six
A/N: Sorry po for always updating this story late. Sa totoo lang po, nahihirapan akong magsulat ng tagalog pero i'm trying my best. Natatagalan din po kasi ini-edit po ng kaibigan ko. Marami po kasi akong mali. Hindi kagaya nung mga english stories ko na ako lang ang nagsusulat at walang tulong galing sa iba. lol. Sana maintindihan niyo po.
****
"SINO BA ang tinatakbuhan mo, cousin? Parang may humahabol sa'yo kaninang pagsakay mo" Ani Enricko habang sakay sila ng kotse nito.
"Kaya nga, bruha. Ano ang drama mo?" Tanong naman ni Gia habang ngumunguya ng chewing gum. Gaelle looked at her cousins, especially Gia.
"What happened to your lips? Have you turned into a witch?" Tanong ng dalaga habang nakatingin sa kulay itim nitong lipstick.
"What? Me? Ang ganda ko namang witch niyan" Gia said full of confidence and brushed her hair though her fingers. Gaelle rolled her eyes.
"Anyway, 'wag mong ibahin ang topic. Bakit parang may humahabol sa'yo kanina?" Napabuntong-hininga siya. Ang kulit talaga ng mga ito kahit kailan.
"No one. Excited lang akong makita kayo" Sagot na lang niya at ngumiti ng matamis.
"Hay naku. Sige na nga" Enricko said sarcastically which made Gaelle chuckle.
"Saan pala tayo pupunta? 'Di ba tayo pupunta sa bahay nila lola?" Bigla siyang nalungkot pagkaalala sa kanyang lolo at lola. Malapit siya sa mga ito at nong dumating siya dito sa Pilipinas noong isang araw ay gusting-gusto niyang bisitahin ang mga ito pero nag-alangan siya. Mula nang malaman niyang 'di pala niya ina ang maman Belinda niya ay natakot siyang magpakita sa mga ito. Baka alam na ng mga ito na 'di siya totoong apo ng mga ito at itaboy siya.
Mababait ang mga ito pero natatakot talaga siya sa magiging reaction ng mga ito pag nagkataon.
"Doon naman talaga tayo pupunta. Tapos bar hopping tayo mamayang gabi" Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Pero 'di ako nakapagpaalam na gagabihin ako" Alam na ng mga ito ang sitwasyon niya pero hindi pa ang mga lolo at lola niya.
"Eh 'di tumawag ka. Ano ka ba naman, cousin. Simpleton" She rolled her eyes at Gia.
"Oo na! Ikaw na ang magaling" Natawa naman ang mga ito.
PAGLABAS ni Gaelle sa kotse ay mas lalo siyang kinabahan. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Calm down. It's going to be alright" Bulong ni Enricko at inakbayan siya papasok sa bahay ng grandparents.
"Mamie, Papie, Gaelle is here" Gia announced. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga ito galing sa silid ng mga ito at excited na sinalubong siya ng yakap.
"Nandito pala ang paborito kong apo na taga France" Masayang sabi nang mamie niya at yumakap dito, ganun din sa papie niya.
"Ako lang naman po ang apo niyong taga France" Biro niya na ikinatawa naman ng mga ito.
"Kaya nga, cousin. Ikaw ang paborito nilang apo na taga France tapos kami naman ang paborito nilang apo sa Pilipinas. O 'di ba? Bongga" Ani Enricko na nag-beautiful eyes pa habang si Gia naman ay pinaikot ang mga mata.
"Asus. Pinahaba niyo pa. Paborito nila tayo'ng lahat. Simpleton" Si Gia na ngumunguya pa rin ng chewing. Pinalobo pa. It's Gaelle's turn to roll her eyes at Gia. Kung maka-simpleton talaga 'tong bruhang 'to...
"Tama na nga yan. Para kayo'ng mga bata. Ano ba ang nangyari apo at umuwi ka nang 'di man lang nagsasabi?" Ang papie niya.
Napalingon siya sa kanyang mga pinsan bago bumuntong-hininga.
"K-Kasi po ano....."
"Ano'ng ano, apo?" Ang mamie niya at hinawakan ang kamay niya. She looked worried.
"Mamie, papie...Alam niyo po ba na 'di niyo talaga ako apo?" Tanong niya sa mahinang boses at nagbaba nang tingin. Kinakabahan siya at 'di niya kayang tingnan ang reaction ng mga ito. She bit her bottom lip as tears started brimming her eyes.
"Alam namin, apo. Matagal na. Teka, bakit naiiyak ka yata?" Anang mamie niya at inangat ang mukha niya.
"I-I just thought that you d-didn't know about it tapos baka 'di niyo na ako matanggap"
"Hay naku. Ikaw talaga. Magagawa ba namin sa'yo yun? Kahit ano'ng mangyari, apo ka namin. Lagi mong tatandaan yan. Am I understood?" She nodded her head happily and hugged her mamie.
"Ako ba, walang yakap?" Natawa na lang siya at niyakap din ang lolo niya.
"Kami rin, pasali naman kami"
"Kaya nga, unfair" Ani Enricko at Gia at nakiyakap na rin. Nagtawanan na lang sila pagkatapos.
PARANG sinisilihan ang puwet ni Kellan habang nakaupo sa kayang kotse. Kanina pa pumasok sina Gaelle sa loob ng bahay na 'yon pero hanggang ngayon 'di pa rin lumalabas ang mga ito. Kung 'di lang niya nakitang may kasama rin itong babae, kanina pa niya pinasok ang bahay.
He looked at his wristwatch to check the time and it was already 2 pm. Damn, he's hungry!
Nang 'di na siya nakatiis, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ng dalaga. Pero nakailang ring na pero 'di pa rin nito iyon sinasagot. He's beginning to lose his patience. He tried again but it's still the same. She's not picking it up. Damnation!
NATATAWA na lang sina Gaelle at Enricko dahil sa itsura ni Gia habang naghuhugas ng mga gulay. Plano nilang magluto ng spring rolls pero dahil hindi naman ito marunong magluto, nagprisenta na lang na ito ang mga huhugas ng mga gulay. Pero ayon at halos panggigilan na ang mga kawawang gulay.
"Oy, bruha. Ang totoo, galit ka ba?" Asar ni Enricko rito.
"Why would I? Nabasa ko kasi sa internet na dapat hugasang mabuti ang mga gulay para matanggal ng mga mabuti ang mga dumi" Ngisi nito.
"Hay naku. Ilagay mo na nga lang dito at nang maumpisahan nang i-slice" Ani Gaelle.
Pagkatapos nilang iprepare lahat ng ingredients at mabalot iyon ay ipi-prito na sana nila nang mapansin nilang wala na palang mantika.
"Hay naku, walang mantika mga bakla. Bili tayo" Si Enricko. Napaikot naman ang mga mata ni Gia.
"Hello? Alangan namang pupunta pa tayo'ng lahat?" Reklamo nito. Napabuntong-hininga na lang siya sa mga pinsan.
"Ako na. Malapit lang naman" Prisenta na lang niya. Knowing her cousins, magtuturuan lang ang mga ito kung sino ang pupunta. Malapit lang naman.
Paglabas niya ng gate ay nagtaka siya nang biglang tumahip ang puso niya. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya. 'Di na lang niya iyon pinansin at naglakad na. Liliko na sana siya nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod at tinakpan pa ang bibig niya.
Bigla ang pagguhit ng takot sa pagkatao niya. Sinubukan niyang sumigaw pero dahil sa tinakpan nito ng kamay ang bibig niya ay 'di siya makasigaw. Nagpumiglas din siya pero masyadong malakas ang lalaki.
NAPATINGIN siya sa kanyang paligid pero nagkataon namang walang tao. Oh no! I need to escape! 'Di niya alam pero parang pamilyar ang amoy nito. Nang 'di talaga siya makawala ay kinagat na niya ang palad nito na dahilan upang pakawalan siya at mapasigaw. Tatakbo na sana siya nang marinig niya itong nagsalita.
"Why did you bit me?!" He asked exasperatedly. Kellan?!
Humarap siya rito at nakita niya ang sakit na nakalarawan sa mukha nito habang hinahaplos-haplos pa ang kamay nito at hinihipan na parang bata. Gusto niyang matawa sa itsura nito pero nangibabaw ang inis.
"Buti nga sa'yo! Were you trying to kidnap me?!"
"Kidnap? Why would I kidnap you when we live in the same roof? Are you kidding me?" Inis na sabi nito. Inirapan niya ito at tinalikuran.
"Bahala ka sa buhay mo!" Inis niyang sabi.
"Teka, where are you going? Chérie!" Habol nito pero 'di niya pinansin. Nang makarating sa convenince store ay pumasok siya roon at hinanap ang pakay. Kukunin na sana niya ang mantika nang unahan siya ni Kellan.
"Ito lang ba ang bibilhin mo?" Tumango siya habang nakakunot-noo rito.
"Let's go then" Hinila nito ang kamay niya kaya napasunod na lang siya.
"Good afternoon sir" The cashier greeted him while looking at him dreamily. Sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam naman siya ng inis dahil parang 'di siya nito nakikita. Halata itong nagpapa-cute sa binata. She even bit her bottom lip while looking at Kellan seductively.
"Miss, ito yong bayad" Narinig ni Gaelle na sabi ng binata sa babaeng tila nabato-balani na.
"Miss?" ulit ni Kellan na ngingiti-ngiti pa.
"Miss, ito yung bayad ko! Pwede bang pakibilisan kasi nagmamadali ako! Hindi yung puro pagpapa-cute ang ginagawa mo" Inis na sabi ni Gaelle at binigay rito ang perang dala. Parang napahiya naman ang babae.
Pagkatapos niyang magbayad ay nagmartsa na siya paalis at hindi na hinitay pa ang lalaki. Napakalandi talaga ng lalaking 'yon! Gustong-gusto naman niyang tinititigan siya ng bruhang 'yon!
"Gaelle, wait!" Rinig niyang habol ni Kellan pero mas binilisan pa niya ang paglalakad. Pero dahil mabilis din ito ay naabutan din siya.
"Why did you leave me there? I was supposed to be the one to pay for that damn thing!" Iritado nitong sabi na nakaharang sa daraanan niya. She rolled her eyes.
"Ako ang kumuha nito kaya ako dapat ang magbayad. Tsaka, bakit ba? Dapat 'dun ka na lang. Mukhang enjoy na enjoy ka ngang makipagtitigan sa babaeng 'yun eh" Napatanga ito bago napangisi.
"Do I smell jealousy?" He teased.
"In your dreams!" Inis na sabi niya sabay tulak sa balikat nito bago nilampasan at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa bahay ng mga abuelo. Ngunit bago pa man siya nakapasok sa gate ay nahila na nito ang kanyang kamay.
"Where do you think you're going? Kaninong bahay 'to?"
"Ano ba'ng pakialam mo? Teka nga muna, ano ang ginagawa mo dito at pa'no mo nalamang nandito ako?"
"Syempre sinundan kita. Sino ang lalaking kayakap mo kanina? Don't you dare tell me that he's your boyfriend or else—"
"Or else what?" She said and met his fiery eyes with equeal emotion. She could see the anger and jealousy in his eyes.
"Trust me, chérie. You won't like what my answer to your question so if I were you, just f*cking tell me who was that man" Sabi nito sa mapanganib na tono. Ito ang unang beses na nakita niya ito na ganito at nakaramdam siya ng takot, hindi para sa sarili niya kundi para sa pinsan niya. Napalunok siya.
Sasagot na sana siya nang marinig niya ang boses ni Enricko. Gosh! Bakit lumabas pa siya?!
"What's happening here, Gaelle?" Tanong ng pinsan. Kahit na gay ito ay pormang lalaki pa rin ito pero nagtaka siya dahil seryoso ang mukha nito at pati boses ay naging parang tunay na lalaki na.
"W-Wala. Nagtatanong l-lang siya ng d-direksyon" She stammered. Sh*t!
Nakita niya ang pagkunot noo ng pinsan habang nakatingin kay Kellan. Nag-angat siya ng mukha upang tingnan si Kellan pero ganun na lang ang kaba niya nang makita kung paano gumalaw ang panga nito habang nakatingin din kaya Enricko.
"Ganon ba? Kung nasagot mo na ang tanong niya, tara na para makaluto na tayo" Enricko said and to her horror, he put his arm over her shoulders and pulled her closer to him.
"Get your hands off of her or else I'm going to break your neck" Napatigil silang dalawa ni Enricko.
"Ano'ng sabi mo?" Tanong ng pinsan at hinarap si Kellan habang siya naman ay pinagpapawisan na ng malapot. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to?
"Narinig mo kung ano'ng sinabi ko" Akala niya ay susunod si Enricko dito pero nginisian lang niya ang binata.
"Pa'no kung ayaw ko?" Nakakaloko nitong tanong.
"Enricko, ano ba? Pasok na lang tayo" aniya at hinila ito sa braso. Papasok na sila sa pintuan nang 'di niya mapigilan ang sarili at lingunin si Kellan. Nandon pa rin ito sa kinatatayuan habang galit na nakatingin sa kanila. Nagmamadali na lang siyang pumasok dahil 'di niya kayang tingnan ang galit nito.
"HOY BRUHA, sino ang pogi'ng 'yon?" Usisa ni Enricko sa kanya nang makapasok na sila sa bahay.
"W-Wala"
"Ano'ng wala? Niloloko mo ba ako? Halos patayin na ako sa tingin tapos wala?" He said while looking at her like a hawk. She swallowed hard.
"K-Kasi ano...Stepson siya ni mom---ng totoo kong ina" Tumaas ang kilay nito saka ngumisi.
"Ay, ang swerte mo naman at may gwapo kang kapatid" She cringed at the that.
"He's not my brother, cousin. 'Wag kang yucky"
"Yucky? Bakit? Don't tell me, may nangyayaring milagro sa inyo ng macho'ng 'yon?" Nag-iwas siya ng tingin.
"Hoy, Gaelle, sagutin mo nga ako. Boyfriend mo ba 'yon?"
"Hindi nga"
"Hindi daw. Ewan ko sa'yong babaita ka. Kung 'di naman pala eh 'di ibalato mo na lang siya sa'kin. Hmmm. Ang yummy niya, huh" Malanding sabi nito na ikinaikot na lang ng mga mata niya.
"Bahala ka nga!" Asik niya at iniwan ito. Narinig pa niya ang malakas na halak-halak nito.
"Oh, ano'ng nangyari sa'yo? Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Gia na nakaupo sa dining chair habang nagce-cellphone.
"Hay naku. Yang pinsan natin, may sekreto pang nalalaman. Bukong-buko ko na nga" Singit ni Enricko. Ang daldal talaga ng baklang 'to!
Gia cocked her eyebrow up.
"Ano namang secret yan na 'di ko pa nalalaman, aber?" Gia asked. Enricko was about to open his mouth when Gaelle stepped on his foot.
"Aray!"
"Ay, sorry. 'Di kita nakita. Nandiyan ka pala" Sinamaan siya nito ng tingin.
"Ganun? Ano ako, invisible?" Mataray na tanong nito.
"Ewan ko sa'yo. Magluto na nga tayo" Nagkatinginan sina Gia at Enricko bago sumunod sa kanya.
"Kung ano man yang secret mo, cousin, pasasaan pa at malalaman ko rin" Talagang walang planong tumahimik ng baklita. Nagkibit-balikat na lang siya at inumpisahan na ang pagluluto.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro