa buhay nila ang isang taong naging dahilan ng pag-iwan ni Gaelle kay Kellan? Alamin sa mga susunod na chapters guys!
COMMENT
VOTE
SHARE
FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro