trente-trois
A/N: Hi guys! I'm back. Sorry for not updating lately. Masyado lang akong nag-enjoy sa bakasyon ko sa PH. lolz. Anway, medyo pahahabain ko muna itong story na 'to bago ko tapusin. Sana patuloy niyo pong subaybayan at basahin. Enjoy!
UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Gaelle nang magising pero imbes na bumangon kaagad ay nanatili lamang siya sa kanyang higaan habang nakatingin sa ceiling. Napabuntong-hininga siya nang sumagi na naman sa isipan ang nag-iisang lalaki na minahal niya at patuloy na minamahal.
Pagak siyang tumawa. Parang imposile na yatang mawala pa ang pagmamahal niya para kay Kellan. Kahit na ano kasing tampo o galit man ang nadarama niya ngayon ay hindi niyon kayang patayin ang pagmamahal niya rito. Alam niya iyon dahil hindi man lang nabawasan iyon mula nang iwan niya ito.
Ang swerte lang ng kumag na iyon kasi ito pa rin ang isinisigaw ng puso niya at patuloy na mamahalin.
She felt pain as she remembered his handsome face; his green eyes as he stares at her so lovingly and his lips that never failed to make her lose her mind just by his kisses.
Nag-init ang mga mata niya. Napahugot siya ng hininga upang pakalmahin ang sarili at upang hindi na maiyak pa. Isang linggo na mula nang makabalik siya sa France pero 'di pa rin nababawasan ang pangingulila niya kay Kellan. Kahit ano'ng gawin niya ay sobrang nami-miss niya ito.
Masakit pa rin ang mga nangyari at kapag naaalala niya ay lalo lamang siyang nasasaktan. Napahawak siya sa kanyang tiyan at kahit papano ay napangiti siya nang madama ang umbok roon na nagpapatunay na mayroong lumalaking buhay roon na bunga ng pagmamahalan nila binata.
Sa mga nakaraang araw ay ang anak nila ang nagsilbing lakas niya upang huwag masyadong magpadala sa sakit na nadarama.
She tried her best not to think about Kellan often but it was so hard to do so. Pero kahit papano ay ang bata sa kanyang sinapupunan ang nagpapasaya sa kanya. Hindi pa man niya ito naipapanganak pero alam niyang mamahalin niya ito nang lubos at higit pa sa buhay niya.
"Stay put, baby. Don't worry, we'll both be okay. I'm here for you. Mommy will always be here for you" kausap niya sa anak habang hinahaplos ang tiyan nang buong pagmamahal. And just like that, she felt calmer.
Babangon na sana siya nang may kumatok sa pintuan.
"Chérie, are already awake?" napakunot-noo siya saka napatingin sa orasan. It was already 9 am and she thought her parents already left. Bumangon siya saka pinagbuksan ang kanyang maman Belinda.
"Oui, maman?"
"Mabuti naman at gising ka na. Do you want to come with me at the store? You've been staying here since you arrived from the Philippines. Alam mong hindi makakabuti 'yan para sa anak mo. Kailangan mo nang exercise kahit maglakad-lakad ka lang" suhestyon nito na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Tipid siyang ngumiti.
Gusto niyang sabihin na ayaw niyang lumabas pero alam niyang pati ang mga ito ay naaapektuhan na rin sa ikinikilos niya at nag-aalala.
Nang malaman ng mga magulang niya ang nangyari sa pagitan nila nI Kellan ay galit na galit ang mga ito at sinabing tama lang na iniwan niya ang binata.
"Sige po. Maliligo lang ako" lumarawan ang tuwa sa mukha ng ina. Mukhang hindi nito inaasahang papayag siyang sumama rito.
"Okay. I'll wait for you downstairs. Your breakfast is already prepared" tipid siyang ngumiti saka tumango. Nang makaalis ito ay dali-dali siyang naligo saka nagbihis. Hindi na siya mag-abalang maglagay pa ng make-up.
She just put on a lip gloss and then let her long hair fall freely on her back. Nang matapos ihanda ang sarili ay bumaba siya saka nag-almusal. Nang matapos siyang mag-almusal ay tumungo na sila sa kanilang pupuntahan.
NANATILI siya sa opisina ng ina at tumulong sa mga paperworks nito at iba pa. Ayaw sana nito na patulungin siya pero nagpilit siya. She felt bored and needed to do something so she busied herself working her ass off.
Bandang hapon na nang makaramdam siya ng pagod kaya nagpaalam na siya upang umuwi. Ibinigay ng kanyang ama ang sasakyan nito para gamitin niya pauwi. Sasabay na lamang daw ito sa sasakyan ng ina pagkatapos ng trabaho ng mga ito.
While she's on her way home, naisipan niyang tumambay muna malapit sa Eiffel Tower dahil parang ayaw pa niyang umuwi. Wala rin naman kasi siyang gagawin roon kundi ang magmukmok at isipin ang sitwasyon niya.
NAUPO siya sa isa sa mga bench roon habang nagmumuni-muni nang biglang may magsalita sa kanyang gawing likuran.
"Salut, Gaelle" napalingon siya ng ulo dahil sa pamilyar na tinig na iyon at nang makita niya ang mukha nito ay nakumpirma niya ang hinala.
"Pierre..." she muttered in surprised.
Hindi niya akalaing makikita pa niya ito mula nung huli silang magkita.
"How are you? Long time no see" he asked while staring at her intently and then stood before her with a confident smile.
"I'm fine" matamlay na sagot niya saka tumayo. Akmang aalis siya nang maramdaman niya ang kamay nito na humawak sa kanyang kamay.
"Can we talk, Gaelle?" Napaangat ang kilay niya.
"And why would I talk to you?"
"I just want to talk about what happened the last time we saw each other" may pagsusumamo sa tinig nito. Hinila niya ang kamay mula rito.
"There's nothing to talk about, Pierre. Everything's fine. I didn't even hold any negative feelings towards you" aniya. Totoo 'yon. Wala naman talaga maliban sa disappointment. Akala niya kasi ay iba ito.
Tinitigan siya nito sa mga mata. Kitang-kita niya ang pagsisisi roon pero alam niyang wala nang halaga pa sa kanya ang mga nangyari noon. Nagpapasalamat pa nga siya dahil ito ang kusang umalis dahil kung hindi ay baka sinagot niya ito kahit pa alam niya sa sarili niyang hindi niya ito mahal.
Dahil pa sa nangyari ay natagpuan niya ulit ang daan patungo sa lalaking tanging tinitibok ng kanyang puso. Kahit pa ganun ang kinalabasan ng relasyon nila ay hindi niya pinagsisisihang ito ang tanging lalaking minahal niya at minamahal hanggang ngayon.
"Kahit na. Please, gusto kong mag-usap tayo. May sasabihin ako" napahugot siya ng hininga. She crossed her hands across her chest.
"We're already talking" she said coldly.
"Can we talk somewhere else? Please?" nagmamakaawa ang tinig nito habang nakatingin sa kanya. Napakunot-noo siya.
"Pierre---" she tried to talk but he interrupted her.
"Just this once, Gaelle. Just this once. I just want to tell you something" napapikit siya ng ilang segundo. Irritation filled her but she chose to remain calm. 'Di niya naiintindihan kung ano pa ang gusto nito samatalang wala naman silang dapat pag-usapan pa.
"Fine. Let's go at the nearby restaurant. I only have 30 minutes before going home" agad na tumango ang lalaki at kita niya ang tuwang lumarawan sa mukha nito. Pumunta sila sa pinakamalapit na restaurant upang mag-usap.
"What do you want to duscuss?" she asked formally.
"I want to apologize of what I did before. Alam kong naging gago ako at pinagsisisihan ko iyon" Gaelle couldn't hide the surprise look on her face upon hearing that. She wasn't expecting that he would actually apologize to her.
"Sinabi ko naman sa'yo; everything's fine. You don't have to worry about that kasi wala na sa'kin ang nangyari noon" tumango ito saka ngumiti ng tipid.
"I hope I am not late yet" her eyebrows creased.
"What do you mean?"
"I still love you, Gaelle" nagulat man siya pero hindi na siya nagpahalata pa. Lihim niyang inobserbahan ang puso pero nanatili iyong normal sa pagtibok. Now, she confirmed that she really doesn't have any special feelings towards him.
"I'm sorry, Pierre, but----" she stopped mid-sentence when Pierre suddenly took her hand and then kissed it. She was caught off guard that she couldn't react right away. Akma niyang hihilain ang kamay mula rito nang bigla na lamang may humila sa kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito.
Pareho silang nagulat nI Pierre at napatingin sa kung sino mang gumawa no'n.
"You?!" biglang tumayo si Pierre pagkakita sa bagong dating.
"I already told you before to know your place" Anang binata na bagong dating. Halata ang galit sa gwapo nItong mukha. Si Gaelle naman ay parang namamalikmata na nakatitig rito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. He's here, he's really here!
Ayaw man niyang aminin pero bumangon ang tuwa sa kanyang puso. Hindi niya inaasahang pupunta ito sa France!
"Wala kang karapatang sabihin sa'kin yan! Kung ayaw mong sabihin ko kay Gaelle ang ginawa mo sa akin noon, umalis ka na" sagot naman nI Pierre na nanghahamon. Kellan's fists tightened in anger.
"Don't you dare" Kellan threatened. Pierre smirked.
"Do you want to know something, Gaelle?" Pierre asked.
"What do you mean?" takang tanong ng dalaga.
"Alam mo bang siya ang dahilan kung bakit hindi na ako nagpakita sa'yo noon?" napakunot-noo siya.
"Umalis ka na habang may pasensya pa ako" Kellan warned in controlled rage. His eyes were blazing with fire and she could tell that he would do something violent to Pierre any moment now. Pero kahit ganun ay gusto niyang marinig ang gusto nitong sabihin.
"Let him talk. Gusto kong marinig ang sasabihin niya"
"Pero-" before Kellan could complete his sentence, Pierre spoke.
"He threatened me not to get close to you before. Binantaan niya ako na matatanggal ako sa trabaho kapag hindi kita nilayuan. Kahit pa ayaw kong gawin iyon ay wala akong nagawa. Kaibigan niya ang may-ari ng kompanya kung saan tayo nagtratrabaho noon. He's not a good man, Gaelle. Masama siyang tao"
"Is that true?" Gaelle asked Kellan through gritted teeth. 'Di siya makapaniwalang magagawa nito iyon.
"Let me explain, chérie" his voice was begging as he stared at her. His face softened too. Napatingin si Gaelle sa paligid at napansin niyang nakatuon na pala ang mga tingin ng tao sa kanila. She stood up and then walked out of the restaurant briskly.
Narinig niya ang pagtawag ng dalawang lalaki saka ang patuloy na pag-papalitan ng mga ito ng salita. Alam niyang nag-aaway ang mga ito dahil sa kanya pero wala na siyang pakialam pa.
Ayaw niyang ma-stress dahil sa mga ito dahil nakakasama iyon sa baby niya. Sa inis ay dire-diretso siyang pumunta sa parking lot. Masaya siyang makita si Kellan pero naroon rin ang galit dahil sa nalamang ginawa nito.
Akma siyang sasakay sa kanyang kotse ng marinig niya ang komosyon sa labas ng restaurant. Lumingon siya roon at nakita niya ang dalawang lalaki na halos magpatayan nap ala. They were fighting like two raging bulls.
Panic rose within her. Bumalik siya roon.
"Stop it!" hiyaw niya pero parang walang naririnig ang dalawang lalaki.
"Ano ba, tama na!" aniya ulit pero nagulat siya nang biglang sumakit ang kanyang tiyan. Napatigil siya saka napahawak siya tiyan.
"Ahhh!" she groaned in pain. She felt something warm on her inner legs and when she felt it up with her palm, her eyes bulged when she realized that it was blood!
"Chérie, are you okay?" nag-aalalang dinaluhan siya ni Kellan. The corner of his lips was bloody. Tumigil nap ala ang mga ito sap ag-aaway.
"I-It h-hurts----my s-stomach h-hurts" napatingin ito sa dugo sa kamay at legs niya at ganun na lamang ang takot na lumarawan sa mukha nito.
"Oh, my God! Dinudugo ka! Stay put, dadalhin kita sa ospital" anito saka siya binuhat at dali-daling isinakay sa sasakyan. Panay ang usal nito ng 'sorry' sa kanya habang nagmamaneho. Nakita niya na umiiyak na ito. Pati siya ay 'di mailarawang takot ang nararamdaman.
Masakit pero wala sa nadarama ang concern niya kundi sa kanyang anak.
Mamaya pa ay unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Kahit ayaw niyang pumikit dahil sa takot na baka kung anong mangyari sa dinadala niya ay wala siyang nagawa.
Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Kellan ng paulit-ulit bago siya lamunin ng kadiliman.
PARANG dinudurog ang puso ni Kellan habang nakatingin kay Gaelle. Kinuha niya ang kamay nito saka iyon hinagkan.
Pumunta siya rito sa France upang sundan ito at bawiin pero ganito ang nangyari. Kasalanan niya ang lahat. Masyado siyang nagpadala sa selos nang makitang hawak ng ibang lalaki ang kamay ng dalaga.
Sa lahat ba naman kasi ng makikita niya ay iyong tagpo pa na iyon. 'Di niya napigilan ang sarili at nangyari ang nangyari.
"Patawarin mo ako, chérie. 'Di ko sinasadya" bulong niya ulit rito. 'Di na niya mabilang kung ilang beses na niya iyong inusal mula pa kanina. Hinagkan niya ang noo nito saka ang mga labi nito. Hinaplos niya ang tiyan nito saka iyon hinagkan.
"I'm so sorry, baby. 'Di sinasadya ni daddy" aniya habang umiiyak. Muntik nang makunan ang dalaga dahil sa kagagawan niya. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa mag-ina niya kung hindi ay hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili.
Maya-maya pa ay gumalaw si Gaelle saka unti-unting nagmulat ng mga mata. Happiness filled him but at the same time, he felt reluctant and scared to what she might do upon seeing him. Nang makita siya nito ay galit ang lumarawan sa magandang mukha nito.
"A-Ano'ng ginagawa mo d-dito? Umalis k-ka na" he shook his head vigorously. Alam niyang ito ang magiging reaction nito pero hinding-hindi niya ito iiwan.
"No. Hindi kita iiwan, chérie. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na kita iiwan pa sa oras na mahanap kita. Mahal na mahal kita at kayo ng anak natin ang buhay ko. Patawarin mo ako kung ganito ang nangayri sa muli nating pagkikita. Hindi ko sinasadya. Maniwala k asana. Wala sa intension ko ang manggulo. 'Di ko lang napigilan ang selos nang makita kitang kasama ang lalakign 'yon. Please, forgive me, chérie" buong pagpapakumbaba na aniya.
"I d-don't want to s-see you, right now. Get out!" dahil sa takot nab aka kung ano ang mangyari rito ay napilitan siyang lumabas. Pero bago pa man siya lumabas ng silid ay nagsalita siya.
"Dito lang ako sa labas, chérie. Hindi ako aalis. Ikaw at ang anak natin ang pinakamahalaga sa akin at hinding-hindi ako papayag na mawala pa kayo sa'kin. I love you so much, chérie. You and our baby are my everything. Mamamatay ako kapag iniwan ko kayo kaya hinding-hindi ko na gagawin pa iyon kahit kailan" nakita niya ang pagbabago sa expression nito.
Her face mellowed. Buong pagsuyo niya itong tinitigan pagkatapos ay lumabas upang bigyan niya ito ng panahon upang mag-isip. Alam niyang galit ito pero gagawin niya ang lahat upang amuin ito. Mahal na mahal niya ito at hinding-hindi siya papayag na mawala ulit ito sa kanya.
****
Ano ang masasabi niyo sa chapter na 'to guys?
COMMENT
VOTE
SHARE
FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro