Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

un

Hello guys! Kinakabahan ako sa story na 'to pero sana magustuhan niyo :)


HIS heated gaze felt like a ball of fire melting her resistance. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin upang umiwas sa tukso. Sinisilaban ang kanyang pakiramdam at di na niya alam kung saan ibabaling ang mukha sa tindi ng sensasyong bumabalot sa kanyang pagkatao. His green eyes were like piercing the depths of her soul.

"That's it chérie. Just let go and moan for me. Let me take you to heaven" Anito sa nakakaakit na tono. Ungol lamang siya nang ungol habang sumasabay sa mabilis na galaw nito. His lips claimed her lips hungrily and possessively as she couldn't do anything other than moan and surrender with total delight and overwhelming desire. When her climax hit her, she shouted his name to the top of her lungs while her body trembled deliriously.

"You're heaven chérie. Tell me you're mine" bulong nito habang habol ang hininga. 'Di niya alam ang pumasok sa kokote niya at sumang-ayon na lang sa mga sinasabi nito.

"Yes. I am yours" She murmured before she closed her eyes contentedly.

"Good. You should remember that chérie because from now on, you already belong to me and no one else. Nothing's gonna stop me from claiming what's mine"...

GAELLE woke up feeling hot because of her dream. Ilang beses na nga ba niyang napanaginipan 'yon? 'Di na niya maalala. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya. Dinama niya ang noo at napagtantong pawisan din siya kahit air conditioned ang kanyang kwarto. Ilang beses siyang napalunok bago negdesisyong bumangon na upang maligo at maghanda sa pagpasok niya sa trabaho. Alas 8 na din naman.

"Bonjour ma puce. Ça'va?" Bati ng maman niya at hinalikan siya sa pisngi. She then kissed her papa on the cheeks too.

(Good morning, sweetheart. Are you okay?)

"ça va, ça va" Sagot niya at umupo na. Maya-maya ay nagsimula na silang kumain.

(Fine)

"So, how's your work? Aren't you having a hard time adjusting there?" Her father suddenly asked.

"T'inquiètes pas papa, so far so good. I found new friends there so everything's fine" Sagot niya at ngumiti.

(Don't worry papa)

Nasa mukha ng kanyang ama ang pag-aalala. Mahigit isang buwan na din siya sa pinapasukan niyang company bilang isang financial analyst. Ayaw sana ng mga magulang na magtrabaho pa siya sa ibang company at tumulong na lang siya sa negosyo nila pero ayaw niya. Gusto niyang i-apply kung ano ang natapos niya at mas magagawa niya ito nang malaya sa ibang company.

May-ari sila ng pinakamalaking Asian market sa Paris. Ang tatay niya ay isang French samantalang Filipino naman ang kanyang ina.

Lumaki siyang maalwan ang kanilang pamumuhay at halos lahat ng mga Pilipino sa Paris ay kilala sila. Sila ang takbuhan ng mga pinoy na nangangailangan ng tulong tulad na lang sa paghahanap ng trabaho. Maraming kakilala ang mga mgulang niya kaya marami rin silang nalalaman na trabaho at ito'y ibinibigay nila sa mga kababayan na nangangailangan nito. Nang dahil sa mga pagtulong ng mga magulang, marami silang mga kaibigan kaya naman halos araw-araw ay maraming tao sa bahay nila which could be irritating sometimes.

'Di naman sa ayaw niya pero minsan wala na silang time na family na mag-usap na sila lang. Thankfully, they have no visitor today which is rare.

Presidente ang maman niya ng isang association ng mga Pilipino sa buong Europe kaya naman hindi lang sa Paris maraming nakakakilala dito, kundi sa buong Europe.

"Si tu changes d'avis, tu sais que t'as toujours une place dans notre magasin" Her father said which made her beamed. She nodded her head and continued eating.

(If you change your mind, you know that you always have a place in our store)

Pagkatapos mag-almusal, nagpaalam na siya sa mga magulang at umalis na. Mabilis din naman siyang nakarating sa trabaho niya dahil halos wala namang traffic. Isa iyon sa mga magagandang bagay dito. Nagkaka-traffic lang kapag may aksidente o kung ano mang nangyari na 'di inaasahan. 'Di gaya sa Manila na sobra ang traffic. Umuwi silang mag-anak 3 years ago for the second time. Bata pa siya noong una silang umuwi.

Sobrang nag-enjoy siya noong umuwi sila kahit na sobrang iba ang klima doon kumpara sa France. Naging ka-close niya ang kanyang mga pinsan lalo na sina Gia at Enricko. Enricko is gay and he's funny. Ito ang mga nagpakita sa kanya kung gaano kasaya sa Pilipinas. Wala silang ginawa kundi ang gumala kaya naman nakita rin niya at talaga namang naenjoy ang buhay doon. Kaya naman noong uuwi na sila ay nagpaiwan muna siya at nag-stay ng mahigit 2 months. It was their summer vacation then.

Those times were indeed the happiest moments of her life kasi naging malaya siya pansamantala mula sa mga striktong magulang. She enjoyed to the fullest and got wild. So wild that she made that mistake....

She shook her head and decided to just forget that ever happened. Ayaw na niyang isipin pa ang mga pangyayaring nakakasakit lang sa kanyang puso.

"Hoy, dumating ka na pala. May nagpapabigay pala sa'yo" Kinikilig na sabi ni Candice. Pinay ito at kasama niya sa trabaho. Kaklase niya din ito noong nasa Université siya at halos sabay silang natanggap dito sa trabaho nila.

"Kanino galling yan?" Taka niyang tanong rito.

"Aba, alam mo na kung sino. Eh 'di yong masugid mong manliligaw" Napangiti siya sa sinabi nito kaya naman kinuha niya ang maliit na card na kasama ng bouquet ng bulaklak at binasa.

"Wow ha! Ang haba talaga ng hair mo. Siguro naman ay sasagutin mo na yan. Aba, ilang buwan na rin yang nanliligaw sa'yo ah" Tama ito. Apat na buwan na yatang nanliligaw sa kanya si Pierre. Nagkakilala sila noon sa isang party. Mabait ito at gentleman. Masaya siya tuwing kasama niya ito.

"Siya lang ata ang nakatagal na suyuin ka ah. Lahat ng mga suitors mo eh bigla-bigla na lang tumitigil" Patuloy nito habang umupo na sa katabing cubicle niya.

"Di lang seryoso ang mga 'yon. Iba si Pierre sa kanila" Aniya at umupo na rin sa kanyang cubicle. Maya-maya ay nagsimula na silang magtrabaho. Lunch time na noong may biglang magsalita sa likuran niya.

"Salut Gaelle. Vient manger avec moi" The smiling face of Pierre greeted her as she tilted her head up to him. Napangiti siya at tumayo upang makipag-beso-beso rito.

(Hi Gaelle. Come and eat out with me)

"Bien sûr. Attends-moi une seconde" Napangiti ito ng matamis at tumango.

(Of course. Wait for me for a second)

PAGKATAPOS ayusin ni Gaelle ang mga papel sa table niya ay umalis na sila upang mananghalian. Dinala siya nito sa isang restaurant na malapit lang sa trabaho nila. Napapatingin ang mga bababe sa kanila dahil gwapo ito. Matangkad din at maputi. Calculated lahat ng galaw nito na parang prince charming. Ang tipo nito ang tinatawag nilang boy-next-door.

Ang dami na nitong nasabi pero bigla na lang naging uneasy si Gaelle dahil pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanila. Iginala niya ang paningin pero wala naman siyang makita na nakatingin sa kanila na kahina-hinala.

"Tu m'ecoutes?" Para naman siyang napahiya sa tanong nito.

(Are you listening to me?)

"Pardon. T'as dit quoi?"

(Sorry. What did you say?)

"Je t'ai demandé c'est quoi ta réponse. Est-ce que tu m'aimes aussi?"

(I asked what your response is. Do you love me too?)

Eto na. Masaya siya sa company nito. Mabait ito. Halos lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay taglay nito. Financially stable rin ito. Wala siyang nakikitang dahilan para 'di niya ito sagutin.

"Je te dirai ce soir pendant le dîner" sagot niya rito na ikinatuwa nito. Niyayaya kasi siya nito na mag-dinner sa note na kasama ng bouquet na bigay nito sa kanya.

(I'll tell you this evening during our dinner)

Hinawakan nito ang kamay niya at di na siya pumalag noong halikan siya nito doon. Base sa ngiti nito ay alam na nito ang sagot niya. Marami pa silang napagkwentuhan bago sila bumalik sa trabaho. Masaya din naman siya. At last, she could move on from her past.

'Yun ang akala niya ngunit walang Pierre na dumating para sunduin siya gaya ng pangako nito. Hinintay niya ito pero ni anino ay 'di nagpakita sa kanya. Ilang beses niya itong tinawagan sa cellphone nito pero 'di niya ito ma-contact. Hanggang sa nakatulog siya sa sobrang pagka-disappoint.

Kinabukasan ay laking gulat niya sa nabungarang balita sa opisina. Natransfer daw sa ibang company si Pierre at umalis na.

"'Di ba niya sinabi sa'yo?" Napapailing na tanong ni Candice.

"Hindi eh. Bakit naman niya sasabihin eh 'di naman kami, di ba?"

"Duh! Kahit na! Nililigawan ka niya eh! Well, he's stupid kasi 'di siya nakahintay" Pagak na napatawa si Gaelle. 'Di naman siya bitter, disappointed lang and at the same time ay relieved. At least alam na niya na walang pagpapahalaga sa kanya ang lalaki dahil kung meron man ay 'di ito aalis nang ganun na lang.

"Laisse tomber. Dun siya masaya eh kaya hayaan na natin" Sabi niya at bumalik na sa kanyang cubicle at tinuloy ang kanyang trabaho.

"Sabagay. Marami pa diyan girl kahit na walang nakakapagtiyaga sa'yo" Anito na napahagikhik. Bigla tuloy siyang napaisip. Bakit kaya lahat ng manliligaw niya ay ganun? Walang nagtatagal. Masyado ba siyang pakipot?

Ang gusto lang naman niya ay makilala munang mabuti ang isang lalaki bago sagutin. Ayaw niyang ulitin ang kanyang pagkakamali noon. Si Pierre lang ang nakatiyaga nang ganung katagal kaya nakakalungkot rin. Napabuntong hininga na lang siya.

MAAGANG umuwi nang araw na 'yon si Gaelle dahil masama ang kanyang pakiramdam. 'Di na siya sumama kina Candice na gumala. Tuloy-tuloy siya sa kanyang kwarto dahil gustong-gusto na niyang mahiga. Masakit ang ulo niya at para siyang lalagnatin. Bubuksan na sana niya ang kanyang kwarto nang marinig ang malakas na boses ng kanyang mga magulang. Parang nagtatalo ang mga ito. Napansin niyang medyo nakabukas ang pintuan ng kwarto nila.

Lumapit siya para tanungin sana kung ano ang problema ngunit nagulat siya sa kanyang narinig.

"I won't allow her to come here and claim her right just like that! I am the one who raised Gaelle and she's my daughter!" Her body stiffened. What?

"We can't hide now. She already found us" Nanlulumong sagot naman ng papa niya.

"I can't believe this is happening right now! After 21 years! I thought she wouldn't discover the truth that we brought her daughter here. I thought she doesn't have money? How come she's here and found us?" Nangpapanic na ang kanyang ina. Siya naman ay parang tinulos sa kanyang kinatatayuan.

"That's what I thought. The last time I saw her, she didn't even have money to buy herself food and medicine for Gaelle. I don't know what happened" Sagot naman ng kanyang ama. Tumulo ang kanyang mga luha sa narinig. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Papasok na sana at kukomprontahin ang mga ito nang magsalita ang kanilang kasambahay sa likuran niya.

"May naghahanap sa'yo, Gaelle" Biglang lumabas ang kanyang mga magulang dahil narinig ng mga ito ang tinig ni Minda. Gulat na gulat ang mga ito.

"N-Narinig mo ba?" Nanginginig ang boses na tanong ng kanyang ina. Lalo siyang napaiyak. Napatitig siya sa mga ito at bigla ay parang naging estranghero ang mga nasa harapan niya. Imbes na tanungin niya ang mga ito, n awalan siya ng lakas ng loob. Tumalikod siya at tumakbo. Gusto niyang tumakas at lumayo sa mga ito.

Bubuksan na sana niya ang main door nang biglang may nagsalita sa likuran niya.

"A-Anak?" Napatigil siya pero 'di magawang lumingon. Ito marahil ang naghahanap sa kanya na tinutukoy ni Minda. Nasa sala ito at 'di niya napansin dahil sa hilam ng luha ang mga mata.

"S-Sino ka?" Tanong ni Gaelle pero 'di pa rin magawang lingunin ito.

"What are you doing here?! Umalis ka sa pamamahay ko!" Biglang sigaw ng kanyang ina. Doon na lumingon si Gaelle at nakita niya ang isang babaeng sophisticated ang itsura. Nasa 40s marahil ang edad at maganda. Nakatitig ito sa kanya na punong-puno ng pangungulila.

Bigla siyang nalito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga magulang at sa bisita.

"'Di mo ba ako narinig? I said get out of here!" Napatingin ang bisita sa kanyang ina at kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito.

"Wala kang karapatan sa ANAK KO Belinda! Ang kapal ng mukha niyo lalo na ikaw!" Bulyaw ng babae at lumapit sa kanyang ama at sinampal ito. Hindi nakahuma ang kanyang mga magulang.

"P-Paano niyo po ako naging anak?" Di na siya nakatiis at nagsalita. Imbes na sagutin siya ay sinugod siya nito ng yakap. Nagulat siya at di siya nakahuma. Umiiyak ito at dama niya ang higpit ng yakap nito sa kanya. Para namang gusting matunaw ng puso niya para dito.

Maya-maya pa ay kumalas ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Ngumiti ito kahit na umiiyak.

"You're so beautiful, sweetheart. I can't believe na nahanap na kita" Napalunok siya.

"H-Hindi ko po maintindihan kung paano niyo po ako naging anak"

"Huwag kang maniniwala sa kanya, Gaelle. She's a liar!" Sigaw ng maman niya. Nakita naman niyang lalong nadagdagan ang galit sa mga mata ng kaharap sa sinabi nito.

"Ninakaw ka ng magaling mong ama sa akin. Naospital ka noon at bigla siyang dumating pagkatapos ng ilang buwan na hindi siya nagpakita. Sabi niya, siya na ang bahala sa gastusin. Hinayaan ko siya kasi ama mo naman siya. Pero noong umalis lang ako saglit, inilabas ka niya sa hospital at tuluyang inilayo sa akin. Hinanap ko kayo pero dahil walang-wala akong pera noon, hindi ko na nalaman pa kung saan ka niya dinala. Ngayon alam ko na, dinala ka pala niya dito at pinalabas pa na ina mo ang traydor kung kaibigan"

"Is it true, papa?" Tanong niya sa ama. Bumuntong-hininga ito at malungkot na tumango. Lalo siyang naiyak at 'di makapaniwala sa mga nangyayari. Gulong-gulo ang utak niya. 'Di niya alam kung ano ang iisipin. Bago pa man makahuma ang mga ito ay binuksan niya ang pinto at tumakbo palabas. Gusto niyang tumakas. Malapit na siya sa kanilang gate noong may mabangga siya.

"Pardon" Hingi niya ng paumanhin at tumakbo na palayo. Saglit lang niya itong tinapunan ng tingin pero 'di niya nakita ang mukha nito. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga taong iniwan niya sa loob kaya napatakbo ulit siya. 

****

TRIVIA: 

*Maman is pronounced as mamong. It means mom/mama/mommy etc. 

*Pardon is pronounced with 'g' at the end. So you say, pardong. It means sorry. 


How's chapter 1? 

COMMENT

VOTE

SHARE

FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro